Flashback
*dingdong
Pupuntahan ko na sana yung nagdoorbell nang unahan ako ni Jared. Nasa condo kami ngayon at busy ako sa pagluluto. Malamang si friendship na yun.
"Ako na." si Jared. Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagluluto.
Maya-maya, narinig ko ang boses ni friendship pagbukas ni Jared ng pinto.
"Nice place." si Sean
"Salamat. Come in." si Jared.
"Hey four-eyes." biglang sabi ni Sean na nasa may likuran ko na pala kaya napalingon ako dito.
"Uy, friendship! Buti di ka naligaw?"
"I have a good sense of direction." pagmamayabang nito. Inirapan ko na lang sya.
"O sya, saglit na lang to. Upo ka na muna jan sa may lamesa." sinunod naman nya ang sinabi ko.
"Dun muna ako sa kwarto." narinig kong sabi ni Jared.
"Ah, sige. Tawagin na lang kita." Nakangiti kong sabi dito.
Pagpasok ni Jared sa kwarto, nagsalita na naman tong friendship ko.
"You look like a real housewife now,huh?"
Humampas ako kunwari sa hangin at inipit ang buhok ko sa likod ng tenga.
"Enebe. Hindi nemen mesyedo"
"Tsk." umirap ito sa ginawa ko.
Dahil hinihintay ko pang maprito yung isda, naghain na muna ako sa lamesa.
"Let me help you." sabi bigla ni Sean at mabilis na tumulong para kumuha ng kubyertos at plato.
Napangiti ako sa nakita.
'Bait bait naman talaga ni friendship ko!'
Dahil dun, kanin na lang ang kinuha ko sa rice cooker.
"Kamusta pala yung lakad mo kanina? Mukhang napatagal ah. Di ka na nakasabay samin ni Jared pauwi."
"Hmm. Yeah." tipid ang ngiti nito na abala sa paghahain sa lamesa. "I think I already have a lead on who my sister is."
"Wow! Talaga? Nako! Magandang balita yun! Taga dito lang din ba satin?"
"I guess."
"Nako! Wag kang mag-alala friendship, mahahanap mo din sya. Have faith lang!"
"Thanks."
---------
Tahimik lang kaming kumakaing tatlo.
*chuckles
"Huh?" napatingin ako kay Sean. Ba't biglang tumatawa to?
"You really are a messy eater." sabi nito at tinuro ang gilid ng labi nito.
Nagets ko naman kaya pinahid ko yung pisngi ko.
*chuckle
"Let me help you." gamit ang panyo niya, pinunasan nya ang gilid ng labi ko at pisngi ko. "Kinalat mo lang lalo."
"uh... salamat" nahihiyang sabi ko.
'Ih! Baka nakita ni Jared yun! Nakakahiya may bahid ng mushroom soup yung mukha ko. Mukha akong uhuging bata! Huhuhuhu'
(╥﹏╥)
Sinulyapan ko si Jared at nahuli ko din syang nakatingin sakin. Nang magtama ang paningin namin agad syang tumungo at nagpatuloy kumain.
'Sinasabi ko na nakita nya eh! Ayan o tingnan nyo, ang diin ng pagsubo nya sa pagkain pati paghawak sa kutsara at tinidor. Halatang nagpipigil sya ng tawa. Huhuhuhu'
Nakita kong tinungga nya yung tubig sa baso nya at mejo napabagsak ang pagbalik nya ng baso sa lamesa.
"Tsk. Jealous bastard." pabulong na sabi ni friendship pero di ko naintindihan.
"Ano yun?" nilingon ko sya.
"Hahahaha wala. Don't mind me. Ayusin mo na lang ang pagkain mo. You're messier than a 2 year old kid."
"Ang sama nito! Sa susunod di na kita paglulutuan bahala ka."
*pout
"A. Aray!" kinurot nya yung pisngi ko.
"Sorry na. Ayan sige, eat up" nilagay nito ang sa tantya ko ay isang cup pa ng kanin sa plato ko. "Alam ko naman na kulang pa sayo yung kinain mo. A single serving just tickles your tummy. Pangkalabit tyan lang kumbaga."
-_-#
Babarahin ko pa sana si Sean nang magsalita si Jared.
"Pakipasa nung pitsel." sabi nito. Iniabot ko naman sa kanya agad.
Pagkakuha nya, agad syang nagsalin ng tubig sa baso at tinungga ulit yun.
"Ah. Jared okay ka lang?" tanong ko.
Napatingin sya sakin at kay Sean na mukhang naghihintay din ng sasabihin nya. Tumango lang sya at nagpatuloy kumain.
---------
Nang matapos kaming kumain, inilabas ko sa ref yung ginawa kong strawberry flavored gelatin for dessert. Bukod sa chocolate, mahilig sa strawberry si Jared kaya yun ang pinili ko hihi.
"Wow!" sabi ni Sean
Kumuha ako ng mga platito at kutsarita saglit. Pagbalik ko, nilagay na nung dalawang lalaki yung mga pinagkainan namin sa lababo.
'Haha ang cute nila no? Para kaming nagbabahay-bahayan.'
Nilantakan na namin yung dessert.
