Richard's Side
I spent my life hating my mom, my dad and that lucky boy, Jayvee.
Bata pa lang ako, tinanong ko na ang sarili ko— bakit wala akong mommy?
"Dad..." I came to my dad's office, with Maximo. I am 5 years old that time, pero noon pa lang sobrang busy na ni dad sa trabaho.
"Yes, Jaydee?"
I entered his room. Bowed, and casually said...
"Can you buy me a Mom?"
Napatigil sila sa sinabi ko. "What do you mean?"
"I am the only one who doesn't have a Mom in our school, dad. My classmate is bullying me and said, why don't you bought me a Mom, since you had a lot of money."
Hindi ako sinagot ni Dad. Hinawakan niya ang ulo ko at sinagot.
"My money can't buy you a Mom, Jaydee."
"Why, dad?"
"But you had a mom."
Nanlaki ang mata ko sa tuwa. "Really, dad?"
"Yes. But she's in heaven now."
"H-heaven? Where's that? Can we go there? I want to have a Mom."
7 years old nang maintindihan kong wala na nga si Mom. She's in heaven right now, and my daddy said, she died because of a car accident.
I don't know her face, her name, and who she is. But I trusted Dad when he said that I don't have to know her.
We have to move on, he said. Kaya wala siyang itinirang litrato nito sa buong bahay bago pa ako magkaisip. Lahat ng picture frames ay blanko. Sobrang mahal ni Dad si Mom kaya tuwing nakikita niya ang litrato nito ay wala daw siyang magawa kundi ang magluksa.
Pero isang araw... I was 8 years old, I was just playing around with Lee Orphans, nang makapulot ako ng wallet sa isang room kung saan nakalagay ang mga lumang laruan at kagamitan. When I opened it, I saw a picture of my dad and a woman.
Ito ay litrato ng kasal nila, while carrying a baby.
Tumakbo ako agad kay Sister Lily, and found out that, that woman is my mom!
"Sa tingin ko ay may karapatan kang makilala ang Mommy mo kahit sa picture na lang," sabi ni Sister Lily. "Jaydee, she is Dianne, your beautiful and angel-like Mom."
"Really? She's like an angel?"
Ngumiti si Sister. "Yes, anak. Sobrang bait niya, kahit noong unang beses kaming magkakilala. Nakilala ko lang siya nang matayo itong Lee Orphanage, ngunit kahit ganoon lang kaikli ang panahon na nakasama ko siya ay masasabi kong isa siyang anghel."
Tinabi ko ang picture na 'yon, to cherish it. To treasure it. Because finally, I know who my mom is!
Pinagmalaki ko pa sa mga kaklase ko ang picture na yon. Ang picture kung saan kumpleto kaming tatlo. My daddy, my mommy, and a baby me.
Sa tuwing dinadalaw namin ni daddy ang puntod niya ay mas lalo kong hinangad na sana, naabutan ko siya. Sana nakilala ko siya.
Until one day...
"Jaydee, may bagong lipat sa Grade 3 1st section, kamukhang-kamukha mo, kaya crush rin siya ng mga may crush sayo!" sabi ni Suho.
"Ha? Pano ko magiging kamukha? Hindi pwede yun! Ako ang pinakapogi dito sa atin!"
"Hindi, Jay! As in kamukha mo talaga! Mas mahaba lang buhok niya ng konti sayo!"
"Tignan nga natin!"
Saktong labasan ng 1st section, nanghihintay lang kami ni Suho sa paglabas ng taong tinutukoy niya.
"Jay! Jay! Ayan oh!"
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Mukha akong may kakambal.
"Tara, Suho, lapitan natin."
"Wag, Jay, ayan na yata yung Mommy niya."
Mas lalo akong natulala nang makita ko ang Mommy niya. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Mommy?" I said to myself. "Mommy!!!" tatakbo sana ako palapit sa kanila nang may isa pang lalaki na lumapit. Tinapik nito ang ulo nung bata, at inakbayan nito si Mommy.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Jay, bakit umiiyak? Anong mommy?"
Galit akong pumunta sa office ni daddy.
"Oh, Jaydee, why are y—"
"Is my mom really dead?"
Kumunot ang noo niya.
"Yes. She died because of car accide—"
"I hate you, dad! You're a liar!"
Isang napakalaking kasinungalingan ang itinatak ni dad sa isip ko. Na patay na si mommy— yun pala ay may bago na itong pamilya, at bagong anak na inaalagaan.
Dahil doon, ginalingan ko ang pag-aaral para makapasok din ako sa Section 1 ng Grade 4, at nagawa ko naman. Mas nabantayan ko yung batang nag-ngangalang Jayvee Gamboa.
Nakakatawa dahil pati sa pangalan, magkapareho kami.
"Jaydee—"
"Wag mo na akong tawaging Jaydee." sabi ko kay Suho.
"Ha? Bakit naman?"
"Ayoko na n'on."
"O sige, RJ? Naman! RJ! Bakit mo ako iniwan sa Section 3?"
I used to hate my second name— Jaydee.
Dumating ang araw at bigayan ng card. As usual, si Maximo ang umattend para sa akin. Sobrang lungkot ko kapag nakikita ko ang mommy ko na may kasamang ibang anak.
Bakit ako iniwan niya?
Bakit mas mahal niya ang Jayvee na yon?
Dahil ba mas matalino iyon kaysa sakin?
Kaya ko rin namang maging matalino.
Nagawa ko nga. Nagawa kong maging top 1 samantalagang si Jayvee naman ang top 2. Tuwang-tuwa akong tumingin kay mommy para tignan kung napansin niya ba ako— pero ang nakita ko lang ay kung paano yakapin ni mommy si Jayvee. Sobrang proud siya dahil ito ang top 2 sa klase. Ni hindi niya man lang ako pinansin. Ni hindi niya nga yata ako kilala.
Kahit ganon alam ko na siya talaga ang Mommy ko.
Sa sobrang galit ay inutusan ko na si Maximo na iuwi na ako. Nagkulong lang ako sa kwarto, habang tinititigang mabuti ang litrato ni Mommy.
Buong buhay ko doon lang umikot. Sa kung paano ko tatalunin si Jayvee, paano ko kukunin ang mga gusto niya, paano ko siya aasarin, paano ako mananalo— hanggang sa makalimutan ko na lang kung ano ba talaga ang gusto ko.
Ngayon, ang gusto ko naman. Ang kasiyahan ko naman.