"Hon, ito na yung towel mo ohh. Anong oras ba alis natin?" ito talagang si Andy kung saan saan nilalagay yung mga gamit nya. Mag iilang oras na din syang naliligo.
"Wait hon. May kausap lang ako sa phone." ani niya.
Three days na din kami dito sa Baguio. Napagpasyahan lang namin ng boyfriend ko na magvacation leave. Ang tagal na din naman kase hindi nakakatravel. Dapat talaga matagal na naming naisip to.
Anyways, ang ganda ng mga views. Yung pagnakita mo mapapatulala ka talaga.
Ganito talaga ako. I love nature <3
I love sight seeings :)
"Hon, paabot. Tapos na ko." sigaw nya.
"Hon, ang tagal mo naman maligo. Mahigit isang oras kana. Sayang yung vacation natin. 1 day na lang." pagdadabog ko sabay nguso.
"Cath, sorry ha? Yung boss ko kase tawag ng tawag. Wag ka mag-alala (hinaplos nya yung mukha ko) lalabas tayo ngayon para kumain. San mo gusto?" tanong nya.
"Di ko alam hon. Ikaw na bahala. " sabi ko
"Sus. Nagtatampo pa itong baby ko. Tara libre ko naman kaya kahit sang exclusive restaurant dito sa baguio sagot ko. " paglalambing nya habang nakayakap sakin.
"Kaw talaga, hon! Akala mo madadala mo ko sa mga ganyan ganyan mo. Anong oras ba alis natin?" tumatawa kong sinabi.
"Tara na..." hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming umalis ng hotel.
>Sa Restaurant
"Baby, order kana. Nahiya ka pa. Joke. " biro niya.
"Hon, bat ba ganyan ka. Inaasar mo na lang ako palagi. Porke ba medyo tumataba na ko ganyan kana sakin. " pagtatampo ko.
"Baby, ano ka ba? Nilalambing lang naman kita e. Napakamatampuhin mo naman. Meron ka ba ngayon. Hehehe." inaasar nya talaga ako sabay abot sakin ng menu.
Teka. Ano bang masarap dito. Parang di ko pa natitikman mga foods dito. Mga ngayon ko lang narinig.
Well, at dahil nga matalino ako. Nagbase na lang ako sa mga picture. Sinulat na ni Manong Waiter yung orders namin and after 10mins here it comes.
"Come baby. Let's dig in." pag anyaya niya. Syempre kumain na din ako kase nga nagugutom na din ako.
After 30mins tapos na naming ubusin lahat.
"Hayss. Ang sarap talaga kumain. " sabi ko habang hinihimas yung tiyan ko.
"Hon, alam mo napapansin ko kanina ka pa tumitingin sa phone mo habang kumakain tayo. " tanong ko sa kanya
"Cathy, sorry ha. Yung boss ko kase kanina pako pinipilit na tapusin yung pinapagawa niya sakin. Wait lang Cath punta lang ako sa Comfort Room. " nalimutan niya ata dalhin yung phone niya.
So, habang inaantay ko yung bill. Nacurious ako kung ano mga itsura ko sa picture namin kanina. Baka may stolen akong panget at dahil advance na naman ako mag-isip, inopen ko yung phone niya at buburahin ko mga yun. Mwahahaha (evil laugh) xD
Sus. Pagbungad ng phone niya picture namin yung wallpaper. Hay nako. Gandang ganda talaga siya sakin. Ang sweet di ba. Ito yung picture namin nung nagpunta kami sa Vigan. Nakawacky ako tas sya nakatitig sakin. Sabi niya kase magwacky pose daw kami pero may iba pala siyang pakay. Kiliggggsss <3
Andito din yung mga picture ng mga buildings na na design niya. Isa kase syang Architect. Meron din dito yung dreamhouse namin na sya din mismo ang nagdesign. Ang tanging ambag ko lang naman ay ang maging inspirasyon niya habang ginagawa lahat ng ito. Chos :*
"Tara, babe. " nagulat ako kase hawak hawak niya yung phone niya then nilagay niya sa bulsa ng pants niya. Wait nalilito ako. Dalawa ba yung cellphone niya?
"Hon, dalawa pala yung phone mo?" magkaparehas na magkaparehas pa yung kulay at unit.
"Ahh.. Uhmm. Oo. Oo nga. Di ko ba nasabi sayo. Bigay to ng Company for working purposes lang naman." ganun ba. Bat di niya sinabi.
"Ahh. Tara hon. Mamasyal na ulit tayo." kailangan sulitin na yung oras. Konti na lang istay namin sa baguio and after that hello work na naman kami.
Bumili kami ng mga pasalubong like tshirts, keychains, delicacies. Ang dami naming pictures. Madami na naman ako mailalagay sa travel book namin. Iniipon ko kase para memories sa lahat ng mga lugar na napupuntahan namin. Sana next year out of the country naman diba.
Kahit IT Professional ako, nag iipon talaga ako para may pang travel. Travel is life kase <3 Madami na ko napuntahan tulad dito, Palawan, Cebu, Vigan, Iloilo etc.
>Back to hotel.
"Hon. Ayoko pa umalis. Huhuhu." pagdadabog ko na parang bata.
to be continued