Prologue

Prologue.

"Arayskoklaumashakit" pasigaw kong ani habang namimilipit sa pagkakakurot ng Bestfriend kong si Klau. Buset andami dami namang pwedeng kurutin Pisngi ko pa talaga napili nya.

Kahit na nagsusumigaw na ako dahil sa sakit ng kurot nya ay hindi padin sya natinag.

"WAHHHH KLAU LET ME GO!" naiiyak na sabi ko. Sa huli ay binitawan din nya ako saka malakas na humalakhak ng makita nito ang pamukula ng aking pisnge

"Your so Cute Zaire" ani ya saka nagsimulang humalakhak ulit. Wow nagawa pa nya akong bolahin pagkatapos nya akong saktan. Napanguso ako sa inakto ng kurimaw nato.

"Hey! Stop pouting"aniya pero di ko sya pinansin. "Hey princes sorry na" aniya saka sana hahawakan ang baraso ko pero iniwas ko iyon at umusog palayo sa kanya.

Bahala sya jan ang sakit kaya ng kurot nya at hanggang ngayon ay ramdam ko padin yung pangingirot ng pisngi ko

"Pricess sorry napooo" ani nya ulit saka lumapit sakin. Magsasalita na sana ako ng bigla nyang ibinaba ang ulo nya at inabot ang kanang pisnge ko para maglaan ng munting halik.

"Sorry na ahhh bati na tayo alam mo namang love na love kita ehh" agad akong napatingin sa kanya. May kung anong kaba ang agadang gumapang sa aking dibdib kung kaya napabilis ang aking pag hinga. Ngumiti sya sakin at niyakap ako. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib at may naramdaman din akong kung anong kiliti sa loob ng aking tyan na parang mga paro parong nagliliparan ganoon din sa aking palad. "Kahit ganto ako please wag mokong iiwan ikaw lang nagiisang bestfriend ko Zaire. And i love you as a bestfriend"

What the hell was that?!

Chapter 1

"Zaire gising na!" Agad kong kinuha ang pinakamalapit na unan na naabot ko at agad na itinakip sa aking ulo. I want to sleep more. Pwede bang wag kayong mangistorbo ng ganto ka aga?

"Zaire!. Bangon na malelate nanaman tayo!" Sigaw ng halimaw kong kapatid na si kuya Zaymon. Ohh just shut up bro inaantok pako.

"Zaire isa!" Rinig kong babala ni kuya.pero nanatili parin akong nakahiga.

"Chelsea Zaire McAllister dika ba babangon o bubuhatin kita jan" agad akong napabalikwas sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko iniluwa noon ang kapatid kong naka unipirme na at handa na para pumasok

"Fine! Give me 20 minutes!" Aniko bago tumakbo sa loob ng banyo bago ko pa maisarado ang pinto ng cr ay narinig ko pa syang nagsalita pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon.

Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay agad nakong nagsuot ng uniform ng Arcus University. I put a light make up on my face, at saka pinosud ang aking buhok ng matapos ay agad narin akong bumaba para daluhan sila kuya sa pagkain ng breakfast.

Pababa palang ako ng hagdan ay rinig ko na ang malalakas na tawanan mula sa dining. Hmmm.... Siguro ay nagkakatuwaan nanaman sila mommy.

Pagkapasok ko sa dining area ay agad kong naamoy ang favorite kong bacon and hotdogs. Agad akong naupo sa bakanteng upuan na katabi ng bunso kong kapatid na si Zachary.

"Good morning nak, nakatulog kabang maayos?" Tanong sakin ni mommy kaya naman napa nguso ako. Hindi maganda yung naging tulog ko mom dahil may istorbo.

"Good morning mom, dad and nope hindi naging maganda tulog ko kase may nangistorbo" ani ko na may halong pagpaparinig kay kuya.

Tumingin sya saakin saka bahagyang ngumisi.

"Pano ba namang hindi iistorbohin eh late ka namang gumising." Ani ni kuya saka humalakhak ng makitang nangunot ang noo ko at mas lalong humaba ang nguso.

