Nakamasid lang sa pinakamataas na bahagi ng isang building si Thanatos na nasa kamatayan na ang anyo sa ngayon, kasama niya si Hypnos sa kaniyang tabi.
Biglang tumunog ng napakalakas ang malaking orasan sa syudad, hudyat na alas dose na ng gabi. Gayunpaman, may mga tao pa ring gising pa at palakad-lakad sa tabi ng daan. Kadalasan sa mga ito ay mga taong walang tahanan at nakikilimos lang — mga pulubi.
"The banshee is often wearing red or green, usually with long, disheveled hair. She can appear in a variety of forms. Perhaps most often she is seen as an ugly, frightful hag, but she can also appear young and beautiful if she chooses," saad ni Hypnos sa katabing si Thanatos. Sobrang lamig at nakakatakot na rin ang boses nito, the real Hypnos.
Walang imik naman si Thanatos at biglang humigpit ang pagkahawak niya sa kanyang scythe. He's staring intently at a woman na naglalakad sa gitna ng gabi sa tabi ng kalye kung saan may mga natutulog na mga tao. It's wearing red fitted whole dress, red pump high heel, and red lipstick. May dala-dala rin itong shoulder bag. Ang buhok pa nito ay kulay ginto kaya madali lang itong mapapansin ng ibang tao.
xxx
"Sigurado akong magugustuhan ito nila mama kapag matikman na nila ito," wika ng isang batang lalaki habang masayang naglalakad sa ilalim ng gabi. Ginabi siya ng uwi kasi nagtatrabaho siya para may maiuwing pagkain sa kaniyang pamilya. Wala na siyang ama, tanging ina at dalawang kapatid na puro maliliit pa lamang ang kasama niya.
Siya lang ang naghahanapbuhay dahil may sakit ang kanyang ina sa puso. Sigurado siyang hindi pa nakakain ang mga ito ngayon.
Nawala ang ngiti niya nang may makatagpo siyang isang babae na labis siyang nagagandahan. Labis ang paghanga niya dito lalo na't ngumisi ito sa direction niya. Para siyang nahypnotismo sa gandang taglay nito. Nakapagtataka lang ang kulay pula nitong suot na para bang umaapoy sa kapulahan ang kulay nito.
May inilabas itong sobrang kapal na libro na kulay itim. Para bang may hinahanap ito sa bawat pahina. Biglang napalunok sa sariling laway ang batang lalaki sa hindi malamang dahilan.
Pero biglang napatigil ang babae na para bang nakikiramdam sa kaniyang paligid.
"Thanatos..." pabulong niyang sambit pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ng batang lalaki.
Agad niyang itinago ang makapal na libro, ang Black Book, sa palagi niyang dalang shoulder bag.
"Banshee," ani Thanatos na nasa gilid ng isang eskinita at natatakpan ng dilim ang itsura kaya hindi siya masyadong makikita.
Pero bago pa siya matingnan ng batang lalaki, sumulpot sa likod nito si Hypnos at agad na pinatulog.
"Thanatos and Hypnos... What a coincidence!" sambit ng Banshee sa ume-echo nitong boses at tumawa pa. Kung may tao mang makakarinig sa tawa nito'y talagang maninindig ang balahibo sa takot.
Bigla itong nag-transform into an ugly, frightful hag, usually with long, disheveled hair.
"Hinding-hindi niyo makukuha sa akin ang Black Book. Ako na ang nagmamay-ari nito at sa akin lang karapat-dapat ito," may ngising saad ng Banshee.
Lumabas sa dilim si Thanatos kaya makikita na talaga ang totoong itsura nito ngayon.
"What's really your plan, Banshee?" tanong dito ni Hypnos.
Humalakhak ang Banshee na parang isang mangkukulam. "Ako lang dapat ang magiging reyna ng kamatayan! Ako! Ayoko ng utos-utusan pa at sunod ng sunod na lang sa inyo!"
Tumingin si Hypnos kay Thanatos. Kung kanina ay nakakatakot na ang itsura ni Thanatos, mas lumala ang sa ngayon.
"Ni hindi niyo nga ako kaya!" patuloy ng Banshee. She laughed in humorless tone.
Inihanda na ni Thanatos ang hawak niyang scythe at ganoon din si Hypnos.
Mabilis na nakalapit si Thanatos sa kinatatayuan ng Banshee and he strike her using his scythe. Pero sa kasamaang palad, biglang nawala ang Banshee sa pwesto nito. Napalinga-linga si Thanatos.
Rinig nilang dalawa ni Hypnos ang isang iyak. Iyak na maaaring ikatakot ng isang tao kapag narinig ito. Agad nilang hinanap kung saang direksyon ito pero wala silang makita o maramdaman man lang.
"Death is considered inevitable once the cry of Banshee is acknowledged. Pero hindi tayo tao para magtagumpay siya sa ginagawa niya," ani Hypnos na nakaharap kay Thanatos na nakikiramdam din sa paligid.
Biglang ngumisi si Thanatos at napatitig kay Hypnos. In a snap, biglang nawala si Thanatos sa kinatatayuan niya at sa isang iglap lang ay nasa hindi kalayuan na ito sa likod ni Hypnos.
He strikes his scythe in the air like there is someone who will he going to hit. Tumilapon na lang bigla sa hindi kalayuan ang Banshee na para bang sobrang nanghihina. Nahihirapan pa itong makatayo.
Tumabi si Hypnos kay Thanatos habang matamang nakatingin sa Banshee na pilit tumatayo.
Thanatos' well-defined jaw clenched in a dangerous way. "Listen up, you lowly Banshee..." His voice was deep, harsh, and commanding. "I am death... I bow to no one. From the fog of souls, on the pile of bones, I will rise!"
Kasabay doon ang pag-angat ni Thanatos habang napakaraming bungo ng mga tao sa kaniyang paanan. Inihanda niya ang kanyang sarili para sa pagsugod nila sa Banshee.
Sabay sumugod si Thanatos at Hypnos sa direksyon ng Banshee. Biglang sumilay ang isang ngisi sa nangingitim na labi ng Banshee. Iminuwestra niya ang kanyang kamay upang makagawa siya ng itim na usok na naging isang napakalaking bola sabay bato niya sa direksyon nila Thanatos at Hypnos.
Sa kasamaang palad, agad nawala sa kinatatayuan nila kanina sila Hypnos at Thanatos. A loud roar of frustration skip from the Banshee's mouth. Hindi niya mapigilang magpalinga-linga sa kaniyang paligid ngunit wala talaga. Pinakiramdaman niya rin ang buong paligid.
Sa isang iglap lang, biglang tumilapon muli ang Banshee sa mas pwersang lakas pa sa ngayon. Gayunpaman, nakatayo pa rin ito. And the real fight starts.