CHAPTER 1: The Exploration

Ring… ring… ring…

Mica : (yawning) Hawh, Oh my gosh! Its already 7:10 AM! I'm already late!

Nagmadaling maligo si Mica at mag-agahan, may bigla siyang naalala…

Mica : Teka, wala palang pasok ngayon, ang gaga ko talaga. (natatawa sa sarili) Hmm, total nakaready na ako gagala nalang ako sa mall.

Pagkatapos niyang kumain at maghanda ay lumabas agad siya ng bahay.

Mica : O may jeep na! Ang swerte naman ang bilis kong nakasakay. Manong para!

Tapos sumakay na si Mica sa jeep.

Mica : Paabot po ng bayad.

Driver : San to bababa miss?

Mica : Diyan lang po sa may palengke.

Driver : Heto ang sukli.

Mica : Salamat po.

Nang makuha ni Mica ang sukli ay may dalawang lalaki na nanutok ng baril sa mga pasahero at nanghold up.

Holdaper 1: Akin na mga pera niyo! Wag na kayong magtatangkang lumaban kundi papatayin namin kayo!

Mica : Wag po manong maawa na kayo sa amin (nanginginig sa takot). Lord bakit ngayon pa?(pabulong na sabi)

Holdaper 2 : Tumahimik ka!(sabay hampas ng kamay kay Mica)

Nang biglang may pumigil sa kamay ng holdaper.

Lalaki 1: Hinding hindi kita papayagan sa gagawin mo. Wag na wag kang manakit ng babae.(sabay suntok sa mukha ng holdaper)

Holdaper 2 : Aghh!

Holdaper 1 : Tarantado ka ahh!(sabay tutok ng baril sa lalake)

Lalaki 2 : (Inagaw ang baril ng holdaper)Hindi rin kita papayagan na barilin ang kapatid ko!

Nabugbog ang dalawang holdaper at dinala nila ito sa presinto.

Lalaki 1 : Miss okay kalang ba?

Mica : Ahh okay lang naman, salamat pala kanina sa pagtanggol mo sa akin.

Lalaki 1 : Sus wala yun. Ayaw ko lang talaga na masasaktan ang magandang babaeng tulad mo.

Mica : Sus nambola kapa. Hindi kaba nasaktan?

Lalaki 1 : Hindi pero kinabahan na ako dun akala ko mababaril na talaga ako, buti nalang nadyan si kuya.

Lalaki 2 : Sus ikaw pa, hindi kapa ba nasasanay? Simula nung bata palang tayo wala akong pinapayagang manakit sayo.

Lalaki 1 : Ang astig mo talaga kuya, salamat ulit sa'yo.

Lalaki 2 : Walang anuman, kapatid kita kaya poproteksyunan kita sa abot ng aking makakaya.

Lalaki 1 : Teka miss anu nga ba ang pangalan mo?

Mica : Ahh ako nga pala si Mica Christine de Jesus. Ikaw ano pangalan mo?

Mark : Mark pala, Mark Jason Santos at ito naman ang kuya ko si Joseph Santos.

Mica : Nice to meet you!

Mark : Nice to meet you din.

Joseph : Nice to meet you.

Mark : San nga ba ang lakad mo ngayon?

Mica : Wala lang gagala lang sana ako sa mall. Pero ito ang nangyari muntik nang mahold up.

Mark : Sama kana lang sa amin. Dun din naman kami pupunta.

Mica : Sige ba! Total wala din naman akong kasama. Sabi nga nila the more the merrier!

Mark : Cge tara!

Joseph : (bumulong kay mark) Iba ka talaga pagdating sa babae.

Mark : Mana kaya ako sayo(sabay suntok sa balikat ni Joseph).

Mica : San pala kayo nakatira?

Mark : Taga San Isidro kami dati pero lumipat na kami dito sa San Luis.

Mica : So ibig mong sabihin di niyo pa kabisado ang lugar na ito?

Mark : Hehe, oo e. Ikaw san ka nakatira?

Mica : Diyan sa North Town Subdivision. Phase 1 Block 1 Lot 5.

Mark : Talaga? E sa Phase 1 Block 4 Lot 3 kami nakatira ngayon.

Mica : Ang lapit lang pala e bat hindi ko kayo nakasabay sa pag-aantay ng jeep?

Mark : Hinatid pa kasi naming si Uncle Max sa may simbahan.

Mica : Kaya pala.

Mark : Oo.

Joseph : Guys? Kain muna tayo nagugutom na kasi ako e.

Mark : Ikaw talaga kuya, pagkain nalang ang lagi mong iniisip. Kain ka ng kain hindi naman tumataba.

Joseph : E ikaw din kaya ang takaw mo!

Mark : Matakaw ka jan.

Mica : Speaking of pagkain, gutom na rin ako. HHMM isaw gusto niyo?

Mark : Sige ba!

Joseph : Game!

Mica : tara dun tayo may nagtitinda dun.

Mark : Ilebre mo ako kuya ha?

Joseph : E mas malaki pa allowance mo kaysa sa'kin e.

Mark : Sige na kuya. Please?

Joseph : Sige na nga, pasalamat ka di kita matiis.

Mark : Yes! Hahahaha, Eto sakin kuya tsaka ito at ito.

Joseph : Dami naman.

Mark : Sige na ngayon lang naman to e. Unang libre mo sakin dito. Wag kang mag-alala babawi ako sayo. Sa susunod ako naman ang manglilibre sayo.

Joseph : Promise yan ah?

Mica : Ang sweet niyo namang magkapatid. Nakakainggit kayo.

Mark : Bakit wala kabang kapatid?

Mica : Meron pero magkaiba kami ni ate.

Mark : Bakit naman?

Mica : E kasi...

Mark : E kasi ano?

Mica : Wala wag na nga lang nating pag-usapan.

Mark : Bakit nga?

Joseph : Mark wag kanang makulit. Wagna nating pakialaman ang pribadong parte ng buhay niya.

Mark : Sige na nga wag nalang. Maiba tayo, Ilang taon kana ba?

Mica ; 19 na ikaw ba?

Mark : Ahh 19 din, kaka 19 ko lang kahapon.

Mica : Ui belated happy birthday pala.

Mark : Thanks!

Mica : Ikaw Joseph ilang taon kana?

Joseph : 20 na ako.

