Chapter 20(The truth is out)

Bagamat nakauwi na nang manila sila arriane ay hindi parin siya pumasok sa kanyang restaurant.Pinakiusapan na lamang niya si Jane na mag update lamang sa kanya oras oras lalo na pag may problema sa kanyang restaurant.Wala talaga siyang gana pumasok dahil sa nangyari at Nag aalala narin sa kanya si manang coreng at Niel dahil nagkukulong lamang siya sa kanyang kwarto.Bagama't balik eskwela na naman si Niel sa sunod buwan ay hindi naman na problema iyon dahil naka enroll na ito at isa pa malapit lang din naman ang private school na papasukan nito.Kaya talagang nagkulong at iniyak na lamang niya ang kanyang sama ng loob Kay Nathaniel.Lalo na at talagang mas mabigat pa sa bakal ang bintang nito sa kanyanh pagkatao.

Sa kabilang banda;Hindi mawari ni Nathaniel kung magpapakita paba siya sa mag ina matapos ang insidenteng nangyari sa kanila sa pinuntahan nilang resort,matapos kasing malaman ni arriane ang totoo na pinaimbistigahan niya ito ay nilayasan siya ng mag ina sa resort.Hindi na rin siya agad nakasunod sa mga ito dahil inasikaso niya rin ang naging problema niya kay Mat Dixon dahil sa panununtok niya rito.Magsasampa pa sana ito ng reklamo laban sa kanya ngunit ginamitan niya ito ng mabigat na taktika kagaya ng mga larawan ng mga babae na nakasama nito.Isa na roon ang kanyang nobya.Nanggigigil parin siya hanggang ngayon sa panluluko sa kanya ni kaithleen.Hindi niya tuloy alam kung sino pa ang kanyang pagkakatiwalaan at matapos ang sagupaan nila ni Mat Dixon ay hindi parin niya nakakausap ang kaibigan niya na siyang nag imbestiga sa baho ng Dixon na iyon at arriane narin dahil nga nagalit siya noong nakita niya ang dalawa sa resort.Hindi niya mawari pero namimiss niya si arriane lalo na ang nangyari sa kanila.IPinikit niya ang kanyang mga mata upang muling balikan ang gabing pinagsaluhan nilang dalawa at wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi dahil naalala niya ang malalambot na labi ni arriane.Ngunit natatakot siyang lapitan muli ang dalaga dahil nga matindi ang galit nito sa kanya ngayon.Oo,, kasalanan nga naman talaga niya ang lahat dahil hinusgahan niya ang kapasidad nito dahil lang sa nagawa nitong pagkakamali noon.Ngunit papaano pa niya makukuha uli ang loob ni arriane kung ito na mismo ang kusang lumalayo sa kanya.Ngayon niya narealize na mahal na niya ang babae, or else minahal niya talaga ito noon pa, ngunit siya lamang ang naglalagay ng pader sa pagitan nilang dalawa dahil nga masyado pa itong bata.Ngunit sa nakita niya, ay ibang iba na talaga ito sa dating arriane na nakilala niya.Napabuntong hininga siya habang nag iisip ng pwedeng gawin para mapatawad lamang ng dalaga.Tama nga ito, hindi lahat ng naanakan ay malandi, nagkataon lamang na nagkamali ang mga ito ng minahal.Ngunit isang malaking katanungan sa kanya ang kung sino ang nakabuntis kay arriane lalo na at limang taon na ngayon si Niel na anak ni arriane.Tanggap niya si Niel at ang totoo niyan ay napapamahal na siya sa bata, ngunit ang gusto lamang niya ay maging klaro sa kanila pareho na hindi na maghahabol pa ang ama ni Niel kapag inako niya ang karapatan rito.Ngunit ang malaking tanong ngayon ay kung matatanggap pa ba siya ni arriane?

Halos isang oras din siyang nasa ganung sitwasyon ng tumunog ang kanyang celphone,Ang kaibigan niyang imbestigador iyon kung kaya agad niya itong sinagot.

"pre"? bungad nito sa kabilang linya.

Uhm pre.. kumusta.?pasensya kana noong tumawag ka,, medyo nagkagulo lang kasi pero okay naman na..anong balita?" bungad niya rin sa kausap.

"okay lang pre,, akala ko nga hindi kana interesado sa mga nauugnay sa Mr. Mat Dixon na iyon,lalo na at nalaman mo na pala na isa ang nobya mo sa naging kabit nito."wika nito na sinabayan pa ng maikling tawa sa kabilang linya.Napabuntong hininga siya dahil sa sinabi nito..Nasabi na niya kasi ang tungkol kay Kaithleen rito at sinabi nga nitong confirm na isa si kaitleen na kalaguyo ng lalake.Nalaman narin niyang ang resort na iyon ang ginagawang taguan ni Mat Dixon ng mga naging babae nito upang hindi ito mabisto ng kanyang asawa.

