Epilogo

Pagdilat ng kaniyang mga mata ay unang bumulaga sa kaniyang tingin ang puting kisame na may isang bumbilyang nagbibigay kulay sa buong silid na mangilan-ngilan lang ang kagamitan. Bahagyang nanlalabo pa ang kaniyang tingin sa unang minuto nang siya'y dumilat, pero ilang saglit pa ay naging malinaw na rin ang lahat at natagpuan niya ang sarili na nakahimlay sa isang malambot na higaan at nakasuot ng purong puti na damit na napakanipis. Napakabigat ng kaniyang katawan at para siyang tinakasan ng lakas, sinubukan naman niyang bumangon at laking-gimbal niya nang makitang nakaposas pala ang kaniyang kanang kamay sa higaan. At sa kaniyang pagtitig sa pilak na posas ay bumaha sa kaniyang isipan ang alaala bago siya nawalan ng malay; ang paghabol ng mga pulis, ang barilan, ang kamatayan ni Tobias, at ang pagtangka niyang pagkitil sa sariling buhay.

"T-Tobias," tanging nasabi niya nang bumuhos ang kaniyang mga luha.

Hindi niya alam kung ilang oras na o araw ang lumipas pero sariwang-sariwa pa rin sa kaniyang isipan kung paano naputol ang kaniyang binabalak nang may bumaril sa shotgun at sa kaniyang braso, bago pa man niya tuluyang nakalabit ang baril ay tmay bumaril na sa hawak-hawak niyang shotgun at gano'n na rin sa kaniyang balikat. Sa tindi ng sakit nito ay nawalan kaagad siya ng malay at wala na siyang alam pa sa mga sumunod na nangyari, hanggang sa nagising siya rito ngayon.

At galit niya nang pumalya siya sa kaniyang binabalak ay paulit-ulit niyang pinag-uuntog ang sariling ulo sa bakal na nagsilbing bakod sa gilid ng higaan, malakas niyang pinaghahampas kaniyang noo at tiniis lamang sakit nito sa kagustuhang kitilin ang sariling buhay kahit sa pinakamahirap na paraan. Pero isang langitngit ng pintuan at boses ng lalake ang nagpatigil sa kaniya, hilong-hilo siyang napatingin sa gawi nito at laking-pagtataka niya nang makita ang lalakeng matangkad at maputi na nakasuot ng itim na tuxedo na naglalakad patungo sa gawi niya.

Hindi ito nagsasalita at seryosong hinila ang nag-iisang upuan sa silid at kinaladkad ito papalapit pa sa kaniyang hinihigaan, hindi naman niya maipaliwanag ang takot na nadarama nang magkatitigan sila ng lalake at para bang ang bigat ng ere dahil sa presensya nito, maputi nga ito pero sa malapitan naman ay mababakas ang sari-saring bakas ng napilat na sugat na hindi niya alam kung anong dahilan, pero batid naman niyang hindi maganda ng dahilan nito.

"S-Sino ka?" tanong niya rito na bumasag sa katahimikan.

"H'wag kang mag-alala dahil wala ka naman sa presinto Kariah." sagot nito at inukupa ang upuang nakapuwesto na isang metro lang ang layo mula sa kaniya.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko."

"Mattheson Romuel, nagtatrabaho ako sa gobyerno---."

"Sa Black Triangle ba kamo?" pagputol niya rito at habang mahigpit na hinahawakan ang kumot sa tabi sa galit.

"Hindi sila ang gobyerno, nagtatrabaho lamang sila para sa gobyerno."

"Kung gano'n ang nasa gobyerno pala ang mas nakakataas na tinutukoy nila?"

"Hindi ko masasagot 'yan, pero wala na ang Black Triangle Kariah," saad nito na iniiwasang sagutin ang tanong niya, "Ang totoo'y nasira na ang grupo nila nang patayin mo ang apat na pinuno nito."

"Pero may mas nakakataas pa nga sa kanila." Giit niya.

"Oo, pero wala itong kinalaman o pakialam sa grupo dahil sa iba naman ang layunin nito. Ang Black Triangle ay isa lamang sa mga galamay ng Vertex at matagal na itong gustong alisin ng pinuno dahil sa hindi na ito sumusunod sa patakaran." sagot nito at kumportableng napasandal sa kinauupuan, "At tanging yung apat na pinuno na lang nila ang nanatiling kumakapit para sa kanilang grupo."

"Ano ba pinupunto mo? Ano itong Vertex at bakit ngayon ko lang ito naririnig?"

