***
Return and Catch the Culprit
"Ma, why are you forcing me to go home? I can't leave my job here!" Pigil ni Hervey ang pagtaas ng boses habang kausap ang ina sa kabilang linya. Kakauwi lang niya ng bansa at pinipeste kaagad siya nito. Ayaw kasi niya sa lahat ay ang kinukulit siya. Kung ayaw niya ayaw niya. Period. That's him! If it's something na nakapukaw ng interes niya then maybe.
"But son, can you atleast come here for a while? Your brother is not with us anymore. Can you go home and comfort your mama?" Nakikiusap at may Bakas ng hinagpis sa napipiyok nitong boses. Halatang hindi ito nagdadrama tulad ng nakagawian nito kapag kausap siya sa telepono.
Nagkasalubong at nag isang linya ang makapal niyang kilay sa narinig. Sigurado siyang dinadramahan na naman siya ng kanyang ina para lang pauwiin siya sa Casa Merah. Kilala na niya ito at ginagamit lagi ang kapatid niyang walang ibang ginawa sa buhay kundi ang maglimaliw at iwanang mag-isa ang kanilang ina. Kung gaano siya ka pursige pagdating sa trabaho ay kabaligtaran naman niya ito. Matigas ang ulo at lagi na lang naglalayas at kung saan saan nagpupunta kasama ang kaibigan nito. Kaya hindi nakapagtatakang iniwan na naman nito ang kanilang ina kaya siya ngayon ang pinipeste. Humugot siya ng habgin at marahas na ibinuga saka naihilamos ang malayang kamay sa mukha bago ito sagutin.
"Ma, kung ano man yung drama niyo, pwede ba itigil niyo na? Alam mong di uubra sa akin yan! I dont want to leave every single task here. Marami akong inaasikaso dito sa resort." May pinalidad sa boses niya habang kausap ito. Pagod siya at wala siyang panahon sa drama nito.
Halos sa trabaho na umiikot ang mundo niya, mula ng bumalik siya sa Pilipinas. Sa isla Thalassina
na rin ang buhay niya at ayaw niyang maistorbo lalo na kung may importanteng misyon siya.
"Im not joking, son!" Giit nito at patunay na seryoso ito ng lalo itong humagulhol. Rinig na rinig niya sa boses nito ang hinagpis at ramdam niyang tunay nga ang bawat tangis nito. "Hervey, hindi ako nagbibiro. Patay na si Hindler!" Pagpatuloy nito na nagpabingi sa pandinig niya.
He stilled. Ang magulo niyang mundo ay biglang tumigil bago nag collapse. Pakiramdam niya ay namanhid ang katawan niya at Hindi siya agad siya nakapagsalita. Muntik pa niyang mabitawan ang cellphone na hawak dahil nanginginig ang katawan sa hindi maipaliwanag na dahilan, kung galit o hinagpis.
Ilang segundo siyang hindi kumibo at pilit na inaalisa kung tama nga ang kanyang narinig bago tuluyang hinamig ang sarili at tinanong ang kanyang ina.
"What are you talking about, ma? What do you mean patay na si Hindler? Why? Is this some kind of a prank you pulled out to let me go home?" Hindi makapaniwalang tanong niya nang bahagyang mahimasmasan.
Bumalikwas siya ng bangon mula sa pagkakahiga sa kanyang malambot na kama at tuwid na umupo. Naririto siya sa Hervey's tower dahil Kakatapos lang niya sa kanyang misyon at umuwi lang siya sandali upang saglit na magpahinga bago tuluyang dumiretso sa opisina para kunin ang files ng bagong kasong hahawakan. Pero ito ang bumungad sa kanya, ang balitang gumimbal sa kanya.
"Yes, Hervey. You heard me right! Hindler... Si Hindler... He's dead!" Umiiyak ito mula sa kabilang linya at sumisikip ang dibdib niya. He want to comfort her mother. That's the least he can do to make her feel better, pero wala siya sa tabi nito.
Tuluyan na siyang napatulala dahil sa sinabi nito. How could it be? He is strong as a bull. How could it be? How did he died? Pinatay ba siya?" Tuluyan na siyang nagalit sa naiisip na posibleng dahilan ng pagkamatay ng kapatid.
"Pa'no nangyari 'yun ma? Why? Who would killed him?" Pumiyok na rin ang boses niya dahil pinipigil niya ang emosyong nadarama. Hindi siya iyaking tao at matatag siya sa bawat problema at pagsubok, lalo na 'nung panahong kakamatay pa lang ng kanyang ama, at noong nasa Amerika pa siya upang magpagaling. Pero pagdating sa pamilya ay kasinglambot ng hilaw na tufo ang puso niya at balewala ang katigasan ng puso niya.
