6. Apir, Disappear!!!

Pag-ibig

Ito yung halos ipamukha sa akin ng mundo ng mawala ka, sa totoo lang wala naman talaga akong paki. Nakakairita lang na tipong kailangan ko ba talaga ng taong magpapaligaya sa akin para lang makita nila akong naka-ngiti di ba pwedeng nasa mood lang ako kaya masaya o baka kailangan ko pang iparinig sa lahat na inlove ako.. Oo inlove ako sa sarili ko. Mahal ko ang sarili ko kaya hindi ko kailangan ipagbulyawan sa mundong importante ako.

Hindi umiikot ang mundo ko sayo o kahit kanino dahil umpisa pa lang tumatakbo na ako sa iba't-ibang kalsada na papunta kung saan-saang dereksyon. Di ba kita mo naman na punta ako sayo ayun nga lang tumambay ako ng pagkatagal-tagal pero wait there's more dahil di ko na kailangan magstay dahil di ko na kailangan mag apir at disapir.

Hindi ako 1/4 lang dahil hindi lang ako naging parte ng kahit sino.

Hindi din ako 1/2 na pag di ka sure mag 50/50 chances ka.

Dahil sa totoo lang 1 whole ako, buo akong ginawa ng Diyos kaya di ko kailangan makihati.