Mark : Kailan birthday mo?

Mica : September 4, 1999

Mark : E magtulad pala kayo ng birthday ni kuya, September 4 din siya 1998.

Mica : Talaga?

Joseph : Oo.

Mica : Hahaha galing no? May nakilala kang taong kabirthday mo.

Mark : Yan ay tinatawag na… Aray!

Joseph : (binatukan si Mark) Yan ka na naman!

Mark : Ang sakit kuya ahh.

Joseph : Sige na pasok na tayo sa mall. Manong ito napong bayad. Salamat po.

Mark : Sige, Mica i pasyal mo kami sa lugar mo.

Mica : Sige ba. Tara pasok na tayo ang init na rin kasi.

Mark : Wow! Ang ganda sa loob ng mall niyo ahh.

Mica : Tangi, di amin to.

Mark : I mean ang mall sa lugar niyo.

Mica : Hahaha, gusto niyo bang maglaro?

Mark : Tara san ba?

Mica : Dun sa 5th floor, tara sundan niyo lang ako.

Mark : Sige. Kuya hali ka na.

Joseph : Sige.

Mark : Wow! Ang laking ARCADIA!

Mica : Arcadia?

Joseph : Meron din kasing arcade games dun sa amin na ang pangalan ay Arcadia.

Mica : Ahh ganun ba?

Joseph : Oo, dun kami madalas tumambay ni Mark. Halos dun din nauubos mga pera naming.

Mica : Galing no? Ang close niyo sa isa't-isa.

Joseph : Bilin kasi yan ng tatay namin bago siya mawala.

Mica : Ay sorry to hear that.

Joseph : Ok lang.

Mica : So ikaw na ang nagsilbing tatay ni Mark?

Joseph : Parang ganun na nga. 10 years old palang kasi si Mark nang mawala si tatay.

Mica : E san nanay niyo?

Joseph : Nasa ibang bansa may iba nang pamilya.

Mica : Pero sinusuportahan niya parin kayo in terms of financial needs?

Joseph : Oo. Hindi kami kinalimutan ni mama, Buti nalang at mabait din ang bago niyang pamilya. Kung may mga bago silang biling mga gamit ay binibigyan din nila kami. Mababait ang mga kapataid namin na nandun sa Canada.

Mica : Buti nalang at mabait ang diyos at hindi kayo pinabayaan.

Joseph : Mabait talaga. Biniyayaan niya ako ng isang makulit pero mapagmahal at responsabling kapatid.

Mark : Ui tara na. Ano ba ang pinag-uusapan niyo diyan? Nakapagpalit na ako ng tokens. Wag muna kayo magplano para sa kasal niyo. Hahahahaha.

Joseph : Gago ka talaga Mark. Ang kulit mo, ang sama pa ng nasa isip mo.

Mica : Haha ang cute niyong magkapatid.

Joseph : Wait about sa inyo ng kapatid mo? Pwede mo rin bang i share sakin?

Mica : Actually hindi talaga totoong magkaiba kami ng kapatid ko, close talaga kami ni ate. Pero sa sobrang close namin ito ang nagging dahilan ng pagkakahiwalay namin.

Joseph : Anong ibig mong sabihin?

Mica : Isang araw habang namimili kami sa isang grocery store, may isang armadong lalaki na nangloob dito at kinuha ang mga pera at cellphone ng mga tao. Isa na dun ang cellphone ko na kakabili ko lang. Dahil sa galit ni ate at gusto niyang agawin ang cellphone ko ay hinabol niya ang magnanakaw…

Joseph : Tapos nabaril siya?

Mica : Hindi, nakalabas ang magnanakaw sa grocery store at tumakbo papunta ng kalsada. Dahil sa galit ni ate at intensiyon na mahuli ang magnanakaw hindi niya namalayan na may kotse paparating at nabunggo ito.

Joseph : At dun namantay ate mo?

Mica : Hindi pa, sinugod namin siya sa hospital at sa awa ng diyos nabuhay siya.

Joseph : Tapos? Anong sanhi ng pagkakalayo niyo?

Mica : Namatay siya at ito ang dahilan. Nagkasakit ako sa bato at kailangan ng donor para masagawa ang kidney transplant, naging donor ko si ate. At sa araw ng operasyon ay nagkaroon ng komplikasyon kay ate. Kaya siya namatay.

Joseph : Ganun ba? Kawawa ka naman. Pero pwede ka namang maging parte ng pamilya namin. Ituturing ka naming parang kapatid.

Mica : Ok lang ba sa inyo?

Joseph : Sure why not.

Mica : Sige maraming salamat, kuya.

Joseph : Hahahaha wag na kuya Joseph nalang.

Mica : Sige Joseph.

Mark : Kuya, Mica look! Ang dami ko nang tickets na nakuha.

Mica : Wow parang sanay na sanay ka ah.

Joseph : Hahaha, ganyan talaga yan. Di yan titigil hanggat hindi makakakuha ng saktong tickets pangpalit ng bagay na gusto niya.

Mica : E ano ba ang gusto mong ipalit sa mga tickets mo Mark?

Mark : Secret. Wag na kayong tumunganga diyan, maglaro na kayo di ba kayo naiinip?

Mica : Sige wait lang.

Joseph : San ka pupunta?

Mica : Magpapalit ng tokens.

Joseph : Sige sabay na rin ako sayo.

Mica : Sige tara.

Joseph : Ano bang lalaruin mo?

Mica : Eto o, hali ka sumunod ka sa'kin.

Joseph : Okay.

Mica : Ito oh, Space Invaders!

Joseph : Hahaha mahilig ka pala sa mga war games.

Mica : Oo gusto ko ang mga invasion themed games.

Joseph : Sige papanuorin nalang muna kita.

Mica : Anong manunuod kalang? Dito ka samahan mo ako, two players to.

Joseph : Ahh okay.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mica : Wow di ko alam ang galing mo pala.

Joseph : Haha. Mahilig kasi ako sa mga shooting games e. Yan ang specialty ko.

Mica : Ganun ba, Try natin tong isang game na to. Tayo ang magkalaban.

Joseph : Hahaha sige ba, walang iyakan kapag natalo ha?

Mica : Siguraduhin mo lang baka iiyak ka.

Joseph : Hahaha deal.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Joseph : O nanalo ako hahaha.

Mica : Hindi ako umiyak.

Joseph : E may nakikita akong luha na pumapatak o!

Mica : Hindi nga. Sige na hanapin na natin si Mark.

Joseph : Palusot e iiyak na yan e.

Mica : Hindi nga, bakit ako iiyak e matibay to. Sa dinami rami nang napadaanan to immune na to sa sakit.

Joseph : Wow hugot ah.

Mica : Di yun hugot.

Mark : Uy nandito lang pala kayong dalawa.

Mica : O kumusta paglalaro mo?

Mark : Ahhmm ok lang nag-enjoy ako. May surprise ako sayo Mica (sabay abot ng pink na teddy bear).

Mica : Wow, para sa'kin to?

Mark : Oo para sayo yan.

Mica : Wee dinga?

Mark : Kunin mo na.

Mica : Sige na nga salamat ha!

Joseph : See sabi ko sayo hindi yan titigil hanggat di nakakapagpapalit ng bagay na gusto niya.

Mark : Kuya, ano nga bang pinag-uusapan niyo parang mataas taas na ang nilakbay niyo ahh. Baka naman sinisiraan mo na ako kay Mica?

Joseph : Hahaha di naman sinabi ko lang naman yung ginawa mo sa birthday mo. Hehehe

Mark : Lang hiya ka talaga kuya.

Mica : Anong ginawa sa birthday?

Mark : Di mo alam?

Mica : Hindi.

Mark : Gago ka kuya akala ko sinabi mo.

Joseph : E hindi ko naman sasabihin na sinabi mo sakin na pag may nakatabi kang babae sa jeep bukas ay kakaibiganin mo at liligawan. Opps. Sareh. Hahaha

Mark : Kuya naman e.

Mica : Hahahaha yun pala yun.

Mark : Ahh e. Pwede ba? Heheheh

Mica : Wait muna. Ang mahalaga ay kilalanin muna natin ang isat-isa. Parang masyado kasing mabilis e.

Mark : Ok lang willing ako maghintay basta ikaw.

Joseph : Naks naman. Yan ang kapatid ko.

Mark : Tumahimik ka kuya, may utang ka sakin,

Joseph : Tara na uwi na tayo.

Mark : Sige kuya ihatid nalang natin si Mica para Makita rin natin ang bahay nila.

Mica : Sige kayo ang bahala.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mark : Wow ang ganda ng bahay niyo!

Mica : Salamat.

Mark : Ang laki pa parang mansion. Pwede ba kaming pumasok?

Mica : Sure why not? Tara magmiryenda narin tayo.

Mark : Sige tara kuya pasok muna tayo.

Joseph : Sige pero saglit lang tayo aalis din tayo kaagad.

Mark : E pano kung ayaw ko? An gaga pa naman wala pa tayong gagawin.

Joseph : Anong wala? May aasikasuhin pa tayo sab ago nating papasukang unibersidad.

Mark : Ugh! Bukas nay an kuya please?

Joseph : Hindi pwede, mas maaga mas maganda.

Mica : O pasok muna tayo dun na tayo magkwentuhan.

Mark : Oo nga kuya, tara!

Joseph : Okay mauna na kayo.

Guard : Hi ma'am Mica!

Mica : Hello po.

Mark : Hi manong guard!

Guard : Hi din sa'yo iho. Mica? Manliigaw mo?

Mica : Hahahaha hindi po, kayo po talaga manong Ronnie.

Mang Ronnie : Hahahahaha matagal tagal aring walang dumadalaw dito.

Mica : Tara na pasok na tayo.

Pumasok sila nang bahay at binati sila ng katulong.

Maid : Kumustang lakad iha? May bisita ka pala. Sige ipaghahanda ko muna kayo ng maiinom.

Mica : Wag na po aling Rosa. Ako nalang po ang kukuha. Mark, Joseph dito muna kayo sa sala. Magtitimpla lang muna ako ng juice.

Mark : Sige dito nalang muna kami mag-iintay.

Aling Rosa : Sige iha tulungan na kita.

Habang nagtitimpla sila Mica at aling Rosa ng juice.

Aling Rosa : Ang gagwapo ng mga bisita mo iha. Sino ba dun ang manliligaw mo?

Mica : Isa ka pa aling Rosa, magkatulad lang kayo ng iniisip ni mang Ronnie. Kaibigan ko lang po sila. Hindi ko po sila manliligaw. Wala pong nanliligaw sa akin.

Aling Rosa : Sus, sa ganda mong yan walang nanliligaw sa'yo?

Mica : Wala nga po talaga.

Habang nag-aasikaso sila aling Rosa at Mica sa kusina nagkukuwentuhan din sila Mark at Joseph sa sala.

Mark : Kuya ang laki pala ng bahay nila Mica no? Mayaman siguro sila.

Joseph : Oo nga e halatang RK. Pero Mark, seryoso kaba talaga sa balak mo?

Mark : Oo naman kuya, hiningi ko tong sign na ito bkit ko aatrasan?

Joseph : Baka mahirapan ka lang at masaktan? At kung sinagot ka man ni Mica ay wag mo siyang papaiyakin.

Mark : Luh si kuya? Tatay ka ba niya? Hahahahaha

Joseph : Seryoso ako Mark.

Mark : Yes sir!

Tapos dumating na sila Mica na may dalang meryenda.

Mica : O ito na kain na tayo.

Mark : Sige, kuya kain kana alam kong gutom ka na naman. Haha

Joseph : Puro talaga katarantaduhan nasa isip mo Mark.

Mica : Teka, saan ba kayo mag-aaral?

Joseph : ahh diyan sa St. Michael College.

Mica : Talaga? E diyan din ako nag-aaral e. Anong course ba ang kukunin niyo?

Joseph : Ahh Bachelor of Science in Civil Engineering ang kukunin ko.

Mica : Ikaw Mark?

Mark : Bachelor of Science in Computer Engineering.

Mica :Wow ang gaganda ng mga course na type niyo ah.

Joseph : E ikaw ano ba course mo?

Mica : Bachelor of Science Major in Mathematics

Mark : So mag teteacher ka pala?

Mica : Yun ang balak ko, gustong gusto ko kasi magturo sa mga bata.

Joseph : E bakit Math?

Mica : Yun ang hilig ko e mag solve ng mga math problems. Gusto ko rin i share sa mga magiging studyante ko in the future ang mga techniques na nalaman ko upang mas madaling maintindihan ang math.

Joseph : Wow, ang ganda ng layunin mo ma'am Mica.

Mark : Sang-ayon ako diyan. Hahahaha

Mica : Kayo bakit yan ang napili niyong mga courses?

Mark : Ahm ako? Wala lang trip lang. Hahaha, pero gusto ko talagang maging computer engineer para kung sakali man na magkakabili ako ng computer ay kaya kung kupunihin ito.

Mica : Ganun ba? Ikaw Joseph?

Joseph : Gusto kong maging Civil Engineer para makagawa ako ng sariling kong bahay na ako ang nagdesign.

Mica : Ang ganda rin pala ng mga layunin niyo. Pero kailan kayo papasok?

Joseph : Iwan ko, kaya nga kailangan naming asikasuhin to ngayon.

Mark : Bukas na nga kuya. Makipagkuwentuhan muna tayo kay Mica.

Mica : Mark, ok lang naman sakin na asikasuhin niyo muna yang pagpapa-enroll niyo. Total kung makakapag-aral na kayo sa St. Michael College mas magkikita at magkakausap pa tayo dun.

Mark : Sige na nga lang, sabi mo eh.

Joseph : Sige Mica mauna na kami.

Mica : Sige balik nalang kayo sa susunod.

Mark : Sige Mica bye! Tandaan mo liligawan kita.

Mica : O sige na umalis na kayo babye!

Lumabas na ng bahay nila Mica sila Mark at Joseph. Tinulungan naman ni Mica si Aling Rosa sa pagliligpit ng ginamit nila na baso at pinggan. Tapos ay pumunta na sa kuwarto si Mica at binuksan niya ang kanyang laptop. Inopen niya facebook niya tapos nagmessage sa kanya ang classmate niya na besfriend niya at nag-usap sila.

Jessa : Girl? Ano gawa mo?

Mica : Eto kakauwi ko lang. Bakit?

Jessa : Girl alam mo bang may mga bagong transferee daw sa school natin.

Mica : Ah ganun ba? E sabi nila hindi pa raw sila nakakapag-enroll.

Jessa : Huh? Anong pinagsasabi mo? Sinong sila?

Mica : Ay wala kalimutan mo na yun.

Jessa : Sige na girl. Sino ba kasi yun?

Mica : May nakilala akong dalawang guy. Ang popogi nila, bago lang daw sila dito sa San Luis at diyan daw sa St. Michael College sila mag-aaral.

Jessa : Talaga? E isa lang yung sinabing transferee.

Mica : Talaga? Sure ba yang balitang nasagap mo? Baka fake news yan.

Jessa : Oo, sure na sure. Search mo facebook niya. Jason dela Victoria.

Mica : Wait.

Sinearch ni Mica ang pangalang ibinigay ni Jessa at nakita niyang hindi pala talaga sila Mark at Joseph.

Jessa : O ano girl? Gwapo no?

Mica : Gwapo naman.

Jessa : Naman? Hmmm so ibig sabihin mas gwapo ang nakilala mo?

Mica : Iwan ko.

Jessa : Girl ano ang pangalan?

Mica : Mark Jason Santos at si Joseph Santos.

Jessa : MAgkapit girl?

Mica : Oo bakit?

Jessa : Lagot ka baka pag-awayan ka nila. Ang ganda mo kaya.

Mica : Gaga ka. Hahaha di naman siguro. Makikipagkaibigan lang sila.

Jessa : Girl wag mong ipagsabay ah? Ibahagi mo sakin ang isa. Hahaha

Mica : Kahit sa'yo na lahat.

Jessa : Omg girl. Mas gwapo nga sila. Type ko si Mark.

Mica : Hahahaha sige sasabihan ko nalang si Mark na type mo siya.

Jessa : Sa St. Michael ba sila mag-aaral?

Mica : Oo yun ang sabi nila.

Jessa : I can't wait to meet them.

Mica : Kung gusto mo puntahan mo sila sa school. Papunta sila dun dahil meron daw silang aasikasuhin.

Jessa : Samahan mo ako girl.

Mica : Pagod na ako. Kakauwi ko lang.

Jessa : Sige na please?! Bibilhan kita ng ice cream at fries.

Mica : Sige na nga. Magbibihis lang muna ako,

Jessa : Sige. Yay.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Habang naglalakad si Mica ay tinext niya si Jessa.

Mica : Jessa san ka na?

Jessa : Palabas na ako ng gate wait lang.

Mica : BO sige dito nalang ako mag-hihintay sa labas ng bahay namin.

Jessa : Sige papunta na ako.

Nagkita sila Mica at Jess at sumakay na sila ng jeep at nakarating din sila sa St. Michael College.

Mica : Para po. Tara na.

Jessa : Let's go.

Sa paglalakad nila nakasalubong nila si Kent.

Kent : Uy Mica hi! Hi din Jessa!

Mica : Hello.

Jessa : Hello Kent! Anong ginagawa mo dito?

Kent : Ah nag submit ako ng papers para sa group reporting namin bukas.

Jessa : Ah kayo nga pala ang mag rereport bukas.

Kent : Oo e kayo anong ginagawa niyo rito?

Jessa : Well we are gonna fish some hot guys.

Kent : Ah yung dalawang lalaking nandun sa assesment?

Jessa : Nandun ba sila?

Kent : Oo bakit kilala niyo yun?

Jessa : Ako hindi pero si Mica kilala niya at ipapakilala niya ako sa kanila.

Kent : Ah ganun ba? Sige mauna na ako.

Jessa : Sige naku Kent may karibal ka na.

Kent : Ok lang si Mica na ang hahayaan kong magdesisyon.

Jessa : O Mica narinig mo yun?

Mica : Sus ikaw talaga Jessa. Ikaw ang palaging nagtutulak kay Kent sakin e.

Jessa : E bakit di mo kasi sagutin? 6 months nang nanliligaw yun sayo ah?

Mica : Basta di ko alam.

Jessa : E bakit ayaw mo kay Kent? Gwapo, matalino at matipuno pa?

Mica : E ikaw nalang kaya ang sumagot kay Kent. Gusto mo gusto mo?

Jessa : Chill.

Mica : Sige na nga pumunta nalang tayo ng assesment.

Pumunta sila ng assesment at nakita nila Mica sila Mark at Joseph.

Mark : Ui kuya si Mica o. Sabi ko naman sayo di niya ako kayang tiisin.

Mica : Mark, Joseph kumusta na ang pagpapaenroll niyo?

Jessa : My God ang popogi!

Joseph : Etp nagapapasa nalang ng mga papel at uuwi na rin kami.

Mica : So enrolled na kayo pagkatapos niyan?

Joseph : Oo. Sa wakas na enroll din.

Mica : Ahm ito nga pala si Jessa Mendoza besfriend ko.

Jessa : Hi (nagpapacute).

Mica : Jessa ito naman si Mark Jason Santos at si Joseph Santos.

Mark : Hi nice to meet you!

Joseph : Nice to meet you!

Jessa : Nice to meet you too! Ang popogi niyo.

Mica : Umayos ka nga Jessa.

Jessa : Ahhm san nga pala kayo papunta ngayon?

Mark : Uuwi na kami may gagawin pa kami sa bahay. Kakalipat lang kasi namin.

Jessa : Ah so ganun ba. Sige kita nalang tayo bukas. Mauuna na rin kami bye!

Mark : Cge bye!

Joseph : Paalam!

Mica : Cge bye!

Mark : Mica mag-ingat ka ah!

Jessa : Ui. Parang may naamoy ako ah? Mica?

Mica : Jessa! Tmigil ka nga.

Jessa : Ui nagbablush.

Mica : Hindi ahh. Umuwi na nga tayo baka san pa pupunta tong usapang to.

Jessa : Sus sabihin mo nalang na nahihirapan kanang magpanggap hahahaha.

Mica : Isa nalang hahampasin na talaga kita.

Jessa : Sorry na girl. Hahahaha

Mica : Sige na umuwi na tayo pagod narin ako.

Jessa : Sige tara na.

Nang maka-uwi na sila Mica at Jessa ay naligo agad si Mica. Pagkatapos maligo ni Mica ay binuksan na naman niya ang kanyang facbook account. May bagong notification at friend request. Tiningnan niya ito at nakita niya na si Mark ang nag add sa kanya. Inaccept niya naman ito at ag-chat si Mark sa kanya.

Mark : Hi miss beautiful!

Mica : Hello,

Mark : Hahaha salamat nga pala sa pag accept ng friend request ko.

Mica : Sus wala yun. Haha. Anong ginagawa mo ngayon?

Mark : Nakaupo.

Mica : Maliban sa nakaupo?

Mark : Nakikipagchat.

Mica : Argh. Iba nalang, san ka ngayon?

Mark : Sa lugar na wala ka.

Mica Mark naman e, alam kung nasa lugar ka na wala ako. Hindi naman kita tatanungin kung kasama kita e.

Mark : Hahaha galit ka po ba?

Mica : Hindi ako galit.

Mark : Aw. Hehe nandito ako sa bahay.

Mica :Ahh ganun ba? Okay. So kailan kayo mag-sisimulang pumasok sa school?

Mark : Next week pa. Wag ka namang mainip, magkikita naman tayo lagi. Ang bilis mo naman akong ma miss.

Mica : HAHAHAHA, kapal mo din no.

Mark : Hindi pala ako ang gusto mong makita sa school. Hmm type mo si kuya no?

Mica : Luh? Ang galing mo palang mag-imbento.

Mark : Nagagalit na naman siya.

Mica : Di nga ako galit.

Mark : Mica, pwede bang tol nalang tawagan natin sa isa't-isa?

Mica : Hmm, ikaw kung yan ang gusto mo.

Mark : Ay sige tol.

Mica : Okay tol.

Mark : Tol, may tanong ako.

Mica : Ano?

Mark : Anong isda ang maraming tao at may handaan?

Mica : Ano?

Mark : Edi Fishta.

Mica : Pffft. Hahahaha ang corni tol.

Mark : Wow thanks sa support.

Mica : Hahaha next time sabihan mo kasi ako kung magjojoke ka para maihanda ko ang tawa ko.

Mark : Sige tol. Ito tol may isa pa akong joke. Joke na to ha, kaya tumawa ka.

Mica : Sige ano yun tol?

Mark : Anong letra ang palaging nasa huli?

Mica : Ano?

Mark : Edi N.

Mica : HA? Bakit N?

Mark : Kasi sa mga movie pag tapos na sinasabing "The N".

Mica : Ahhhh hahahahaha yan ang joke tol. Dami kung tawa.

Mark : E parang hindi yan tawa sa joke e.

Mica : Sa joke yun tol.

Mark : Pero tol ito seryoso.

Mica : Ano tol?

Mark : Anong letra ang sweet kay U?

Mica : Haha ano tol?

Mark : Si I.

Mica : Bakit sweet si I kay U?

Mark : Kasi I like U, I miss U, at higit sa lahat I love U.

Mica : Hahaha ang sweet nga naman.

Mark : Ito pa tol. San nagsimula ang universe?

Mica : San tol?

Mark : Edi sa ikaw at ako.

Mica : Huh bakit naman?

Mark : Spell mo.

Mica : Ang ano?

Mark : Universe

Mica : Sige UNI...

Mark : O diba UNI ang start ng universe, ikaw at ako.

Mica : Sus mga galawan mo. Ekspertong eksperto ka ah. Dami mo na sigurong girlfriend.

Mark : Di ahh. Ikaw pa nga lang sinabihan ko niyan.

Mica : Hahaha gutom lang yan tol. Kumain kana nga para mawala yang epekto ng lipas ng gutom mo.

Mark : Seryoso ako Mica. Parang na love at first sight ako sayo.

Mica : Tol di totoo ang love at first sight. Alammo kung bakit?

Mark : Bakit tol?

Mica : Kasi sa unang mong kita sa isang tao, naatract ka lang sa pisikalna anyo niya, sa kanyang kagandahan o kagwapohan. Malalaman mo lang na mahal mo ang isang tao kung nakilala mo na siya at nalaman mo ang totoong ugali niya.

Mark : Ganun ba tol? Edi kikilalanin kita at magpapakilala ako sa iyo.

Mica : Iba ka talaga sige ikaw bahala. Pero hindi ko maipapangako na mabibigay ko ang gusto mo.

Mark : Okay tol pero alam kong mamahalin mo rin ako. Itaga mo sa bato yan tol.

Mica : Hahaha. Sige na out na ako bababa na ako.

Mark : Ahh sige ingat ka tol.

Mica : Sige ingat ka rin bye.

Mark : Ingat ka mahal pa naman kita.

Mica : Sus mga pambobola mo.

Mark : Totoo yun tol.

Mica : Sige na.

Mark : Sige tol bye. Masaya na ako at nakachat kita.

Nag log-out na si Mica at bumaba na sa sala upang kumain. Habang kumakain sila ng nanay niya ay may tinanong ito sa kanya.

Mommy Marie : Cay? Kumusta pasok mo kanina?

Mica : Wala kaming pasok my. Gumala nalang ako.

Mommy Marie : Ah ganun ba? Sino kasama mong gumala?

Mica : Si Jessa po.

Mommy Mare : Talaga?

Mica : Opo.

Mommy Marie : E sino yung dalawang lalaki na kasama mo kanina?

Mica : Ahh sila Mark at Joseph po yun my. Bakit po?

Mommy Marie : Mga manliligaw mo?

Mica : Hindi po ah. Si aling Rosa nagsabi sa inyo no? Si aling Rosa talaga nagpapakalat na naman ng fake news.

Mommy Marie : Akala ko ba naman ay may ipapakilala kana sa akin na boyfriend mo o manliligaw man lang.

Mica : Ma wala pa sa isip ko yan. Bakit ba ako magmamadali e maganda naman ako, mana kaya ako sayo.

Mommy Marie : Sus, pero seryoso susuportahan kita kung sino man ang magugustuhan mong lalaki.

Mica ; Mommy!

Mommy Marie : Cay ipakilalamo nga sakin yang mga bagong kaibigan mo. Baka matutulungan ko silang manligaw sayo. Hahaha

Mica : Mommy talaga o. Sige baka bukas papupuntahin ko sila dito para makilala mo sila at para tumigil kana sa pag-aakalang manliligaw ko sila.

Mommy : Teka pano nga palakayo nagkakilala at san ba sila nakatira?

Mica : Ganito po kasi yn mommy. Habang nakasakay ako ng jeep papuntang palengke may nagtangkang manghold-up sa sinasakyan ko. Muntik na nga po akong masampal ng holdaper buti nalang at nandiyan si Mark at ipinagtanggol niya ako. Pero dahil sa pagtanggol niya sa akin muntik na siyang mabaril ng isa pang holdaper. Buti narin lang at nandun ang kuya niya na si Joseph at napigilan niya ang holdaper na mabaril si Mark. At kaya yun nagkakwentuhan kami. Tapos pumunta kami sa mall at naglaro kami ng mga arcade games.

Mommy Marie : Wow parang princess love story lang pala. Hahaha, So ibig sabihin silang dalawa ang knights in shining armor mo hehehe. Naku baka mag-agawan sila sayo Cay.

Mica : Mommy talaga. Ang lakas mang asar.

Mommy Marie : E taga san ba sila? Di mo naman sinabi e.

Mica : Ahh dito rin po sila sa subdivision nakatira. Nasa ibang block.

Mommy Marie : Ibig sabihin mas mapapadalas ang pagkikita niyo?

Mica : Parang ganun na nga my. Kasi dun din sila mag-aaral sa St. Michael.

Mommy : Wow parang naiimagine ko na ang kahiinatnan niyan Cay. Yan na siguro ang tinatawag na destiny.

Mica : Mommy! Tumigil ka na nga.

Mommy Marie : Easy hahaha sige na di na ako mang-aasar sayo, Basta ipakilala mo sakin ang mga future manliligaw mo hehehe.

Mica : Okay po bukas.

Nagpatuloy sa pagkain sila Mica at ang kanyang mommy. Nang matapos na silang kumain ay pumunta na si Mica sa kuwarto niya at nagligo tapos nagsipilyo at natulog na siya. Sila Mark at Joseph naman ay matapos kumain ay naglaro ng video games sa kani kanilang mga cellphone. Habang naglalaro sila ay napag-isipan nilang magkuwentuhan.

Joseph : Mark?

Mark : Bakit kuya? Susuko kana sa laban? Hahaha ang hina mo naman.

Joseph : Hindi ah, baka ikaw panga ang unang susuko sa atin.

Mark : Hahaha tingnan nalang natin.

Joseph : Sige ba. By the way Mark, seryoso ka ba talaga kay Mica?

Mark : Ha? Oo naman kuya. Bakit type mo rin si Mica no?

Joseph : Hindi ah.

Mark : Good, sana ibalato mo na sa akin si Mica kuya. Alam ko namang kahit sino kaya mong mapa oo.

Joseph : Lol, sayong-sayo na si Mica. Hindi ko siya aagawin sa'yo, ipangako mo lang na di mo siya gagaguhin.

Mark : Promise yan kuya.

Habang naglalaro sila ay may tumawag kay Joseph.

Mark : Hahaha talo ka kuya.

Joseph : Ui di counted yun, may tumatawag sakin oh!

Mark : Kahit na nasa gitna tayo ng laro e.

Joseph : Basta restart yun. Teka lang sasagutin ko muna to. Hello? Sino to?

Jason : Ui Joseph si Jason to. Kumusta ka na?

Joseph : Ito ok lang, ba't bago na naman cellphone number mo? May bago ka na naman sigurong niloloko no?

Jason : Wala ah, ninakaw kasi cellphone ko kaya bumili ako ng bago.

Joseph : Wow iba talaga pag rich kid e no?

Jason : Di naman. Balita ko daw lumipat kayo dito sa San Luis?

Joseph : Oo, dito na kami titira at dito na rin kami mag-aaral.

Jason : San?

Joseph : Sa St. Michael College.

Jason : Wat da? Kakaenroll ko lang diyan. Kailan kayo nagpaenroll?

Joseph : Kanina lang. Ikaw ba kailan kapa nakapag-enroll?

Jason : Last week pa. E kailan kayo magsisimula?

Joseph : Ah ganun ba? Next week kami magsisimulang pumasok. Ikaw b kailan ka magsisimula?

Jason : Next week din haha. Sabay nalang tayo pumunta ng school. San ba kayo nakatira?

Joseph : Sa North Town Subdivision.

