Chapter 16

Chapter 16

Halos one week din silang hindi nagkita ni Cory kaya nang araw na iyon ay pinuntahan siya ng kaibigan at nag inuman sila sa front porch niya. She was devastatingly broken hearted, iyon ang unang pagkakataon na sobra siyang nasasaktan at may isang kaibigan na nasa tabi niya at handang makinig sa kanya.

"She rejected me." Maiksi niyang sabi sabay inom sa beer na hawak niya. "I can't blame her, ako naman ang may kasalanan kung bakit siya napunta kay Crystal, kung bakit ayaw na niyang bumalik sa akin."

"Yeah yeah, after n'yong mag sex, you asked her to take you back but she said No." Kaswal na kwento ni Cory sa kanya.

"How did you know?" Nagtataka naman niyang tanong dito.

"I saw you." Sabi naman nito sabay ngiti. "Nung nakita kong naka park ang kotse mo sa driveway mo, sumilip ako sa bintana mo. I watched, I'm sorry I couldn't help it..."

"What? All those time, nasa bintana ka at nanonood?" She told her with great disbelief.

"I'm sorry, I was so fucking curious..."

Inis na tinadyakan niya si Cory sa pigi at tumimbuwang ito sa pagkakaupo nito. Tumatawa itong tumayo, kinuha ang beer sa table at ininom iyon.

"I tried to look away pero napapatingin ako eh." Malakas itong tumawa. "My God Althea, that was so fucking hot, first time kong makapanood ng live porn."

"That was not so funny at all Cory!" Asar na asar niyang sabi dito. Binato niya ito ng can ng beer na wala ng laman, nakailag naman ito.

"I'm sorry okay? I'm sorry... hindi ko naman tinapos eh..."

"Ewan ko sa 'yo!"

Tinitigan niya ng masama si Cory at inirapan ito. Muli siyang lumagok ng beer at inubos ang laman niyon. Inayos naman ni Cory ang upuan sa tabi niya at dahan dahang naupo doon.

"Ano kayang mas masakit? Iyong nagtikiman na kayo pero walang kayo o 'yung never kayong nagkatikiman at never din na magiging kayo?"

Sinulyapan niya ang kaibigan sabay tanaw sa malayo.

"Mahal mo ba kaya gusto mong bumalik siya sa iyo or it's all about your pride?" Tanong sa kanyang muli ni Cory. Hindi siya kumibo. Tahimik lang siyang uminom ng beer habang nakatanaw sa malayo.

"Kailangan, alam mo ang pagkakaiba n'un Althea. Mahal mo kaya gusto mong magkaayos kayo ulit o gusto mo siyang bumalik sa iyo because you hate the thought of being replaced by someone new."

Lagi namang ganoon 'di ba? Naisip niya. Laging huli na kapag nalaman mo na mahal mo pala ang isang tao, na mahal mo pa pala kapag nakita mong bumitaw na siya sa iyo ng tuluyan at naging masaya sa iba. Kailan ba nauna ang pagsisisi? Lagi naman iyong nasa huli.

"I made a mistake Cory." Ang tanging nasabi niya. Huminga siya ng malalim at tsaka yumuko. "I was just so amazed on how quickly I became forgotten from remembered."

"It's okay, it's not a crime na makagawa ka ng wrong decisions and bad choices when it comes to love. Lahat tayo nagmamahal pero hindi tayo perfect. We all love someone imperfectly."

"I am not so good in love Cory. Nakakatawa lang na ang dami dami kong alam sa mundo, ang dami dami kong kayang gawin pero pagdating sa Love, talunan ako."

"Well if that's the case, we're perfect to be the best of friends. Talunan ka, tanga naman ako." Anito na sinundan pa ng isang pagak na tawa.

"Alam mo 'yun Althea, 'yung umasa ka at naniwala ka na she's the happy ending that you've been looking for but at the end of it all, she's just another lesson in love."

