Chapter 5

"Bakit mo ba ako pinipilit lumabas?" Naiinis na tanong sa kanya ni Sabrina. Nakasunod ito sa kanya habang naglalakad siya sa papunta sa Farm ni Misis Guttieres.

"Alam mo ikaw, ang hina mong pumick-up eh, ano? May traffic ba ang brain cells mo kaya slow moving?" Nang-aasar niyang nilingon si Sabrina at inirapan ito. "We need to leave them alone para makapag-usap sila ng maayos."

"Kung mag-uusap sila ng maayos." Anito sa kanya. Sinabayan siya nito sa paglalakad. "Saan ba tayo pupunta?"

"Dito sa Flower farm, may butterfly orchard dito eh."

"And so kung may butterfly orchard?"

"Wala ka bang kahilig hilig sa mga magagandang bagay dito sa mundo? Hindi ka ba marunong um-appreciate ng nature?"

Huminto sa paglalakad si Sabrina at naghalukipkip. Tumitig ito sa kanya ng masama. She hates it kapag tinititigan siya nito, nagkakaroon siya ng chills, kinikilabutan siya na para siyang natatakot na naiihi.

"Stop staring at me like that, parang ngayon ka lang nakakita ng magandang babae."

Nang-aasar na tumawa si Sabrina at nagpatiuna nang maglakad. Mabilis itong maglakad kaya kailangan pa niyang tumakbo para makasabay dito.

Pumasok sila sa flower farm at nakita nila si Misis Guttieres na nag-aayos ng mga paso paso sa halamanan nito.

"Good Evening Tita." Masaya niyang bati sa matandang babae.

"Oh talaga? Tita? Kamag-anak mo?"

Inis na sinuntok niya si Sabrina sa braso, gigil na kinagat na lamang nito ang lower lip sa pagpipigil na gantihan siya.

"Good evening girls." Nakangiting bati naman sa kanila ng matanda. Gumanti siya ng ngiti dito, sinulyapan niya si Sabrina at nakita niya na nakahalukipkip pa din ito at walang ka rea-reaksyon ang mukha na nakatingin lang sa matandang babae. Pasimple siyang dumikit dito at kinurot ito sa tagiliran.

"Aray!" Sigaw nito. Tumitig ito sa kanya ng masama. Pinandilatan naman niya ito at inginuso ang matandang babae na parang inuutusan niya ito na batiin din nito si Misis Guttieres, nang hindi ito sumunod ay muli niya itong kinurot sa tagiliran.

"Masakit ah! Nakakadalawa ka na!" Sigaw nito sa kanya.

Narinig nila na tumawa si Misis Guttieres. Nakatingin ito sa kanilang dalawa. Natahimik naman si Sabrina.

"Hello po Tita, sorry po kung maingay ako." Bati at hingi nito ng paumanhin sa matanda. Ngumiti lamang ito at ikinumpas ang kamay. Ipinagpatuloy naman nito ang pagbubuhat ng mga paso.

"Tita, tulungan ka na po namin." Suhestiyon niya sa matanda.

"Naku huwag na Cory, sanay naman ako magbuhat. Wala kasi ang Tito Gaston mo, nagpunta sa kabilang Bayan para i-deliver 'yung bulaklak na order sa amin."

"No Tita, it's okay, si Sabrina na daw po magbubuhat nang mga 'yan."

Gulat na napatingin sa kanya si Sabrina. Gusto niyang tumawa sa reaction ng mukha nito.

"Sayang naman 'yang mga muscles mo sa braso kung 'di mababanat." Bulong niya dito. Inis na inis na nakatitig lamang ito sa kanya at umiiling iling tanda ng pagtanggi nito.

"Ay naku, salamat Hija..." Sabi naman ni Misis Guttieres. Siniko niya si Sabrina palapit kay Misis Guttieres. Wala naman na itong nagawa kundi ang ngitian ang matanda at buhatin ang paso na hawak nito.

"Oo nga po Tita, kami na po ni Cory ang magbubuhat niyang mga 'yan." Sinulyapan siya ni Sabrina at nakataas ang isang kilay na inginuso nito ang mga paso na bubuhatin nila.

Ang walanghiya idinamay pa siya. Pero hindi naman pe-pwedeng tanggihan niya ito dahil malamang yari siya dito kung hindi niya ito tutulungan.