"Its okay zaire. Next week naman ay bakasyon na makakatulog ka narin ng maayos" ani ni mom saka ngumiti. Agad akong kumuha ng loaf bread at bacon. Para makakain na.

"Oo nga pala uuwi si Klau dito sa manila dahil sya nadaw ang mag mamamanage ng company ng daddy nya" agad na napako ang tingin ko kay mom ng marinig ang balita. Wait wait wait what?!!. Bakit sya babalik kahit wag na!

"Hindi bat may sarili ng kumpanya ang anak ni Arthur na si Klau kung ganon bakit pa nito kailangang bumalik dito kung naka base naman sa states ang company nito?" Tanong ni dad. Patuloy lang akong kumain at nagpanggap na hindi interesado sa kanilang pinaguusapan kahit na ang totoo ay nakikinig din ako para makakuha ng impormasyon patungkol sa ugok nayun

"Naka usap ko si leandra ng nakaraang linggo, dito nadaw mag iistay si klau para imangage ang kumpanya at iba pa nilang negosyo."ani ni mom na tinanguan lang ni dad.

" And about you young lady. Sa manila kana magiistay kasama si Rachary" agad akong napatingin kay mom sa sinabi nya. Kami ni zach? So it means di sila kasama?

"How about you mom?" Tanong ni zach na nginitian lang ni dad.

"Pupunta kaming canada para asikasuhin ang naiwang kumpanya. Kailangan na kami doon." Ani ni dad. "How about kuya zaymon?" I ask with full of curiosity

"I will stay here para bantayan tong bahay".sagot nito gayumpaman hindi parin ako kuntento sa mga sinabi nila.

Bakit bigla bigla naman ata?

"You and zach will stay in our house in manila. Doon nadin kayo magaaral.pina asikaso ko na yung mga papers nyo para kung kailangan nyo ng magenroll ay handa na ang kakailanganin nyo" ani ni mom na parang planadong planado na ang lahat.

"mom, bat biglaan naman ata?" I ask in monotone voice.

"Sorry,zaire biglaan din kase na kailangan kami dun. But ill ask klau to guide you" mom said. Agad na nanlaki ang mata ko ng marinig ang mga huling katagang binitawan nya. Gosh No the hell Way! I can handle myself without the help of that kurimaw.

"Mom kaya ko ang sarili ko. Diko na kailangan ng tulong ni klau" may pait kong banggit sa bawat salitang binitawan ko.

"Tsk bitter" gatong ni kuya zaymon sakin agad na humalakhak si mom dahil sa narinig

"Okay lang yan anak, ang mahalaga ay may magbabantay sayo kaya alam naming safe ka at para narin kampante kami ng mommy mo" ani ni dad na tinanguan ko nalang

Pagkatapos kumain ay pumasok na kami ni kuya.2weeks nalang ay magsasara na ang klase kaya ilang araw nalang din at nasa manila na ako.

Planadong planado man ang lahat ay parang hindi parin ako handang lumipat sa maynila. Nasanay nako sa atmosphere dito sa Santa Catalina. Malayo man ito a kabihasnan simple naman ang mga taong nakatira dito. Masaya at kuntento sa kung anong meron sila.

Santa Catalina ang pinakadulo sa lunsod ng Alegria. Isa sa maliit na pulo sa pilipinas.

Agad na napako ang tingin ko sa isang bulto na papalapit sa direksyon ko. Ng tuluyan itong makarating sa kinaroroonan ko ay tipid lamang akong ngumiti. "I heard kuya Klau will stay here in manila?" Ani ni Kleo nakakabata nitong kapatid na kaedaran ko lamang. May dalawang taon ang pagitan ng edad namin ni klau kung kaya mas matanda ito.

