Chapter 1 - The Mission

ON GOING REVISION...

12 HOURS AGO

MONDRAGON HIDE OUT...

"This will be our last mission. Kaya kailangang magtagumpay tayo."

Nakatayo si Gian sa kanyang silid sa loob ng hideout ng mga Mondragon suot ang black leather suit habang nakatitig sa kanyang computer screen kaharap ang apat na lalaking nakapalibot sa mapa na nasa mesa ng mga ito habang nakasuot ng black military uniform.

Hinarap niyang muli ang mapa at tinuturo habang ipinapaliwanag ang gagawin.

"Posibleng ang ibang tauhan ni Mondragon ay pupwesto sa exit point, incase na may double cross na mangyayari..."

Humarap siya sa mga tauhan.

"Ubusin silang lahat."

Tumango ang lahat.

Binalingan niya si Esiah. " Pasabugin mo ang warehouse kapag nasa akin na ang target siguraduhin mong nakalayo na kami sa bodega bago gawin."

Binalingan niya ang kaibigan. "Vince pagkatapos ng pagsabog pumunta ka sa kotse sa likuran ng bodega hintayin mo kami ng target."

Hinarap niya ang lahat.

"Hintayin niyo ang signal ko.

Kahit anong mangyari huwag ninyong babarilin ang target, is that clear?"

"Sir, yes sir!"

"Back up natin ang Bravo team."

Tumayo siya ng tuwid at mariing tinitigan ang apat.

"Iisa lang ang misyon natin, hulihin ang pinakamalaking drug cartel sa lugar na ito."

"Yes Captain!" tugon ng lahat bilang kasiguraduhan.

Sila ang Alpha Team. Sila ang pinakamahusay pagdating sa napakamapanganib at napakahalagang misyon tulad nito.

"ARE YOU READY ALPHA TEAM!"

"YES SIR!"

"COME BACK ALIVE THAT'S AN ORDER!"

"SIR YES SIR!"

Sumaludo ang mga ito sa kanya.

Sa larangan ng kanilang trabaho, normal ang magbuwis ng buhay alang-alang sa bansa.

Sa tagal ng kanilang samahan ay nagiging malapit na siya sa mga ito. Inaalala na niya ang kaligtasan ng bawat isa.

Subalit bukod sa misyon, may isa pa siyang ambisyon..

Nakaharap siya sa laptop nang makatanggap ng isang

email mula sa kanyang inarkilang private investigator.

Tumambad ang larawan ng isang tila mag-anak na hindi naman niya kilala. Seryoso ang mga anyo ni walang nakangiti.

Isang lalaking nakatayo na wala pa sa kwarenta ang edad, naka pormal attire kasama ng isang babaeng nakatayo rin kasing edad lang nito at sa gitna ay isang batang lalaking nasa edad kinse, nakaupo sa isang magarang upuan at may korona sa ulo. Kung babasehan ang anyo at porma ng mga ito ay tila mayayaman.

Dinampot niya ang cellphone at tinawagan ito.

"Hello sir?"

"Sino ang mga ito?"

"Iyan ang pamilya ng inyong abuelo sir. Apo niya ang bata."

"Nasaan sila?"

"Sa ngayon hindi ko pa alam kung saan nakatira, pero nasa Luzon sila."

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ng binata.

Kahit paano may lead na sa isa pa niyang personal na misyon.

"Salamat, ipaalam mo agad kung may impormasyon ka na. Hintayin mo ulit ang tawag ko, ako ang tatawag sa'yo, hanggang email ka lang."

"Areglado, sir!"

Humugot na malalim ang binata.

"Magkikita rin tayo, don Manolo, tatapusin ko lang huling misyon ko rito!"

---

7:00 PM MONDRAGON WAREHOUSE...

Sunod-sunod ang pagdating ng limang sasakyan. Lumabas mula sa isa roon ang matandang Mondragon kasunod silang lahat.

Sinalubong nila ang mga ka transaksyon at sinimulan ang negosasyon kasama ang mga Chinese national.