Hapong hapo naman na naupo si Misis Guttieres sa wooden chair na nasa gitna ng garden at pinanood sila. Inilipat nila ang mga paso na may nakatanim na mga halaman at bulaklak sa mahabang wooden table. Marami na silang nabubuhat nang mapansin niya na tagaktak na ang pawis ni Sabrina. Dala-dalawa kasi ang binubuhat nito at 'yung malalaki pang paso ang pinipili nitong buhatin, pagkalapag nila sa paso sa table ay hinawakan niya ito sa braso, nadumihan tuloy niya ang sleeve ng puti nitong buttondown.

"Itaas mo na lang 'yang sleeve mo para hindi madumihan." Suhestiyon niya dito.

Walang imik naman nitong pinagpag ang kamay at pinunas sa bandang pwetan ng pantalon nito at tsaka maayos na tinupi ang sleeve ng buttondown nito hanggang siko. Doon lamang niya napansin na kagaya ni Tia ay marami ding tattoo ang dalaga, pero mas full sleeve nga lang ang kay Tianna. Nakatitig lamang siya kay Sabrina, pagkatapos nitong matupi ang sleeve ng damit nito'y hinilot ng isa nitong kamay ang batok at balikat at tsaka nito binuksan ang tatlong unang butones ng buttondown nito. Kahit doo'y may tattoo din ang dalaga. Titig na titig siya dito. Nang dumako ang mata niya sa mukha nito'y nakita niya itong nakatitig din sa kanya ng masama.

"Why are you checking me out?" Tanong nito sa kanya. Imbes na sumagot ay inirapan niya ito at ipinagpatuloy ang pagbubuhat ng paso. Nang matapos sila'y inaya sila ni Misis Guttieres na maupo sa wooden garden set. Pinaghanda sila nito ng juice at club sandwich. Nakipag kwentuhan sa kanila saglit ang matanda at tsaka niya sinabi dito na kung p'wede bang pumunta sila ni Sabrina sa Rose Garden nito, hindi na kasi sila p'wedeng pumunta sa Butterfly Orchard dahil gabi na. Pumayag naman ang matanda at tsaka nito in-on ang switch ng ilaw sa Rose Farm. Nagpatiuna na siyang naglakad dito, napilitan naman na sumunod sa kanya si Sabrina.

Tuwang tuwa nilang tinignan ang mga roses na naroroon, iba't-ibang kulay, may yellow, may white, may red at pink. Hindi na nila namalayan na ang lapit lapit na nang mukha nila sa isa't-isa habang pareho silang nakayuko at tinititigan ang isang white rose na malaki ang bulaklak.

"Ang ganda!" Aniya.

"Oo nga eh, ang ganda!" Sumulyap sa kanya si Sabrina. Sulyap na nauwi sa titig, huling huli pa niya itong nakatitig sa kanya nang mapatingin siya sa dalaga. Mabilis naman silang dumiretso ng tayo at tumingin sa magkaibang direksyon.

"Sab, do you mind if I ask you a question?" Tanong niya dito habang maingat na hinahaplos ang rose.

"Okay lang naman, basta 'wag lang nakakagagong tanong." Sabi nito sa kanya.

"Anong type mo sa babae?" Curious lang talaga siya kaya niya tinanong iyon.

"Gusto ko sa babae? Hindi ako basta basta na a-attract sa babae, piling pili ang mga nakaka date ko unlike Tia na madaling makatipo at kapag natipuhan niya, kinukuha niya."

Sinulyapan niya si Sabrina. Nag-iisip pa din ito, naghihintay lang naman siya sa isasagot nito.

"I like girls with beautiful skin. Health conscious, girls with perfect smile."

Tumingin sa kanya si Sabrina, nginitian naman niya iyon at nakita niya na nag-iba ang pagkakatitig nito sa kanya. Hindi niya alam kung anong kahulugan nang kakaibang titig nito sa kanya, mas pinili niya na huwag na lamang itong pansinin at bigyan ng malisya.

"alam mo ba na according sa mga beauty expert, nakakatulong ang pagkain ng rose petals para gumanda ang skin mo? Para mag glow ka?"

"Really?" Tumaas na naman ang isang kilay nito at muling naghalukipkip habang nakatingin sa kanya.

