Chapter 168 Only One Thing

@ International_Pen

Hinatid kami ng sasakyan sa harap ng Bahay namin. Naabutan ko si Tolits na kung maka akyat sa manga...

" Tolits! Bumaba ka nga dyan!"

Hinanap niya ako... at ng makita ako...

" Dada! Si Tiya Amasona!"

Ha?... Ahahahaha... namiss ko ang Amasona na yan ah.

" May kasama pang bagong Amasona!."

Sa taas pa naman talaga ng kilay ni Cecile. At ng lumabas si Kuya naka taekwando Suite na kulay itim. Namiss ko ang Gorilyang to!

" Kuya..."

nguso ko sa dalang sasakyan namin ni Cecile.

" Kala mo sa akin ingetero. May kasama ka pang alalay."

" Sa wakas Kuya namunga na yung mangga... parang ang sarap kumain!"

Naglalaway kong sabi...

Kahit sumasakit bigla ang tiyan ko... pero natatakam ako sa mangga.