Sinulyapan niya si Cory. Nakadama siya ng awa dito. Kitang kita niya na she's hurting. Hindi naman niya ito masisisi, nakita niya kung gaano naging close si Cory at Sabrina. Hindi niya ito masisisi kung umasa ito, umasa ito at nasaktan.

"You know Althea, it was so good I didn't even noticed that the moment was fleeting."

Muli itong tumawa habang umiinom ng beer, umiling iling ito. "Ang tanga tanga ko kasi. Binigyan ko ng malisya lahat, binigyan ko ng meaning ang mga simple effort na ginagawa niya for me, ang tanga tanga ko na nilagyan ko ng kulay ang attention na binigay niya sa akin, but you're right Althea, she doesn't believe in commitment and I am just another game for her that she needs to win, I am just another place she needs to conquer. She won, I lost, the end of our story."

"Or maybe, it's not really the end."

"Noon I thought that the hardest thing na magagawa ko ay 'yung ma-attach sa isang tao, akala ko mahirap 'yung gawin para sa akin pero mas mahirap pala ang dumetach. Mas mahirap at mas masakit pala ang detachment kesa sa attachment.

"Cory... everything will be alright, you'll see, you'll get over it, you'll be okay."

Muling ngumiti sa kanya si Cory. Mapait.

"Kapal ng mukha, akala mo naman kagandahan, shit." Naiiyak na biro nito.

Natahimik sila nang dumating si Tianna na naka motor. Naghubad ito ng helmet at agad na pumasok sa bahay nito, maya maya'y dumating ang ford pick-up ni Sabrina, bumaba doon ang dalaga. Narinig niya ang pag buntonghininga ni Cory, sinulyapan niya ito at nakita niya ang kaibigan na nakatitig kay Sabrina at sinusundan ito ng tingin hanggang sa makapasok na ito sa bahay ni Tia.

"Pero ang ganda talaga niya 'no? Hayop na 'yan, nabiktima ako ng mala satanas niyang ganda."

Nagkatinginan sila ni Cory at sabay na natawa. Natawa sila kahit na deep inside pareho silang nasasaktan.

"Pero for sure mag se-sex din kayo ni Sabrina eventually." Aniya. Naka duck face na tinignan siya ni Cory.

"Paano kami mag se-sex eh ayaw nga niya sa akin."

"Marupok din 'yang si Sabrina tapos ikaw marupok na malandi pa, sa sex din mauuwi ang lahat."

Muli silang nagtawanang dalawa. Inihagis ni Cory ang empty can ng beer at sinalo ito ng kaliwa nitong kamay.

"Kaliwete ka pala." Aniya sa dalaga.

"Oo, kaya be careful kasi nangangaliwa ako."

Muli silang nagtawanan ng malakas. Tumayo si Cory at nag inat inat.

"I have to go, may shooting pa ako bukas kailangan ko ng mag beauty rest." Anito sa kanya.

Tumango tango naman siya. Pinagmasdan niya ang kaibigan na naglakad papunta sa bahay nito, kumaway pa ito sa kanya bago pumasok sa pintuan nito.

Malalim siyang bumuntong hininga at mag-isang inubos ang beer na natira. Dinukot niya ang cellphone niya sa pocket ng jeans niya at inaccess ang spy cam na ininstall niya sa loob ng isang bahay. Pinagmasdan ang ginagawa ng babae. Nakita niya na umupo ito sa sofa at nagbukas ng laptop. I-zinoom in niya ito at isinentro sa laptop ng babae, tinignan ang ginagawa nito at nakita niya na nag send ito ng email sa Golden Jackal Organization para sa isang taong nagtatago sa Alias na 'Coyote'. Huminga siya ng malalim at tsaka pinatay ang kanyang cp. Ibinalik niya ito sa bulsa ng kanyang jeans at pinagpatuloy ang pag-inom ng beer.

Kilalang Worldwide Criminal and Espionage Organization ang Golden Jackal, gaya ng S.I.S pero mas discreet ang mga operations nito. Matagal na niya iyong pinag-iisipan, kung anong connections ng Golden Jackal sa kanya o kay Tia, kung sino ang minamanmanan nito sa kanilang dalawa.

