AMELIA HOMES...
Matapos maihatid si Ellah sa mansyon ay dumeretso ng uwi si Gian.
Habang sumisimsim ng wine ay iniisip niya ang nangyaring pag-uusap nila ng dalaga sa loob ng sasakyan nito habang nasa labas ng mansyon.
Hindi siya makapaniwala sa mga binabalak ni Ellah.
"Sabihin mo lahat sa lolo mo, kailangan niyang malaman 'to," kalmadong suhestyon niya matapos itong umiyak.
Inaasahan niyang tatango ang tagapagmana subalit sa kanyang pagkabigla ay umiling si Ellah at tumitig ng malalim sa kanya.
"No."
"A-ano?" tila nabingi siya sa narinig. "Akala ko ba sasabihin mo?"
"Hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol dito, hindi mo kilala ang lolo ko, kung ano ang kaya niyang gawin pagdating sa akin, kaya niyang pumatay."
Hindi na siya kumibo para sabihing kaya niya rin.
"Hindi ko sasabihin, alam kong malalaman niya rin, pero hindi mula sa akin at hindi rin mula sa'yo."
"Hindi ko maintindihan-"
"Oo, hindi nga," putol nito.
"So please leave it to me Gian. Maraming salamat sa pagligtas pero, please respect my decision."
Iyon lang.
Iniwan siya nito na parang walang nangyari.
Ibinaba niya ang baso sa mesa at sumandal sa sofa at ipinikit ang mga mata.
Masakit ang buong kalamnan niya at kailangan niya ng tamang tulog ngayong gabi.
Ngunit paano niya 'yon magagawa kung palaging sumasagi sa isipan niya ang babaeng iyon?
Hindi niya maintindihan kung bakit hindi nito sasabihin sa abuelo?
Natural lang na magalit ang matanda ngunit alam naman nito ang totoo.
Kailangan nitong malaman na ang unica hija nito ay nasa panganib!
---
LOPEZ MANSION...
Sina Ellah at don Jaime ay nasa terasa habang ang don ay sumisimsim ng kape kinabukasan.
"So, how was your date my dear?"
Masayang ngumiti si Ellah at nagsimulang magsinungaling na tila natural lamang.
"So far, it's good lolo, I mean he's gentleman and nice."
Tunay na ngumiti si don Jaime na para bang musika ito sa pandinig.
"Si Roman Delavega ay isang congressman, at ang anak niya ay isang business man, ang kumbinasyon ng kapangyarihan at impluwensiya ay hindi na masama. Siguro ang anak niya ang nakatakda mong mapangasawa. Hindi magtatagal, maaayos din namin ang ano mang hindi pagkakaintindihan."
Tikom ang bibig ni Ellah habang nakatitig ng mataman sa matanda na masayang ngumingiti.
" Ano sa tingin mo hija? Is he the husband that we wanted?"
" Hindi po, lolo. Maghahanap pa tayo."
Muling humigop ng kape ang abuelo at kuntentong tumango, ngunit may kakaiba siyang napansin sa mga blangkong titig nito sa kawalan.
Mariin siyang umiling.
Hindi nito malalaman ang tunay na nangyari dahil wala namang magsusumbong, ni hindi gagawin 'yon ng isang Xander Delavega!
---
NATIONAL HIGHWAY...
Linggo ng gabi.
Makikipagtagpo na naman sa ibang lalake ang tagapagmana.
Sa pagkakataong ito ay may-ari ng isang hotel.
Kahit masakit pa ang kanyang katawan ay ginawa pa rin niya ang trabaho bilang gwardya.
"Hindi mo talaga sinabi sa lolo mo ang nangyari kagabi?" tanong niya habang nagmamaneho patungo sa tagpuan ng mga ito.
"Hindi, ayaw ko lang na mag-aalala pa siya."
"Paano kung mangyari ulit 'yon?"
Hindi na kumibo si Ellah.
"You should tell him."
"For what? It will just stress him out."
Hindi na muling nagsalita pa ang binata. Nakakaramdam na siya ng tila panlalamig ng buong katawan.
"Ayos ka lang ba kagabi? Pasensiya na kung nadamay ka pa."
Sinulyapan niya ito.
"Ayos lang ako. Ikaw ang inalala ko."
"I'm fine."
Hindi na kumibo si Gian habang nag-iisip kung bakit hindi man lang napabalita ang insidenteng nangyari kagabi.
"Hindi ko man lang narinig sa balita ang tungkol doon."
"Ganyan ka lakas ang kapangyarihan ng mga Delavega. Kaya nilang pagtakpan ang isang krimen."
Napaisip siya.
'Kung sakali bang namatay ako kagabi ganoon na lang 'yon?'
"Siguro hindi na mauulit ang insidenteng iyon," basag ni Ellah sa katahimikan.
Bumuntong hininga ang binata.
"Ayos ka lang ba? Wala ka bang ibang nararamdaman?"
Umiling si Ellah.
"Sumasakit ang katawan ko at parang magkakasakit yata ako."
Bumagal ang kanyang pagmamaneho.
"Ano kaya kung ipagpapaliban mo na lang?"
"No. Magagalit si lolo."