Habang nag-uusap ang mga ito ay palihim siyang umalis at dumeretso sa likod ng gusali at ipinapaalam sa mga tauhan ang paghahanda ng kanyang kumpirmasyon.

"Situation Victor?" bulong niya habang nakatingin sa itaas ng gusali sa hindi kalayuan.

"Ready sir!"

"Echo, Romeo, Oscar?" 

"Ready sir!" sagot ng tatlo. 

Matapos makipag-usap sa mga tauhan ay nagpasya siyang bumalik.

Eksaktong naisara niya ang pinto nang makarinig ng pagkasa ng baril mula sa likuran.

"Traydor!" asik nito sa kanya.

Lumingon siya rito.

"Sino ka!"

Isang hakbang pa nito at inagaw niya ang baril sa kamay ngunit hindi pa man naitutok ay nasipa nito kaya tumilapon sa hindi kalayuan ang baril. Hinugot niya ang baril sa likuran ngunit mabilis nitong nasipa.

Manu-mano ang labanan.

Bawat suntok nito ay naiilagan niya, at bawat suntok niya ay nsasangga nito.

Isang malakas na buelo ng paikot na sipa mula sa kalaban ang kanyang naiwasan sa pamamagitan ng pagluhod padulas patungo sa likuran nito kasabay ng pagdampot sa baril.

At nang magharap ang dalawa ay parehas ng nakatutok ang baril sa isa't-isa habang parehas nakatayo.

"WHERE IS DAVE? FIND HIM!"

Umalingawngaw sa kabuuan ng paligid ang boses ng matandang amo kasabay ng pagputok ng baril.

Ngunit walang nakarinig dahil sa silencer na kanyang ginamit.

Naunahan niya ito kaya ngayon ay nakahandusay sa kanyang harapan.

Nang matiyak na wala na itong buhay ay bumalik siya sa kinaroroonan ng amo.

"Check it!" Itinuro ng amo ang limang trak.

Tumalima siya at lumapit sa mga sasakyan saka dinikitan ng palihom ng mga bomba.

Sa oras na pindutin ni Esiah ang detonator sabog ang lahat.

Nang magbayaran ay sinigurado niyang silang dalawa ng kanyang amo ang mauunang lumabas upang ang matira ay mauubos.

Paglabas nila ay nilingon niya ang gusali kasunod ng pagsabog.

Ngayon ay nasa harap na sila ng kotse, hawak niya ang amo na ngayon ay "target" na habang nagkatutukan ng baril sa bawat isa. Pinuntirya ni Vince ang target. Pinuntirya naman ni Marco si Vince.

"Hayop! Pinagkakatiwalaan kita!" Buong lakas na sigaw ng matanda sa magkahalong takot, galit at hinanakit. 

Alam niya 'yon. Alam niyang nakuha na niya ang tiwala ng amo, matagal-tagal din ang samahan nila, kasama na siya nito sa lakaran, sa mga pagtitipon, sa mga transaksyon.

Ngunit ang misyon ay misyon.

"TRAYDOR!" Singhal ni Marco at inilipat ang pagtutok ng baril sa kanyang ulo ngunit iyon ay pagkakamali dahil kasabay ng paglipat ng baril ni Marco patungo sa kanya ay ang paglipat ng baril ng kasama mula sa matanda patungo kay Marco sabay putok, nasa ulo ang tama.

Humandusay si Marco at agad niyang itinulak papasok ng sasakyan ang amo na ngayon ay "target" na.

Mabilis pinaarangkada ng kasama ang sasakyan papalayo sa lugar tangay ang matanda na agad niyang pinosasan ang mga kamay sa likuran at sinakluban ng itim na tela ang ulo.

"Demonyo ka Villamayor!"

Tumawa ang kaibigan niya at alam niya ang ibig sabihin ng tawang iyon.

Hindi 'yon ang tunay niyang pangalan.

"Hindi mo ako kilala!" Tungayaw ng katabi.

Nilingon niya ito. "Kilala kita. Pero walang sinasanto ang batas."

