BULWAGAN(PAGTATAKDA)

Nuong ikatlong linggo ng ikalimang araw at pangalawang buwan ng taong 1941 ay naganap nga ang pagtatakda sa unang bulwagan.

" Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang maitatakdang bagong taga pag mana ay hihirangin ng konseho bilang itinakdang Prinsipe."(wika ng hari)

Kahit na batid ng hari na maaring mag karoon ng matinding hidwaan sa pagitan ng mga angkan, ay maluwag nya paring ipinahayag ang pagtatakda sa bagong prinsipe. At kahit pa magiging isang daan ito ng pag aaklas ay nag bakasali parin siyang imungkahi ang gusto niya. Kaya naman sa harap ng buong kapulungan ay walang halong pangamba niyang inilahad ang kanyang sa loobin kasabay ng pilit na pagkubli sa kanyang malubhang karamdaman.

"Paunmanhin sa aking kapangahasan kamahalan, subalit hindi kaya napaka aga pa upang mag takda ng bagong prinsipe?(nagtataka namang katanungan ng punong ministro)

Ang pag-uusisang katanungan ng punong ministro ay nag pa hiwatig ng maraming ibig sabihin sa mga kasapi ng konseho. At dahil sa hindi tapat na kapanalig ang punong ministro,kaya bumubuo siya ng palaisipan sa utak ng mga tao sa loob ng bulwagan.

Gayunpaman, sa umpisa pa lang ay batid na ng hari na maraming tututol subalit ang bagay na iyon ay isa lamang ding paraan ng kamahalan nang saganun ay matiyak niya kung sino ang mga taong nasa panig niya.

"Anu ang ibig mong sabihin ministro?"

tanong naman ng isa sa maharlikang angkan. Kaya naman ang lahat ng nasa bulwagan ay naramdaman ang palaisipang binubuo ng punong ministro. Kung kaya't ni nais nilang tukuyin ng punong ministro ang kanyang nais na iparating

"Hindi naman siguro maitatago ang malakas na pangangatawan ng ating kakamahalan.

Madiin na sagot ng punong ministro,habang napapakita ng kanyang hindi makumbinsing reaksyon

"kaya naman papaano nyo po naisipang mag takda ng bagong prinsipe sa agarang pagpapasya?"puno na wika ng punong ministro kasabay ng bahagyang pag yuko. Subalit sa likod ng pag galang ay itinatago siyang pangungutya. Ito ay dahil batid niyang may karamdaman ang Hari, subalit hindi lang nito kayang sabihin sa lahat na ang dahilan ng kanyang pag tatakda ng bagong prinsipe ay upang itago ang katotohanang matagal ng natuklasan ng ministro ang patungkol sa karamdamang iyon. Sapagkat nuon pamang hirangin siya ng hari bilang bagong punong ministro ay may isang tagna na patungkol sa hari. Isang tagna na siya ay baba sa kanyang trono dahil sa isang malubhang karamdaman, kaya naman para sa ministro ay isa itong pag kakataon para sa tapat na angkan.

"Subalit ministro wala namang masama kung magtatakda ng bagong prinsipe ang ating kamahalan!! hindi ba mga kasama?"(tugon naman ng ikalimang ministro ng konseho) "Sang ayon ako sa sinabi ni ministro Iso, dahil mas maiging pumili ng bagong itatakda ang ating kamahalan habang siya ay malakas pa. Upang maiwasan din ang kaguluhan sa hinaharap, At Ng saganun ay maisagawa ang preparasyon para sa pagsasanay ng bagong itinakda."(pagsasang-ayon naman ng maharlikang nasa ikatlong lalawigan.

Kaya naman dahil sa pag ugong ng kanilang saloobin ay biglang napalitan ng bagong simpatsa ang mga nasa bulwagan, at sa halip na alamin ang palaisipang binitawan ng punong ministro ay nabago ng biglaan ang pananaw ng lahat tungkol sa pag tatakda ng Hari, kaya naman ng mga sandaling iyon ay nawalan na ng kakayahang tumugon ang punong ministro.

"Kamahalan, kinagagalak po naming malaman kung sino ang inyong itatakda .( wika naman ng Isa sa mga nasa tapat na angkan).

"Kamahalan, nais po naming malaman kung sino ang tinatangi nyo bilang bagong itinakda."(Tanong naman ng ikatlong ministro ng konseho).

At ang iba naman ay nag papahayag ng kani-kanilang katapatan sa pagtakda ng bagong prinsipe.

"Kung ganun, nais kong ihain sa pulong ang prinsipeng si shattu!

sagot naman ng hari sa Buong kapulungan.

Kaya naman natahimik ang lahat at mula sa ibaba ay rinig ang ani-kanilang mga bulong bulungan na para bang may mga bumabagabag sa nila, ang iba naman ay makikita na para bang bigla silang nabuhayan dahl sa mungkahi ng Hari.