Red Fox. Iyon ang Alias ng babaeng iyon. Hindi na niya tuloy alam kung sino pa ba ang dapat niyang pagkatiwalaan.

Mas kailangan niyang mag-ingat, mas kailangan niyang bantayan si Tianna.

Tumayo na siya, nagligpit ng mga kalat nila at pumasok sa loob ng bahay niya. Dumiretso siya sa kitchen niya at naghugas ng kamay, naghilamos, nagpupunas siya ng mukha nang tumunog ang doorbell niya. Agad niyang hinugot ang kitchen knife sa suksukan nito, kunot noong lumapit siya sa bintana niya, inihanda ang kutsilyong hawak, hinawi niya ng kaunti ang kurtina at sinilip kung sino ang nasa labas. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Tianna ang naroroon. Binitawan niya ang kitchen knife at itinago iyon sa flower vase na malapit sa kanya at tsaka pinagbuksan si Tia ng pinto.

Nakatingin lang sa kanya ang dalaga. Parang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi.

"Tia, what?" Nagtatakang tanong niya dito.

"Althea, can I stay--- can I stay here tonight?"

Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita mula dito. Hindi niya alam ang sasabihin. Marahan siyang tumango at tsaka siya gumilid para papasukin si Tia. Malalim siyang bumuntong hininga bago niya isinara ang kanyang pintuan.

Kung ano man ang mangyayari'y tanging sila na lamang dalawa ni Tia ang makakaalam.

.

.

.

.

.

Bumalik siya sa dati niyang mundo. Nagsimula na ang shooting niya para sa isang Rom-Com movie na ginagawa niya.

Back to reality ang drama ng buhay niya ngayon. Doon sa reality niya na walang Sabrina Crisostomo na inaasar siya, pinapakilig siya at higit sa lahat, pinapapaasa siya sa wala.

Oo naman, may mga pagkakataon pa din na na mi-miss niya ito, kahit na ang simpleng pagsabi nito sa kanya ng 'Ungas' ay namimiss niya, ang bigla na lang nitong pagsulpot sa pintuan niya, ang lahat lahat ng mga bagay na nakasanayan niya. Pero kailangan niyang kumawala hangga't hindi pa ganoon kalalim ang nilulubugan niya, ayaw niyang malunod, ayaw niyang malungkot.

She was praised by her Director and Producers with her acting skills. Na developed daw siya after ng Summer Vacation niya lalo na nang Drama scenes na ang shino-shoot nila. Naging madali sa kanya ang umiyak at magbato ng mga linya, siguro kasi may pinaghuhugutan siya.

At kagaya ng mga dating issues niya, na chi-chismis siya sa kaperaha niyang Actor na si Vince Mondragon. Kalat na kalat sa lahat ng News papers at Magazine kahit sa Internet ang mga kunwari'y Behind the scenes na sweetness nilang dalawa na scripted din naman para lang mapag-usapan ang movie na ginagawa nila. Part 'yun tactics ng PR Team nila para mas ma enganyo ang mga Movie goers na panoodin ang unang Movie nilang dalawa.

Oo, nagsabi sa kanya si Vince na gusto siya nito, sa mga interviews nila'y hayagang inaamin ng lalaki na umpisa pa lang ay crush na crush na talaga siya ng Actor at sa tuwing tinatanong siya ng mga reporters kung may pag-asa ba ang lalaki'y sinasagot lamang niya ito ng tawa at ngiti sabay sabi ng; "Let's see what the future brings."

Nakikipag date din naman siya dito, she wants to give him a chance pati na din ang sarili niya at everytime na mag de-date sila ng lalaki'y lagi itong nasa front page at lagi silang nasa headlines ng mga News paper, kalat sa buong social media ang mga stolen shots nila ni Vince na magkasama at lalong umugong ang chismis at speculations na sila na ngang dalawa, hindi lang daw nila inaamin.

