PHOENIX HEAD QUARTERS...
"Anong sinabi mo?!" Napatayo ang hepe sa narinig.
Kinabukasan ay dumeretso siya agad sa opisina upang ipaalam ang plano.
"Magre-resign na ako sir. Babalik na ho ako sa lugar ko."
"Sandali nga, ano bang nangyari? Hindi ka ba tinanggap ni don Jaime?"
"Tinanggap, pero may importante ho akong aasikasuhin chief. Tutal tapos naman na ang misyon ko rito, babalik na ho ako."
Muling umupo ng marahan ang hepe.
"Gian, naiintindihan ko. Pero akala ko kasi hindi mo na iisiping bumalik ng Luzon at nasanay ka na rito."
"Tama chief. Pero pasensiya na, kailangan ko ng bumalik."
"Ganito, nakapangako na tayo kay don Jaime, nakakahiya namang hindi matutuloy."
"Ipalit niyo ho si Maravilla sir, gusto niya."
"Gian, makinig ka. Isang buwan lang naman, ang protektahan ang apo ng pinakama impluwensiyang tao rito ay misyon mo na rin."
Mariin siyang umiling.
"Ma promote ka pa rin naman kahit nandito ka."
"Sir, hindi ho ako naghahabol ng promotion. Importante lang talaga ang gagawin ko."
"Wala ba akong maitutulong?"
"Wala ho pasensiya na."
Hindi na ito umimik.
Tumunog ang kanyang cellphone tanda na may tumatawag.
"Chief, sagutin ko lang 'to, excuse me."
Tumango ito at agad siyang lumabas at sinagot.
"Sir, kumpirmado, nandito sa Maynila ang mag-anak. Malapit ko ng malaman kung saan ang eksatong address sir!"
Kumabog ang dibdib niya sa tuwa.
"Good! Pupunta rin ako diyan. Salamat."
Pinatay niya ang tawag at bumalik sa opisyal.
"Gian, paano si don Jaime?"
Umayos siya ng upo.
"I'm sorry sir pero mag reresign na ho ako ngayong araw." Tumayo siya at akmang aalis na nang tumunog ang cellphone ng hepe na agad nitong sinagot, naka loud speaker kaya naririnig niya.
"Y-yes, don Jaime?"
"Chief, nasaan na ang tauhan mo? Kanina pa siya namin hinihintay! Ganyan ba kayo mangako?"
"Ah, pasensiya na ho don Jaime, aalamin ko kung bakit hindi pa nagpunta diyan."
"Siguraduhin mo chief Romero, dahil kung hindi, ititigil ko ang pagbigay tulong pinansiyal sa inyo!"
"Oho don Jaime, sige ho salamat."
Hinarap siya ng hepe. "Narinig mo ? Matitigil ang pagbigay ng tulong ni don Jaime sa atin. Alam mong malaking tulong iyon sa mga kasamahan mo. Suklian mo naman ang utang na loob, Villareal."
---
BO'S CAFE...
"Letseng lalaking 'yon!"
Gigil na kumuyom ang kamay ni Ellah sa ibabaw ng mesa, bukod sa wala pa ang kausap na manager, hindi rin sumipot ang bodyguard niya!
'Gago talaga siya! Ang kapal ng mukha na hindi nagpakita unang araw ng trabaho!'
Sampung minuto na siyang nakaupo sa sulok kaharap ang mesang may strawberry shake nang makarinig siya ng bulungan sa likuran.
"Hindi ba siya 'yong nag pa audtion noong nakaraang araw para maghanap ng asawa?"
Kumunot ang noo niya at gustong-gusto ng lingunin ang nagsalita.
"Ay oo nga ano! Hindi yata nakahanap ng asawa at ngayon ay may date na?"
"Malamang pangit ang ugali?"
Paglingon niya naalarma ang dalawang babae.
"Hala! Narinig ba tayo?"
Ngunit lumagpas ang tingin niya sa mga iyon patungo sa isang lalaki.
Masama ang awra nito ngunit patungo sa kanya.
Marahan siyang umupo.
"Ms. Lopez, hindi na mababago ang desisyon ko." Umupo ito paharap niya.
"I'll go straight to the point sir, bakit ninyo itinaas ng doble ang presyo ninyo?" panimula niya.
"Naisip ko kasing makakaya niyo 'yon dahil 'yong iba naman kaya ang ganyang presyo."
"I can't do that, Mr. Garcia. I must admit that your product is what we need." Itinaas niya ang mukha saka tinitigan ito sa mga mata. "Is that the reason why, all of a sudden, you doubled the price?"
"Ikansel na lang natin, malaki ang lugi ko sa naisip mo."
"Kaya kong tanggapin kung itataas mo hanggang eight percent pero twelve ang gusto mo at hindi ko 'yon kaya."
"Eight? Nagbibiro ka ba Ms. Lopez. I think this meeting is over!" akmang tatayo na ito.
"Magsasampa ako ng reklamo!" kabadong singhal ng dalaga.
"Do it," hamon ng kausap. "Ikaw rin naman ang magigipit. Remember, kami lang ang pinakamay magandang kalidad na produkto."