Jason : Ah malapit lang pala sa amin. Saktong sakto.

Joseph: San ka ba nakatira?

Jason : Dito kami nakatira sa Aguinaldo Street, yung ikalawang bahay mula sa kanto.

Joseph : Ah sa inyo pala yung malaking puting bahay na nakita namin ni Mark.

Jason : Oo. Teka magkasama kayo ni Mark ngayon?

Joseph : Oo, naglalaro kami.

Mark : Oo kuya Jason, hahaha at umiiyak si kuya ngayon dahil natalo ko siya. Wahaha.

Joseph : Wag kang magpapaniwala jan.

Mark : Magpakita kana kuya Jason para ikaw na naman ang talunin ko.

Jason : Hahaha sige ba baka bukas magkita tayo at maglaro para malaman kung sino ang weak sa ating dalawa.

Mark : Sure, handang-handa na ako sa'yo.

Jason : Hahaha hindi ka pa rin talaga nagbago. Mula nung nasa San Isidro pa tayo, nakabalik nalang ako galing Canada ganyan pa rin ugali mo. Ang kulit mo parin, mana ka sa kuya mo hahaha.

Mark : Hindi naman slight lang. Ang kaguwapohan lang ang namana ko sa kuya ko. Pero pagdating sa chicks taob ako sa kanya. Nakakisang chick palang ako siya pang 35 na. Hahaha

Jason : Hahaha yan ang kuya mo e. Matinik sa chicks.

Joseph : Kayong dalawa pinagkakaisahan niyo na naman ako e.

Jason : E totoo naman hahaha.

Joseph : Nagsalita tong iba-iba ang babe kada araw oh.

Jason : Lol iba-iba ka jan.

Joseph : Hahaha affected.

Jason : Di ah.

Mark : Sigurado ako na mastataas na naman ang listahan niyo ng mga babae next week. Balita ko marami daw'ng magagandang babae sa St. Michael College.

Jason : Sigurado yan sa kuya mo, siguro first day palang 30 pages na ng libro ang mga pangalan ng babae.

Joseph : Mukha mo 30 pages ng libro. Baka ikaw di pa nakakapasok naka 50 na.

Mark : Sus nag-aaway pa kayong dalawa e magkapareho lang naman kayo e. Ako lang ang mabait sa ating tatlo.

Joseph : Nagsalita ka rin e no? Kanina nga lang kakakita mo pa lang kay Mica pinormahan mo na agad.

Mark : Ui ba't mo sinabi?

Jason : Hahaha sino ba yang si Mica?

Joseph : Nakilala naming babae kanina. May pachat chat pa si Mark na anong letter ang sweet?

Mark : Luh? Binasa mo?

Joseph : Lol sobrang focus ka talaga kanina sa pakikipagchat kaya di mo ako napansin. Hahaha

Mark : Kuya naman e para ka kasing hangin kung may pinaplano kang masama.

Jason : E sino ba yang Mica na yan? Maganda ba pre?

Mark : Oo naman, pero offlimits kana sa'kin na yon?

Jason : Wow hahaha sige kung yan ang gusto mo, para sa pagkakaibigan hahaha.

Mark : Good.

Joseph : Sige Jason bukas nalang tayo magkuwentuhan ulit. Bubugbugin ko muna tong si Mark. May rematch pa kami di ko to pa e-scorin.

Jason : Sali ako. Wait log-in ko lang. Free for all tayo.

Mark : Sige ba game. Hahaha baka ikaw ang mabugbog kuya. Lalo ka na kuya Jason.

Jason : Tingnan nalang natin. Sige bye kita nalang tayo sa lobby.

Mark : Sige kuya bilisan mo ayaw ko nang nag-aantay ng mga talunan. Hahaha

Joseph : Sige bye.

Jason : Hahaha siguraduhin mo lang na di ka puro salita Mark.

Pagkatapos tumawag ni Jason ay naglaro na sila hanggang sa antukin na sila at kalaunan ay tumigil na sila sa paglalaro at nagpahinga na. Kinabukasan ay maagang nakagising si Mica. Naalala niya agad na hindi niya pala na sabihan sila Mark na inimbitahan sila ng mommy niya na pumunta sa bahay nila. Kaya binuksan niya ang laptop niya at chinat niya si Mark.

Mica : Uy tol, good morning. Wala ba kayong lakad mamayang mga 10 am? Papupuntahin kasi kayo ni mommy sa bahay, dito na raw kayo magtanghalian. Gusto niya daw kasi kayong makilala.

Pagkatapos niyang mag chat ay natulog ulit si Mica. Kinabukasan pagkagising ni Mark ay binuksan niya ang kanyang account at nabasa ang message ni Mica. Pagkatapos niyang basahin ay pumunta siya sa kuwarto ng kuya niya at ginising niya ito.

Mark : Kuya kuya gumising ka na. Papupuntahin daw tayo ng mommy ni Mica sa bahay nila. Dun na daw tayo manananghalian.

Joseph : A ganun ba? Sige anong oras ba tayo papupuntahin dun?

Mark : Mga 8 daw.

Joseph : Ha? Ang aga naman, ano ba gagawin natin dun. At teka sino ba nagsabi sa'yo?

Mark : Ito oh, chat ni Mica sa akin.

Joseph : Wow inadd mo na pala hahaha. Patingin.

Mark : Oh.

Joseph : E gago ka 10 AM sabi niya oh.

Mark : Aw hehe gusto ko lang namang maagang makita si Mica e. Haha excited rin kasi ako.

Joseph : O sige sige, maghahanda na muna ko ng ating agahan.

Mark : Sige kuya maliligo na rin ako.

Lumabas na ng kuwarto ni Joseph si Mark. Habang palabas na rin ng kuwarto si Joseph ay biglang may tumawag sa cellphone niya.

Joseph : Ui Jason? Himala maaga ka yatang gumising.

Jason : Oo naman, excited na akong makabonding ulit ang mga childhood friends ko e.

Joseph : Ay oo nga pala no? Tamang-tama, makikilala mo na mamaya si Mica. Sama ka nalang sa amin, inembetahan kasi kami ng mommy ni Mica na dun na mananghalian.

Jason : Ahh ganun ba? Sige kayo nalang, nakakahiya kasi e. Kayo lang naman ang inembeta.

