2. Dr. Kwak-Kwak

1st Rule: Jack n' Poy

Wag na tayong mag Jack n' Poy handa naman akong magpatalo para lang matunghayan ang mangyayari sayo at pikit mata kong tatangapin

2nd Rule: Twist

Magbuhol-buhol man ang pangyayari at sa tingin mong di mo na kaya sumigaw ka lang ng "Dr. Kwak-kwak tulungan mo kami" dahil andito lang ako...

3rd Rule: Helping

Pipilitin kong ayusin ang nagbuhol-buhol monh problema at di ko hahayaan matapos lang ito ng wala lang dahil ayokong mahirapan ka kaya tatapusin ko hangang sa maputol ito.

4th Rule: Running Away

Ang hirap pala na tinulungan na nga kita... tatakbuhan mo lang ako..

****

Mukhang nilaro na lang natin dalawa ang pangyayari ng makita ko kayo sa inyong taguan at ipinikit ko na lang ang aking mga mata dahil para sa akin kahit pagkakaibigan na lang ang matira maprotektahan lang kita.

Oo, kaibigan lang ata ang dumadaloy sayo habang ako naman na may malalim na nararamdaman na ayaw ng itago pero mas pipiliin itago dahil baka sa maliit na relasyon natin dalawa ay matapos.

Naalala mo ba ng tayo ay masayang naglalakad sa kahabaan ng tulay ng Guadalupe at ng sinabi kong " Sige nga tumalon ka" at ikaw ay tumalon sa iyong kinakatayuan ng agad mong nabanggit ang katagang " Ang pagmamahal ay parang pagtalon depende kong paano mo gagawin at kung saan ka lulugar". Nakakatawang isipin dahil di ako tumalon hinabol kita, sinabayan batay sa tempo ng iyong lakad na kahit pagod na pagod na ay binaliwala makasama lang kita hanggang sa dulo ng ating destinasyon, at di ko namalayan maghihiwalay din pala sa dulo dahil papunta ka sa kanya habang ako naman ay maglalakbay ng mag-isa.

Teka masyado lang ata akong umasa. Kaya mag-iiba na ako ng laro.