Chapter 430 I know your capabilities Sena

@ International_Pen

((( SENA )))

"As usual, tungkol sa kompanya Sena."

Parang ayaw ulit niya mag-share tungkol doon. Siya na itong naglagay ng pagkain sa pingan ko.

"Kailan ka ba nilayasan ng problema nang kompanya mo Sean?"

Tinapunan niya ako ng titig…

" Tsss…"

" Sabagay di mo naman talaga sa akin sinasabi kung ano ang problema mo tungkol dyan sa Company thingy?"

"It's not yours, why I am going to tell it to you?."

" Sabi kapag mag-asawa, may teamwork daw dapat. Kailangan natin ng Teamwork Sean."

"I know your capabilities Sena. Your not a business person."

" Makapag-judge sagad. Kapag ako talaga!..." napatusok na lamang ako sa pagkain. Subo… sa ako na napikon. Ganda ng mood ko… heto na naman siya, binababa na naman ang confidence ko.

" Yung school ngang pinapamalakad ko sayo, wala kang ginagawa."

" Hoy Sean, ni minsan wala akong document na hinawakan tungkol doon."