"Wow! This one's smooth and creamy. I love it!" kumento ni friendship. "Even your soup a while ago, it tastes different. Are these all, uh, homemade? I mean did you use ready to cook ingredients?"
"Ah, sa gelatin oo. Dinagdagan ko lang ng gatas pampalasa na din. Yung soup naman, oo homemade yun! Hindi yun yung nakasachet sa grocery. Made from scratch yun. Yu now, with flour and butter."
"I see. Can you cook that for me whenever I crave for some?"
"Psh. Pwede namang bumili sa restaurant. Marami namang mushroom soup dun mang-aabala pa." narinig kong nagsalita rin si Jared pero sa sobrang hina, hindi ko naintindihan.
Hindi ko na lang ito pinansin baka nagkakamali lang ako. "Oo naman sige. Walang problema."
*smirk
"Thanks!" sabi ni Sean at pinagpatuloy ang pagkain.
"Psh!"
-------
Pagkatapos naming kumain, nagligpit na ako sa lamesa. Narinig ko namang kinausap ni friendship si Jared.
"Pare, can I talk to you for a minute?"
napalingon ako sa kanila. Nakita kong tumango sa Jared bilang pagsang-ayon. Napatingin naman sa akin si Sean at ngumiti.
"Saglit lang kami, don't worry."
"Okay sige." ngumiti ako sa kanila. Maya-maya narinig kong bumukas sara yung front door.
Pinagkibit balikat ko na lang. Baka importanteng bagay lang.
------
Nakatapos na kong magligpit at lahat pero wala pa rin yung dalawa. Kaya, nagdesisyon akong manood ng tv sa sala.
At dahil sa antok at pagod, di ko na namalayang nakatulog na ako.
*click
Narinig kong nagbukas yung front door.
'Huh?'
Napakusot ako ng mata.
'Nakatulog pala ako. Ngayon palang sila umuwi?'
Pumasok ang dalawa. Si Sean, ngiting-ngiting lumapit sa akin at si Jared naman nakakunot ang noo at mukhang badtrip.
"Oh, anyare sa inyong dalawa? Bat ang tagal nyo? San ba kayo galing?"
"Oh come on four eyes. You sound like my mom. Jan lang kami sa tabi-tabi. We just talked about a few important matters." ani ni Sean na tumingin pa sa nakatayo lang na si Jared. "Right bro?"
Hindi naman tumugon si Jared. Sa halip, umirap ito at nagsimulang maglakad papunta sa kwarto.
*chuckle
"Anyare friendship?"
"Nah. Don't mind it. Its between the two of us. Anyway, I'll see you tomorrow?" tumango ako dito.
Hinalikan ako nito sa noo. "Good night."
*boogsh!
Pabagsak na sumara ang pintuan ng kwarto.
"Hahaha sige na. Go to your husband. Alis na ko." sabi nito.
Hinatid ko na lang sya ng tingin at nang masigurong nakasara ang pinto, pumunta na ako sa kwarto.
"Uh, Jared?" sumilip ako sa may pinto.
Nakita kong nakapagpalit na pala ng pantulog ito at nakatalikod sa may gawi ko.
*sigh
Napagdesisyunan kong magpalit na lang dim ng damit at maghilamos.
Pagkatapos ay humiga na rin ako sa tabi niya. Nakatingin lang ako sa may kisame. Ba't ganun yung pakiramdam? Parang napakaraming nangyari sa loob ng araw na to.
*sigh
Akmang tatalikod rin ako kay Jared nang biglang may pumulupot na braso sa bewang ko. Nanigas ang katawan ko.
"Ah, Jared." tapik ko sa braso nito.
"Let's stay like this." Sumiksik ito sa may leeg ko.
"Uh-"
"urghh..I think I'm having an indigestion." hirap nitong sabi.
"Ha? Nako, uminom ka na agad ng gamot!"
"Shh. I'll be okay with this. Come on, let's sleep."
Mahabang katahimikan ang namayani samin. Gising na gising ang diwa ko.
"Lira"
"Ah, huh?"
'gising pa pala to?'
Tumingin ako dito pero nakapikit naman yung mata.
"Do you know anything about sports?"
'Huh? biglaan naman yung tanong nya.'
"Ah, hindi masyado. Anong sport ba?"
"Is there any sport you're good at?"
"Wala e. Hindi ako sporty."
'ikaw lang naman ang pinapanood ko. kaya yung swimming lang ang naiintindihan ko.'
"Why is that?"
"Ah, may hika kasi ako e."
Hindi ito nagsalita.
"But still, pwede bang manood ka bukas?"
"Huh?"
'Teka teka, iniimbitahan ba nya ako sa practice nilaaaaa?'
≧∇≦
"Sa practice namin bukas, can you cheer for me?" umangat ang tingin nito sa akin.
'A-ang lapit ng mukha mo. Wag ganito please. Dis is torture por mi huhu'
"O-oo naman. S-sige" ngumiti ito at muling sumiksik sa leeg ko.
*gulp
"Ahhhh... this feels nice! I could get used to this." sabi pa nito at tuluyan nang natulog.
'Ako din. Sana ganito na lang tayo palagi.'
Itutuloy...