Tumiim ang bagang niya.
"Pero kung ipinaalam mo ang nangyari kagabi tiyak hindi ka papayagan na makikipagtapo ng lalake sa pagkakataong ito. "
"It's okay. I think it won't happen again."
"But you are sick!" bahagya ng tumaas ang boses niya.
"Wala ito, I can handle this than to disappoint my grandfather!" asik ni Ellah.
Itinikom niya ang bibig hanggang sa makarating sila.
Inalala lang naman niya kapakanan nito.
Inihatid niya ang ladyboss sa loob ng restaurant sa isang VIP room.
Nakita niya ang isang lalake at ang masasabi niya lang ay napakaswerte nito.
May itsura na mayaman pa!
"Hi! Thank you for coming," ngumiti ang lalake at pinaghila ng upuan ang dalaga.
"Hello," umupo naman si Ellah.
"Sa labas lang ako," aniya at umalis.
Tumango ito at hinarap ang lalake.
Nasa labas pa rin siya ng VIP room.
"Mabuti naman dumating ka."
Dinig niya ang sinabi ng lalake.
"What?"
"I am thankful that my time is not wasted upon waiting for almost one hour."
"I, I'm sorry I am sick, but I still want to come."
"What? Then we must postpone this date. Your health is much more important than this. We can meet some other time."
Umigting ang panga ni Gian at mariing ipinikit ang mga mata.
Wala siyang intensyong makinig sa usapan ngunit gusto lang niya makasigurado na nasa mabuting kamay ang babaeng amo ngayon.
Tuluyan siyang umalis at tinungo ang sasakyan nang makaramdam ng tila mainit ang katawan.
Hinaplos niya ang noo at leeg bago kinumpirma ang isang bagay.
May sakit siya.
Subalit hindi niya ininda at iniisip pa rin ang tagapagmana.
'Matapos ng nangyaring insidente dahil sa pakikipagtagpo sa kahit kaninong lalake, heto na naman ang babaeng iyon. Parang hindi man lang na trauma at parang sanay sa gyera!'
Isinandal niya ang ulo sa upuan.
Naalala niya ang barilang naganap kagabi.
Naisip niyang kaya nga niyang ibuwis ang buhay para sa dalaga.
Subalit nasaan ito ngayon? Masayang nakikipagtagpo sa ibang lalake.
Sumigid ng husto ang lamig na kanyang nararamdaman at iritado na siya.
"Tangna namang buhay 'to!" naiinis na mura niya.
Panay ang sulyap niya sa labas ng restaurant.
Bumuga ng hangin ang binata.
Masakit ang kanyang katawan dahil sa natamong gulpi at parang gusto na niyang umuwi at magpahinga.
Tumunog ang kanyang cellphone at nang makita ang tumatawag ay agad niyang sinagot.
"Hello sir Gian?"
"Kumusta, detective?"
"May nakapagbigay ng impormasyon kung nasaan ang mag-anak."
Kumabog ang dibdib niya sa narinig.
"Saan daw?"
"Pero sir tatlong lugar ang nabanggit.
Makati, Taguig at Manila."
"Doon ba sa Bicol na pinagkuhanan mo ng larawan ng mag-anak, wala ba talaga silang picture na latest ni don Manolo?"
"Doon sa pinsan ng dating asawa ni don Manolo, wala sir eh."
Kumunot ang kanyang noo. "Anong dati?"
"Yes, sir. Bale may bago ng asawa ang inyong lolo. Pero wala na silang alam maliban sa nasa Luzon daw noon."
"Ibig mong sabihin nagpakasal ng bago si don Manolo?"
"Gano'n na nga sir. Pero hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang-"
"Tangina! Kaninong anak si Leonardo?"
"Ah, iyon ay sa pangalawang asawa na raw."
Nagtagis ang kanyang mga bagang. "Taga saan ang pangalawang asawa?"
"Ayon dito sa impormasyon sa Quezon City, taga Mindanao daw sir."
Mas kumabog ang dibdib niya. "Mindanao? Saan sa Mindanao?"
"Hindi rin nila alam. Uunahin ko muna itong tatlong lugar na sinasabi sir bago ako lilipat diyan."
Napabuga siya ng hangin.
"Nasaan na raw ang dating asawa ni don Manolo?"
"Patay na raw sir. Pero bago pinalitan, buhay pa."
"Tangina niya!"
Natahimik ang kausap.
"Detective, pwede mo bang alamin ilan ang anak ni don Manolo sa unang asawa?"
"Sa lola niyo mismo? Isa lang sir, ang ama niyo lang."
Napakurap-kurap siya sa narinig.
Ibig sabihin, wala man lang siyang matatawag na tunay na kamag-anak!
Kailangan pa bang hanapin ang taong nag-iisa na lang?
Tanging si don Manolo na lang ang kanyang kadugo.
Paano nga pala kung patay na rin ito?
"Sige detective balitaan mo ako kapag may bagong update."
"Areglado sir!"
Napabuga ng hangin ang binata.
'May asawa ng iba ang don Manolo na 'yon. May iba ng pamilya. Ano pang saysay ang paghahanap ko sa taong ni hindi na yata ako naaalala?'
