See you again;

"Siguro nasa anim na taon na ang nakalilipas... Ewan ko, basta bes 2013 nung nakilala ko si Tony. Basta bes, yung lalaki kanina, kahawig ni Tony."

"Natuwa o kinilig?" Pangaasar ni Julia, aqqng matalik kong kaibigan since grade school. Napakaganda ni Julia. Mahaba ang buhok, morena ang balat at may katangkaran. Kaya naman hindi na nakakapagtaka na isa na siyang modelo ngayon.

"Natuwa! Ano ka ba naman ang tagal na noon. Naka move on na ako." Patawa kong sagot habang naaalala lahat ng katangahang ginawa ko para sa taong alam kong hindi mapapasaakin.

Nasa labas ako ng isang mall sa Manila at kausap ko sa cellphone ang kaibihan kong si Julia nang may tumawag sa pangalan.

"Allie?"

Isang boses ng lalaki na parang isang libong beses ko nang narinig. Ayoko sanang lumingon o makita ang muka niya, kaya habang nakatungo ay nagpanggap ako na sobrang busy ko sa pakikipag-usap kay Julia at dahan-dahang lumakad papalayo.

"Bes?" Tanong ni Julia sa akin nang mapansi niyang hindi ako nagsasalita.

"Bes nandito siya" Tugon ko habang napakabilis ng tibok ng puso ko at nanlalamig na ako sa kaba. Takot ba ako harapin ang lalaking ito?

"Sino?" Tanong muli ni Julia.

"Siyaaaa"

"Bes, sino nga?"

"Si ano!"

"Hey, Allie" Muling sambit nang lalaki.

Napatigil ako sa paglalakad. Parang sasabog. ang puso. Alam kong matagal kong hinintay itong pagkakataon na ito. Ilang buwan kong iniyakan at para akong lokalokang umaasa na mangyayari ang pagkakataon na ito. Pero dati pa iyon, iba na ngayon. People change, so do I.

Binaba ko muna ang call namin ni Julia at hinarap ang kasalukuyan. Isang matangkad na lalaki na nasa 6 feet and taas, kulay brown ang buhok at kulay berde naman ang mga mata. Sa sobrang puti ng kutis niya ay halatang isa siyang banyaga.

"Yes?" Medyo pabebe kong sagot. Malapit na ata akong himatayin.

"I'm sorry miss." Napatahimik siya at parang napaisip. Ngunit pagkalipas ng tatlong segundo ay nagsalita muli sya "I'm pretty sure you are Allie, right?"

"Yes?" Pagsagot ko ng may pagaalinlangan. "Why... you're looking for me?"

"I hope you remember me."

"Tony?"

"Andrew, actually" At binigay niya sa akin ang pinakamatamis niyang ngiti.

(note: Hi! feel free to read and criticize, just don't be so hard ^-^ I want to improve my writing skills.)