Okay naman si Vince. Mabait ito, gentleman at hindi chickboy. Pero at the end of the day, kapag umuwi na siya sa bahay niya ay sasalubungin siya ng kakaibang emptiness at mapapasilip siya sa bintana, titignan kung nasa driveway ni Tia ang sasakyan ni Sabrina at kapag nakikita niya doon ang Ford pick-up ng dalaga'y bumibilis ang tibok ng puso niya, kung wala naman doon ang sasakyan ng dalaga'y binabalot siya ng matinding kalungkutan.

Umagang umaga. Nag jo-jogging siya sa lakeside nang biglang humarang sa daraanan niya ang ford pick-up ni Sabrina. Binaba nito ang bintana at masama ang mukhang tumitig sa kanya. Hindi naman niya iyon pinansin. Pairap niya itong iniwasan at nag-iba ng direksyon at ipinagpatuloy ang pag jo-jogging. Bumaba naman si Sabrina sa sasakyan nito at mabilis siyang hinabol at hinawakan ng mahigpit sa braso.

"Ano ba?" Inis na tanong niya dito at kumawala sa pagkakahawak nito. "Leave me alone, I don't want to talk to you, I don't want to be near you, I don't want to see your face anymore so just fucking leave me alone!" Sigaw niya dito.

"Bakit? Kasi may boyfriend ka na? Boyfriend mo na 'yung mukhang Gorilla na ka loveteam mo 'di ba?" Gigil na gigil na usig nito sa kanya.

"Eh ano namang pakialam mo? Bakit apektado ka ba na may boyfriend na ako? Bakit jowa ba kita?"

Sabrina gritted her teeth like an angry wolf ready to attack someone. Inis na hinatak siya nito sa magkabilaang braso at galit na tinitigan siya sa mata. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang nagalit ng ganoon si Sabrina and she must admit, it terrifies her.

Malalim ang paghinga nito, halatang nagpipigil. Wow, nagpipigil pa pala ito sa lagay na iyon eh halos pigain na nito ang mga braso niya sa pagkakahawak nito.

"I hate you." Mahinang sabi niya dito.

Doon parang natauhan si Sabrina. Unti unting nagbago ang expression sa mukha nito, unti unting lumambot at nilambungan ng kakaibang lungkot.

"You failed my first and I hate you for hurting me so just let me go." Aniya.

Binitawan siya ni Sabrina at tsaka ito mabilis na naglakad papunta sa sasakyan nito, sumakay doon at mabilis itong pinatakbo papalayo sa kanya.

Nanginginig ang buong katawan na napaupo siya sa gilid ng kalsada. Tinakpan ng dalawa niyang kamay ang mukha at mahinang lumuha.

Pagkatapos ng araw na iyon ay halos araw araw na nagpapadala ng pagkain sa set nila si Sabrina na tuwang tuwa namang kinakain ng buong production staff, minsan ay may nag de-deliver ng malalaking boquet ng flowers, minsan naman ay dumadating sa location nila ang isa sa mga tauhan nito at inaabot sa kanya ang regaling pinabibigay nito. Mga mamahaling bags, jewelries, watches na hindi niya tinatanggap at isinasauli lamang niya it okay Sabrina.

Last five days ng shooting nila nang biglang dumating si Sabrina kasama ang mga bodyguards nito sa Location nila. Hindi niya iyon inaasahan, she was shocked, pati ang buong production team ay gulat na gulat.

There she was, wearing a black suit and tie, looking so dangerously gorgeous, naglalakad ito palapit sa kanya at nasa likod nito ang limang lalaki na mga naka suit din ng itim at naka shades. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib niya. Kilala ng production team si Sabrina dahil kilala itong Mobster kaya tumigil ang lahat ng ginagawa nila at nakatingin lang sa paparating na dalaga. Kinakabahan.