Natahimik ang dalaga.
"Double the price or nothing?"
Umawang ang kanyang bibig sa narinig.
Minamaniobra ng taong ito ang sitwasyon.
"Cancel the contract," anito sabay alis.
"Mr. Garcia! Wait sir!"
Dala ng pagkadesperado at takot ay sinundan niya ang kausap.
Tumakbo siya at hinarangan ito sa labas.
"Mr. Garcia sir please!"
Natigilan naman ang lalake.
"Sir, please!"
Hinintay nito ang kanyang sasabihin ngunit walang lumabas na kataga mula sa kanyang bibig.
"O sige, pagbibigyan kita, pero sa isang kundisyon."
Nabuhayan ng loob ang dalaga. Sa mga oras na ito gagawin niya ang lahat!
"Kahit ano basta ibalik niyo lang sa six percent, ang taas ng twelve sir! Kahit gawin mo pang eight."
"Lumuhod ka," tinuro nito ang sementong tinatapakan nila.
"A-ano?"
Magkahalong galit at kalituhan ang lumarawan sa kanyang anyo ng dahil sa narinig.
"Luhod! Gusto kong makitang nagmamakaawa ang isang Lopez sa harap ng isang small time na negosyante.
Ang yabang niyo! Ngayon matitikman niyo ang pakiramdam ng taong basta niyo na lang nilalamangan."
"M-Mr. Garcia, it's purely business. Hindi ka naman namin pinepersonal para-"
"Lumuhod ka at magmakaawa, Ellah Lopez!"
Buong buhay niya ngayon lang mangyayaring magpakababa siya alang-alang sa kumpanya!
Kilala ang mga Lopez sa buong lugar at ang pagluhod sa ibang tao ay malaking kabawasan sa pangalan nila! Ngunit sa mga oras na ito kailangan niyang gawin dahil ang katapat na halaga ng kanyang gagawin ay ang kumpanya.
Pride versus price!
Dala ng kawalan ng pag-asa ay yumuko siya at paluhod na, ngunit laking gulat niya nang biglang may humigit sa kanyang braso paitaas kaya napatayo siya.
"Iyan na lang ba ang kaya mong gawin?"
Umawang ang bibig niya ng makitang ang bodyguard iyon.
Naghalo ang tuwa at inis nang mapagtantong late nga ito!
Saka niya napansin nawala na ang supplier.
Kaagad tumapang ang kanyang mukha.
"Anong ginawa mo!"
"Wala ka bang pride?" mariing asik nito na ikinabigla niya.
"Kilala kayo sa lipunan pero luluhod ka sa isang small time?"
Umiling siya. Walang pakialam sa pride, ang mahalaga makuha niya ang deal.
"Wala. Sila ang kailangan namin. Kailangan ko siyang makausap!" Akmang tatakbo siya upang habulin ang lalaki ngunit pinigilan ng gwardya ang pulso niya.
Gigil niya itong nilingon. "Bitiwan mo ako!"
"Trust me, ibabalik ko siya rito," matiim nitong saad habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Desperadong tumango siya sa sinabi ng gwardya dahilan kaya sinundan nito ang lalake at naiwan siyang mag-isa.
Nanghihinang bumalik siya sa pwesto at umupo saka matamang nag-isip.
Hindi niya maintindihan kung bakit napapayag siya ng gwardya na walang alam sa negosyo.
Pero umaasa siyang magtatagumpay ito dahil kung hindi mapapahiya siya sa mga opisyal ng kumpanya.
Gagamitin ng mga ito ang pagkakataon para mapabagsak siya.
Kaya hanggang ngayon pinapatunayan niya ang kanyang sarili sa lahat na karapat-dapat siyang tagapagmana hindi lang bilang apo ng chairman kung hindi dahil sa kanyang ginagawa.
Bata palang siya nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil pagkaaksidente ng sinasakyang kotse. Simula noon, ang kanyang abuelo na ang nag-aruga sa kanya. At dahil nag-iisa siyang apo wala itong ibang maasahan kundi siya. At dahil pinakamamahal niya ang kanyang abuelo, ibinuhos niya ang panahon dito at sa kumpanya nito.
"Ms. Ellah!"
Nabalik sa kasalukuyan ang dalaga at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang pabalik ang kliyente!
Sinuri niya ng tingin kung may pasa o sugat ba ang naturang lalaki ngunit wala maliban sa pinagpapawisan ito ng husto.
"I'll stick to the old price, Ms. Lopez," bungad ng lalaki habang papasok sila sa loob.
Sasang-ayon na sana siya pero inunahan siya ni Gian.
"Mr. Garcia napakataas pa rin niyan, nagigipit ang boss ko."
"Fine, five!"
"Three percent sir!" deklara nito na siyang ikinaawang ng kanyang bibig maging ng sa lalaking kausap.
Gano'n pa man napakasaya niya kahit napipilitan itong pumayag na ibaba ng gano'n ka baba.
"Mr. Garcia, here's the papers," nakangiting inabot niya ang mga papeles.
Walang imik na agad itong pumirma at ganoon din siya.
"Thank you for this, Mr. Garcia."