"oo nga pre!!tarantadong lalake iyon.. sabagay isa din si kaithleen, hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa akin.!!. ginawa ko naman lahat para sa kanya pero ito pa ang isusukli niya saakin."!galit niyang sabi rito.

"relax lang pre, pero iyong pinapaimbistigahan mo saakin na si Arriane Santañez, ano gusto mo pa bang malaman ang tungkol sa kanya.. lalo na at alam mo na ngayon na hindi naman pala siya isa sa mga naging babae talaga ni Dixon, pero pre.. mas magugulat ka sa naging imbestigasyon ko tungkol sa buhay ni Santañez."Wika nito na ikinakunot ng kanyang noo.

"Hindi naman na siguro importante iyan pre."sagot niya dahil wala naman na talagang rason pa para alamin niya ang nakaraan ni Arriane.

"Ganun ba..Ikaw ang bahala pre"sagot nito sa kabilang linya.

Ngunit nag isip siya, sabagay hindi naman na siguro masama kung may malalaman siya lalo na at ayaw na niyang magkaroon pa ng agam agam sa pagkatao ni arriane dahil gusto niyang makipag ayos rito.Narinig niyang nagpaalam na ang kanyang kausap ngunit pinigilan niya ito.

"Pre sandali.. uhm. iyong sabi mo na nalaman mo tungkol kay arriane santañez,pwede bang malaman".?

"ah,, oo pre.. ayon kasi sa napagtanungan ko doon sa dati nilang tinirhan ay kaya daw doon umalis at bininta ng magkapatid ang kanilang bahay ay dahil upang maitago ang pagbubuntis ng labin limang taong si arriane noon na hinihinalang na rape daw.Pero ang sabi noong nakausap ko.. may lalake na gustong gusto nitong si arriane noon na kapitbahay lamang nila at iyon daw ang ama ng anak nito ngayon."Pahayag nito sa kanya.Ngunit sa mga narinig mula rito ay animo'y isang bomba na sumabog sa kanyang harapan ang balitang iyon.Kinabahan siya dahil sa nalamang rebelasyon mula sa kanyang kaibigan.

"Sigurado ka ba pre?"Halos nginig ang boses na tanong niya rito.

"oo naman pre,lalo na at ang natanungan ko ay ang mismong nakabili ng bahay ng mga santañez at nanatili lamang tikom ang bibig nito dahil ayon dito ay binantaan sila ng panganay na kapatid ni Arriane Santañez na babalikan kapag may nagkalat na balita tungkol sa kapatid nito.Ngunit nalaman ko pa nga na ang talagang nakabuntis daw kay arriane ay iyong manliligaw ni Monica Santañez na napupusuan din nang bunsong kapatid nito.dagdag pa ng kanyang kausap.Ngunit mas lalo lamang siyang kinabahan sa huling sinabi nito.

"Pre,, Nasaan na raw ang nakabuntis na iyon kay arriane?"Halos kulang na lamang ay sa ilong niya dumaan ang mga katagang iyon dahil pakiramdam niya any nanginginig ang kanyang katawan bagama't hindi pa talaga siya sigurado.

"iyon ang hindi nila alam pre lalo na ay bigla na lamang daw umalis ang nakabuntis kay arriane".Sagot nito na mas lalong nagpalakas ng tibok ng kanyang puso.. Kung kaya hindi na niya naintindihan ang iba pang mga sinasabi ng kanyang kausap.

Pakiramdam niya kasi ay naninikip ang kanyang dibdib..Hindi siya makapaniwala..

"pre.. okay kalang?"nagtatakang tanong ng kanyang kausap..

"yes pre.. okay lang ako.. pero isang tanong nalang pre.. may gusto lamang ako malaman."..Pagpapatuloy niya.

"sige pre.. ano ba yan.?:

"pre, nabanggit ba nila kung sino ba ang nakabuntis kay arriane.. I mean pangalan." Paniniguradi niya.

""Iyan ang hindi nila alam pre."Sagot nito na mas lalng nagpalakas ng kanyangkutob.

Agad na siyang nagpaalam sa kausap dahik parang hindi na yata siya makapag concentrate lalo na at nanginginig parin siya hanggang ngayon.

Ilang ulit niyang binalikan ang gabing iyon..

Gabing naging sanhi ng kanyang pag titiis na manatili sa ibang bansa dahil naisip niya noon na baka makulong siya dahil sa pagkakamali niya kay arriane santañez.

"Shit!!""Napamura siya habang naisip niya na baka nga... baka nga siya ang ama ni Niel..pero kung siya,,bakit hindi man lamang sinabi ni Arriane sa kanya.

Bagama't lasing siya ng gabing iyon ngunit gumagana parin ang kanyang diwa at talagang pinagsisihan niya ang pag galaw niya kay arriane lalo na at napakabata pa nito.Ngunit huli na,, pinagsisihan na niya iyon ng limang taon.. Ngunit lahat ng impormasyon ng kanyang kaibigan ay nagma match sa kanya doon sa tao na nakabuntis kay arriane.