Huminto ito sa 'di kalayuan mula sa pwesto niya. Hinubad nito ang shades sa mata at tumitig sa kanya. Ano na naman kayang problema nitong gagong 'to? Natanong niya sa sarili niya. Sinenyasan siya ng daliri nito na lumapit, tinaasan niya lang ito ng kilay at inirapan. Nang hindi siya lumapit ay dalawa sa bodyguards nito ang lumapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilaang braso.

"Hoy saan n'yo dadalhin si Cory?" Bagama't ninenerbiyos ay mataray na tanong ng bakla nilang director.

Tumingin dito ang isa sa mga bodyguard ni Sabrina, naglabas ng calibre 45 pero hindi iyon itinutok sa director nila, parang pinakita lang ito ng lalaki para panakot.

"May problema ka ba?"

"Wait, this is not right..." Awat din ni Vince. Lumapit ito sa kanila agad naman itong kinuwelyuhan ng isa pa sa mga bodyguard ni Sabrina.

"Papalag ka ba?"

Nagkatinginan sila ni Vince, sinenyasan niya ito na okay lang siya at huwag na itong umangal pa.

"Ano ba, bitawan n'yo nga siya, oo na sasama na ako, dami n'yong arte, ang va-violent n'yo."

Hinaltak niya ang braso mula sa pagkakahawak ng mga ito at kusa na siyang naglakad palapit kay Sabrina. Inis na inis na hinarap niya ito.

"Ano bang problema mo? Nasa trabaho ako hindi mo ba nakikita?"

"Tara, mag Lunch tayo." Kaswal na sabi nito.

"Are you out of your mind? Gago ka din ano? Ano sa tingin mo sasama ako sa 'yo? Para ano? Para paasahin mo ulit sa wala? Para paglaru----"

Hindi na niya natapos ang iba pang sasabihin dahil bigla siyang binuhat ni Sabrina sa balikat nito at para siyang isang sakong bigas na binitbit nito.

"Cory!" Nag-aalalang tawag sa kanya ng director niya.

"I'm okay Direk, don't worry I'm okay!" Sigaw naman niya dito at tsaka niya pinaghahampas ang likod ni Sabrina. "Gago ka ibaba mo nga ako para kang tanga!" Bulyaw niya dito pero hindi siya binaba ni Sabrina.

Ipinasok siya ni Sabrina sa sasakyan nito, pabalibag na isinara ang pinto. Pumasok ito sa driver's seat at tsaka pinaandar ang sasakyan.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Mag la-lunch nga tayo 'di ba?"

"Nababaliw ka na 'ata talaga."

Hindi naman siya nito pinansin. Noong una'y nakasunod sa kanila ang sasakyan ng bodyguards nito pero nang marating nila ang town proper ng Montecillo'y umiba na ng direksyon ang mga ito. Dinala siya ni Sabrina sa bahay nito. Mahigpit pa din ang pagkakahawak nito sa braso niya na parang nag-aalala ito na takasan niya, hanggang sa makapasok sila sa bahay nito'y hindi pa din siya nito binibitawan at tsaka siya nito patulak na pinaupo sa sofa.

"Animal ka talaga!"

Tumayo siya at nilapitan ito. Pinagsusuntok niya ito sa braso pero parang hindi naman ito tinatablan, maya maya'y narinig niya na tumatawa na ito ng malakas. Pinigilan siya nito sa pulso at hinatak palapit dito.

"You're stupid, careless, nosy and I hate you." Sabi nito sa kanya. Seryosong seryoso ang mukha nito. "Na chea-cheapan ako sa 'yo alam mo ba 'yun?"

Nainsulto siya sa sinabi nito kaya nagpumilit siyang kumawala sa pagkakahawak nito pero mas lalo lang hinigpitan ni Sabrina ang pagkakahawak sa braso niya.

"Gago ka talaga Sabrina!"

"I hate you because you're not my type and I hate you more for making me like you so much it drives me crazy."

Natigalgal siya sa sinabi nito. Umawang ang bibig niya ngunit wala siyang maapuhap na salitang sasabihin dito.

"I like you and I hate myself for that."

At sa isang iglap ay hinalikan siya nito sa labi.