"Oo nga daw, sana wag ng matuloy" andito kami ngayon sa silong ng acacia tree na nasa gilid lang ng Quadrangle ng university namin,

Pagak itong tumawa. Saka binalingan ako

"Ang tagal na nun Zaire baka nga nakalimutan nya nayun" ani nya

"hindi ko kailanman makakalimutan yun" i said with bitterness with matching irap.

Sinong babae ang hindi masasaktan kung umamin ka sa isang lalakeng pinagkatiwalaan mong hindi ka sasaktan but in the end gagamitin kalang pala para mapalapit sya sa totoong gusto nya?

"Zaire hindi naman yun sinasad-----" bago pa sya matapos ay inunahan ko nasya "sinasadya nya yun Kleo dahil kung pinsan ko talaga ang gusto nya dapat di nya na sakin sinabi na gusto din nya ako. Pagkatapos ay sasabihing 'sorry pinsan mo talaga ang gusto ko' pina-asa nya ako kleo at nasaktan ako dun". Hayyss bat ba namin to pinaguusapan eh matagal naman ng tapos to?

"Maybe may mali din si kuya pero bakit ka naniwala sa kanya kung una palang alam mo ng playboy sya. At ang malala dun kinaibigan mo pa. Hirap sa inyong babae pipili nalang kayo puro playboy pa tas pagu nilapitan naman kayo ng seryoso aayaw ayaw kayo tas pag nasaktan kayo sisisihin nyo lahat ng lalake" naiiling iling na lintanya nito.

"Sige sorry na. By the way thanks for your advice mom" ani kou saka napatingin sa kanya. Nagsalubong ang tingin naming dalawa saka nagtawanan na parang mga tanga lang.

Chapter 3

Its fucking 2 weeks simula ng makadating kami ni Zach dito sa hell---i mean manila.

2 weeks ago umalis sila mom and dad para asikasuhin ang mga negosyo at kumpanya namin sa ibang bansa.

And of course my super duper kainis na kuya ay nanatili sa Santa Catalina gaya ng sabi ni mommy.

Andito kami ni zachary sa may sala ng bahay habang nagpapapak ng mga junkfoods na pinakuha ko kay manang Fhe. Isa to sa nakakaboring na araw simula ng lumipat kami dito. This house has a 3 floor. 8 bedrooms 2 dinning room 3 living room 2 kitchen and a 1 grand staircase. Malaki masyado ang bahay nato para saming dalawang magkapatid. At ang nakakainis padun. Dalawang katulong lang ang ipinadala dito ni mommy. Si manang fhe lang at ate Tess.

Next week ang dating ng kumag na si klau, sabi ni mommy dito daw sya sa bahay tutuloy dahil dadalawa lang naman daw kaming magkapatid ang nandito at para nadaw may lalake kaming kasama so that my magbabantay samin.

Pero WTF! pwede namang babae nalang ang mag babantay samin bakit si klau pa baka mamaya imbes na bantayan kami ay gahasain pako nito! You know? Bantay salakay? Like OMG!!! Ano ba tong pinagiisip ko pero diba may point naman ako? Baka kase mas mapahamak pa kami kung sya man ang magbabantay samin.

( Oohhh well Zaire, wala ka ng magagawa sa ayaw at sa gusto mo makakasama mo sya dito)

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos ng isipin nayun

Continuation

Pag ka tapaos ng napaka boring na sandaling iyon ay napagdisisyonan kong mamasyal upang maibaling ang aking atensyon sa ibang bagay at mawala sa kung ano anong kaisipan. I am at the parking lot of Pavellon Mall here at Q.C masyado akong nabobored sa bahay simula pa noong lumipat kami doon. Ngayon ang uwi ni Klau kung kayat umalis ako doon ayoko kaseng makita ang pagmumukha ng gagong yun at sa tingin koy isat kalahating oras ang dapat na gugulin ko dito dahil mayamaya lang ay nasa bahay na iyon gusto ko munang magpalamig ayoko pa syang makita hindi pa ako handa.

Im here at the ground right now tinatanaw ang bawat boutique na aking nadadaanan. Pumasok ako sa isang dress shop at namili ng ilang mga damit.