Nuong gabing nagkaroon ng piging ang palasyo ay nag patawag naman ng mang gagamot ang taga pag bantay ng hari at sa silid kung saan nag papahinga ay isiniwalat ng mang gagamot ang malubhang sakit ng kaniyang kamahalan kung kaya't ipinatawag ng hari sa kanyang tagapag bantay ang mahal na reyna at ang punong taga pagpayo ng palasyo.
"Anu ang lagay ng mahal na hari"
Nung mga sandaling iyon ay mababakas sa muka ng reyna ang labis na pag-aalala, bagamat batid nya man, na nuon pa'y may dinaramdam na nga ang Hari. Subalit ni kahit minsan ay hindi sumagi sa isip nya na maaaring lumala ang kalagayan nito
" Mahal na reyna ikinalulungkot ko pong sabihing malubha na ang karamdaman ng kamahalan, napansin ko na hindi pang karaniwan ang tibok ng kanyang pulso kasabay nitoy natutuyo ang kanyang mga labi at nahihirapan siyang huminga, isa po itong sintomas na mayroon siyang sakit sa puso. Kaya naman ang kalabisan sa pag-aalala at pag-iisip ng sobra ay hindi makakatulong para sa kamahalan, kung kayat kailangan nya ng mas maiging pahinga."
Nag-aalangan man ang mang gagamot na tukuyin at sabihin ang kalagayan ng hari, dahil nga sa batid nito na sa sandaling malaman ng lahat ang karamdaman ng kamahalan ay tiyak na mag kakaroon ng kaguluhan, lalo nat batid nya ring humihina ang estado ng palasyo.
Ang mang gagamot na ito, ay matagal nang naglilingkod sa palasyo at maging sa hari, Kaya naman batid niya ang ginawang pag sakripisyo nuon ng hari upang mabawi ang bayan ng Virginia, Kaya para sa kanya, ang karamdaman ng Hari ay magiging kawalan ng pag-asa ng lahat.
Matapos ipahayag ng mangagamot ang patungkol sa karamdaman ng Hari, ay pinuno naman ng katahimikan ang buong silid. Kung saan ay tanging kalungkutan ang syang bumalot at puno sa buong silid ng Hari. Kaakibat din nito ay ang pag daramdam ng kalooban ng reyna na hindi maitatanggi sapagkat habang naka tingin sa kanyang asawa ay tila sasabog ang kanyang puso sa katotohanang matagal na silang mag kasama, subalit ni kahit minsan ay hindi man lang niya napansin na dumaing ang Hari. Iniisip niyang maaari ngang matagal na itong nahihirapan subalit hindi lamang ito nag sasalita sapagkat nuon paman ay inuuna na nito ang kapakanan ng buong bayan at mamamayan.
"Taga pag payong akil, nais kung mag sagawa ng pag pupulong sa unang bulwagan upang maipabatid ang bagong itatakdang hari na papalit sa aking trono."
Ang bungad na sabi nuon ng hari sa kanila habang bakas ang labis na panghihina nito dahil sa matamlay niyang pag kilos at pabulong nitong tono. Sa kabilang banda ay labis naman ang kanilang pag kagulat dahil sa iminungkahi ng Hari
"at isa pa, ipasundo mo ang punong maestro sa bundok ng kuhom"
Punong utos pa niya
"Masusunod kamahalan"
atsaka ito yumuko bilang tanda ng pag galang
"Maaari nyo ba kaming iwan ng kamahalan?"
Ang mahinahong utos ng reyna sa mangagamot, at taga-pagpayo, dahilan na mag katinginan ang dalawa, Kaya naman tumango din ang Mahal na Hari bilang pag sang-ayon sa sinabi ng reyna. Kaya nga nung pag kakataong iyon ay nilisan nga ng mangagamot at taga-pagpayo ang silid ng Hari.
Mula nang mabawi ang bayan ng Virgania ay batid na ng reyna ang bigat ng tungkuling nakaatang sa balikat ng kanyang asawa. At bilang isang Reyna, tungkulin din niyang suportahan at pahalagahan ang mga bagay na pinahahalagahan ng Hari. Kaya nga kahit na siya pa ang asawa nito ay wala siyang ginawa kundi ibuhos ang panahon sa pamamalakad ng buong kaharian.
Makalipas ang ilang sandali ay tumayo naman ang Mahal na reyna at tumungo sa salansanang yari sa tabla, at duon ay kumuha siya ng maliit na kapiraso ng tela atsaka siya ulit umupo sa Tapat ng kamahalan , kung saan ay marahan niyang pinunasan ang braso ng kanyang asawa.
Habang nakatingin sa kalagayan ng kanyang asawa ay maraming mga bagay na pumasok sa kanyang isipan. Kung saan ang mga bagay na ito ay pinupuno ng labis na kadalamhatian.
"Mahal ko, batid ko ang iyong naramdaman"
tugon ng Hari na tila ba nabasa nito ang iniisip ng reyna, kasabay nito ay marahan niyang ikinilos ang kanyang kamay upang abutin ang mukha ng kanyang asawa atsaka niya hinawi ang mga luha nito.
"Kamahalan, bilang reyna napaka raming bagay dito sa palasyo ang iniutos mong alagaan ko, at lahat ng yon ay sinusunod ko. Subalit kamahalan, may Isang bagay na hindi mo inutos sa akin, at ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko ang bagay na, ikaw naman ang ALAGAAN ko. Labis akong nag dadamdam kamahalan, sapagkat lahat ng bagay ay nakikita ko, maliban sa iyong mga hinaing."
Nung mga sandaling iyon ay bumagsak ang luha sa mga mata ng Reyna dahil sa mag kahalong lungkot at takot na kanyang nararamdaman. Kung kaya't nabalot ng pag daramdam ang kanilang mga kalooban. Kung saan dahil sa takot na mawala ang isat-isa ay bago lamang nila naramdaman ang pagmamahal sa kanilang mga puso dahil sa napaka tagal na ng panahon na hindi man lang nila nagawang mahagkan ang isat-isa. At Ngayon ay napagtanto nilang maaaring huli na ang lahat.
Matapos ang gabing iyon, kinabukasan ay nag padala ng mensahe sa ibat-ibang lugar ang Mahal na hari,ang mensaheng naglalaman ng isang sagradong paanyaya, at ayon sa mensahe ay inaanyayahan ang tapat na angkan, maharlikang angkan at ang sagradong angkan na dumalo sa pag pupulong upang maging saksi sa magaganap na pagtatakda sa Prinsipeng hihirangin bilang taga pagmana ng korona.
Ayon din sa parehong araw na pagtanggap ng mensahe ay nagkaroon naman ng mga pagpupulong ang panig ng bawat angkan, nangyayari ito upang hindi malihis ang mga kagustuhan nila at maging isa ang kani-kanilang suporta.
Bago mag dapit hapon ay nakabalik na ng palasyo ang mensaherong si mathaman na dala-dala nuon ang mga kasagutan na silay dadalo sa magaganap na pagpupulong sa sinabing bulwagan, at nakatala din duon ang listahan ng mga angkang pupunta sa araw ng pagtatakda.
Sa kabilang banda naman ay pinasundo ng tagapayong si akil ang kapatid ng hari na si Punong maestro pitan, na sa kasalukuyay nagsasagawa ng pag-aalay sa bundok ng kuhom.