@Rooftop sa School
"Sabi nila nandito ka. Kaya pinuntahan kita."
Ngayong mga oras na 'to nandito ako sa rooftop kung saan balak kung ibigay kay Jerome ang love letter na pinaghirapan ko at ginawa ko ng buong puso.Sa madaling salita balak kung mag-confess sa kanya.
"m-may gusto sana akong ibigay sayo." kaba ko.
Ang taong tinutukoy ko ngayon ay walang iba kundi ang taong nakahiga sa rooftop habang nakataklob ang libro sa mukha nya .
"okay, lang ba kung maistorbo kita?" tanong ko.
Wala syang sinabi kundi sininyasan lang ako ng kamay nya na lumapit.
Kaya lumapit ako sa kanya at umupo habang sya nakahiga parin habang nakataklob ang libro sa mukha nya.
"Matagal ko na kasing itinatago to sayo .. natatakot kasi ako na baka hindi muna ko pansinin pag-nagtapat ako ng nararamdaman sayo. " Hiya kung sabi.
Katulad kanina wala din siyang sinabi kundi, inilapat ang kamay nya sa harap ko.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nya kaya binigay ko na lang ang love letter.
Kinuha nyarin at napansin kung uupo sya kaya napayuko nalang ako.
"Hindi ko alam na ... uso padin to..."
[giggle ]
"Kailan pa nagbago ang boses nya?" Taka ko sa sarili ko at napatingin sa kanya.
"Z-ZACK?!!" Para kung nabagsakan na malaking bato dahil sa katangahan.
"Isang love letter? ha ha nakakatuwa naman...akala ko tatantanan nako ng mga babae?." Tayu nya.
Sya si Zack Carter ang taong kina-katakutan ng lahat ng estudyante pagdating sa banatan dahil wala syang inaatrasan gangster sya sa madaling salita, Zack the Killer ang bansag sa kanya dahil sabi ng iba mapa-tingin ka lang sa nanlilisik nyang mga mata mapapatingin ka na sa iba.
"Ibalik mo sa akin yan Zack!." Agaw ko sa kanya ng sulat.
"Bakit ko ibibigay sayo?. Para sa akin to diba?!."
"Hindi ikaw si jerome. Kaya ibalik mo sakin yan." Agaw ko pero hindi ko parin maagaw sa kanya.
"Ah... si jerome pala ang taong mahal mo. Pag-ibig nga naman ha ha."tawa nya
"sabing ibali-" Napahinto ako ng salita nang may sumigaw ng pangalan ko.
"Aica?!"
At napalingon ako.
"Jerome!?"
"Kanina pa kita hinahanap may sasabihin ako sayo importante ."
"Meron ako-" bigla nalang hinila ni Zack ang braso ko at niyakap.
"Pasensya na. Pero Hindi ko papayagang makipag usap sayo ang GIRLFRIEND ko." Sabi ni Zack.
"Hin---"
"Kapag nag-salita kapa. Hahalikan kita." Bulong nya sa tenga ko.
"Ah ganon ba... nakakaistorbo ba ko?"
"Oo. Kanina pa."zack.
Pilit kong inilalayo ang sarili ko kay zack at mag paliwanag kay jerome pero hindi ko magawa dahil pinagbabantaan nya kong halikan.
"Sige." Sabay alis ni jerome.
"A-B normal ka ba?" piglas ko sa pagkayakap sakin ni Zack.
"kailan pa kita naging BOYFRIEND?!" galit ko.
"Ngayon lang." Sagut naman nya.
"ibalik mo sa akin yan." gigil ko.
"ibinigay mo to kaya ..Akin to! Tsaka hindi ko pa nababasa." Buklat nya sa papel.
"ilang ulit ko bang sasabihin na hindi nga iyan sayo!." hanggang sa hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko.
Pilit ko talagang inaagaw sa kanya pero huli na ang lahat dahil ngayon binabasa na nya kaya wala akong nagawa kundi ang mapa-luha.
"Dear to the person who I love the most, jerome, first of all nagpapasalamat ako dahil ikaw ang naging inspirasyon ko sa buhay. Nung una kitang nakilala akala ko napakasungit at snobers mo pero hindi pala, na-fall ako sayo nung nasa rooftop tayo, habang nag-kakwentuhan bigla ka nalang sumandal sa balikat ko.. araw araw hindi ka maalis sa isip ko..Kaya simula nun na bangag na ko sayo.. Oo. mahal na nga kita eh.. sana hindi ka magalit na umamin ako. Nagmamahal, ang pag-ibig ni Aica."
"tsk!" salubong ng kilay nya.
"Masaya kana?. " paluha kong sabi.
"Teka?.. umiiyak kaba?.. " patawa nyang tanong.
"wala kang pake! Kaya ibalik mo na yan sakin."
"edi kunin mo." Sabay hagis nya ng papel papalayo sa rooftop.
"HINDI!!!. " habul ko sa papel pero huli na ang lahat.
Hinangin na sya papalayo.
[pak! ] Sampal ko sa kanya.
"Alam mo ba Kung ano ang ginawa mo?!!"
"Oo! Sampal lang naman ....
Alam mo.. " luha ko, " bagay na bagay talagang tawagin kang ZACK THE KILLER.." hagulgul ko" .. kasi kahit personal na bagay ng isang TAO! Pinapakailaman mo, pinapahirapan mo, gusto mo ikaw ang nasusunod, feeling mo na ko-control mo lahat. Dahil tinatakot mo... Palibhasa kasi walang nagmamahal sayo Kaya ganyan ka!" sabay walkout ko.
At dyan na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko...