Finally, we met again (CHAPTER FIVE)

-AISHA'S POINT OF VIEW-

Nabitawan ko ang hawak kong payong dahil sa gulat. Is this for real!? Andito talaga siya sa harapan ko ngayon? Right in front of me!?

"Hey. Long time no see." I ran into him and without even thinking I hugged him right in front of my sister.

"Ahem excuse me. May tao pa po sa harapan niyo? Go get a room! Mga batang 'to oo jusme!"

"Ate!?"

"Sige na, sige na. You may now go. 'Wag niyo na akong istorbohin dito, this is my only chance to rest. I wanna swim until mapagod ako. Bye bye! Take care! Ninang ako ha?"

"What the?! Aaargh. We gotta go. Bahala ka nga riyan, Ate. Malisyosa!" And we walked out.

"So, kumusta?" Mr Ticket asked.

"Doing fine. Andito kami para sa outreach program uli. We're going to visit na rin the Baguio General Hospital, gumagawa kasi ng research ang Ate ko and dito niya naisipang pumunta since may psych ward dito na related sa topic niya kasi. Ikaw? Why did it took you so long to show up? Bakit bigla ka nalang nawala nung araw na 'yun? May nangyari ba? Kumusta ka na?"

"You've changed." Huh? Sa rami ng sinabi ko. Ayan lang isasagot niya?! Inirapan ko lang siya.

"Look, dumaldal ka kasi eh." Dagdag pa niya.

Napasigh nalang ako.

"Just answer my questions." I said while laughing.

"Nagiging hobby mo na ba ang tumawa? I'm sorry hindi na kita nabalikan that day. Nagkaemergency kasi, urgent, kailangan kong umalis. My parents got into a car accident. I rushed into the hospital only to find out that they're already gone, death on arrival. Ang sakit sakit lang."

"Ohh, I'm sorry to hear that."

"Nope. It's fine, it's been two years. Naka move on na rin ako. Acceptance nalang siguro. Wala naman kasing exception ang kamatayan right?" Napatango nalang ako. "Pero alam mo ba kung ano ang hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan?"

"What is it?"

"That night when I met the girl na nakaaway ko dahil sa ticket. That day nung nakausap ko siya at nagkaroon kami ng deep talk. But after nun, hindi ko na siya uli nakita." He said and he stared at me.

"Hinanap mo rin ba ako?"

"Of course. Hindi na yata kita malilimutan."

"Wow! You're blushing?" Naramdaman ko namang nag iinit ang pisngi ko. Jusq traydor na pisngi 'to!

"Hindi. Medyo mainit lang kasi kaya siguro namumula ako." What a lame reason, Aish.

"Mainit? Mainit pa pala ngayong gabi rito sa Baguio para sa'yo? Suus."

"Hindi pa rin ito nagbago." Pag iiba ko nalang ng topic.

"Yep. I'm still the same old Kyle na nakilala mo sa beach."

"Ah so your name's Kyle? So hindi ikaw ang may ari ng hotel? Kaano ano mo si Ezekiel Banner ba 'yun?"

"I am, Aisha. It's me. I am Ezekiel Banner. Kyle's my nickname. Bakit mo ba kasi kinalimutan ang pangalan ko? You idiot." Binatukan ko. Tawagin ba naman akong idiot? "But thanks for the effort though. Your sister told me how hard you tried na hanapin ako when the only information you know about me is my last name."

"She told you!?"

"Yes. Thanks."

"That punk." At tumawa lang siya.

"Gosh. I missed you." Bumulong siya.

"What? I didn't hear it clear. What did you say?"

"Did I say anything?"

"Oh, yes you did. What is it again?"

"I said I missed this hotel."

"Ohh okay." Napatango nalang ako.

"Have u eaten your dinner?"

"Not yet eh. Hintayin ko pa si Ate."

"Sabay nalang tayo? My treat."