"Imposible!"bulalas niya saka napahilamos ng kanyang mga palad sa kanyang mukha.

"Hindi ako maaring magkamali.. isang beses lamang yun".isa pa lasing ako noon kaya imposibleng mabuntis ko si arriane."!!parang baliw siya dahil sa pakikipag usap niya sa kanyang sarili.

Iisa lamang ang paraan,, kailangan niyang makausap si arriane.. kailangan niyang malaman ang totoo.. Ngunit parang hindi siya handa sa magiging sagot nito sa kanya.

Agad siyang tumayo at mabilis na tinahak ang hallway upang makasakay sa elevator at puntahan ang mag ina sa sumunod na palapag ng building upang malaman niya ang totoo.

Habang naghihintay ay isa isang nagsibalikan sa kanyang isipan ang naging pag uusap nila ni manang coreng noong nagkita sila sa food court.Kung babasihan niya iyon ay talagang walang naging lalake si arriane.. ngunit iba naman ang isinisigaw ng kanyang utak.

Kakatapos lamang ni arriane na mag ayos nang kanyang sarili at naisipan niyang maghanda ng kanyang pagkain.Wala doon sila manang coreng at Niel dahil pumunta ito sa bahay ni ate Monica niya dahil dumating na ito at pinapapunta nga sila ngunit hindi siya sumama.Bagkus ang kanyang anak na lamang at manang Coreng ang kanyang pinapunta.NAgugutom na siya at ayaw pa nga sana niya kumain ngunit parang nagrereklamo na yata ang kanyang mga alaga sa tiyan kung kaya nag init siya ng tubig upang uminom ng tea.habang abala ay tumunog ang kanyang doorbell kung kaya agad siyang lumabas upang buksan ang maindoor sa pag aakalang si Manang coreng at Niel na agad na napagod.

"Bakit bumal....napatigil siya sa kanyang sasabihin ng makilala niya ang kanyang panauhin.!"Halos doble ang kaba ma nararamdaman niya ngunit nanatili siyang seryuso sa kanyang kaharap.

"What are you doing here?"galit niyang bungad sa kanyang panauhin.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa.""pumunta ako dito upang magtanong.?"pero bago iyan pwede bang pumasok?"Tanong nito ngunit hindi na nito hinintay na buksan niya ng malaki ang pintuan at kusa nitong itinulak iyon.

"Ano ba!!"ganun ka na ba kagarapal ngayon!"at papasok ka na lamang basta basta!!"galit niyang sigaw sa binata ng tuluyan na itong nakapasok

"May gusto lang akong malaman arriane.. ang totoo"?malamig ang tono nito habang nakaharap sa kanya.

"Totoo?"na ano huh!??ano pa ba ang gusto mong ibato sa akin huh Nathaniel?"Hindi paba sapat ang panlalait mo sa pagkatao ko!!sa pag papaimbestiga mo sa akin kung kabit ba ako..ano pa ba ang mga pangbababoy mo sa pagkatao ko!!huh!!?tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha habang nakaharap rito.Hanggang ngayon kasi ay naaawa parin siya sa kanyang sarili dahil sa nalaman niya sa resort.

"Hindi iyan ang ipinunta ko dito arriane."nanatiling mababa ang boses nito ngunit napakaseryuso ng mukha.

"kung gayun ano!?"pagbibintangan mo na naman ba ako!"

"Hindi!!ngunit gusto ko na mismo sa bibig mo manggaling ang totoo arriane.."Nagtaka siya sa ikinikilos nito lalo na ang pananalita nito sa kanya Na kahit nga siguro tutukan niya ito ng baril ngayon ay hindi ito lalaban base narin sa hitsura nito.

"Ako ba.... ako ba ang tatay ni Niel?"nanginginig ang boses na tanong nito sa kanya at sa kauna unahang pagkakataon ay doon lamang niya ito nakitang umiyak.

"At kaninong tsismoso ka naman nakasagap ng ganyang balita!"pinilit niya ang kanyang sariling maging matapang kahit pa kulang na lamang ay tuluyang siyang matumba dahil sa gulat sa naging tanong nito.

"Ang tanong ko ang sagutin mo arriane.!!ako ba ang tatay ni Niel?"ngayon ay matigas na ang binibitawang kataga nito na animo'y nagtitimpi lamang sa kanya.Ngunit hindi siya papatalo.!Tumawa siya ng pagak.

"bakit mo naman naisipan na magiging ama ka ni Niel eh isang beses lamang iyong nagyari sa atin noon.. isa pa hindi ba.. ganun ako kaharot.. kung kaya baka marami na ang nakatikim sa katawan ko!!"pang iinsulto niya sa rito.

"

"