"Oo. Tignan mo 'ko, ang ganda ng skin ko 'di ba kasi isa 'yun sa mga regimen ko." Pumitas siya ng rose petal at isinubo iyon, nginuya. Hindi naman talaga niya beauty regimen 'yun, nagpapasikat lang siya kay Sabrina, pero napakapangit pala ng lasa nito, mapait na mapakla na hindi niya maintindihan, pero nakatingin sa kanya si Sabrina at ayaw niyang mapahiya kaya pinanindigan niya ang pag nguya sa rose petal.

Natatawa namang umiling si Sabrina at tsaka ibinaling ang tingin sa ibang roses na naroroon. Siya naman ay pasimpleng tumalikod dito at masuka sukang dinukot sa bibig ang nginunguyang rose petal at palihim na idinura ito sa lupa. Tinapakan niya ito. Pagkaharap niya kay Sabrina ay may napansin siya na kumikilos sa gilid niya na makintab, nang sulyapan niya ito'y malakas siyang napatili at agad na sumampa sa likod ni Sabrina.

"God damn it Cory!" Pinipilit siya nitong pinapapababa mula sa pakakapasan niya sa likod nito pero mahigpit niyang ikinapit ang braso sa balikat at leeg nito, ang binti naman niya'y nakayakap sa bewang nito.

"Ahas! May Ahas!!" Sigaw niya.

Sinenyasan siya ni Sabrina na huwag maingay. Dahan dahan itong yumukod habang naka extend ang isang kamay papunta sa ulo ng sawa. Hindi pa din siya bumibitaw mula sa pagkakapasan dito, ipinikit niya ang mga mata at nang idilat niya itong muli'y nakita niya na hawak hawak na ni Sabrina sa ulo ang Sawa, nakatikom ang bibig ng sawa at ang kabilang kamay naman ni Sabrina ay nakahawak sa bandang buntot nito.

"Bakit mo hinuli? Patayin mo 'yan!" Utos niya dito na sinabayan pa ng hampas sa balikat nito.

"Kanina lang ni le-lecturan mo 'ko sa pag appreciate sa nature, let me remind you na part ng nature ang mga sawa." Anito sa kanya. Naglakad na ito palabas ng rose farm habang hawak hawak ang sawa, sinalubong sila ng nag-aalalang si Misis Guttieres.

"Are you okay Girls?"

"Okay lang po kami Tita." Sagot naman ni Sabrina. Lumabas na sila ng farm at nagpunta sa gilid ng Lake at tsaka pinakawalan ni Sabrina ang sawa sa tubig.

"Kailangan niyang bumalik sa natural habitat niya. Naligaw lang 'yun dito." Sabi nito sa kanya. Huminga na siya ng maluwag. Takot kasi siya sa ahas, sa simpleng bulate nga lang ay takot na takot na siya, sa sawa pa kaya.

"Ahhmmm Cory?"

"Ano?"

"Baka gusto mo nang bumaba sa pagkakapasan sa akin?" Inis na tanong nito sa kanya. Doon niya lang napansin na nakapasan pa din pala siya dito, agad naman siyang bumaba sa lupa at nahihiyang umiwas dito ng tingin.

"Nag enjoy ka 'ata na idikit ang boobs mo sa likod ko." Nang-aasar na sabi nito sa kanya. Nanlalaki ang mata sa inis na tinignan niya si Sabrina.

"Ang kapal mo." At sinuntok niya ito sa braso.

"Isa pa Cory, papatulan na kita!"

Binelatan niya ito at tsaka muling sinuntok ito sa braso sabay sipa sa pigi nito. Inis na hinaltak siya ni Sabrina sa braso.

"Ungas ka talaga." Mahina pero madiing sabi nito sa kanya. Ang lapit lapit na naman ng mukha nilang dalawa.