May kinuha siya sa compartment ng kotse.

"Hah! Maraming mga tao ngayon na nilalaro na lang ang batas!"

"Do'n ka maglaro sa kulungan."

"Sino ka! Sino ka hayop!"

Binusalan niya ng hawak na duct tape ang bibig nito.

"HMMMPPP!"

Pinindot niya ang earpiece sa loob ng tainga. 

"The target is secured!" aniya sa mga kasama. "I repeat the target is secured!"

"Copy Captain!" tugon ng lahat. 

Ngunit habang nasa byahe ay bigla na lang may sunod-sunod na putok ng baril! 

"Dapa!" Hinila niya ang batok ng matanda at pinayuko kasabay niya.

Nahintakutang sumuot sa ilalim ang target.

"Bravo team we need back up!"

Walang tigil ang pamamaril at nagtatalsikan ang bubog ng salamin dahil sa mga balang tumatama.

Paekis-ekis ang takbo ng kanilang sasakyan upang makaiwas sa naglilipanang bala.

Nagtiim ang kanyang bagang at binuksan ang pinto ng kotse sabay tihaya at gumanti ng pamamaril habang nakahawak ang isang kamay sa may pintuan. Bahagyang pinaikot ni Vince paharap ang kanilang sasakyan sa kalabang nakasunod kaya mas pabor sa kanya.

Tinamaan ang kalabang nakapwesto sa labas ng bintana kasabay ay ang pag puntirya niya sa windshield at nang umiwas ay pinantayan sila at pinagbabaril. Yumuyuko si Vince habang siya ay ni hindi kumubli at ang gulong naman ang kanyang pinagbabaril kaya nagpa ekis-ekis ang sasakyan bago tumaob.

Ngunit marami ang sumusunod sa kanila.

Sa pagkakataong ito hindi na siya nakaiwas sa tama at tinamaan sa tagiliran.

Napabalik siya ng upo at sinapo ang tinamaang parte.

Napansin niya ang paghinto ng kanilang sasakyan at sa nanlalabong paningin ay naaninag niya ang papalapit na kalaban sa kanila.

"Sir Gian!" dinig niyang sigaw ni Vince.

Bago tuluyang pumikit ay mahina siyang umusal ng mga kataga.

"M-mission failed..."

---

PHOENIX HEAD QUARTER...

"DISQUALIFIED, NEXT!"

Boses ng isang babae 'yon na tila sumisigaw sa galit.

Kasunod ay hagalpakang tawa ng mga kalalakihan.

Marahang iminulat ni Gian ang kanyang mga mata habang nakahiga sa kama sa loob ng medic room nang makarinig ng kung anong ingay sa paligid.

Nilibot niya ang paningin at napansing nasa Head Quarters sila.

Nilingon niya ang mga kasama na tila may pinagkakaguluhang kung ano sa cellphone.

"Pare, pakibantay naman ng linya ko naiihi ako eh," boses ng isang lalaki 'yon.

Muling naghalakhakan ang kanyang mga kasamahan.

Aktong babangon siya nang mapangiwi sa naramdamang kirot mula sa tagiliran. Naka benda ang kanyang noo at maging ang tagiliran.

Aliw na aliw ang mga ito.

"Ano ba 'yan?"

Lumingon ang lahat sa kanya.

Dinaluhong siya ng mga ito, lahat may sugat ngunit mababaw lamang.

Naka uniporme pa rin ang mga ito ng fatigue, siya lang ang naka hospital gown.

Akmang tatayo siya nang may pumasok at lahat ng mga ito ay tumayo ng matuwid maliban sa kanya na pinilit namang makatayo.

"Congratulations Alpha Team!"

"Chief!" bati ni Vince at sabay silang sumaludo.

"Carry on," tugon nito at nilapitan siya ng hepe.

"Captain Villareal, you're the best asset, hindi mo talaga ako binibigo."

"Salamat, chief. Ang tagumpay ko ay tagumpay ng grupo."

"Tama. Congratulations sa inyong lahat.

