Progression

During that two weeks, hindi ako nakapagfocus sa pag-aaral ko. Mayat maya kasi akong itext ni Kenric. Tapos I find myself na hinihintay ang text niya. Dumating nga 'yung point na naeexcite ako pag may nagtetext kasi nag-aassume ako na siya ng nagtetext.

Minsan nga nung wala akong load nun. Binilhan niya ako ng 300 na load. Halos mabitawan ko yung phone ko nun na 6610 kasi first time ko na magkaroon ng ganung load. Mostly kasi 20 pesos lang niloload ko.

Napilitan tuloy ako na puntahan siya sa condo niya uli. May pizza at spaghetti nung pumunta ako sa apartment niya. Parang ang saya niya nung makita ako. Yung second time na pagkikiya namin personally, dun lang kami

medyo nagkakilala formally.

"Do you know anything about me?", tinanong niya ako nun.

"Aside sa name and adress mo, wala na akong ibang alam", sagot ko.

Tumawa lang siya. Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya. Naakward ako tuminging sa mukha niya. Para nakakasilaw kasi ang kagwapuhan niya. Maiintindihan niyo naman ako pag may nameet kayong sobrang gwapo na parang akward tumingin. Baka kasi maglaway ako. Nakakahiya.

"I'm Edward Kenric Yao. I'm taking up International Trade and Commerce in St. Edwards. "

Wow. Ang alam ko halos hundreds of thousands ang tuition dun sa school ni Kenric. Dun nag-aaral 'yung anak ng mga mayayaman. Tapos pati course niya ang sosyal pakinggan. Parang nahiya naman ako sa kurso ko.

"Ikaw?"

"Sa public university lang ako nag-aaral. Education student ako"

"Cool. My grandma was a teacher. What year are you?"

"First year"

"Hey, did I do anything wrong?"

Nabigla ako sa tanong niya.

"Hmm. Wala.. Bakit?"

"Napansin ko kasi na you don't look at me. Have I upset you?"

"No.. hindi ganun."

"So, bakit nga hindi ka makatingin sa akin?", tinanong niya ako sabay hawak sa baba ko. Nagkatitigan kami. Nagulat ako ng hinalikan niya ako. Hindi siya kasing aggressive nung first time namin. It was slow and passionate.

Hindi na ako nakasagot.