At sa isang iglap ay hinalikan siya nito sa labi. Pakiramdam niya'y nanigas ang buo niyang katawan. Iyon ang unang halik na naranasan niya out of showbizness, na hindi kasama sa eksena, na hindi scripted. Walang Director na magsasabi kung paano at sisigaw ng cut sa dulo. Nilalaplap nito ang bibig niya kahit hindi naman nakabuka, damang dama niya ang malambot nitong labi to her own lips, nanatiling nakadilat ang mata niya at nakatitig sa nakapikit na si Sabrina. Maya maya'y ibinuka niya bahagya ang bibig niya at lalong naging madiin at wild ang halik sa kanya ni Sabrina. Napahawak siya sa braso nito ng mahigpit, hinawi naman nito ang kamay niya na nakakapit sa braso nito at kinabig ang batok niya kaya mas lalong dumiin ang pagkakahalik nito sa kanya. Pakiramdam niya'y natutunaw na ang mga buto buto niya sa katawan, nag meltdown siya at nang bitawan siya ni Sabrina'y nanlalambot ang tuhod na muntik na siyang mapaluhod sa lupa buti na lamang at naalalayan siya ni Sabrina sa dalawa niyang braso at hinatak siya nito patayo.

"Gago ka..." Sabi niya dito. Hindi na niya napigilan ang sarili, bigla siyang umiyak. Umiyak siya sa harapan nito dahil lang sa hinalikan siya nito? Ang weak weak niya.

"Cory..." Puno ng guilt na tawag nito sa pangalan niya.

Sumisinghot singhot na kumawala siya sa pagkakahawak nito sa braso niya at mabilis siyang tumakbo patawid ng kalsada, hindi niya namalayan ang paparating na kotse, pero bago pa siya masagasaan ay mabilis siyang hinatak ni Sabrina sa braso at magkayakap silang tumumba sa gilid ng kalsada.

Napatitig siya dito. She saved her, she can't believe it.

"Ungas ka talaga!" Inis na sabi nito sa kanya.

"Ano ba, nagpapakamatay ka ba? Tatanga tanga ka!" Sigaw ng lalaking nasa kotse. Nakababa ang bintana ng sasakyan nito.

Tahimik na tumayo si Sabrina mula sa pagkakahiga nila sa sahig at inalalayan siyang tumayo.

"Maganda ka pa naman, sayang naman kung mamamatay ka lang agad hindi pa kita natitikman." May kasamang insulto na sabi pa ng lalaki sa kotse. Tumitig dito ng masama si Sabrina.

"Oh bakit nakatitig ka may problema ka?" Bumaba ang lalaki sa kotse.

Gusto sana niyang awatin si Sabrina nang lumapit ito sa lalaki pero nanginginig pa din ang mga tuhod niya. Pagkalapit ni Sabrina sa lalaki'y walang sabi sabing sinuntok nito ang lalaki sa mukha, bumalandra ito sa gilid ng sasakyan nito, hinawakan ni Sabrina ang ulo nito at iniumpog sa gilid ng bubong ng kotse nito ng ilang beses.

"Sabrina!" Tawag niya dito. Nakita niya na may dinukot ito sa likod ng pantalon nito, isang maliit na silver gun. "Sabrina!" Kahit na nangangatog pa din siya'y nilapitan niya ang dalaga at inawat ito. Nakatutok na ang baril nito sa panga ng lalaki.

"Say sorry to the lady." Mahina pero puno ng pagbabantang sabi nito sa lalaki.

"I'm sorry, I'm sorry..." Nanginginig sa takot na sabi naman nito sa kanya. Binitawan na ito ni Sabrina, mabilis naman na sumakay sa kotse nito ang lalaki at pinatakbo ang sasakyan palayo.

Titig na titig siya sa dalaga habang ibinabalik nito sa pagkakasuksok ang baril nito sa likod ng pantalon nito. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon pero parang biglang nag-iba ang tingin niya kay Sabrina. Napasulyap ito sa kanya.

"Are you okay?" May kasamang pag-aalala na tanong nito sa kanya.

Titig na titig pa din siya dito. Pinunasan niya ng kamay ang luha sa pisngi, magpapasalamat n asana siya dito ngunit natigilan siya nang maalalang hinalikan siya nito kaya muling nabuhay ang inis sa kanyang dibdib. Nilapitan niya ito at malakas na sinampal sa mukha at tsaka siya mabilis na tumakbo palayo dito.

Naiwan naman ito doon na gulat na gulat sa ginawa niya habang hawak ang pisnging sinampal niya, hindi na siya nito hinabol pa, nanatili lamang ito doon, nakatayo at nakatanaw sa kanya.

.

.

.

.

.

