Genessy's POV
"Gen, tumigil ka!" rinig kong sigaw ni Miranel, ang aking kaibigan. Nilingon ko s'ya at binelatan habang tumatakbo ako.
"Bahala ka, hindi ako pupunta doon, alam mo naman na ayokong pumunta sa lugar na 'yon!" sigaw ko. Tumigil muna ako at huminga ng malalim.
Tumigil ito sa kakahabol sa akin at napangiwi.
"Malalagot ako kapag hindi ka pumunta. Importante ang sasabihin sa iyo!" sigaw n'ya sabay lapit sa akin.
"Ano naman ang sasabihin nila sa akin? Hindi na ako maniniwala pa sa sasabihin nila. Sasabihin lang nila na magpakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman kilala." sabi ko sabay irap.
"Kailangan mong gawin 'yon para maging kapangyarihan ang pamilya n'yo." sabi n'ya.
"Hindi importante sa akin ang kapangyarihan, ang mahalaga sa akin ang sundin ang nilalaman ng puso ko o nararamdaman ko." wika ko.
"Makapangyarihan kami, pero bakit kailangan pa nilang gawin 'yon? Hindi na ako natutuwa kila Ina at Ama." sambit ko.
"Kapag hindi ka sumunod, baka maparusahan ka lang." sabi n'ya.
"Paparusahan? Dahil sa hindi ako sumunod? Ano lang ang tingin nila sa akin isang hayop na dapat sundin sila palagi? May nararamdaman din ako, Miranel!" may pagkalakas kong sabi na may bahid na inis.
"Alam ko 'yon pero pakiusap sumunod ka sa magulang mo, mapapa--"
"Sige, pupunta na ako." putol ko at inis na naglakad patungo sa palasyo.
---
"Ina, Ama. Alam ko kung ano ang sasabihin ninyo pero--" hindi na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Ama na ikinangiti ko.
"Hindi ko na itutuloy ang kasal,"
"T-totoo p-po b-ba?" nauutal na tanong ko na ikinatango n'ya.
"Ngunit, may misyon ka at kailangan mong gawin ito sa loob ng tatlong buwan."
Nawala sa aking labi ang ngiti dahil sa sinabi ni Ama.
"M-misyon? A-anong m-misyon ang g-gagawin k-ko?" nauutal na tanong ko.
Ngumiti lang si Ama at pumitik sa hangin si Ina. Sa pagpitik n'ya, bigla na lang kami nawala sa palasyo at isa na itong garden.
"Ano po ba ang ginagawa natin dito, Ina at Ama?" tanong ko habang nililibot ko ang aking tingin sa buong paligid.
May ginawa si Ama ng isang portal at napapikit ako nang bigla itong lumiwanag.
"Bago ka pumasok, kailangan mong suotin itong kwintas. Kapag nawala mo 'yan, hindi ka na makakabalik sa mundong ginagalaw natin." wika ni Ama na ikinaramdam ko ng kaba.
"Paano kung nawala? Wala na talagang pag-asang makabalik ako rito?" tanong ko na ikinatango ni Ama.
Napatango na lang ako at huminga ng malalim.
"Ano po ba ang misyon ko?" tanong ko pa.
"Kapag pumasok ka na, nasa mundo ka na nang mga tao. Alam kong may pagkakamali kami, pero sana mahanap mo s'ya."
"Sinong s'ya?" takang tanong ko.
"Ikaw ang mismong makakatuklas n'yan, Anak." sagot n'ya.
Pumasok na ako sa portal at napapikit.
Mga ilang segundo pa lamang, nasa isang park ako. Nakaupo sa isang mahabang kahoy.
Tumayo ako at naglakad-lakad. Nasa kalagitnaan na ako nang paglalakad ko nang may biglang tumulak sa akin na ikinaupo ko sa semento.
Napangiwi ako at mabilis na tumayo.
"Sino ba 'yong tumulak sa akin? Bastos 'yon ah!" inis na sabi ko at pinagpag ang suot kong--
"Mama, ang ganda no'ng babae! Mukha po s'yang prinsesa!" rinig kong sigaw ng batang babae. Napangiti ako at napa-cross arms. S'yempre, prinsesa talaga ako dahil nakatira ako sa isang palasyo.
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang taong tumulak sa akin. Mabilis akong tumakbo papalapit do'n at ginulat s'ya na ikinaatras nito.
"Miss, umalis ka sa dinadaanan ko! Kailangan kong makalayo rito!" sabi n'ya na ikinainis ko.
"Makakalayo ka lang kung hihingi ka ng tawad. Mali 'yong bigla-bigla kang manunulak na walang paghihingi ng tawad." sabi ko na ikinaningkit ng mata n'ya.
"Bakit naman ako hihingi ng tawad sa'yo? Kasalanan mo 'yon dahil hindi ka tumitingin sa dinadaanan ko." sabi n'ya sabay ngumisi.
