Langit Lupa impyerno,
im.. impyerno
Langya naman o mukhang ginawa na kitang langit ko samantalang ako ito nasa lupa pa din nagbabakasakali na sana sana lang mahulog ka sa akin pero wala ehh dahil kahit na
Saksak puso tulo ang dugo
yung puso ko wala ng buhay as in alam mo ba kung bakit kasi ikaw na lang ang laman.
pwede ka bang mahulog sandali lang para naman magkaroon pa ako ng dahilan.
Patay, Buhay
Umalis ka na dyan sa pwesto mo.
Teka ito na ba yun... kailangan ko na yatang umalis sa kinalalagyan ko bilang kaibigan mo baka naman may paglalagyan.