The next time na nagkita kami was around second week of January. Although constant na magkausap kami sa phone since ng Christmas.
Ewan, parang we become closer after that night. I'd like to think na naglevel up na kung anong klaseng relationship meron kami.
Kinilig nga ako nung nakita ko na nagchang ng Facebook status so Kenric from Single to Complicated.
Hindi naman sa nag-aassume ako pero pag-gusto mo iyong tao feeling mo lahat ng ginagawa nila ay intended para sa'yoX
Level 5 Potassium.
Minsan ng di ko siya mareply kasi pinapatay ng land lord namin 'yon wifi nila and wala akong budget pang-load. Nagpasa-load siya ng 300.
Tatlong beses akong nag-balance kasi it was my first time na magkaload above 30 pesos.
Wednesday ata non nung nagmeet kami. It was our wash day kaya naka-civilian ako. He texted me na nasa labas daw siya ng school namin. Gusto niyang sabay kaming maglunch.
Supposedly, makikipaglunch sana ako with my classmates pero I ditched them. Minsan lang magyaya si Kenric ng lunch.
Nandoon nga siya ng lumabas ako sa school namin. Pinagtitinginan siya ng mga ibang students. Nakawhite shirt s
with a fitted blue jeans siya. He looked like a normal college student pero what makes him stand out was his Gucci shoes and LV sling bag.
Marami namang gwapo dito sa school namin. Pero Kenric was different kind of handsome kaya parang naamaze ang mga tao sa kanya.
Ngumiti siya ng makita ako.
"Matagal ka na ba dito? Pasensya na pinaghintay kita", sabi ko.
"No worries. Kadadating ko lang. Anyway, I did something risky today", he said with pride.
"Anong ginawa mo?", tanong ko.
"Nagjeep ako today"
Napatawa ako. Hindi ko maimagine na nagjeep siya. Ano kaya reaction ng mga tao sa kanya.
"Wow. Pinagtawanan mo talaga 'yong ginawa ko for you today"
"Natatawa ako kasi risky mo magcommute? Halos lahat ng students sa school ko nagcocommute."
"Risky kaya magcommute. You are with different kinds of people sa jeep. I've heard from the news that someone got mugged and killed sa jeep"
"Naku, it doesn't happen always. Nangyayari lang 'yon kung medyo flashy ka na may pera ka. Makinang kasi sa mga holdaper yong mga mukang mayaman tulad mo"
"Are you kidding me? Nakadress down na ako nito."
"What is you life? Tanong ko"
"It's a life of filthy opulence", he said it in a casual way. Hindi siya tunog nagyayabang. Facts are facts.
May naisip tuloy ako kung saan kami kakain.
"Let's go. What do you want to eat? Mexican? French? Chinese?Me?", he gave me his naughty smile.
"No. Filipino food naman"
"So.....ikaw ang kakainin ko?"
Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. It brought me memories the last we did it.
"Uy, hindi ah. Sa karenderiya tayo kakain?"
He looked confused.
"Uhmm.. yeah sa karenderiya tayo, if that's what you like. Where's that?"
"Tara. ", sabi ko sabay hawak sa balikat niya para iguide siya.
***
Dinala ko siya sa pinakamalinis tingnan na karenderiya. Medyo mas mahal dito compared dun sa palagi kong kinakainin but it doesn't matter. Kenric likes to pay for everything. Literally, everything.
Konti lang ang tao ngayon. Doon ko siya inupo malapit sa may electric fan. Medyo namula kasi siya sa paglalakad namin mula sa school.
"Hmm.. this is interesting. " sabi niya.
"First time mo magkarendereya?"
"Ah.. hmm.. Not really.... I went to something like this before. Do they have a menu here or a waiter?", tanong niya.
Natawa ako.
"I'm not sure how to phrase this but nagdrudrugs ka ba? Why are you laughing so much today?", seryoso niyang tanong.
"Hoy, di ah. May makarinig sa'yo. Walang waiter or menu dito. Pupunta ka dun sa counter para kumuha ng food"
"Self-service, eh?"
"Oo. Ako na oorder."
"I'll go with you", sabi niya na akmang tatanggalin ang bag niya.
"Hep hep.. Dalhin mo lang yang bag mo. Baka nakawin", sabi ko.
"But you put your bag down? Aren't you scared na nakawin din yan?"
"Hahaha.. Di yan nanakawin kasi yellow pad lang laman niyan"
"You're weird"
Naglakad kami papuntang counter. Napansin kong hindi maipinta ang mukha ni Kendric habang tinitingnan ang menu.
"Is that an egg in the adobo?", tanong niya.
"Yup. Gusto mo? "
"Eh.. no. I'm not crazy"
Arte nito.
"Ate, isang dinuguan, isang Bicol express, tapos bigyan mo rin ako nung pusit.", sabi ko sa babae.
"Ilang rice?"
"Kenric, ilang rice ang gusto mo?"
"Do they count the number of rice here?"
"Sira. Cups. Ilang cups"
"Ah.. 1 cup", sabi niyang tinatago ang pagkainis. I guess hindi niya gusto to look like a fool.
"Ate dalawang rice", sabi ko.
Bumulong ako kay Kenric.
"Sorry, I made fun of you"
Mukha siyang surprised.
"I was not offended. How much?"
"Ate, magkano?"
Nagcalculator si Ate.
"95 lahat. Anong drinks niyo?"
"Two Bottled water nalang"
"Bale 125"
"That's so cheap. ", kinuha ni Kenric ang wallet niya at nakita ko na he has a think was of cash na puro 1,000. Kumuha siya ng 1,000 at iniabot sa tindera.
Nang masuklian na siya ay nilagay niya sa bulsa ko 'yong sukli.
"Uy, ano yan?"
"I'm giving it to you"
"Hindi naman ako nanghihingi", sabi ko.
"I know. But I don't want to have small bills. Plus, madumi na yong bills na yan kasi it came from different people. Sa'yo nalang. Sayang naman kung itatapon ko lang"
"Again, what is your life?", tanong kung confused kung nagbibiro ba siya o hindi.
Hindi niya na ako sinagot. Kumuha ako ng utensils.
Nagsimula na akong kumain tapos napansin kung nakatingin lang si Kenric.
"Sabi ko na nga ba. First time mo dito"
"Again. You are wrong. We have something like this in our school. "
"If I know di ka dun kumakain"
"I've eaten there before"
"Oh.. sige nga san dito yong dinuguan?"
Tumingin siya sa akin.
"Why are quizzing me? Of course, I know which is which?"
"Oh.. di alin dito 'yong dinuguan?"
"Uhmm.. wait may nagtext sa akin", sabi niya sabay kuha ng phone.
Mabilis siyang nagtype.
"This one is dinuguan", nakasmile niyang sabi habang nakaturo sa dinuguan.
"Nagoogle ka!", natatawa kong sabi.
"I did not. You're crazy", he was also smiling.
******