Random Thoughts: Ang Hirap Sabihin ang SORRY

Alam kong nangyari na ito sayo, yung tipong nakailang kasalanan ka na pero di mo magawang mag sorry.

Madalas nangyayari sa akin na nagkukunwari ako na okay lang kasi alam ko naman mahal niya ako kaya ayun wala ng paghingi ng sorry kundi hala sige lang kwentuhan lang parang normal days lang na masaya kami as in ganun lang, kasi alam ko mahal niya ako.

Madalas din na nararamdaman ko na ang selfish selfish ko kasi wala akong paki kung ano ang nararamdaman niya mas madali naman kasing palampasin ang lahat. Nakakatawa lang kasi ang iniisip ng lahat pag missionary ka perfect ka na ang di nila alam napaka selfish ko kasi ayoko ng pinapakiilaman niya ako same goes around na ayoko din naman na pakialaman ako pero sa totoo lang naduduwag talaga ako kasi baka sa susunod mararamdam ko wala na siya sa akin. Masakit ba? sobrang sakit kasi di ko na alam ang gagawin ko.

Dahil napaka hirap sabihin ang limang letra na SORRY kesa sa salitang I LOVE YOU kasi alam mong kaya mong bilugin ang pagmamahal pero ang paghingi ng tawad parang isang ugat na di makaalis sa kungkretong lugar. Masakit, Oo masakit lalo na kung alam mong ipinipilit lang niya magtago sa katotohanang

SANA naging OPEN na lang ako sa kanya para hindi na sayang ang RESURRECTION na ginawa niya para sa akin dahil alam ko naman na ang hinihintay lang niya ay REPENTANCE ko; alam ko din naman mas kailangan ko siya. Oo YOU ☝️God kailangan kita ang hirap naman kasi ng durog ng puso ko kahit alam kong di naman talaga ako okay.

SORRY sumasabit sa lalamunan ko. Sorry.