Ilan pang mga sandali, haban nakaupo sa trono ang Hari ay napag mamasdan niya na hindi nag kakaisa sa pag pasya ang mga nasasakupan. Kaya naman, nakaramdam siya ng biglang pag kalungkot dahil sa isang katotohanang balang araw ay iiwan niya ang trono, bayan at mamamayan sa mga taong na sakanyang harapan.

" Kamahalan,(yuyuko) ipagpaumanhin Po ninyo, subalit si prinsipe shattu ay dalawampung taong gulang palamang kaya paano nya pamumunuan ang bayan!?(wika naman ng ikalawang anak ng Hari na si HAGAN).

Ang kanyang mga sinabi ay biglang pumukaw sa mahala na Hari. Sapagkat batid ng kamahalan na hindi talaga ito nag-aalala para sa kakayahan ng kanyang pamangkin, bagkus ito ay isang hudyat ng paninibugho dahil sa hindi siya ang pinili ng kanyang Ama.

"Hindi bat sa ganung gulang ko rin napamunuan ang bayan ng Virgania?(sagot naman ng hari at tila ang lahat ng nasa bulwagan ay sumang-ayon sa sinabi nito)

"Sang-ayon po ako sa sinabi nyo kamahalan hindi maitatanggi ang inyong kagitingan bilang Hari. Gayunpaman, hindi po ako tumututol sa sinabi ni prinsipe HAGAN sa kadahilanang hindi nyo po katulad ang prinsipeng si shattu. Maaaring nakikitaan nyo po sya ng mga kakayahan, subalit hindi po iyon sapat. Isa pa naririto at buhay pa ang inyong anak na si prinsipe HAGAN at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mahusay din sya sa pamumuno, bakit hindi nalamang sya ang inyong itakda kamahalan".(Pagpapaliwanag ng punong ministro. Kaya nang mga sandaling iyon ay napukaw ng prinsipeng si HAGAN ang attensyon ng lahat ng nasa bulwagan atsaka bago tumango-tango ang ilan na nagpapahiwatig ng kanilang suporta sa minungkahi ng punong ministro.

"Sumasang ayon ako sa mga iminungkahi mo punong ministro.(tipid na sagot ng Hari)

At dahil dito'y palihim na napangiti ang punong ministro habang bahagya nakatingin sa prinsipe dahil sa katotohanang si prinsipe Haggan ang pinag lilingkuran niya at hindi ang Hari ang bayan o ni mga mamamayan. Sapagkat tanging si prinsipe Haggan lamang ang na ahon sa kanya mula sa pagiging isang mahralika ay tumaas ang kanyang kinabibilangang angkan, dahil isa na sya sa mga nasa Tapat na angkan

"Subalit, ang pagiging Hari ay hindi lamang sa pakinabang ng iilan kundi ng buong bayan!!at hindi lahat ay ganito ang hangarin kaya nga hindi rin lahat ng prinsipe ay nakatakdang maging Hari".(matalinhagang tugon ng Mahal na Hari).

At dahil sa batid na ng mahal na Hari ang mga maaaring mangyari ay agad na siyang tumayo at nag salita upang wala nang sinu paman ang makapag salungkat sa kanya.

"Punong manunulat nais Kung maitala sa kasaysayan ang pagpupulong na ito,"(puno Ng Hari)

"Masusunod kamahalan".(tugon naman ng punong manunulat)

"At ngayon ipinahahayag ko sa harap ninyong lahat at sa bulwagang ito na si prinsipe shattu ay hihirangin bilang bagong itinakdang prinsipe ng palasyo, At sampung araw mula ngayon ay masasaksihan ng buong bayan ng Virgania ang kanyang nalalapit na pagpapakasal kayat sino mang maibigan ng prinsipe ay hihirangin bilang bagong Reyna".

Punong ministro, sa sandaling makapili ng irog ang mahal na prinsipe nais kung maisakatuparan mo at ng iyong mga kasama ang kautusan para sa araw ng paghirang sa prinsipe bilang bagong Hari."(pag uutos naman Ng Hari)

"Masusunod kamahalan"(tugon Ng punong ministro kasabay ng pag yuko niya at ng mga sumangguni sa bulwagan bilang tanda ng pag galang) .

Subalit kasabay din ng pag galang na iyon ay ang isang malaking dagok para sa kanya at sakanyang angkan ang pag tatakda sa prinsipeng si shattu.Sa kabilang banda naman ay pansin at dama rin ng mahal na Hari ang labis na pag kadismaya sa sarili ng kanyang anak na si prinsipe Haggan.

At ayon nga sa kautusan ng Hari ay wala ng nagawa pa ang lahat, sa halip na sumalungat ay sumangyon nalamang ang mga nasa bulwagan. Subalit kasalungat din ng katotohanan ay ang hindi maiwasang pagiimbot ng kalooban.