1. Tagu- Taguan

Isa, Dalawa, Tatlo nakatago na ba kayo?

Isa, isang beses pa ata akong madapa at di mo saluhin paniguradong may lalabas na nana sa aking puso ewan ko ba kung bakit mula pa sa simula ay nilamon na ako ng akin mong galing sa pang-aasar at hinahanap-hanap ko na ang madugo mong pananalita na kesa ang pangit ko kaya walang magkakagusto sa akin... sa totoo lang ayos lang naman sa akin basta ikaw ang magkagusto sa akin pero mukhang malabo yata ang lagay ko kung may tila isang anghel na umaaligid sayo na di ko labg talaga ma-gets kung bakit "Honey" ang tawag niya sayo. Di ba di naman kayo?.

Dalawa, dalawang oras na alng ang nalalabi at dalawa kayong magkasama sa tagong lugar na akala niyo kayo lang ang nakaka-alam at... ako.

Teka lang takang- taka lang ako kung bakit sa kinauupuan niyo ay nakaakap ka sa kanya habang may luhang umaapaw sa kanyang mga mata at heto ako na kahit nasa gilid niyo lang ay di niyo pa din mapansin. Tapos na ba ang kabanata niyong dalawa at pwede na ba akong umintrada dahil sa totoo lang sa dilim ng lugar kahit ata ako ay natatakpan na.

Tatlo, tatlong beses na ata akong kumatok sa pinto niyo para lang sabihin sayo " Oi, late na tayo bilisan mo" habang pakiramdam ko late na din ata ako at di mo pa din kayang makita ako.

Hindi ko lang talaga maintindihan ang nangyayari mukhang sa sinaryong aking ginawa at in-imagine, mukhang ako ang namangha dahil magkasama kayong dalawa at ako itong tanga na tumango na lang at humingi ng tawad.

Nagtago kayo habang ako naman ay nagtatago ng tunay na nararamdaman.