"You have to thank your bodyguard Ms. Lopez!" Matalim nitong tinitigan si Gian bago umalis.
Muntik na. Muntik na niyang ibaba ang karangalan ng kanilang pangalan mabuti na lang ay may isang Gian!
Taas-noong lumabas ang dalawa bitbit ang bagong kontrata!
---
MEDC OFFICE...
Pqgdating sa basement kung saan ipinarada ni Gian ang sasakyan ay binuksan nito ang pinto ngunit bago ito lumabas ay nagsalita siya.
"Paano mo nakuha ang deal? Ano bang sinabi mo? Bakit mo 'yon nagawang pasunurin sa'yo?"
"Sabihin na lang nating, I have connections" sagot ni Gian bago lumabas.
Binuksan niya ang bintana upang makausap ng mabuti ang lalaki.
"Bakit mayaman ka ba?"
Natawa ang gwardya na ikinairita niya.
"Kung hindi, maimpluwensiya gano'n ba? Politician ka ba dati?"
Mas lalo itong natawa. "Do I look like one?"
"Pwes sabihin mo dahil ayokong manghula!"
"Hindi mo na kailangang malaman ang importante nakuha mo ang deal."
"Sabihin mo kung ayaw mong isipin kong may ginawa kang kababalaghan at madadamay ako, damay ang kumpanya!"
Humugot ng malalim na paghinga si Gian.
Nang dahil sa utang na loob sa abuelo nito mukhang mapapasunod siya ng aristokratang babae.
"Simply lang naman ang sinabi ko..."
Naalala niya ang huling usapan ng kliyente nang maabutan niya sa parking lot ang lalaki.
"Mr. Garcia alam niyo bang napakasikat ninyo? Kahit ako kilala ko kayo. I know you inside and out!"
"What do you mean?"
"Sabihin na lang nating circulation of permit, sampung tao ang humahawak sa inyong permit hindi ba? Alam na alam ninyong bawal 'yon. Bukod do'n, tumatanggap lang kayo ng pera ng walang kahirap-hirap dahil 'yon ay bayad sa inyong dokumento."
"What? That's not true!"
"Come on Mr. Garcia huwag na tayong magbolahan, pinakamabuti niyong gawin ay bumalik at ibigay ang hiling namin."
"Are you blackmailing me?"
"No, I am negotiating."
"I don't have time with your nonsense!" ani Mr. Garcia at binuksan ang pinto ng sasakyan.
"You should see this."
Lumingon ito upang makita ang isang imahe sa screen ng cellphone at makita ang asawa na nagkakape sa opisina nito.
" Ano nga ulit ang pangalan niya? Beverly?"
Ibang larawan naman ang pinakita ng binata, sa pagkakataong ito dalawang bata naman sa loob ng eskwelahan.
Unti-unting lumutang ang kaba sa lalaki at pinagpapawisan ng maintindihan ang nangyayari.
"I'm afraid your family can't go home safely today," kalmadong paliwanag ng binata.
"P-paano mo nalaman!"
Ibinulsa ni Gian ang cellphone at saka humakbang palapit sa lalaki bago bumulong.
"Now, I am blackmailing you."
Tumango-tango ang amo na parang nakumbinse niya.
"Kung gano'n, paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon?" tanong nito.
Naalala ni Gian ang kanyang ginawa.
Habang nagkakasagutan sina Ellah at ang supplier ay nag text siya kay Vince at humingi ng impormasyon tungkol sa supplier at sa pamilya nito.
Ilang sandali pa natanggap na niya ang impormasyon kasama ng mga larawan.
Data:
Name: Romulo S. Garcia
Address: Sta. Maria Subdivision, ZC
Occupation: BMG Manager
Wife: Beverly T. Garcia
Occupation: City Treasurer
Children: Christopher 16 years old and Christine 12
School: St. Mary, ZC
Information:
Illegal mining permit circulation.
Sa halip na sabihin ang lahat ng ito sa amo ay iba ang kanyang ipinahayag.
"Ma'am. I'm sorry to tell you this, but you are not in the position to ask."
Umalsa ang dalaga sa narinig.
"Empleyado kita at ako ang boss mo! Natural lang na kilalanin kita! Malay ko bang may lahi kang kriminal!"
"Tungkol sa bagay na 'yan, wala ka bang tiwala sa lolo mo? Sa palagay mo ba kukuha siya ng taong magpapahamak sa kanyang pinakamamahal na apo?"
"Ang pinag-uusapan natin ang pamba blackmail mo."
"Madam, less information, equals more safety."
Hindi siya nakaimik dahil may punto ito.
Tinungo niya ang elevator.
"But I' ll tell you everything once you become my girlfriend."
Iglap siyang napahinto at nilingon ito para lang makita ang isang ngisi.
"You are fired!"
"Thank you!"
Napanganga siya. Parang gusto nga nitong matanggal sa trabaho?
Sumeryoso siya. "Thank you for saving me."
Naglaho ang ngisi nito. "Lower the price to make your pride high."
"Unang araw mo late ka. Isang late mo pa, tatanggalin kita."
"Salamat ma'am!"