Magkakaroon kayong lahat ng isang linggong leave."

Nagsaya ang mga kasama.

"Alright, good job men, take a rest."

Muli silang sumaludo bago ito umalis.

Muking bumalik ang mga ito sa pinagkakaguluhan kanina sa cellphone.

"Anong meron?" tanong na niya.

"Ang apo ng pinakamaimpluwensiyang tao rito ay naghahanap ng mapapangasawa!"

"Ninety-nine suitors sa isang araw!" hiyaw ni Esiah.

Dahil sa narinig ay muli siyang napasilip.

Tanging mga lalaking nakapila at likod ng isang babaeng nakaupo sa harapan ng maliit na mesa ang kanyang nakikita.

"Sino ba 'yan?" tanong na niya.

Lahat ng mga ito ay lumingon sa kanya, nasa anyo ng mga ito ang pagkadismaya.

"Talaga pare? Hindi mo kilala?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Vince.

"Ang tagapagmana ng multi-billion company pag-aari ng isang Jaime Lopez?" si Ryan.

"The sleeping Giant." dagdag ni Esiah.

Muling umikot ang video patungo sa likuran at tumuon sa isang napakalaking tarpaulin na may nakasulat na:

WANTED HUSBAND!

QUALIFICATIONS: MALE 30-35

MUST BE HANDSOME, RICH AND SMART.

"Seriously? " naiiling siyang napangiti.

---

MARTIAN HOTEL...

"DISQUALIFIED NEXT!"

Iritadong sumigaw ang isang babae dahil napakaingay ng buong paligid habang nakalinya ang mga lalaki para sa pagpipili ng mapapangasawa.

Kailangan ng matapos ang kanyang misyon sa araw na ito!

Ang misyon: Makapaghanap ng mapapangasawa ngayong araw!

Karamihan sa mga naroon ay nagtatawanan lang.

Pinagtatawanan ang kanyang misyon!

" NEXT! "

Lumapit ang isang lalaki sa mesang kanyang kinaroroonan,

ngunit hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa naturang lalaki at nakatuon pa rin sa hawak na dokumentong binabasa.

Name: Liam Galves

Status: Single

Age: 35

Company: Chain restaurants

Position: Owner

Background...

Tumikhim ang lalaki kaya naagaw nito ang atensyon niya.

"Ilang taon na?" tanong niyang hindi pa rin nakangin dito.

"Thirty five," sagot nito.

Dahil sa tugon nito ay umangat ang tingin niya at sinuyod mula paa hanggang ulo.

"Ilang taon na ang negosyo niyo?" paglilinaw niya.

"Ano? " iritadong tugon ng lalaki.

" Ano ba 'to investment? Akala ko ba naghahanap ka ng mapapangasawa!"

Tiniklop niya ang binabasa at hinarap ito.

Ang naturang lalaki ay papasa na sa itsura ngunit bagsak sa yaman at sa takbo ng utak.

"Mr. Galves, dapat negosyante rin mag-isip ang mapapangasawa ko hindi gaya mong hanggang sa pagkain lang!" sigaw na niya.

"Ano!"

"Another thing, mahina ang inyong negosyo sixty branches with in thirty years? Nasa middle class ka lang."

Kumuyom ang kamao ng lalake.

Nang akmang susugod ito ay sinalubong ng apat niyang bodyguards na nakahanda lagi.

"LABAS!" singhal ng pinaka pinuno.

"Nagkamali ka yata ng hinahanap miss Lopez baka investor ang kailangan mo!" mariin nitong wika bago umalis.

"Next!"

Nang aktong lalapit na ang isang lalaki, itinaas niya ang isang kamay.

"Break muna tayo."

"Ha? Hindi pa nga naging tayo, mag bi-break na?"

Tumikwas ang kilay niya sa narinig.

"Pangalan?"

"Zyrus Martinez."

"Mr. Martinez, uso ngayon 'yan. May nagseselos nga wala namang label."

Natapos ang araw ng isang Ellah Lopez na walang nangyaring maganda.

"Mission failed..."