Kung gaano siya katigas sa bawat kasong hinahawakan niya ganun naman siya kalambot pagdating sa pamilya. Kahit hindi sila laging magkasama ng kapatid ay mahal na mahal niya ito. Ito lang ang tanging nasasandalan niya simula ng mamatay ang kanilang ama.
Mataman siyang nakinig habang isa- isang idinetalye ng kanyang ina ang nangyari sa kapatid. Habang nagkukwento ito ay panay ang tagis ng bagang niya at pagkuyom ng kamao upang kontrolin ang galit tungkol sa taong pumatay sa kanyang kapatid. Namumula na ang mukha ni Hervey sa pigil na galit matapos magkuwento ng kanyang ina.
"Damn bitch! I will kill her! I'll swear! How dare she did that to Hindler! Wala siyang karapatang bawiin ang buhay ng kapatid ko! Damn her!" He said. The anger inside him is rising every second, and he need to blow it off before it's explode. He's livid. All he can see is red. He need to kill. And he swears he will find that woman. Pagbabayarin niya ito sa ginawa nito kay Hindler. His dear brother.
He never seen Hindler mula ng makabalik siya ng Pilipinas. He wanted to surprise him ngayong kakatapos lang niya sa misyon, dahil humingi siya ng dalawang buwang bakasyon upang makasama ang pamilya at si Velvet, ang kasintahan niya, ngunit ninakaw ng babaeng 'yon ang pagkakataong makita niya ang kapatid.
"Give me some of her information, ma. Ako nang bahala sa kanya! I will make sure, she will pay for this." Tiim ang bagang na wika niya rito. He tried his very best na huwag pumiyok ang boses sa kausap. Sa klase ng trabaho niya ay naging bihasa na siya sa pagkontrol ng emosyon. Pero sa pagkakataong ito ay gustong sumabog ng puso niya sa nabalitaan. Gusto niyang magwala. Pero kinontrol niya ang sarili. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang makita ang taong pumatay sa kapatid.
After talking to his mother, she sent him some of the murderer's details. Walang masiyadong detalye tungkol sa dalaga kundi ang biodata nito noong nag apply pa lamang. Ang importante may pangalan, at si Rick na ang bahala roon, his hacker.
Nang tumambad sa kanya ang larawan, matapos isend sa kanya ng kanyang ina ay labis ang kabang kanyang nadama nung matitigan ang nakangiting mukha ng dalaga. Isang pamilyar na kaba na ngayon lang niya naramdaman pero sigurado siyang matagal ng namahala sa puso niya at nagising lang ng makita ang larawan ng dalagang pumatay sa kapatid. Bigla nitong ginulo ang sistema ng isip niya habang patuloy na tinititigan ang mukha ng babae sa hawak na cellphone.
Chloie Pineda? Who are you? Why do I feel like I know you? Why does my heart beat like it's knows you? Why do you look so familiar? Is it you? Are you the girl Im looking for? Ipinilig niya ang ulo sa naisip. Bakit ba niya naisip na ito ang kababata niya? It can't be her! She's dead. And it must not be her! Dahil hindi ko kakayaning malaman na siya ang pumatay kay Hindler.
Suot ang plain black nike tshirt at maong pants ay tinungo niya ang labas ng unit kung saan nakapark ang kanyang tatlong sasakyan. A Porsche Carrera GT, a Bugatti Veyron and his Ducati xdiavel motorbike na siyang gagamitin niya ngayon patungo sa underground HQ ng CSS. His unit was at the top floor of HT but he designed it to have a carpark every unit, instead na basement parking. HT was 14th storey building and a car lift will carry the car up in the building. Besides of the carpark was a hellipad for his private helicopter.
Bago siya tuluyang umalis ay sinecure niya muna lahat ng kanyang gamit. Dalawang buwan din siyang mawawala at hindi makakabisita sa isla. Dalawang buwan, kasi gusto niyang sulitin na makasama ang kanyang ina, kung may pagkakataon.
Kailangan niyang siguraduhin na walang makapuslit sa condominium niya, kahit pa ang girlfriend niyang si Velvet. Hi-tech ang lahat ng locks at gamit niya na pinasadya pa niya kay Marx, ang hari ng gadgets at locks, niyang commando. Sa labas ng pintuan niya ay may voice scanner at six digit pincode bago tuluyang mabuksan ang unang pintuan. Pagdating sa pangalawang pintuan ay may iris scanner at super electronic card na kelangang itap para tuluyang bumukas ang main door. But because he find it troublesome, he personally installed it to his smartwatch so in one tap the door will open at the same time, he can see if it was forced to open co'z it's connected to his smartwatch.
Saglit niyang inilagay sa compartment ng motorbike ang dala dalang papeles bago iginiya sa carlift ang sasakyan at pinindot ang button pababa. Ilang segundo ang binilang niya bago makarating sa baba, at sa loob ng segundong iyon ay hindi naalis ang mukha ng dalagang pumatay sa kapatid. Ipinilig niya ang ulo pero kahit anong gawin niya ay nakatatak na sa isip niya ang mukha ng dalaga kaya't ng makarating sa baba ang carlift ay kaagad siyang sumakay sa motorsiklo at bumiyahe patungo sa Headquarters.
