"Bagay yan sayo! Feeling gwapo! Mukha kang sugpo!"inis na sigaw ko sa lalaking kaharap ko.
"You brat! Anong karapatan mong sipain ang 'ano' ko?! Magbabayad ka!"sagot ng lalaki habang sapo ang male part niya. Gusto kong matawa. Sobrang pula ng mukha niya at parang sasabog na sa galit! Huh! I'm Faithlyn Anoso! Walang pwedeng umapi sakin.
"Talaga? At ano namang gagawin mo ha? Sasaktan mo ako? Bakla ka pala e!"natatawang sabi ko sa kanya. Nagbago ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Umayos siya ng tayo at biglang lumitaw sa mukha niya ang isang ngisi.
Unti-unti siyang lumapit sa akin kaya tinaas ko ang kamao ko.
"Wag kang lalapit!"sigaw ko sa kanya.
"Sinong mas sabi sayo na sasaktan kita?"nakangising tanong niya sa akin.
"Huh! Bakit? Hindi ba? Bakla ka kas----"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hagipin ang baba ko at...AT HALIKAN AKO!
Matapos ang kanyang halik ay natulala na lang ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin.
"I will make sure you'll fall for me Ms.Lesbian."