Kung hindi na niya hahanapin si don Manolo, hindi rin niya tinupad ang pangako sa lola niya.
Nang bigla siyang natigilan.
"Sandali lang, paano naman ang karapatan ko bilang anak ng nag-iisa niyang anak sa legal na asawa?"
Mariin siyang umiling.
Nahagip ng tingin niya ang dalawang papalabas.
Nagtatawanan ang mga ito bago humalik sa pisngi ang lalaki sa amo na ikinabigla nito pero walang ginawa.
Tila may galit na gumapang sa kanyang dibdib.
Pagkuwan ay pagak na natawa ang binata hindi makapaniwala sa kanyang ikinikilos.
"Ano bang nangyayari sa akin?"
Ang trabaho niya, protektahan ito. Wala siyang kinalaman sa buhay pag-ibig nito.
Nang malapit na ang amo sa kotse ay inayos niya ang sarili, at walang imik na pinagbuksan ito ng pinto.
Wala rin itong imik na pumasok.
Walang imik na nagmaneho siya palabas.
Nasa daan na sila pero nanatiling walang umiimik sa kanila.
Humugot siya ng malalim na paghinga bago nagsalita.
"Saan tayo?" tipid niyang tanong.
"Uuwi na" tipid din nitong sagot.
Wala ng nagtangkang magsalita sa kanilang dalawa.
Pakiramdam ng binata napakahaba ng gabi, sinulyapan niya ang katabi , nasa labas ito ng bintana nakatingin. Itinutok niya ang paningin sa daan.
"Ihinto mo diyan sa tabi ng pharmacy."
Sinunod niya ang utos nito.
Lumabas ang dalaga at saglit lang may dala na itong gamot.
"May sugat ka sa gilid ng labi mo."
Nilagyan nito ng gamot ang bulak.
Napahinto sila nang maipit sa traffic.
"Lumapit ka dito."
"Okay lang ako, hindi pa ako mamamatay nito."
"Kahit na, gamutin mo 'yan!"
Kinuha niya ang bulak at inilagay sa gilid ng kanyang labi.
"Hindi mo nalagyan ng husto."
Lumapit ang dalaga at kinabig ang kanyang mukha ngunit mabilis siyang umiwas.
Hindi na rin naman ito namilit pa hanggang sa nakarating sila ng mansyon ng walang imikan.
Pinagbuksan niya ng pinto ang amo.
Bumaba ito ng walang lingon-likod.
---
BAR CODE...
Dumeretso si Gian sa bar.
Mapait man ang likidong gumuguhit sa kanyang lalamunan ngunit mas mapait pa rin ang kanyang nararamdaman.
Siguro kaya siya nagkakaganito dahil hindi niya matanggap na siya itong nagpapakasakit, magbubuwis ng buhay ngunit parang balewala lang sa isang Ellah Lopez.
Dagdag pa na nalaman niyang halos wala na rin naman siyang kamag-anak dahil may ibang asawa na si don Manolo.
Nang makaramdam ng antok ay nahiga siya sa sofa at pumikit.
"Sir, gising na po, kayo na lang ang natira dito eh, magsasara na ho kami madaling araw na," niyugyog siya ng mga ito.
"Uunnnggg..."
Kinuha ng mga 'yon ang kanyang cellphone.
Wala na siyang pakialam sa sobrang antok.
"Tol, pakihanap nga ng number na pwedeng matawagan."
"O heto pare, boss ang nakalagay."
"Sige tawagan mo na."
Maya-maya ay nagbalik ang mga ito.
"Sir, gising may susundo na sa'yo."
"Sino? Ikaw ba 'yan Vince?" tanong niya habang nakapikit.
Mabigat ang kanyang pakiramdam at nahihilo siya sa tindi ng sakit ng ulo.
Namataan niyang pinagtulungan siyang alalayan ng dalawang crew ng bar para makalabas.
Pagdating sa loob ng kotse ay nahiga siyang muli sa back seat.
"Pre, hindi ko na yata kaya."
Huminga siya ng malalim.
"Alam mo bang itinaya ko ang buhay ko para sa babaeng 'yon?
Akala ko hindi na kami makakaligtas.
Pare buti na lang dahil kung hindi, baka pinaglalamayan mo na ako ngayon."
Katahimikan.
"Nakakagago lang kahit may sakit ako sinasamahan ko pa rin siya, kasi natatakot ako na mapahamak siya. Tangina, lagi na lang akong nag-aalala. Bakit ganito?"
Humugot ng malalim na paghinga ang binata.
"Ayokong mag-alala, wala naman siyang pakialam, kahit nga muntik na kaming mamatay tuloy pa rin siya sa pakikipagtagpo sa kung sinu-sinong lalaki.
Aalis na ako. Bahala siya. Parang hindi naman siya takot mapahamak. Wala siyang kwenta. Magpakasaya siya dahil aalis na ako! Tangina!"
Marahas siyang huminga kasabay ng paghikbi ng isang babae.
"Sino 'yan?" Kabadong tanong niya at pilit ibinubuka ang mga mata.
Sigurado siyang babae 'yon!