"Ang Vertex ay isang tago at malaking organisasyon ng ating bansa, binuo ito mismo ng gobyerno upang magtrabaho ng pasikreto alang-alang sa kaniya-kaniyang bansa; nabibilang dito ang mga kasapi na inaalay ang sariling buhay para sa bansa. Sapagkat may mga kaganapan sa bansa na ito at mundo na hindi dapat malaman ng publiko; ginagawa namin ang aming parte upang proteksyonan ang lahat mula sa mga terorista at sa kahit na anong banta."

"Kung gano'n, ang Vertex ba na sinasabi mo ay ang nag-utos na paslangin ang aking pamilya?" tanong niya at bumuhos naman kaagad ang kaniyang luha na dali-dali niyang pinahid paalis.

"Hindi," sagot nito at nakikita niya ang senseridad sa mga mata nito, "Nagatrabaho ang ama mo sa organisasyon ng Vertex at Black Triangle, trabaho niya ang nakawin ang pera ng Black Triangle noon upang pigilan sila sa kagustuhang humiwalay at tumiwalag sa Vertex. Pero sadyang hindi ito ginusto ng ibang grupo."

"Ano bang tingin n'yo sa buhay namin at gano'n lang kadaling paglaruan ito ng mga taong kagaya n'yo?!" asik niya, "May malaking organisasyon naman pala, bakit 'di na lang kayo ang pumaslang sa Black Triangle?"

"Dahil ayaw naming kunin ang karapatang mo para sa pagkamit ng hustisya o paghihiganti." hindi kaagad siya nakasagot sa saad nito nang mapagtantong may pinupunto nga ang lalake, "Pero hindi ka naman namin pinabayaan, may ibinigay kaming suporta sa 'yo."

"S-Si Steve." usal niya nang unang sumagi ito sa kaniyang isipan, bigla na lang siyang nanlumo dahil dito at hindi na siya mapalagay pa nang ramdam niyang wasak na wasak na siya.

"B-Bakit mo sinasabi sa 'kin ang lahat ng ito?"

"Dahil magiging parte ka na nito---ng Vertex, Kariah at hindi ka na puwedeng umatras. Dahil sa ipinakita mo sa 'ming pinuno ay napahanga mo siya, hindi niya akalaing ikaw ang tatrabaho sa nais niyang tanggalin ang Black Triangle sa Vertex. Kung kaya't ayon sa kaniya ay kinakailangan ng aming organisasyon ang gaya mong babae; mabilis, matalino, maganda, at walang naiiwang koneksyon na magiging kahinaan mo. Inaalok niya sa 'yo ang panibagong buhay sa loob ng Vertex." Paliwanag at panghihikayat nito.

"At gaano naman kayo kasigurong papayag ako?"

"Dahil alam naming papayag ka talaga. Itatago ka namin laban sa mga otoridad na humahabol sa iyo at bibigyan ka ng bagong buhay. " alok nito sa kaniya na hindi naman kapani-paniwala para sa kaniya.

"Kung nasa gobyerno ka nga, pakawalan mo 'ko at hayaan sa 'king gusto; mapuprotektahan mo naman ako 'di ba?"

"Hindi na mangyayari yun, maraming krimen ang ginawa mo at napakadelikado 'yan para sa organisasyon lalo na't tago ito para sa publiko, hindi ka namin hahayaang aalis dito na dala-dala ang impormasyong alam mo." Mahigpit na saad nito, "Hindi lang otoridad ang magiging kalaban mo sa labas Kariah, pati na rin ang pamilya at koneksyon nito, gano'n na rin kami."

"At bakit mo 'ko sinasabihan ng ma impormasyon kahit na alam mong tatanggihan talaga kita?"

"Alam mo na ang sagot diyan at hindi, hindi mo na kami puwedeng tanggihan" saad nito na para bang halong pagbabanta.

"At ano naman ang kapalit nito?"

"Serbisyo mo lang at ibibigay namin ang nais mo, kahit ano."

"Gusto kong bigyan ng disenteng burol at libing para kay Tob'---Tobias Zamora." pahayag niya at namalayan na lang niya ang pag-init ng mga mata nang manubig ito, "At bigyan n'yo rin ng isang milyon ang pamilya niya." at tuluyan na ring nagsibagsakan ang mga luha niya sa pagdadalamhati.

"Ano pa?"

"Tutulungan n'yo akong paslangin ang natitirang miyembro ng Black Triangle." Aniya at marahas na pinahid ang luha paalis gamit ang malayang kamay.

"Walang problema, mayroon pa ba?"

"At h'wag n'yo ako tawaging Kariah. Ang pangalan ko ay Tashia, Tashia Zamora."

• END OF BOOK ONE •

#SkinnedAndMurdered