FLASHBACK
Martes na naman. Araw ng practice ng crush ko. Hindi ko alam kung bakit pero sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagkagusto ng ganito sa isang lalaki. Ibang-iba sa mga naging crush ko noong highschool.
Kung noon, simpleng crush lang, ngayon pakiramdam ko obsessed na obsessed ako.
Yung tipong gustung gusto ko syang makita araw araw. Tapos pati schedule nya saulado ko na. Kung saan sya nagpupunta, anong pinagkakaabalahan nya, at ano yung mga favorites nya. Pero kahit na ganun, wala akong lakas ng loob na kausapin sya. Kaya ayun, nagkakasya na lang ako sa palihim na pagsulyap sa kanya.
Tulad ngayon, palihim akong pupuslit sa gymnasium kung saan naroroon ang pool. Swimmer kasi sya. Sila ng barkada nya. Lahat sila magagaling at sya ang ikalawa sa top. Ganun pa man, para sakin, sya ang the best na swimmer sa lahat.
Dahan dahan akong pumasok sa locker room.
Katulad ng dati, maaga akong pumupunta dito at palihim na isusuksok ang sulat na ginawa ko ng nakaraang gabi sa locker nya. Sana talaga nababasa nya.
Naupo ako sa bench doon at humarap sa locker nya. Iniimagine kong andun sya at kaharap ko. Masaya syang nakangiti sakin at ganun din ako sa kanya. (* ̄︶ ̄*)
Hayy...
"Hahaha ano pre sama ka na!" maingay na mga boses ang papalapit sa kinaroroonan ko.
๏_๏
Patay! Andito na sila!
Saan ako magtatago??!!! Ba't kasi di ako umalis agad eh!
Sa pagkataranta ko, no choice ako kundi sumuot sa cabinet sa ilalim ng lababo doon.
Sa maliit na siwang ay kitang-kita kong nasisipasukan ang buong team nila.
Kanya-kanyang puntahan ng locker ang mga ito at nakita kong binuksan nya ang sariling locker. Mula doon, nalalaglag ang pink na sobre na pinulot nito.
"Uy, sulat ulit?" sabi ni Enzo, ang katabi nito ng locker.
"Wow insan! Mag-iisang taon na yang secret admirer mo ah. Di mo parin kilala?" sabi ni Nate.
Nakatalikod ang mga ito sa akin kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha nito.
Nanlalamig ang buong katawan ko. Pinagpapawisan na rin ako dahil sa kaba.
*gulp
"Basahin mo na." sabi ni Nicholas, ang seryoso sa kanila.
"Oo nga naman Jared! Dali patingin!" usisa rin ni Gavin.
Gumalaw ang mga braso ni Jared kaya mukhang binuksan na nga nya ang sulat. >_<
Pero bago pa nito mabasa ay inagaw na ito ni Gavin at malakas na binasa para sa lahat.
"Dear Mahal ko," natatawang basa nito. "Masaya ako dahil kinain nyo ng team mates mo yung bigay kong chocolate cake..."
"Uy! Sya pala may bigay nun bro! Ang sarap!" sabi ni Enzo.
"Thank you dahil naapreciate nyo yung effort ko. Alam mo, home made yun. Magdamag kong binake yun. Di ko kasi maperfect. Though sana para sayo lang yun, happy ako dahil shinare mo sa kanila. At least, kapag nasarapan kayong lahat, ibig sabihin aprub yung luto ko. At kung hindi naman, at least hindi lang ikaw ang sasama ang tyan. Hahaha joke lang! Actually, nung una mejo nagtampo ako dahil namigay ka. Pero eventually,napag-isip isip ko na maganda na rin yun. At least, rest assured ka na wala akong nilagay na gayuma dun. Pure ang intentions ko sayo, promise! Dahil kahit na gwapo kayong lahat at hearthrob sa buong campus, ikaw lang ang gusto kong mapasaya at makuha ang loob. At naniniwala ako na maa-achieve ko yun in a natural way. Sana, balang araw, mapansin mo din ako. *sigh* Anyway, congrats nga pala sa tournament. Masaya ako dahil kasama na naman kayo sa mga finalists. Good luck sa practice mahal ko! Nagmamahal, L."
"Yiiiieeeeee!!!" katakot-takot na kantyawan ang inabot nito at kitang-kita ko ang pamumula ng tenga.
Inagaw nito kay Gavin ang sulat at maayos na itinupi. Nakita kong inakbayan ito ng pinsang si Nate.
"Ano pinsan, kelan ka makikipagkilala kay Mahal?"
"Hindi kaya si Laureen yun ng Tourism?" sabi ni Enzo. "Tang*na pre! Sobrang ganda at seksi nun!"
"Or maybe Lindsay?" sabi naman ni Nicholas.
"Ay alin yun bro, yung chicks na ka-law student mo na sobrang talino?" tanong naman ni Leander.
"O baka naman si Lira na kaklase natin?" sabi ni Meiko. "Come to think of it, sya ang madalas nating makita dahil student assistant din sya diba?"
"Yung nerd na may bangs?" sabi ni Gavin.
"Impossible bro, e ni hindi yun lumalapit sa mga lalaki e." kontra naman ni Leander.
"Sabagay, atsaka seryoso yun palagi at mukhang walang time maglove life." gatong pa ni Meiko.
"Yeah, I don't think she's the type to do such things." sabi ni Nicholas.
Sa narinig ay mas lalo akong kinabahan. Napatakip sa bibig para di kumawala ang singhap.
0_0
Ma...may...may ipis s-sa likod ng kamay ko!
May ipis sa kamay ko?!!!
"Ahhhhhh!!!!" mabilis kong itinulak ang kabinet at nagtatatalon na pinagpag ang uniform ko.
Hinila ko ang pinakamalapit sa pwesto ko na si Enzo. "May ipis sa likod ko? Tingnan mo nga bilis bilis!"
Pagpag ako ng pagpag sa katawan ko.
Nang ilang sandali pa'y narealize kong...
Lahat sila nakatingin sa akin at nakanganga.
●_●
"Ahh... ehhh.. Hehe. Pasensya na." dali-dali akong nagbow at kumaripas ng takbo palayo sa kanila hanggang sa makalabas ako ng tuluyan sa gym at sa school.
Sht nakakahiya!
Itutuloy...