We're hear in a fancy dining restaurant dito lang din sa hotel. Since siya naman ang owner neto, treat na raw niya kami ni Ate. Aba, sino ba ang tatanggi sa libre? Not me and definitely not my sister, mukhang libre ata 'yan eh. Pumapayag siya before idate ang mga nanliligaw sa kanya dahil sa free food. No wonder she gains so much weight.

Naputol ang pagdedaydream ko ng dumating na ang order namin.

"That's our specialty and best seller, it is called the Korean Beef Steak."

"Sus, steak lang eh. Pero favorite ko ang steak. Sigurado kang masarap 'to ah?"

"Mm ang sarap!" Ay nilantakan na pala ni Ate 'yung steak niya. See? Mukhang libre, mukhang pagkain talaga itong kapatid ko.

Tumusok na rin ako sa steak.

"Oo nga, ang sarap nga."

"I told you so." Sabi niya sabay kindat. Nako buti nalang busy si Ate kaya 'di niya napansin. Mygosh! Eto na naman 'tong traydor kong pisngi, nag iinit na naman! Bakit ba kasi lalo siyang gumagwapo kapag tinititigan?

"Matutunaw na ako nyan. Baka mauna pa akong matunaw sa ice cream na kinakain mo. Ito naman kasi, bakit inuuna ang dessert?" Hindi ko namalayan kinakain ko na pala itong ice cream habang nakatitig sa kanya. Aba bakit kasi sinerve nila agad!? Napayuko nalang ako sa hiya. Ano ba, self!? Umayos ka!

He chuckled sexily. Pati pag tawa, ang sexy niya.. nako ano ba 'tong asa isip ko!? Erase erase!

Inumpisahan niya na ring lantakan ang steak niya. Nako, bakit ang gwapo niya kahit kumakain?! Wait, ano ba? Erase erase. Focus ka lang sa pagkain mo, Aish!

Napangiti siya sa amin ni Ate. My heart beats faster. Nako! Pati ba naman 'tong puso ko, traydor na rin!? Bakit ba kasi ang gwapo ng nilalang na 'to kahit kumakain, kahit natutulog, lalo na pag ngumingiti, bakit?

"Huy, sis! Nakatitig ka nalang sa steak! Hindi ba masarap? Ang sarap sarap kaya!" Sabay subo ng steak. Alright, the matakaw award goes to my Ate.

"Nako, pagpasensyahan mo na etong si Aish. Ganyan lang talaga 'yan, parang parating wala sa reality. May sariling mundo 'yan, alien ata eh. Kaya maraming takot sa kanya. Ang sungit sungit din kasi. Paano mo natiis 'to? Buti naging magkaibigan kayo. Buti natagalan mo siya nung magkasama kayo rati sa Caga--"

"Ate! Ang daldal mo! Kumain ka nalang." At sinubuan ko siya ng steak. Sinamaan niya lang ako ng tingin na nakapagpatawa naman kay Kyle. Yes, I finally know his name now.

————

"Thanks sa dinner ha. Pasensya na kay Ate, masyadong matanong."

"Nope. It's fine. Thank you for the time. Hmm can I get your number? Baka kasi mawala ka na naman. You know what, bumalik nga pala ako sa beach after a week, umaasang andoon ka pa pero wala ka na. So ayaw ko nang hindi na naman kita macontact uli, eto phone ko patype nalang ng number mo."

"Hmm okay."

"Thanks! Thank you for tonight. I enjoyed being with you."

"Thank you. Thanks sa free dinner. See you tomorrow? Baka mawala ka na naman bigla ah?"

"Nope. I'll be staying here for one week. Kayo?"

"3 nights, 4 days."

"Good, good. Alright, it's getting late. May aasikasuhin pa pala ako bukas ng maaga. I need to sleep now. Kayo rin, take a rest na. Goodnight!"

"Goodnight."

I closed my eyes while smiling. Thank you, Lord. Finally we met again.