~00~ Painful Death

"Daddy!" Masayang salubong ng twelve years na si Kara sa ama pagpasok nito ng bahay.

Na-miss niya ito ng sobra. Halos isang linggo silang hindi nagkita dahil may business trip itong pinuntahan.

"Kara love." Nakangiting bati ni Wendell sa kanya. He pulled her into a tight hug and scooped her, lifting her from the ground.

She giggled. Hindi siya malaking babae. Sakto lang ang height niya at medyo slim ang kanyang katawan. Kaya kayang-kaya siyang buhatin ng ama. Sa laki ba naman ng katawan nito. Not fat, just muscular.

"You are really my superman." Nakangiting tiningnan niya ang mukha nito.

"I will always be for you." He smiled at her lovingly.

Lalo niyang niyakap ang ama. She rested her head on his shoulder.

"I miss you, you know." Naka-pout na sabi niya.

Wendell walked towards the sofa habang buhat-buhat pa rin siya. Marahan siya nitong ibinaba sa sofa ng makarating sila doon.

"I know. I miss you too so much, Kara." Ginulo nito ang buhok niya. "By the way may pasalubong nga pala ako sayo." Sabi nito saka binuksan ang isang maliit na maletang nasa ibabaw ng coffee table.

Excited na pinanood niya ito habang binubuksan ang maleta. Tumambad sa kanya ang maraming chocolates na iba-ibang klase.

"Chocoooolaaaaaatesss!" She shrieked happily habang nagnining ang mga matang nakatingin sa mga iyon.

Wendell laughed. "Pero ito ang pinakaimportanteng pasalubong...no let's say regalo ko para sa 18th birthday mo." He started digging inside the pocket of his black leather jacket for something.

Agad siyang kumuha ng isang bar ng Cadbury with Fruits and Almonds. Takam na takam na binuksan niya iyon saka kumagat.

"Hmmmm. This is heaven." Ipinikit niya ang mga mata habang ninanamnam ang tsokolate.

"He--Kara hinay-hinay lang sa pagkain. Wala ka namang kaagaw." Natatawang sabi ng daddy niya ng makita kung paano niya lantakan ang bar ng tsokolate.

"It's so masarap kasi dad e." Sagot niya habang tinatanggal ang foil.

"I know. Anyway, here." Iniabot nito sa kanya ang isang maliit na black velvet box.

"Ano 'to?" Curious na tanong niya saka binuksan ang box. Nangungunot na itinaas niya ang laman niyon. "Susi? Para saan dad?" Takang tanong niya habang pinagmamasdan ang susi na mukhang napag-iwanan na ng panahon. Halatang gamit na gamit na iyon.

"For something very, very important. Pero ipangako muna sa 'kin na gagamitin mo ang susing 'yan when you turned eighteen." Nawala ang ngiti sa mukha nito. Napalitan iyon ng kaseryosohan.

"What? Matagal pa 'yon daddy." Naka-pout na sabi niya. "Bakit hindi ngayon na?"

Umiling ang daddy niya. "You'll have to wait, love. It won't be that long anyway." Sagot nito saka muling ginulo ang buhok niya.

Hay naku, bahala nga ito. Basta ang importante ay magkasama na uli sila at marami siyang chocolates.

MABILIS na bumaba ng hagdan si Kara ng marinig ang pagbukas ng makina ng kotse ng daddy Wendell niya kinabukasan ng umaga.

"Daddy!" Malakas na tawag niya dito habang tumatakbo palabas ng bahay.

Tamang-tama naman na pasakay na ito ng kotse. Muli itong lumabas ng makita siya.

"Good morning anak." Lumapit sa kanya si Wendell at hinalikan siya sa noo. "Did you sleep well?" He asked, smiling.

Tumango siya. "Saan ka pupunta? Kauuwi mo lang kagabi 'di ba? You should stay at home para mag-pahinga." Sunod-sunod na tanong niya saka namewang na parang ina habang pinapagalitan ang anak.

"Pardon me, your highness." Yumuko ang daddy niya ng bahagya.

She giggled. "I'm not accepting your apology." Sabi niya sa pinaseryosong boses.

Lumuhod naman sa harapan niya si Wendell. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "I'm sorry anak pero kailangan ako ngayon sa trabaho. Don't worry dahil bukas ay free si daddy. We can go out for a date. How about that?" He winked at her.

"Do I have a choice?" Nagtatampong tanong niya dito.

"You don't. I'll see you later, okay? I love you so much, honey. Always remember that." He pulled her into a hug and planted a kiss on her temple.

She watched his car disappear into the distance.

Nang gabing iyon ay hindi siya makatulog. Alas diyes na ng gabi pero wala pa rin ang daddy niya. Kanina pa rin niya ito tinatawagan pero out of reach ang cellphone nito.

Napabangon siya ng kama ng makarinig ang mahihinang katok mula sa labas ng kwarto niya. Agad niya iyong binuksan sa paga-akalang nakauwi na ang daddy niya.

Only to be disappointed dahil ang kasamabahay nilang si Merla ang nasa labas.

"Dumating na ba si daddy?" Tanong niya at tumingin sa may likuran nito.

Umiling ito. "Hindi pa. Nandito ako para tingnan kung tulog ka na." Sagot nito.

"Okay. Balitaan mo ako kapag dumating na siya ha. Goodnight." Sabi niya saka marahang isinara ang pinto.

Nahiga uli siya sa kama at agad ding nakatulog.

NAGISING siya kinaumgahan dahil sa napakalakas na ingay na nanggagling mula sa labas ng kwarto. Mabilis na bumangon siya ng kama para tingnan kung anong kaguluhan nanaman ang nagyayari sa baba. Nakauwi na kaya ang daddy niya?