Siya na ang unang bumitaw sa halik nilang iyon. Napatitig sa kanya si Tia, nagtatanong, nagtataka. Malungkot siyang yumuko at umiling iling.

"I'm sorry Tia, but I can't do this. It's not fair, you don't deserve this."

"I don't deserve the kiss of a girl who doesn't love me anymore. Is that what you're trying to say?" Paanas na tanong nito sa kanya. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam ang dapat niyang sabihin dito.

"I'm sorry Tianna..." Ang tanging nasabi niya dito. Marahan naman itong tumango. Binitawan siya nito. Huminto na din ang tugtog sa speaker. Malalim itong bumuntong hininga, tumalikod na ito sa kanya at ibinalik ang atensyon sa niluluto nito.

Hindi naman niya alam ang gagawin. Nalilito siya. Hindi na din niya maintindihan ang sarili niya. Ano ba talaga ang gusto niya? Ano ba ang gusto niyang mangyari? Pero hindi, hindi pa siya buo, hindi pa siya completely healed mula sa sakit na dinanas niya kay Tala, hindi pa niya kayang ibigay muli ang sarili kay Tia dahil hindi deserve ni Tia ang pira-piraso lang, hindi nito deseve ang puso niyang hindi pa buo.

Nakahinga siya nang maluwag nang pumasok si Cory sa pintuan, umiiyak ito. Nagtataka naman niya itong nilapitan, yumakap ito sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya dito. Tumingin ito sa kanya at nagpunas ng luha. Umiling ito.

"Wala... gusto ko lang mag drama at mag emote." Sabi nito.

"Cory..." Hindi siya kumbinsido sa sinabi nito lalo na nang maya maya lang ay pumasok na din kasunod nito si Sabrina sa pintuan. Prente itong umupo sa sofa.

"Inaway kasi niya ako." Pagsusumbong nito sa kanya at inginuso si Sabrina.

Magsasalita pa sana siya nang tawagin na sila ni Tia dahil luto na ang pagkain. Magkatulong sila ni Cory na naghain. Magkakaharap silang kumain. Noong una'y wala silang imikan, inaasahan niya na si Cory ang magbubukas ng usapan pero si Sabrina ang unang nagsalita sa kanilang apat.

"Night swimming tayo sa lake." Yakag nito sa kanila.

"Ayoko nga, doon mo pinakawalan 'yung sawa kanina eh!" Nakasimangot ang mukhang tanggi ni Cory dito.

"Ungas ka talaga Cory. Malamang aalis na 'yun d'un, anong akala mo doon sa ahas, tatambay siya doon? Ang mga ahas, gusto nila doon sila sa lugar na malayo sa tao, malakas ang pakiramdam ng mga 'yan sa presence ng human kaya sila na ang kusang aalis at lalayo kasi pakiramdam nila in danger sila sa mga tao."

"Wow ha, eh bakit kaya may mga natutuklaw pa din at nalululon ang mga ahas 'no?"

"They are naturally born predator kaya malamang kapag gutom sila mag hu-hunt sila at isa pa, isa sa mga panlaban nila ang pagtuklaw kapag pakiramdam nila nasa panganib sila."

"Sabi ko na nga ba may dugong ahas ka eh." Sarcastic na sagot dito ni Cory.

"Sawa?" Tanong niya dito.

"Oo. May nakita kaming sawa sa rose farm, hinuli ni Sabrina at itinapon sa lake."

"Talaga? Ang galing naman." Aniya.

"S'yempre, saan ba aamo ang ahas? Eh 'di sa kapwa niya din ahas." Nang-aasar na sabi ni Cory. Narinig niya na natawa si Tia. Mahina lang.

"Ako pa pala ang ahas ha? Eh sino kaya sa ating dalawa 'yung kung makalingkis daig pa ang anaconda?"

"Wow, that's something, naglingkisan kayong dalawa?" Tanong dito ni Tia na may kasamang pang-aasar.

Natahimik naman si Cory at Sabrina. Pinakiramdaman niya ang dalawa. Mukhang may something na nabubuo sa pagitan ng mga ito. Ayaw lang niyang usisain ang dalawa at magtanong nang magtanong, hindi naman na sila mga bata, sigurado siya na alam naman ng mga ito ang pinapasok nila.

