magandang araw sa inyo aking panimulang pag bati
ako ay si rholen, mula sa pagka bata ko akoy na mangha na sa mga kwentong ibinabahagi mula sa aking mahal na yumaong lolo florencio "BOTOY" sarisari, hanggang sa mga ka edad nyang kaibigan, kamag anak, ka kilala at nakaka kilala, bilang isang dugong kabitenyo, partekular sa kataasang bahagi kung saan ay liblib, umiikot ang una kong istorya pa tungkol sa mga anting-anting, agimat, pantasya, kababalaghan, at mga bagay na di ko pa kayang ipaliwanag.
Umpisahan po natin sa aking lolo.
kilala ang salitang agimat o anting-anting sa mga taga kabite at iba pang lugar sa bansa.
ngunit ang aking lolo ay may kakaibang alam o agimat ito ay ang tinatawag nyang "SAPAL" isang agimat kung saan sa kanyang pag bigkas ng pangalan ng isang babae ay kaya nya itong makuha o maging nobya. kahalintulad ito ng gamit ng kilalang aktor na si RAMON REVILLA sr..
bulag ang isang mata ng aking yumaong lolo pero hindi naging hadlang ito sa kanyang pagiging lapitin ng mga kababaihan noong kanyang kabinataan, na pinatunayan ng mga taong nakaka kilala sa kanya saan man sya mag punta. mula sa ako ay mag ka isip ay na nanariwa at natatandaan ko pang lahat ng mga kwento tungkol sa akin lolo. ako ang kanyang paboritong apo sa aming lahat ng mag kakapatid at mag pipinsan sa labas at sa loob ng aming angkan. sa katunayan may mga pinsan ako sa labas at nagugulat na lang ako noon pag may bumibisita sa aming bahay o sa bahay ng aking mahal na lolo. sa edad kong 7 taon isinama nya ako sa magallanes sa kabite. kung saan kahit bulag na ang isang mata at may malalang katarata na ang isa pang mata ay tanda nya ang daan mga paliko palusong at mga kanto kung saan kami pupunta. ako ang nag sisilbing mata nya tuwing dumadalaw kami sa mga dati nyang mga kasama o kasamahan na lumaban sa mga hapon. at ikinagulat ko noon na hindi lang isa o dalawa ang alam o anting-anting ng aking lolo.
sa inuman
botoy: tao po ako to si ensyong.
lalaki: nakikilala ko po kayo pasok po tuloy po kayo.
botoy:nakikilala ko ang boses. mo at punto ng iyong wika. ikaw na ba yung bata na laging kandong ng iyong ama..
lalaki: opo ako nga po ito. sandali lang po mag titimpla lang po ako ng kapeng barako at tatawagin ko po ang aking ama. iyan po bang kasama nyong bata ay anak nyo din po ba
botoy: nako hindi iho ito ay aking bunsong panganay na apo.
lalaki: paano pong bunsong panganay po
botoy: panganay kong apo sa pinaka huling asawa ko, bunso sa lahat ng mga panganay na anak ko.
at sabay silang nag tawanan ng aking lolo
ang matandang nakita ko sa natatandaan ko ang kanyang pangalan ay o alyas at TIGME
tigme: o sargs. kamusta na halos 2 dekada na noong huling dumalaw ka sa akin ha at buti tanda mo pa ang aking bahay.
botoy: tigme ikaw pa ba ay aking makalimutan lalo na itong inyong munting nayon. sya nga pla heto at may dala ako sa iyo at sa pamilya mo. bagong ani na bigas na "ere david" ( pinaka mabango at masarap na uri ng palay o bigas) at may dala din akong paborito mo suman sa lihiya.
tigme: maraming salamat. nga pala ano ba ang sa atin.
botoy:ako may sadya sa lahat. tungkol sa pamana.
tigme:ngunit bata pa yan anak mo di mo pa pu pwedeng i pasa.
botoy:ito si olen apo ko sya pero anak na ang turing ko sa kanya. may i aalok ako sa iyo ang PILAK NA NGIPIN at ang BULAKLAK NG KAWAYAN. at sa pag tung tong nya ng ika 14 nya ay ipapasa mo naman ang SANTO NINYONG HUBO sa kanya na ipina alaga ko sa iyo.
(PILAK NA NGIPIN-minsan ko na nakita aking lolo na kinagat at nginuya at kinain ang bibig o labi ng bote ng gin at katawan ng bote)
(BULAKLAK NG KAWAYAN - di ko pa nakita iyon pero isa yon sa mga kakaibang bagay kung saan noong naging 21 na ako ay na intindihan ko na ito ay gamit o alam para sa matatag na pangangatawan. pagiging iwas sa sakit o karamdaman gamit para mag karoon ng kakaibang lakas.)
tigme: abay kung iyan ang iyong kagustuhan aking pag bibigyan.
sa mga sandaling yon ay nag usap sila na sila lang ang tanging nag kaka intindihan. dahil kakaibang lenguahe na ang gamit nila kung saan natatanging mga tga ternate na lang ang alam kong gumagamit ng dayalektong iyon na mas malalim pa sa chabacano.
at ng mag dapit hapon na ay umuwi na kami ng tanza....