Epiisode 8 - Fake Girlfriend

Ayen's POV

Iniisip ko na huwag nalang akong pumasok kanina kaso, ayoko namang maapektohan ang trabaho ko dahil sa personal problem ko.Hindi nako kumain sa bahay dahil nagmamadali akong umalis at baka kung ano na namang bad vibes ang masagap ko.

" Hi Miss Eunice :)

" Hello, good morning :) " - ang ganda talaga ng ambiance dito sa office, very friendly :))

Habang naglalakad ako papuntang elevator, karamihan sa kanila nakatingin sakin. halla, bakit sila nakatingin?? muka ba akong nerd dahil nakasalamin ako ng malaki?

" Good Morning Miss Eunice :) Your boyfriend is waiting for you in his office .. " - haaaa?? ano daw ?? Boyfriend ? wala naman ahh ...

" Good Morning Sir Sanchez, w-wala naman po akong Boyfriend Sir .. "

" Actually ang sabe ni Sir Xander sakin, nililigawan ka palang daw niya pero dun din naman ang punta niyo diba?? Childhood crush mo pala siya .. Anyway, i'll go ahead :) - speechless ako. Wala akong masabi. Hindi ba pressure sakin to? CEO ng isang company ang nanliligaw sakin? ano ang iisipin ng ibang empleyado dito pag nagpabebe ako ng konti ?? Naman ee.

Hindi ko kinakaya. Feeling ko namumula ang buong mukha ko.

" Miss Eunice?? -- " - in the first place bakit ko kase pinasok to? Ee wala ee, napasok ko na.

" Miss Eunice, 15th floor na Maam, hindi pa po ba kayo bababa?? "

" h-ha?? " - ohmy!! tulala na naman ako .. 15th floor na pala .. " thank you :) " - saka agad akong lumabas ng elevator.

" wag mo kase masyadong isipin si Sir Xander maam, nakakabaliw yan . " - pahabol pa niyang sabi saka sila nagtawana. Eto na, nagsisimula na talaga ang kalbaryo ko bilang empleyado slash fake girlfriend dito. Kaya ayokong malaman ng iba ee.

" Ayen ? What happen to your face ? " - nakita kong ngumisi siya. So plano ba niya to, grabeh siya. Hindi ba niya alam na kinikilig akoo ?? Gaganti akoo, ganito pala ang gusto niya ah, pwess makikita niya ang tamis ng aking mga ngiti, ang mapupungay kong mga mata. Ang mala anghel kong pagtawa, lahat ipaparanas ko sa kanya. Tignan ko lang kung sinu ang sumuko samin.

" Hey -- Ayen ?? are you ok ?? "

" Y-yes Sir. Im ok .. - " at bigla akong tumalikod. Day dreaming again Ayen. Lulubos lubusin ko na ang pagpapantasya ko sa kanya. Tutal siya din naman nagsabi na maging komportable ako diba?

" Anyway, my parents will be here tomorrow. They wanted to meet you--- "

** kring - kring **

" One moment Sir ^__^ "

" Hi good morning :) ..... Girlfriend ?? one moment ma'am " - girlfriend ? huh!! girlfriend haa!! tapos may kontrata pa siyang nalalaman .. Ang mga lalaki nga naman, hindi nakukuntento sa isa. !!

" Girlfriend mo daw ... Sir " -

Bat ako naiinis?? ee kase matapos niyang sabihin sa iba na nililigawan niya ako, bigla bigla siyang may girlfriend agad!! Sinung hindi maghihimutok niyan. At nakita ko pa siyang naka ngiti habang kausap siya. Ohmygad!! hindi ko talaga kinakaya to..

Magwa-walk out ako, ayokong makinig. ayoko siyang makitang nakangiti dahil sa ibang tao. Ano ba tong nangyayare sakin!!

Lalabas na sana ako, pero gumawa na naman siya ng isang bagay na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Hinawakan niyang yung kamay ko kaya ako napalingon sa kanya, bakit iba yung pakiramdam ko..! plss Ayen, gumising ka.. ! walang totoo sa mga to ..

" Kausapin mo muna girlfriend mo Sir -- sa labas muna po ako. "

" Hold on Princess --- " - princessssss???? magsama kayo ng Princess mo, lokong lalake to!!! tinatawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon, tuloy tuloy ako hanggang sa makarating akong pantry.

Am i rude ?? hindi hindi . kunyari hindi ko siya narinig. but why am i being like this? wala ngang totoo diba?

" Miss Eunice .. "

" Yes Sir ? " - itong si Mr. Sanchez wala talagang pinipiling oras.

" Can you pls, take this documents to Sir Xander . May importatnte lang akong aasikasuhin . Is it ok ? "

" No problem, Sir :) " - saka ko kinuha yung mga folders na hawak hawak niya. ano ba naman yan, walang katapusang mga folder.

Pagkatapos kong inumin ang dalawang basong tubig ko, kinalap ko ang mga folders saka lumabas ng pantry.

" Miss excuse me. " - Napalingon ako sa likod ko...

" Yes maam ? may i help you ? "

" I am looking for Xander Prieto ... " - Sir xander? hindi kaya --- wait imposible, ambata naman netong girl para kay Sir diba? tsaka for sure naman hindi pumapatol si Sir sa mas bata sa kanya. Tatanungin ko ba ?? bahala na!!

" Are you His girlfriend?? " - Ikinagulat niya yung pagtatanong ko, magsosory na sana ako kaso bigla din siyang tumawa.

" Ako nga po :) " - by that moment, biglang tumigil ang ikot ng mundo ko, bumagsak ang mga expectations ko, at nawalan nako ng pag-asa sa Boss ko. Hayyyy!! ngayon matatauhan nadin ako .. bakit kailangan pa niya ng magpapanggap na girlfriend niya kung meron na pala siya. hindi ko maintindihan.