Pagkatapos nilang kumain ay nasunod din ang gusto ni Sabrina. Ang usapan nila ay mag i–inuman sila sa wharf, hindi sila mag si-swimming dahil takot si Cory sa tubig lalo na kapag gabi.

Nang pumunta sila ni Cory sa wharf ay naroroon na si Tia at Sabrina. Nakapaglatag na ang mga ito ng mat at prente nang nakaupo ang dalawa doon at may hawak ng tig-isang bote ng beer. Magkatai silang naupo ni Cory sa tapat ng mga ito. Napatingin siya kay Tia, nakatanaw ito sa malayo habang tahimik na umiinom ng beer. Bagong ligo ito, basa pa ang buhok nito, naka sando lang ito ng itim at naka tight tattered jeans, si Sab naman ay naka white shirt at naka maiksing denim short. Ngayon niya lang nakitang nakasuot ng ganoon ang dalaga dahil lagi itong pormal noon kapag nakikita niya. Lagi itong naka long sleeve na buttondown, kagaya ni Tia, sabagay naisip niya, ngayon niya lamang nakasama sa ganoong klaseng pagkakataon si Sabrina.

Nakita niya si Cory na nakayuko at nag te-text, maya maya'y naramdaman niyang nag vibrate ang CP niya kaya kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng short niya at binasa ang text message. Si Cory.

"'yung ex mo no lakas makakatawang pang romansa." Text nito sa kanya.

Tinignan niya si Cory. Humagikgik ito, inirapan naman niya ang dalaga. Pero totoo naman talaga ang sinasabi nito. Napakalakas talaga ng appeal ni Tianna. Maraming beses na niya itong napatunayan, sa tuwing magkasama sila ng dalaga noon ay imposibleng hindi ito lilingunin ng mga nakakasalubong nila.

Nagpatugtog si Cory sa CP nito ng kanta ni Rihanna.

"Ano ba 'yang pinapatugtog mo Cory." Sita dito ni Sabrina.

"Bakit? Anong gusto mong tugtugan? Ex battalion?"

"Ex battalion? Who the fuck was that?"

"Sus Ex battalion 'di mo kilala wala pala 'to eh." Umubo ubo pa si Cory at tsaka biglang nag rap. "Kalimutan mo na 'yan sige sige maglibang 'wag kang magpakahibang dapat ay itawa lang ang problema sa babae dapat 'di iniinda hayaan mo sila ang maghabol sa 'yo 'di ba? Yeah yeah yeah break it down."

Pare-pareho silang nakatanga kay Cory. Natigilan naman ito at nagpalit palit ng tingin sa kanilang tatlo.

"Sabi ko naman sa 'yo lahat 'yan nagloloko pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayo kaya 'wag nang uulit pa, kaya 'wag nang uulit pa..."

Katahimikan. Nakatitig pa din sila kay Cory. Si Tia ang unang tumawa, mahina lang nung una hanggang sa unti unti itong lumakas at biglang humagalpak ng tawa.

"Putang ina, last mo na 'yan." Sabi naman ni Sabrina.

Tumatawa na din siya. Parang siya ang nahihiya para kay Cory at ayaw man niya itong pagtawanan ay hindi niya mapigilan. Inis na tinignan siya nito.

"Hoy kaibigan mo 'ko ha, bakit ka nakikitawa sa kanila? Traydor." Pang-uusig nito sa kanya. Pinigilan niya ang sarili pero maya maya lang ay muli siyang napabunghalit ng tawa.

"Nakakadiri ka." Disgusted pa na tinignan ito ni Sabrina.

"Wow ha, ang ganda siguro ng boses mo hiyang hiya naman ako sa 'yo."

"Hindi maganda boses ko kaya nga nananahimik na lang ako eh, ikaw matigas ang mukha mo, iba ka."

Muli silang nagtawanan. Inis na sinipa ni Cory si Sabrina sa binti nito pero hindi nito napahinto ang dalaga sa pagtawa ng malakas.

Natahimik sila nang tumugtog ang Unfaithful ni Rihanna. Napatingin sa kanya si Cory, alam na niya ang nasa utak nito kaya binigyan na niya ito ng warning look pero sadyang mahina 'atang pumick-up ang dalaga dahil itinuloy pa din nito ang planong pang-aasar sa kanya.