Bumaba siya at nakita niya ang namumutlang si Merla habang hawak ang telepono. May isang basag na vase ang nasa sahig. Agad niya itong nilapitan.

"Ate Merla, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ito sa balikat.

Dahan-dahan itong humarap sa kanya. Napakunot noo siya ng makita ang pagragasa ng luha mula sa mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang kinabahan.

"Bakit ka umiiyak?"

"Si...si." Hindi nito maituloy-tuloy ang sasabihin dahil panay ang paghikbi nito.

"Si ano?" Tanong niya ulit.

This time ay parang lalabas na ang puso niya sa dibdib sa sobrang kaba.

"Si...Sir Dell."

Biglang nag-init ang sulok ng mga mata niya. Ilang beses ang ginawa niyang paglunok para pigilan ang sariling umiyak.

"What happened to daddy?" Despiradong hinawakan niya sa magkabilang balikat si Merla.

Sandali itong hindi nakasagot. Nakatitig lang ito sa kanya.

Humugot ito ng malalim na hininga bago sumagot. "Wala na siya." Halos pabulong na sabi nito.

Daig niya pa ang nakarinig ng pagsabog ng isang bomba dahil pakiramdam niya ay bigla siyang nabingi. Dahan-dahan siyang napabitiw mula sa pagkakahawak dito.

"No. No. You're lying." Umiiling na sabi niya.

"Kara--."

"NOOOOOO! He's not dead." Niyakap niya ang sarili. "Daddy is not dead." Ulit niya.

"I'm sorry, Kara." Agad siyang nilapitan ni Merla at niyakap. Dahil doon ay hindi na niya napigilan ang luhang kanina pang gustong kumala mula sa mga mata niya.

ISANG linggo na simula ng mailibing ang kanyang ama. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak. Miss na miss na niya ito.

Nakaluhod siya ngayon sa harapan ng puntod nito kasama si Merla at ang iba pang mga taga Little Hope Orhanage. Ito ang araw na kailangan niya munang manirahan sa bahay ampunan dahil wala siyang kamag-anak na kakilala na pwedeng kumopkop sa kanya. Kung meron man ay siguradong walang gustong umampon sa kanya o bigyan ng masisilungan dahil hindi naman siya kilala ng mga ito. Si Merla naman ay hindi niya pwedeng maging guardian dahil hindi sila magkadugo kahit na ito pa ang naging katuwang ng daddy niya sa pagpapalaki sa kanya.

Wala rin kahit na sino mang kadugo ng daddy niya ang nagpunta noong burol nito. Tanging ang ilan lang sa mga business partners nito ang dumalaw.

Habang pinagmamasdan ang puntod ng kanyang ama ay muli niyang inalala ang mga nakaraan.

Hinding-hindi niya malilimutan ang araw na dumating si Wendell sa school na nakasuot ng bestida dahil Mother's Day ng araw na iyon. Everyone laughed at him but not her. It made her so emotional dahil sobrang effort nito ng araw na iyon para mapasaya lang siya. Halos walang oras na hindi siya umiiyak dahil sa ginawa ng ama. Medyo iyakin pa naman siya. He really made that day special for her kahit na pinagtatawanan ito ng mga tao.

"Just ignore them, love. I'm here to make you happy not them. Kaya 'wag ka ng umiyak okay?" Nakangiting sabi nito at saka ginulo ang buhok niya.

There were times that she asked her father about her mother of course. Hindi iyon mawawala. Her father never answered her seriously though. He always joked around that her mother was an angel.

At ng mamatay ito ay nagbago na ang lahat. Kung darati-dati ay ang masaya ang bahay nila sa tuwing umuuwi ito, now it feels so empty and lonely. Katulad na lang ng nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

Bawat oras at minutong lumilipas, pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat ng mga nangyayari. Hanggang sa mailibing ang kanyang ama.

"Daddy, ang daya mo. Bakit mo ako iniwang mag-isa dito?" Kausap niya dito at hinaplos niya ang lapida kung saan naka-ukit ang pangalan nito. "I miss you so much. Alam mo ba 'yon?" Humihikbing dagdag pa niya.

Nang mahimasmasan ay nagpaalam na siya dito at saka nilapitan ang mga taga bahay ampunan at si Merla na nag-uusap sa di kalayuan.

Ilang beses niyang sinubukan na kumbinsin ang mga taga bahay ampunan na mas gusto niyang tumira sa bahay nila kasama si Merla pero hindi pumayag ang mga ito. Pagdating sa financial capability ni Merla ay hindi ito pumasa sa standard ng bahay ampunan. Kahit na sinabi niyang mayaman naman siya. She could provide everything for herself and Merla. Pero hindi pa rin siya pinakinggan ng mga ito.

Sa huli ay pumayag na rin siya dahil kahit anong irason niya sa mga ito ay hindi siya pinapakinggan.

Hindi madali para sa kanya ang magpaalam kay Merla dahil ito ang tumayong ina niya habang lumalaki siya. She loved her dearly. Pero sadyang pinagmamalupitan yata talaga siya ng tadhana dahil lahat na lang ng taong importante sa kanya ay nawawala.

"Lagi kang mag-iingat doon ha." Umiiyak na sabi ni Merla habang magkayakap sila.

"Oo. Ikaw rin Ate. Promise dadalawin kita kapag naging okay na ang buhay ko." Sumisinghot-singhot na sabi niya.

Humiwalay sa kanya si Merla. Tinitigan siya nito sa mukha. "Mamimiss kita. Hiling ko para sayo na sana gumanda ang takbo ng buhay mo." Hinalikan siya nito sa noo.

That was the last time she saw her.

Iyon na din ang simula ng panibagong chapter ng kanyang buhay.