Chapter 20: Welcome to the game of love where I lost my soul.

"Wala ka bang napapansin sakin?" tanong ni Chester sa mahinang boses.

Unti-unti nang lumayo sa pwesto namin si Luigi at ang mga magulang nito. Nag-angat ako ng paningin at tumingin sa mukha ni Chester.

Naguguluhan ako sa tanong niya at siguro ay nag-reflect ang confusion ko sa aking mukha kaya siya napangiti.

Instantly, I started dreaming seeing his smile.

Baby you're my everything. You're all I ever wanted. You're the fucking best. Best I ever had.

He is the only one I truly love. It's fucking hurting me. I feel heavy in my chest.

God, how the fuck am I going to continue to contain how I feel? It's killing me.

We are face to face now. I used to see him, feel him. Kiss him, hugs, played with his hair. Late night talks. He's the only one who saw the real me. I didn't have any of my guards on when we were together. I remember how it felt so amazing, free, zero worries.

I'd give anything, everything, somebody give me a time fucking machine. I want to go back in time where I only was worried about him and me. Where we both just loved and took care of each other.

"Naka-polo shirt ako. Pink." sabi niya habang nakatitig pa din sa mga mata ko.

+++++++++++++++

Matagal bago ko nakuha ang sinabi niya.

Pink polo shirt.    T.T

Hindi ko na kailangan pang magbaba ng tingin para makita kung ano nga ba ang kulay ng suot niya. Sa pagkakatitig ko sa kanyang mukha ay nakikita ko na rin ang kanyang damit.

Siya si Pogi.

Siya si Mr. Yabang.

Siya si Pogi slash Mr. Yabang na may malaking kasalanan sakin.

Hindi ko alam kung paano magre-react.. (Insert reaction here, please.)

Bitch, didn't you at one point, think that maybe it was him? My heart kind of sank into my stomach. I'm mind-fucked.

Naisip ko na baka siya nga si Pogi pero hindi pa rin pala ako handa sa situation na ito.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at tumalikod para umalis.

Sometimes I get tunnel-visioned, and everytime it happens, I find myself walking away from the place I got the uncomfortable feeling from.

Naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa classroom namin. Hindi ko matandaan na dito pala ako nagpunta. Basta dinala na lang ako dito ng mga paa ko.

Pumasok ako sa classroom nang nakatulala. Nagtuloy-tuloy sa upuan ko at naupo habang ang mga classmate ko ay natahimik pati na rin ang professor namin na napatigil sa pagsasalita.

Hindi ko naman pansin ang reaction ng lahat sa pagpasok ko nang pabigla-bigla.

Hindi naman nagtanong ang teacher namin kung bakit ako na-late nang napakatagal. Maya-maya lang ay nagpatuloy na ito sa kanyang discussion. Wala pa rin akong pakialam sa paligid. Physically present pero mentally absent ako sa klase.

+++++++++++++

Lumipas ang ilang araw nang maayos. Hindi ko na lang inisip ang mga huling nangyari sakin. Ang sakit sa ulo. Ayaw ko na ng gulo.

Mag-aaral na lang ako..

Uuwi, kakain, matutulog…

Kahit ang pagtetext ay nakatamaran ko na rin. Gusto ko na talagang maging simple ang lahat.

Madalas pa rin akong itinetext at tinatawagan ni Chester, also known as Pogi. Hindi na lang ako nagrereply at hindi ko din sinasagot ang mga tawag niya.

Minsan ay nakulitan ako at sinagot ko na rin.

"Momo.."

"Please stop what you are doing. I'm better off without you. Nananahimik na ako. Don't message me, do not call, don't even think about me, okay!"

Matagal bago siya nagsalita.

"I just wanted to say I'm sorry for everything. That's it, thanks for answering this phone call. Ingat ka lagi."

I felt empty.

That's fine. I'm used to this feeling.

++++++++++++++

Palapit na ang dance concert at puspusan na ang practice namin. Minsan ay ginabi kami sa pagpa-practice.

Hindi kasi kami pinauwi ni Ma'am Gwen hanggang hindi namin natatapos ang isang sayaw. Maya-maya ay nagpaalam na sakin si Dex.

"Best, mauna na ako sayo, may dadaanan pa kasi ako sa bahay ng tita ko eh." sabi ni Dex habang nag-aayos ng gamit sa bag.  

"Sige, ingat best, 'wag tanga."

"Excuse me, ako?? Tanga?!"

"Hindi mo nadinig?"   xD  

Roll eyes siya. Jusko, nagpuro puti ang mata ng bakla. Lol.

Naghahanda na din akong umuwi. Natapos na ako sa pag-aayos ng gamit at hinintay si Billy para ayusin din ang mga damit niya.

Ihahatid daw niya kasi ako sa sakayan ng jeep kaya naman pinauna ko na ang mga kasamahan namin.

Kami na lang ni Billy ang nasa gym. Maya-maya ay may limang lalaki na lumapit kay Billy.

Mga barkada niya.   =_____=  

Kinausap siya ng mga ito. Matagal-tagal din ang kanilang pag-uusap kaya naman inip na inip na ako. Hinintay ko pa rin na lapitan niya ako sa aking kinauupuan.

Pero habang tumatagal, parang hindi na niya napapansin na nandoon ako at naghihintay sa kanya.

Aiszt gusto ko na talaga umuwi dahil pagod na ako.     >:(   

Pinagmasdan ko lang siya habang masaya siyang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya.

I think this is the best time. The right time.

A few minutes after, lumapit na siya sakin.

"Momo." nakangiti siya.

"Billy, can we talk?"

"Uhm, sure."

Ayt hindi ko alam kung paano sisimulan..

"I just need to tell you something."

Nakangiti pa din siya habang nakatingin sa mga mata ko.

"You're thinking we should stop this? Now?" his smile steady.

Exactly..   T.T  

Napatango lang ako sa sinabi niya..

"Thanks baby.."

Napatingin ako sa mukha niya.

"Thanks for being honest. I appreciate it."

My eyes became teary.

"Billy, I wouldn't like to hurt you in any way. I'm sorry.."

"Oh don't cry. It's okay.."

Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Ihahatid na kita.."

"Uhm, no need. I know you're tired too."

"Pero-.."

"I'm okay."

Nabasa siguro niya ang ibig kong sabihin kaya pumayag na din siya. We should start keeping distance. And now is the best time to do that.

Tuloy-tuloy na ito. As in plain na lang ang buhay ko simula ngayon.

Naglakad ako papalabas ng gym at agad na tumawag ng tricycle. Gabi na noon at nakakatakot nang maglakad sa daan. Malayu-layo rin kasi ang gym sa terminal ng jeep pauwi sa amin.

Naalala ko si Chester. I just wish he's doing good. Bumalik na naman sa isip ko lahat-lahat ng masasayang memories namin.

Memories..

They're all I've got.

Lumilipad ang isip ko habang nakasakay sa tricycle. Nagulat ako nang biglang inihinto ng driver ang tricycle sa parteng walang tao.

Lalo akong nagulat nang makita ko na may hawak siyang ice pick. Nakatutok iyon sakin.

"Akin na ang cellphone mo." 

++++++++++++++++++

TO BE CONTINUED..

AUTHOR'S NOTE: Add niyo na lang ako sa facebook. Lol 😂 😂 😂

Facebook Name: Momo NM

Thank you! 😘😘😘