Chapter 76 She Cry

((( SENA )))

"Tang Ismael…"

malungkot ako…

kasi, nakangiti na naman sa akin…

at pinatutulakan na naman ang ng

matandang to sa anak niya.

Kung aminin ko kaya ang nararamdaman ko….

"Bakit, maganda ba yang sasabihin mo."

"Tang… kanina kasi."

"O bakit…"

"Kanina kasi… " napabuntong hininga ako…

Oo, ang saya ko kanina…

kaya lang ng makita ko sa may rocking chair ni Tatang yung dyaryo… ikakasal na

Si Luis kay Rhen.

Nakaramdam ako ng sakit… nalulungkot ako… Yung Prince Charming mo na inaasam

mong maging iyo… ngayon ikakasal na sa ibang babae…

Maganda naman si Rhen… di kami bagay ni

Luis… Nakakaiyak naman.

Sana man lang bago makasal si boss Luis alam niya itong nararamdaman ko sa

kanya…

Namalayan ko na lang naiyak na ako. Bakit kasi paasa itong si tadhana eh. Alam ba niya na… nasasaktan

ako.

"ayyy… Sena. Tinukso ka na naman ba ni Aaron?"

bigla akong tinapik tapik sa balikat ni Tatang…

Di ko

kasi mapigilan na bumuhos ng sagad ang luha ko.