WebNovelSapat Na87.50%

Life Saver

Nagkayayaan ang buong office nila Fiona na magbeach sa weekend. Eumir joined them. Di na nagtaka pa ang lahat, expected na nila at lalo pa nga silang excited dahil di na sila gagastos. Di alam ni Fiona na pakana na naman yun ng boyfriend. Siyempre pa taking advantage ang iba na makalibre.

"Sa dami ng pagkain, ewan na lang kung di ka mabubundat." si Cara. Tawanan ang lahat. Dahil halos singles sila, pabonggahan ng swimsuit, kahit na di naman bagay sa iba. "Oi Cara, drum ka ba?" biro ng isa. "Bakit?" sigaw ng lahat. "Kung wala ka lang ulo at paa, puede ka na pagulungin eh. 😂🤣😂!" Di man lang natinag si Cara, nakitawa lang din.

Nakangiting nakikinig si Fiona sa mga kaopisina habang tumutulong maglatag ng pagkain. Ang ganda ng beach. Private resort daw ito ng kakilala ni Cara. Di na sya nagtanong kung sino yun basta mag-eenjoy sya. First time niyang makalabas at makapamasyal sa beach matapos ang mahabang panahon. Iniiwasan niya talaga ito, dahil takot sya sa tubig, takot sya sa dagat.

Nagbihis na ang lahat, maliban kay Fiona. "Di ka pa ba magbibihis?" Tanong ni Eumir. "Huh? Ah, magbibihis na. Iwan muna kita ha. I will go change." Umalis na nga sya papunta ng CR. Halos 30 minutes na di pa din sya nakakabalik. Nag-alala na si Eumir kaya sinundan niya ito sa CR. Nakita niya si Fiona na nanginginig habang nakatingin sa sarili sa salamin.

"Hon, are you Ok? Uncomfortable ka ba sa sa suot mo?" Eumir asked. Umiling lang sa Fiona. She is wearing a two piece swimsuit. Bagamat hindi bikini kundi tiny shorts ang pang-ibaba niya, lutang na lutang ang kaseksihan nito. Maputi at makinis ang balat ni Fiona kaya kahit ano yata isuot niya ang babagay sa kanya. Napakunok si Eumir ng laway nang mapatingin sya sa katawan ng girlfriend mula ulo hanggang paa. First time nuyang nakita ito na ganito ang suot. Parang gusto niyang balutin dahil ayaw niyang pagpiyestahan ng iba.

"Hon, puede bang magdoble ka ng damit? Suotin mo ang shirt ko kasi baka di ako makapagpigil, either mapaaway ako o di kaya kung saan kita madala." Wika ng binata. Parang natuhan si Fiona, napangiti ito at kinuha nag damit ni Eumir at sinuot.

Naglalakad na sila papunta sa beach. Kitang ang saya-saya ng mga kasama naglalaro sa tubig. Habang papalapit na sila, lalong kinakabahan si Fiona. Ang lawak ng dagat, malinaw ang tubig, malinis at tila tahimik pero parang nabibingi sya bawat hampas ng alon. Punong-puno ng takot sa mata niya na halos ayaw niyang umapak sa tubig.

Napansin yun ni Eumir. "Wala bang dagat sa inyo?" Tanong nito. "Malayo sa amin kaya bihira kaming makapagbeach. Takot akong malunod." Sagot ng dalaga. "Don't worry, I am here. I won't leave you." sabi ni Eumir. Gusto nga niya yun dahil sigurado syang kakapit lang sa kanya si Fiona. Yun na nga ang nangyari, magkahawak lang silang dalawa. Di pala marunong lumangoy ang dalaga kaya sa mababaw lang sila na bahagi. Tuloy, nakahiwalay sila sa grupo.

Unti-unting naeenjoy ni Fiona ang tubig. Tila may kasiguruhan syang walang mangyayari sa kanya.

Maya-maya, nagkayayaan silang magbangka. Napilitan ang magnobyo na sumama dahil sila lang ang maiiwan. Maliit lang ang bangka kaya 5 lang ang sakay kasama na ang driver.

Sa simula masaya lang, panay sigawan ang mga girls. Sa bawat pagsigaw nila, nagugulat si Fiona at napapahigpit ang kapit niya kay Eumir.

Ilang sandali ay bigalang lumakas ang alon. Sa liit ng banka, nagpagewang-gewang ang mga ito. Hindi kinaya nga bangka nila Fiona at Eumir kaya tumaob ito at nahulog sila. Natulala ang lahat sa nakita.

Agad nakaahon ang lahat maliban kay Fiona. Hanap agad ng mga mata ni Eumir ang girlfriend. Nang mapansing di ito nakaahon ang angpasya syay sumisid para hanapin si Fiona. Nakita niyang nakapikit ito di man lang sumisipa. Agad-agad niyang nilapitan para isalba.

Di marunong lumangoy si Fiona. Kahit anong kaway niya, tila hinihila lang pababa ang kawatan niya. Di pa naman sila na life jacket. "Dito na ba magtatapos ang istorya ng buhay ko? Eumir, save me!" sa isip ni Fiona ngunit di niya magawang sumigaw. Nakapikit lang sya at tila unti-unting nahihirapang huminga. Mahihimatay na sya nang biglang may humila sa kamay niya at yumakap sa katawan niya.

Nakaaho si Eumir, hawak si Fiona na walang malay. Agad na lumapit ang mga kasamahan para makatulong na iahon ang dalawa. Mabuti na lamang at di pa sila nakalayo sa dalampasigan. Agad na nilapatan ng first aid si Fiona. Buti na lang at di madami ang nainom nitong tubig. Nagpapunta agad si Eumir ng doctor para icheck si Fiona. Ligtas na ito pero nawalan lang ng malay marahil dahil sa sobrang takot.

Di niya alam kung ano na ang nangyari. Nang magising si Fiona ay nasa kuarto na sya. Akala niya nasa langit na sya. Panay puti kasi ang paligid. Unang nakita niya ang mukha ni Eumir na sa wari niyay parang anghel.

"Fiona, thank God you are awake already." Mahinang sambit ni Eumir habang hawak ang kamay niya at hinahalikan. Lumapit na rin sila Cara at kinumusta sya.

"I thought I'm dead." Hagulgol ni Fiona. I have always been afraid of water so I never learned to swim. "Bakit pag sa banyo eh inaabot ka ng 3 hours kung maligo?" Pabirong sabi ni Cara. "Pasalamat ka sa bf mong parang syokoy at nagawa ka niyang iligtas. Sayang nga lang at di ka pala qualified maging serena." Dagdag nito.

Nagtawanan na ang lahat at nagsilabasan na rin para kumain. Naiwan sila Fiona at Eumir. Pinaupo sya nito at pinainom ng water. "From this day onwards, not until you overcome your trauma, you are not allowed to go to the beach again." Sermon ng boyfriend. "Unless I am with you."

Napangiti si Fiona. Indeed she won't dare. Niyakap niya ang boyfriend ng mahigpit. " You are my life saver. I will never dare to go anywhere the beach again. This is my 3rd life already. Thank you Hon." sambit ni Fiona.

Di na nagtanong pa si Eumir. Sa halip, pinagbalat si Fiona ng prutas at sinubo sa girlfriend. Matapos kumain, Eumir asked permission to lay down beside Fiona. Niyakap niya ng mahigpit ang katipan, yakap na halos ayaw niya na bitawan, tila natatakot mawala ito. "I'm sorry, I almost lost you. I will never be able to forgive myself if something happened to you. Next time, if you don't fell like doing something, we won't do it, we listen to your instincts." He said.