Kakaiba ang halik sa kanya ni Sabrina nang araw na iyon, para itong sabik na sabik na hindi nito malaman kung paanong paraan ng halik ang gagawin nito sa kanya.

Hinatak niya ang suit nito pahubad, niyakap naman siya ni Sabrina at muling inihiga sa sofa. Naghahalikan pa din silang dalawa. Dinakma nito ang boobs niya ng isa nitong kamay sa ibabaw ng t-shirt niya, hindi din nito malaman ang gagawin paglamas sa dibdib niya.

"I think you need to caress it inside my clothes?" Aniya sa mahinang boses habang hinahalikan siya ni Sabrina sa leeg. Natigilan ito at napatingin sa kanya.

"I'm sorry kung nagmamadali ako." Hingi naman nito ng despensa.

"It's okay, now go on..." At muli niyang kinabig ang batok nito. Muli naman siya nitong hinalikan sa leeg, ang isang kamay nito'y pumasok na sa loob ng damit niya, inangat ang bra niya at tsaka sinakop ng buong palad nito ang kanang dibdib niya.

Iyon ang unang pagkakataong may nakahawak sa boobs niya. Napapikit siya ng mariin. Nilamas iyon ni Sabrina ng madiin hanggang sa nasasaktan na siya.

"Aray, saglit... dahan dahanin mo naman para ka namang mauubusan..." Sita niya dito. She tried to sound funny dahil ayaw niya na masira ang mood ni Sabrina at mapurnada na naman ang SPG scene nila. Ayaw na niyang mabigo pa ang mga readers na nag-aabang.

Sinunod naman ni Sabrina ang sinabi niya. Dinahan dahan nito ang paglamas. Muling umakyat ang labi nito sa labi niya, naghalikan silang muli habang ang kamay nito na nasa boobs niya'y bumaba na sa sikmura niya, papunta sa bewang niya. Tinanggal nito sa pagkakabutones ang jeans niya at ibinaba ang zipper.

Ito na... malapit na malapit na. Sa wakas makakatikim na din siya ng romansa!

Ipinasok ni Sabrina ang kamay nito sa loob ng panty niya. Narinig pa niya ang mahina nitong pag-ungol nang masagi ng daliri nito ang clit niya, siya man ay napaungol din sa pananabik. Bumaba ang daliri nito papunta sa pussyhole niya and with just a snap, ibinaon nito ang middle finger sa kanya.

"Ouch! Sab, aray... aray..." Dahil sa sakit ay naitulak niya ito sa balikat.

Masakit ang unang pasok, virgin pa siya, isa pa'y hindi pa siya gaanong nag we-wet. Naalala niya ang nakita niyang sex scene ni Tia at Althea, kung paano nilaro ng mga daliri ni Tia ang clit ni Althea, kung paano ito dinilaan muna ni Tia at kinain bago ito pinasok.

"Sorry... sorry..." Nag-aalalang hingi ulit nito ng paumanhin sa kanya at muli siyang napa aray nang hugutin ni Sabrina ang daliri nito sa pussyhole niya.

Malalim itong bumuntong hininga at tumitig sa kanya.

"Tell me, you haven't done this before, right?" Tanong niya dito.

Nag blush ang mukha ni Sabrina. Nahihiya nitong itinago ang mukha sa fold ng leeg niya. She can't believe it! Sa hitsura nito na mukhang matinik sa babae, sinong mag-aakalang wala pa itong experience sa sex kagaya niya?

"You are my first..." Nahihiyang bulong nito sa kanya. Nakasubsob pa din ang mukha nito sa leeg niya na parang hiyang hiya na hindi mo malaman.

"It's okay... I can't distinguish the difference between good and bad sex." Aniya dito. Ikinulong niya ang mukha nito sa dalawa niyang kamay at iniangat iyon. Nginitian niya ito at dinampian ng halik sa labi. "Because just like you, I am still a virgin."

Nagkatitigan silang dalawa at sabay na tumawa ng malakas.

.

.

.

.

.

-tobecontinued-