Lira's POV
MAGHAPON muli ang lumipas at mabuti na lang, out ko na. Laking pasasalamt ko dahil sa dami ng inasikaso ko ngayon, okupadong okupado ang isip ko. Ni hindi ko naisip ang g*gong yun.
Speaking of g*go...
Kung minamalas ka nga naman. Bakit nasa may exit pa tong lalaking to? Ang laki laki ng parking, dito pa tatambay? Kakaloka. Pasandal-sandal pa sa kotse kala mo cool. Ugh.
Sht. Nakita ako.
Nagkunwari akong walang nakita kaya nagtuluy-tuloy ako sa paglabas.
"Lira, wait!" habol nito sa akin.
Ano na naman bang problema nito?
Binilisan ko ang lakad ko. Nang feeling ko mas nakakalapit na sya, tumakbo na ko. Wala nang poise poise. Ang mahalaga makalayo ako.
"Aaaaahhhh!" tili ko nang mahablot ako nito sa braso at ubod lakas na iniharap sa kanya.
"Fck. Why do you run so fast, woman?" hingal na galit nitong sabi sakin.
Sa ilang segundo, muli, nagkatinginan kaming dalawa. Ewan ko ba, hanggang ngayon, iba ang dulot sakin ng mga mata nya. Parang nang-iimbita, nang-aakit na titigan ko sya.
Teka, nangangalay nako. Doon ko lang napagtanto na nakakapit ang mga braso ko sa mga balikat niya at nakayakap naman sya sa bewang ko.
Oo nga pala, sinalo nya ako kanina.
Tinulak ko sya at inayos ang sarili ko.
"Sorry." sabi niya. Nahalata atang awkward ang itsura naming dalawa.
"Ano bang kailangan mo?" mataray kong tanong.
"We... just... uhm..."
"Ayoko." sabi ko bigla. Alam ko na rin naman. Assumera na kung assumera basta hindi na ko makikipag-usap pa sa lalaking to.
"Huh?"
"Ayoko. As in NO. Ayoko. Sige, bye." akmang tatalikod ako ulit nang pigilan ako nito sa balikat.
"Lira, please." pumikit ako at malalim na huminga. Humarap ako.
"10 seconds."
"Huh?" napa-irap ako sa hangin.
"Sampung segundo. Sabihin mo ang gusto mong sabihin. Pagkatapos non, lubayan mo na ko."
"Ano? Wala tayong mapapag-usapan sa sampung segundo lang." tinaasan ko ito ng kilay at malakas na nagbilang.
"One thousand four, one thousand five"
"Fck. uh.. Sht..Its about... uh..."
"One thousand seven, one"
"Our annulment."
"thousand ei-" natigilan ako sa sinabi nito.
"Its about our annulment." ulit pa nito. "Let's talk about it, please."
Di ako makapaniwalang tiningnan ito.
Nakagat ko ang labi ko at tumingala sa langit.
Sht na luha to. Wag naman ngayon.
Nang mejo napipigil-pigilan ko na, tiningnan ko ulit sya.
"O, anong meron? Bakit, may mga kulang pa ba akong mga papeles na di nasubmit? Ah... oo nga pala, baka tapos na yung proseso? I see... Magaling yung nakuha mong abugado ha?" tumango tango ako dito. "Good. Mabuti kung ganon. Congrats sating dalawa. Malaya ka na. Malaya na tayo dalawa."
Parang may sasabihin pa ito pero di ko na inantay pa.
"Yun lang ba ang sasabihin mo? Sige, uuwi na ko. Good night."
Tuluyan na kong tumalikod dito at saktong may dumaan na taxi kaya pinara ko na. At doon... doon ko ulit binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Itutuloy...