"I don't wanna do this anymore, I don't wanna be the reason why, everytime I walk out the door, I see him die a little more inside..." Kanta nitong muli. "Oh Althea my friend, bagay sa 'yo 'yung kanta oh."

Katahimikan. Huli na bago na realized ni Cory ang bigat ng biro nito. Natakpan nito ang bibig, inis na tinitigan naman niya ng masama si Cory.

"Tanga tanga ka talaga..." Mahina niyang sabi dito.

Napasulyap sila kay Tia na biglang nabura ang tawa sa mukha nito. Sumeryoso ang mukha ng dalaga, tumayo ito, naghubad ng jeans at sando at tsaka tumalon sa lake.

"Ungas ka talaga hindi ka nag-iisip." Gigil na sabi dito ni Sabrina.

"Sorry naman, nakalimutan ko eh..."

"Ang sabihin mo, sintunado ka na nga tatanga tanga ka pa. Bwisit!"

Inirapan ito ni Sabrina. Tumayo na din ang dalaga, naghubad ng short at tumalon na din sa tubig.

"Althea sorry naman na..."hingi nito ng paumanhin sa kanya. Muli niya itong inirapan. Tumayo siya sa pagkakaupo at pinanood pansumandali si Tia at Sabrina na naghaharutan sa tubig. Hinubad na din niya ang short niya at ang crop top niya tsaka sumali sa mga ito sa paglangoy.

Tatlo na silang naghaharutan sa lake nang matigilan si Sabrina, tinanaw nito si Cory na malungkot na nakaupo sa wharf at nanonood sa kanila.

"Sandali lang, iwan ko na kayo dito." Paalam nito sa kanila.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong dito ni Tia.

"Sasamahan ko na lang sa wharf si Cory, kawawa naman eh." At tsaka ito lumangoy papunta sa wharf.

Sila na lamang ni Tia ang naroroon. Lumangoy siya palapit dito at kumapit sa balikat nito, magkaharap silang dalawa, nakangiti sila sa isa't-isa. Napatitig siya sa basang labi ni Tia, huminga siya ng malalim. Kahit kailan mahina siya pagdating dito dahil siya na ang kusang lumapit dito at hinalikan ito sa labi. Mahigpit siya nitong niyakap sa bewang at gumanti ng halik sa kanya.

Naramdaman niya nang marahang pumasok sa likod ng panty niya ang isang kamay nito at pinisil ang kanyang pwet. Nakaramdam siya ng excitement sa ginawa nito lalo na nang hinaplos haplos ito ni Tia. Mariin niyang nakagat ang lower lip nito, nang maghiwalay ang labi nila'y matagal silang nagtitigang dalawa at tsaka sila muling naghalikan. Ang isang kamay ni Tia ay unti unti nang pumapasok sa loob ng bra niya, napasinghap pa siya nang tuluyan nitong sakupin ang kanang suso niya at inipit ang utong niya sa pagitan ng dalawang daliri nito. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya kay Tia. Hinahaplos na ng kamay niya ang likod ng ulo nito, hinugot nito ang kamay na nasa pwetan niya at tsaka tuloy tuloy nitong ipinasok ito sa harapan niya, isinukbit niya ang isang binti sa balakang nito nang maingat siyang hinagod ng daliri nito sa kanyang hiwa. Hindi pa din sila tumitigil sa paghahalikan. Hindi nila alam kung nakikita sila ni Cory at Sabrina, wala na silang pakialam, ang mahalaga'y ma i-release niya ang init na nararamdaman niya.

Nang unti unting dumiin ang daliri nito sa hiwa niya'y lumabas na ang mahihinang ungol sa bibig niya, magkalapat pa din ang mga labi nila, hindi sila humihinto sa paghahalikan, parang bumabawi sila sa mahigit kumulang na dalawang taong hindi sila nagkasamang dalawa.

"Tia..." Mahina niyang tawag sa pangalan nito nang maghiwalay ang mga labi nila.

"I don't care if you love me or not, just let me love you Althea, just let me love you in every possible way that I know..."

Napatitig siya sa dalaga, nakita niya ang magkahalong sakit at pagsusumamo sa mukha nito. Naiiyak niya itong niyakap nang mahigpit at muli itong hinalikan ng mariin sa labi.

.

.

.

.

.

-tobecontinued-