The Island of Never Return

Hindi kalayuan, isang isla ang natagpuan nina Flavio.

"Gising na kayo mga kasama! Parating na tayo sa ating bagong tahanan.".

Habang sila'y patungo sa isla, may nakikita silang mga taong nakatayo. Sila'y pawang mga katutubo at sa gitna nila ay ang kanilang pinuno. Bawat isa sa kanila ay may hawak na sibat at palaso. Ang mga kababaihan naman ay may dala-dalang isang kalong mga isda.

" Flavio kapatid, sino sila?

"Mga katutubo. Parang dumating sila upang salubungin tayo."

Pinayuhan ni Flavio ang kasamahan na maging mahinahon sapagkat mabubuting tao ang mga katutubo. Isa-isang bumaba sina Flavio at mga kasamahan niya sa barko upang salubungin rin ang mga katutubo.

"Maligayang pagdating sa isla ng Biringan." pgbati ng taong nakatayo sa gitna na siya ring sumalubong sa kanila.

"Ako po si Flavio at sila ang mga kasama ko." ikinuwento ni Flavio kung sino sila at kung saan sila nanggaling at kung anong bangungot ang pinagdaanan nila.

"Kami ay pawang mga bilango na nag-asam ng kalayaan mula sa mga Kastila. Araw-araw naghihirap ang aking mga kababayan dahil sa labis na karahasan ng mga dayuhan." masidhing pagsalaysay pa ni Flavio tungkol sa mga dinanas nila.

"Kapatid, kagaya niyo rin kami. Isinilang sa parehong mga lupa at iisa ang ating mga dugo. Nais kong sabihin ay mga Indiyo rin kami tulad niyo. Ngunit taliwas sa sinasabi mo, ang mundo namin ay malaya.

Bagamat magulo sa mundong pinanggalingan niyo, ligtas kayo rito. Hindi makakapasok ang kasamaan sa islang ito dahil binabantayan ito ni Bathala"

"Paano niyo po nasabi yan? Hindi magtatagal makikita rin nila ito, tulad ng mga pulong lupaing sinakop nila. Makapangyarihan ang mga Kastila." hindi lubos na naniniwala si Flavio sa sinasabi ng Pinuno ng mga katutubo.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, dumating ang isang batang katutubo.

"Mahal na Datu, handa na po ang mga pagkain."

Pinutol na nila ang kanilang kwentuhan at inanyayahan ang lahat na kumain.

"Ba't di muna nating ipagpaliban ang mga yan. Meron kaming handaan at kasiyahan inihanda para sa mga bisita. Ginoong Flavio sumunod ka."

Sinundan ni Flavio ang Datu at tumungo sila sa masukal na kagubatan. Lumingon-lingon si Flavio ngunit hindi na niya nakita ang kanyang kasamahan.

"Wag kang mag-alala nauna na sila sa atin sa piging."

Pag labas ni Flavio sa gubat, mas lalo pa siyang namagha sa kanyang nakita.

Isang malawak na kapatagan, malapad na ilog at naglalakihang mga bundok.

Nang lumingon ulit si Flavio sa kanyang pinanggalingan, nawala ang gubat na kanilang dinaanan at ang malawak na dagat ay naglaho.

Nagtaka si Flavio sa mga nangyari kaya tinanong niya ang Datu.

"Sandali Kaibigang Datu, anong lugar 'to

Nasaan na ang mga kasamahan ko?"

Pinagkalma ng Datu si Flavio.

"Wag kang mag-alala nasa ligtas tayong lugar at ganoon rin ang kasamahan mo.

Sa sinabi ko kanina, nandoon na sila sa kasiyahan."

Sa labis na pagtataka nagtanong ulit si Flavio.

"Sino ba kayo, o Ano ba kayo?"

Sinagot man ito ng Datu.

"Kami ang mga katutubo ng Biringan ang Mahiwagang Isla.

Mga tao rin kami kagaya mo. Tulad niyo, napadpad din kami sa islang to. Ang islang tinawag rin naming Paraiso ng Perlas.

Noong tumakas ang tribo namin sa grupo ng mga Kastila, isang liwanag ang nagdala sa amin dito. Nang dumating kami, lumikas kami sa gubat at nakita namin itong isla.

Kamakailan lang, nagpakita sa amin si Bathala. Sinabi niya sa amin na dalhin kayo dito. Binuksan niya ulit ang lagusang gubat para kami makalabas upang salubungin kayo.",paliwanag niya

"Totoo nga si Bathala. Pero marami pa ring namatay na mga kasamahan ko na hindi niya tinulungan.", pagmumuni-muni ni Flavio habang nahihiwagaan sa pangyayari.