>> Paunang Detalye <<

Oo, alam kong may minamahal ka nang iba. Oo, alam kong ako'y tuluyan mo nang iniwan. Alam ko at alam na alam ko na HINDI NA NGA ako.. ang iyong mahal.

✓ Hindi basta-bastang pwedeng kalimutan ang isang taong minahal at tinanggap mo sa iyong buhay. Hindi rin basta-bastang nawawala ang sakit na naidudulot kapag bigla nalang siyang umiwas at lumisan.

\\ Sabi nga sa kanta "Alam kong mali na, pero hindi ko parin kayang bumitaw".

// Aangkinin mo ba ang lahat ng sakit upang ipaglaban ang pagmamahal mong kumakapit sa iisang panig lamang? O, pipiliin mong gawin ang tama at bumitaw sa pag-ibig na nagdudulot ng sakit at kalungkutan.

(Handa ka na bang: MAGMAHAL at MASAKTAN?)