Joseph : Wow ha marunong ka palang mahiya sa kapal ng mukha mo.

Jason : Oo nagbago na kaya ako.

Joseph : Sige ikaw bahala, ang ganda pa naman ni Mica.

Jason : Biro lang ikaw naman. Haha sige anong oras daw ba?

Joseph : 10 am daw kami papupuntahin dun.

Jason : Ahm sige pupunta nalang ako diyan sa inyo. Anong address niyo?

Joseph : Phase 1 Block 4 Lot 3 North Town Subdivision

Jason : Ok hintayin niyo nalang ako diyan.

Joseph : Anong oras ka pupunta rito?

Jason : Mga 8 siguro o kaya pagkatapos ko mag-ayos.

Joseph : O sige maglalaro nalang din muna tayo habang nag-aantay ng oras.

Jason : Sige bye na.

Joseph : Sige.

Lumabas na agad ng kuwarto si Joseph at naghanda na ng agahan. Pagkatapos maligo ni Mark ay kumain na sila ng agahan. Pagkatapos nilang kumain ay naligo na si Joseph. Habang naliligo si Joseph ay ginalaw ni Mark ang cellphone ni Joseph at binuksan niya ang facebook account ng kuya niya. Nang nabuksan niya ay nakita niya na may 15 new messages at 32 notifications ang kuya niya. Binuksan niya ang mga messages at may nakita siyang magandang babae na nagchat sa kuya niya. Agad niya itong ni replyan.

Mark : (hmm ma tripan nga) Hello!

Jasmine : Ui nag chat ka rin hehe.

Mark : E bat naman di kita rereplyan? Sa ganda mong yan?

Jasmine : Haha nambola ka pa, pero di ko lang maisip na may isang napakagwapong lalaki ang pumansin sa akin. Akala ko kasi snob ka famous ka kasi e.

Mark : Di naman lahat ng famous snob. Kagaya ko, pero ano nga pala sadya mo?

Jasmine : Ah makikipagkaibigan lang sana.

Mark : Kaibigan lang?

Jasmine : Um oo.

Mark : Taga san ka ba?

Jasmine : Taga San Isidro ako. Palagi ko kayong nakikita ng kapatid mo pero ngayon hindi na.

Mark : Ah lumipat na kasi kami dito sa San Luis. Kaya pala parang palaging may nakatitig na mata sa akin sa tuwing aalis kami ng bahay.

Jasmine : Hindi naman ako tumititig sayo.

Mark : Sinabi ko bang ikaw? Affected masyado.

Jasmine : Hindi ah.

Mark : Pero seryoso type mo ako no?

Jasmine : Ha?

Mark : Hahaha totoo nga. Halatang halata ka.

Jasmine : Anong type hindi ah.

Mark : Sus dinideny mo pa, e halata masyado e.

Jasmine : Hindi nga.

Mark : Sige ka kung hindi mo ipagtatapat baka magsisisi ka.

Jasmine : Oo na. Crush kita matagal na.

Mark : Talaga?

Jasmine : Oo nga, di ka na naman naniniwala ngayon. Pinilit mo akong umamin tapos ngayon di ka maniniwala?

Mark : Ganun ba? Sige sasabihin ko sa kuya ko.

Jasmine : Ha? Sinong kuya?

Mark : Haha hindi to si Joseph, kapatid niya to si Mark. Hahaha

Jasmine : Walang hiya ka Mark. I delete mo to at wag na wag mong ipapakita sa kuya mo kundi makakatikim ka talaga sa akin.

Mark : Hahaha e pano naman? I mo na ako makikita hahaha.

Jasmine : Arghh MARK!

Mark : Hahaha si Jasmin inlove kay kuya, si Jasmine inlove kay kuya. Hahaha

Jasmine : Mark please lang wag mong sasabihin sa kuya mo.

Mark : Bleeh

Jasmine : Mark naman e.

Mark : O ito na lalabas na siya.

Jasmine : MMMAARRRKKK! Bahala ka mag lalog-out na ako.

Mark : Hahaha.

Lumabas na si Joseph at nakita niyang ginagamit ni Mark ang cellphone niya.

Joseph : Huy bakit mo ginagamit cellphone ko? Akin na nga.

Mark : Hahaha

Joseph : O bakit ka tumatawa? May ginawa ka na namang kalokohan no? Lahat na lang ng nasa isip mo ay kagaguhan.

Mark : Tingnan mo facebook mo para malaman mo.

Joseph : Facebook ko pa talaga pinaglaruan mo. Ano ba ang nabasa mo?

Mark : Kuya sabi ko naman sayo may crush sa'yo si Jasmine e.

Joseph : Ah yung magandang babae sa ibang section?

Mark : Oo. Hahaha, pinaamin ko siya para sayo.

Joseph : Gago ka. Siya pa talaga naisipan mong paglaruan.

Mark : E bakit di mo ligawan kuya? Bagay naman kayo e.

Joseph : Basta ayaw ko.

Mark : Bakit naman?

Joseph : Di ko alam, basta.

Mark : Bakit nga?

Joseph : Wag ka nang makulit. Akin na yun para may thrill.

Mark : Sus si kuya pa secret secret pa e halata namang crush niya rin si Jasmine.

Joseph : DI ah.

Mark : E ang lagkit kaya ng tingin mo nung nag fofocus siya sa microscope. Akala mo di ko nahalata yun.

Joseph : Talaga Mark? Kahit yun napansin mo? Basta talaga kalokohan ang bilis ng mga mata mo. And for your information, yung bagay na finofocus niya ang tinitigan ko kasi nacucurious ako kung ano yun.

Mark : Hahaha palusot mo kuya bulok. Kuwento po yan sa pagong.

Joseph : Diyan ka na nga.

Mark : Ui nagalit.

Joseph : Hindi ako galit!

Mark : Uy affected. Alam kong galit ka kasi pinaglaruan ko yung crush mo hahaha.

Joseph : Crush mo mukha mo.

Mark : Sige na kuya, tayo lang naman ang makakaalam niyan.

Joseph : Hahaha kung ikaw nalang din ang sasabihan wag nalang, kasi daig mo pa ang newspaper sa pagpapalaganap ng balita.

Mark : Grabe di naman, slight lang. Hahaha

Matatagalan pa bago ang Chapter 2. Thanks sa pagbasa!