" This way maam,... " pinilit kong ngumiti, pero sa loob loob ko, gusto ko siyang komprontahin. Naiinis ako na nalulungkot na nagagalit. I need to clarify things.

Malapit lang naman ang pantry sa office ni Sir kaya konti lang ang inilakad namin, pagkabukas ko ng pinto, Si Sir Xander naka kunot noo, at mejo kinabahan ako dun, pero bigla ding umaliwalas ang mukha niya nung makita niya kung sinu ang kasama ko.

" Princess ^_^ " - Magsama kayong dalawa.!! Aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni Sir Xander,

" Stay here Ayen... I want to introduce you to someone. " - soo ipapakilala mo pa ako sa kanya!! Bwisit talaga.. Wala na akong nagawa kundi, manatili doon habang masaya silang nag uusap. Bakit pag iba lagi siyang nakangiti, bat sakin bihira? Ansakit ng puso ko, bakit ko kailangang masaksihan to?

I need to get out of here, I need to do something.

" Excuse me Sir, ill get you something to eat. Any particular food ?? "

" No. Stay here. " - tumayo siya saka siya umalis. Ohmygad!! ayokong maiwan na kasama siya, shocks baka masabunutan ko siya ng wala sa oras. Just kidding.. Anong sasabihin ko?

" how long have you been staying here as Xander's Secretary? " - pauna niyang tanong. Hindi naman siya mataray, kumbaga sakto lang, naka ngiti nga siya ee.

" pangalawang araw ko palang ngayon Ma'am.. " - hindi naman interview to diba? so i dont have to answer her in english. Ay antaray mo Ayen!! HAHAHA

" Wag mo na akong tawaging Ma'am, mas bata naman po ako sayo ee. tsaka mukang mapapadalas ako dito ngayon :") " - tumawa lang ako. talaga lang ah! So babantayan mo si Xander ganun? possesive girlfriend siguro to.

" Anyway whats your name? Im abhie .. "

" Just call me Ayen :) Masyado kaseng mahaba yung ahyenesha eunice :) "

So ayun nga, nagkwentuhan kami, madaldal din siya kaya nailabas ko yung pagiging madaldal ko. Hindi ko nga napansin na gutom na pala ako ee. Tsaka masarap siyang kausap, hindi siya boring kaya wala kaming dull moment habang nag uusap. Halos lahat nga kwento niya ee.

" By the way, im a pschology student kase --- "

" wait! ano? student ka palang?? "

" ah ou, college ako, turning senior this year :) "

" at boyfriend mo si Sir Xander?? " - at bigla siyang tumawa. Putekkk!! child abuse to ahh!!

" soo you really believe na boyfriend ko siya?? " - tawa siya ng tawa. sakto namang papasok si Sir Xander at bigla akong namula. Mali ba ako ng akala? ohmyad!! nakakahiya naman. ee ano niya siya??

" Let me formally Introduce myself :) Im Ahbie Prieto, Kuya Xander's younger sister :) "­­­­ - hayyyy !! nakakahiya talaga akooo .. Bat kase ganun ang reaction ko?? Anong meron sakin? Nakakahiya tuloy kay Kenneth, este Sir Xander pala ^__^.

Ayoko nang magsalita .. As in ayoko na. bahala sila, basta ayoko magsalita :/ ! halatang dismayado ako kanina.. ohmygad!!

" Actually, mom and dad will be here in an hour. nauna lang ako :) So ,, How will i approach you? Can I call you ate?? wala kase akong kapatid na babae, malamang bunso ako, tapos yung mga pinsan namin lalaki din. ako ang nag iisang babae sa pamilya namin, tapos--- "

" Princess, -- "

" Ahhh sorry kuya, " - andaldal niya talaga. mayat maya may sinasabi siya na hindi ko naman maintindihan.... " So kuya, is she just your secretary? gusto ko siya as may ate.. "

" Ask her yourself, who am i to her.. " - Akoo ?? ako talaga?? bat akoo ?? Ano sasabihin ko?? Pano ko ipapaliwanag sa kanya??

" Ate?? whats your relationship with kuya??? " - With matching pagngiti at puppy eyes look pa. Tumingin ako kay Xander, he's expecting na gagawin ko yung responsibility ko as a fake nililigawan and soon to be fake girlfriend. So kailangan kong magsinungaling, i need to act in a natural way, kailangan ko siyang mapaniwala. Tumingin ulit ako kay Xander, His pleading and then he smile. Awwww !! And gwapo niya.

" He's my childhood crush, way back elementary days. "

" and what about now..... ?? "

" Sa tingin ko....." - nag aantay siya ng sagot. i look up to Xander biglang kumunot ang nood niya. ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Ahbie .... " ngayon, gusto ko padin siya !"

----- isang mahabang katahimikan ---------

hindi ko alam kung pano ako mag rereact sa sitwasyon ko ngayon. Nakatingin lang sila parehas sakin without saying anything. Halata bang nagsisinungaling ako??? Oh my palpak na naman ang acting ko, kaya hindi ako nag-artista ee.

" Oh my Gad kuyyyaaa !! oh my!! halla , shockssss ... kuya alam mo ba too ?? She just confessss .... ohmygad!! hindi ako maka get over ,,,, kuyyyaa ... oyy kuyyaa? - " Niyuyugyog niya si Xander pero nakatingin lang siya sakin without even blinking.

Ou Gad! Nasimulan ko na to, wala nang bawian, itutuloy ko na, i dont even care about the end of this. I just wanted Mama to stop asking me to marry someone i dont like.