He's not here

Heidi's Pov....

Mga isang linggo ko na ring hindi nakikita yung lalaking yun,di rin kasi sya pumapasok sa school may mga nagtatanong nga sa akin kung nasaan na ang boyfriend ko eh hindi ko naman sya boyfriend.Kinabukasan hinatid na nya ako sa bahay.Nagulat nga si mama sa akin kasi alam nya hindi pa ako umuuwi eh,well medyo namimiss ko naman sya,pero parang ayoko muna syang makita.Kasi naman anong sasabihin ko,eh bago sya umalis nagconfess pa sya sa akin.

Flashback....

Pagkagising ko nasa kwarto na naman ako ni Adam,tiningnan ko yung buong kwarto at nalaman kong wala pala sya sa loob.Napag isipan kong tumayo na at lumabas gamit ang pintuan sa kwarto.Pagkalabas ko ay nakita kong bilog pala ang buwan ngayon,pero tumakbo na ako palabas kahit wala pa akong sapatos dahil kailamgan ko na talagang umalis dito.Pero bubuksan ko na sana yung gate pero ang dami pala nitong lock at muntikan pa akong atakihin sa puso ng may biglang tumapik sa akin."Miss saan ka pupunta?"pagkatingin ko ay si ateng cool pala ang nasa likod ko."Ah eh lalabas kasi ako kaso ang daming lock,paano ba ito buksan?"pagkasabi ko nun ay hinawakan nya yung gate."Hirake(Open)"nagulat ako sa nangyari,paanong?bigla kasing nagbukasan lahat ng lock sa gate at biglang bumukas."Voice activated ang gate pati narin ang iba pang gamit sa loob ng templo at japanese language lang ang inaidentify,isang japanese ang may ari kaya,makasisigurado kang updated din ang templo na ito sa technology.Nagulat ako dun ah,ibig sabihin may technologies din pala sila dito,hindi kasi halata kasi hindi nila ginagamit.Pero wala na talaga akong oras kailangan ko ng umalis.

"Sandali"napahinto ako bigla,hala anong gagawin ko."Bakit nakapaa ka lang?"akala ko kung anong itatanong nya."Ah oo nga no nakalimutan ko eh he.he.he."medyo awkward yung tawa ko pero sana maniwala sya.Bigla nyang kinuha yung tsinelas nya at inabot sa akin."Ito oh,kunin mo nagmamadali ka na diba?kukuha na lang ulit ako ng akin."salamat lord nagpadala ka ng anghel.Pakakuha ko ay lumakad na sya paalis."Saglit"tumingin sya akin"Um anong pangalan mo?"ngumiti sya sa akin at sobrang ganda nya pramis half siguro sya,singkit eh."Ako si Gisselle Anne Kaneshiro you may call me Gian,I'm a half japanese and filipino at I'm one of Kuro's assassins,oh,pinsan ko nga pala si Adam"what?!Grabe tama ako half nga sya at pinsan pa nya si Adam ah,pero speaking of Adam,kailangan ko na talagang umalis dito.Dali dali kong sinuot ang tsinelas at mabilis na tumakbo."Bye Gian salamat sa tsinelas"winawagayway lang nya ang kamay bilang pagbabye nya sa akin.Ang dami ko na namang nalaman ngayon.

Takbo lang akong takbo pero parang naliligaw na ako bakit kasi sa gubat pa nila tinayo yung templo,wait ang tanga ko talaga base nga pala nila yun.Nasaan na ako tulungan mo ako anghel please.

*awoooooo!!!*

Mama gusto ko na pong umuwi,mama natatakot po ako.Please kahit sino tulungan nyo ako..