Napakuyom naman ako ng kamao at inis s'yang tiningnan.
"Hindi ka hihingi ng tawad?" tanong ko na ikinailing n'ya.
"Hindi." matigas na sagot n'ya.
"Gano'n?" tanong ko pa sabay ngumisi.
"Wala kang respeto sa isang katulad ko kaya paparusahin kita!" sabi ko at hinawakan s'ya sa braso ngunit nabitawan ko kaagad ito dahil sa napaso ako.
"Ouch! Bakit gano'n? Napaso ako!" gulat na sabi ko sabay tiningnan s'ya.
Ngumisi lang ito at tumakbo papalayo sa akin.
Bakit ako napaso nang mahawakan ang braso n'ya?
---
Nandito pa rin ako sa park at nakaupo sa mahabang kahoy. Gabi na ngayon at kahit maglakad-lakad ako hindi ako nakakahanap ng tirahan. Hindi ko rin kabisado ang lugar na ito. Umuunti-unti na ang mga taong naglalakad dito. Para na akong pulubi rito dahil kanina pa ako rito sa park.
Kaagad kong pinalitan ang suot kong damit. Kanina na mala-princesa na damit ngayo'y isang crop-top na kulay red at pantalon na kulay puti.
Biglang kumulo ang tiyan ko kaya tumingin ako at napanguso. Saan ako kakain?
Napagpasyahan kong tumayo at naglakad-lakad. Ngunit, nahinto na lang ako ng may mga liwanag na lumilipad na sumusunod sa akin kaya tiningnan ko ito at nagulat dahil ang mga ito ay isang fairy.
"Mahal na prinsesa, pinadala kami rito ng mahal na hari at reyna na gabayan ka namin. Lahat ng gusto mo ay susundin namin." sabi ng isang fairy na kulay pula.
Lima ang mga ito, iba't ibang kulay sila. Isang violet, green, red, yellow at blue.
"Maaari ko bang malaman ang inyong pangalan?" tanong ko na ikinangiti nila.
"Ako si Love at ikinagagalak kong makilala n'yo ako, mahal na prinsesa." sabi n'ya kulay red ito.
"Ako si Wish, tawagin n'yo ako at humiling sa akin, mahal na prinsesa." sabi nito sabay ngumiti, kulay violet s'ya.
"Ako si Star." pakilala nito, kulay yellow ito.
"Ako si Memories." pakilala nito, kulay blue ito.
"At ako naman si Guardian, ang namumuno sa aming lima." sabi n'ya, kulay green naman ito.
Napangiti naman ako dahil sa nagpakilala sila sa akin.
"Masaya ako na makilala ko kayo, ngunit ako'y nagugutom na." sabi ko.
"Wish, maaari mo ba akong humiling na dalhin mo ako sa isang lugar na may pagkain?" tanong ko na ikinangiti n'ya.
"Ang iyong kahilingan ay matutupad, mahal na prinsesa!" ngiting sabi nito at pumitik s'ya ng tatlong beses kaya nadala n'ya ako.
Nasa harapan ako ng isang maganda at malaking--
"Mahal na prinsesa, isa itong restaurant. Mga mayayamang tao lang ang makakapasok d'yan." rinig kong sabi ni--Star.
Nagulat ako na ang mga kasama ko ay naging isang nilalang na tao. Hindi ko inaakala na ang gaganda nila.
"N-naging nilalang na t-tao k-kayo?" nauutal kong tanong na ikinatango nila.
"Gusto ka naming samahan na kumain, mahal na prinsesa. Napagpasyahan naming lima na maging isang nilalang na tao. Itong nakikita mo ay ito kami. Ginawa kami ng mga diyos at diyosa, para ibigay kami sa Ina at Ama mo. Ang iyong Ina ay buntis noon nang ibinigay kami. Ikaw ang batang sinapupunan n'ya. Hanggang sa isinilang ka ay nangako kami na lagi ka naming gagabayan." Guardian.
"Masaya ako kung makakasama ko kayo, subalit hindi ko alam kung makakapasok ba ako d'yan sa lugar na iyan, dahil wala akong salaping dala." sabi ko. Tinapik ni Love ang aking balikat at ngumiti.
"Huwag kang mag-alala, mahal na prinsesa, kami na ang bahala." sabi nito.
"Huwag n'yo na akong tawaging Mahal na Prinsesa, ayokong tinatawag n'yo ako nang gano'n, dahil sa wala naman tayo sa mundo natin." sabi ko na ikinatango nila.
"Masusunod po mahal--"
"Genessy," putol ko na ikinatango mula nila.
"Saka tanggalin n'yo ang salitang PO, huwag kayong maging pormal sa akin, dahil kaibigan ko na kayo." ngiting sabi ko na ikinangiti rin nila.
"Pasok na tayo, kanina pa kumukulo ang tiyan ko." sabi ko pa na ikinatawa nila.