*Tssh*

Napatigil ako dahil may narinig akong mga kaluskos at pagkatingin ko napakaraming aso na pinalilibutan ako.Wala na nabato na talaga ako sa pwesto ko napakadami nila."Adam tulungan mo ako,huhu"wala na talaga natatakot na talaga ako naiyak na ako eh.Napakatanga ko,bakit kasi ako tumakbo nagtapat lang naman sya sa akin,hindi naman nya ako papatayin eh,grabe bakit kasi napakaduwag ko huhu.Niyakap ko na lang ang sarili ko at naghintay na makalapit ang mga aso.Pero maya maya may yumakap sa akin sa likod.

Hindi ko na kailangang lumingon para makita kung sino sya dahil isa lang naman ang taong kilala ko na mahilig mangyakap,hindi ko na talaga kaya,kaya umikot ako at niyakap sya ng napakahigpit at duon na ako umiyak."Nakakabwisit naman tong lugar na ito eh,bakit nasa gubat,bakit ang daming aso huhu"para akong tanga, nasagot ko na sa isip ko yung isang tanong na yun pero tinatanong ko na naman."Shhh don't cry,mga bantay lang sila dito,tingnan mo"pagkalingon ko ay nakita kong nakaupo ang mga aso habang nakalabas ang mga dila.Kyah ang cute nilang lahat,binitawan ko na si Adam at niyakap ang isa sa mga aso.Grabe napaka over reacting ko naman,napakacute pala nilang lahat."Pinahanap kita sa kanila,alam ko kasing maliligaw ka sa gubat eh"wait parang may iba sa lalaking ito."Bakit ka nagtatagalog?"ngumiti lang sya ng nakakaloka."Well diba sabi mo magtagalog ako dahil nasa pilipinas naman ako"pagkatapos nyang sabihin yun ay nilahad nya yung kamay nya sa akin."Tayo na iuuwi na kita sa inyo"pagkatapos nun ay bumalik kami sa templo para kunin lahat ng mga gamit ko at hinatid nya na ako sa bahay.Di na kami dumaan sa gate at pintuan sa harap dahil sa kwarto ko mismo nya ako dinala gamit ang bintana alam nyo na umakyat sya habang karga karga ako.Pagkatapos ay umalis na sya.

End of flashback...

"Miss Hernandez bakit laging absent ang katabi mo,malapit na ang exam at transferee lang sya"nagulat ako kasi biglang kinausap ako ni Sir Tiongson."Hindi ko po alam Sir eh,nung isang linggo ko lang rin po sya huling nakita."napaisip naman si sir sa sinabi ko."Ganon ba,pero pagnakita mo sya sabihin mo pumasok na dahil di ako magdadalawang isip na ibagsak sya,at isa pa nga pala."pahabol pa ni sir sa akin.

"Bantayan mo ang boyfriend mo Miss Hernandez"sinabi nya yun ng may mapanuksong mukha,hala hindi naman talaga kami bakit laging yun ang sinasabi nila nakakainis lang ah.

"Heidi ang tagal ng hindi pumapasok ng boyfriend mo ah,siguro nag away kayo hihi.Kwento mo naman"isa pa tong si Sherrie "Sherrie hindi kami ni Adam bakit ganon ang tingin nyo sa amin ha?"ngumisi lang sya sa sinabi ko."Hay nako Heidi lagi kayong magkasama bago sya umabsent tapos sinabi nya pa nung unang pasok nya dito na nag aalala sya sa iyo,ikaw ha wala ba talagang kayo ni Mr.pogi hihihi"nilayo ko ang mukha nyang palapit ng palapit."Wala ngang kami"kaya ko lang naman  sya nakakasama dahil may alam ako sa kanya eh.

"Ito ba yung grade 10 section two"tumigil sa pangungulit sa akin si Sherrie dahil dun sa nagsalita."Oo ito yun"tumayo na ako at sinagot ko sya."Ikaw ba si Heidi Hernandez?"tumango lang ako sa tanong nya."Pinabibigay ito ni Sir Tiongson sa iyo,ibigay mo daw dun sa transferee"tumango lang ulit ako at kinuha yung mga hand outs at notebooks na binibigay nya.Namen oh bakit kasi ako na naman.

A Suivre....