Malapit lang sa Hervey's Tower ang HQ kaya agad niyang narating ang kuwebang nagsisilbing gate ng HQ. It was opened through facial recognition and it was only accessible by CSS's agents. Nang bumuka ang sementadong gate ay mabilis niyang ipinasok ang dalang Ducati at ipinarada sa carpark sa loob ng kuweba bago tuluyang bumaba at pumasok sa opisina.
Hindi kalayuan sa HT at HQ nila ay isang modern resort na pagmamay-ari ng walang iba, kundi siya. Simula nang mamatay sa isang misyon ang dati niyang superior, two years ago, ay binili niya ang isla at ginawang hotel and resort bilang covert sa location ng kanilang headquarter. Isa ito sa dahilan niya kaya pumirmi siya sa Pilipinas.
Ang CSS o Clandestine secret service ay branch lamang dito sa Pilipinas at ang main office nila ay sa New York. CSS was built for a specialized and classified mission of FBI and CIA for their dark missions. This is a highly independent organization to covert a mission that FBI and CIA couldn't do, because it was against the law. It's purpose was to destroy and sabotage all the black marketing lead by the terrorist, specially those who aim for war. To sabotage the drug den and stop human trafficking. They were trained to be the best of the best espionage, an agent, a saboteurs. Mula sa pag decode ng ibat-ibang klaseng codes, intercepting signals, setting up explosives and assassination. They were trained for this. They withstand any interrogation without saying any word about their secret organization.
Sa resort nakilala niya ang girlfriend na si Velvet. She was pretty, tall and tan but the hair was colored blond. Her figure and curve drives him crazy, na siyang kinaiinisan ni Rick, his hacking partner, na inis kay Velvet at sinasabing isang espiya ang babae. He doesn't love Velvet, siguro masaya lang siya pag kasama ito, lalo na at nabibigay nito ang gusto niya pagdating sa kama.
Hindi niya kayang mahalin ang babae dahil Iisang babae lang ang umu-ukopa sa kanyang puso, it was his first love.
Velvet work here as his resort manager, pero wala itong kaalam alam tungkol sa pagkatao niya. Kahit ang mama niya ay wala ding alam tungkol sa klase ng trabaho niya. Ang alam lang nito ay namamahala lang siya ng resort. Malayo ang isla Thalassina mula sa Casa Merah at wala na siyang time umuwi dahil sa misyon niya, at pati ang mama niya ay ayaw ding pumunta dito sa kanya dahil nga nalalayuan, at ayaw din nitong iwan ang Casa dahil busy ito sa hacienda nito. Isa pa, lagi rin siyang nasa labas ng bansa dahil sa mga misyon niya.
Nasa dulo na ng Pilipinas ang Isla Thalassina at halos tanaw na ang karagatan ng Malaysia. This island was a secured spot for tourist. Sa puti at pino nitong buhangin ay mahahalina ka na sa ganda ng isla. This was called isla Thalassina because of it lobster like shaped. The shoreline were red from the reflection of the sunset, ito ang isa sa dinarayo ng mga turista bukod sa nagagandahang istruktura ng hotel nila At ang luxurious rooms and lifestyle ammidities.
Matapos maipark ang dalang Ducati ay agad siyang dumiretso sa cubicle niya. Na isend na niya kanina sa email ang leave niya kaya aantayin na lang niya ang response ni John Wilson, ang superior niya. A big guy, one of his father's asset. John recruited him in CSS after he recovered from his accident twelve years ago. He trained and toughen him before he recruit him to the organization. But when he learnt about what happened to his father the sudden urge of killing grows inside him. He used it to withstand the conscience of killing people.
Tinanguan niya si Rick, na abala na naman sa harap ng computer, as usual, bago dumiretso sa sariling opisina. Dahil nasa ibang bansa ang field agent na kapartner niya, pati ang mga baliw niya teammates, ay mag isa lang siya ngayon sa opisina. Karamihan sa naiwan dito sa opisina ay mga computer expert na tutok na tutok sa monitor sa sarili nitong cubicle habang abala sa pakikipag-usap sa kapartner nitong field agents.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga at marahas na ibinuga bago tuluyang umupo sa swivel chair na naroon. Kinuha niya ang cellphone at muling tinitigan ang pagmumukha ng babaeng pumatay sa kapatid. Muli na naman siyang sinalakay ng pamilyar na kabog ng dibdib habang nakatitig sa larawan ng babae. The girl look so simple and innocent yet seductive the way she carries her smile. The same look from the woman he known twelve years ago. Simple lang ang walang kolorete nitong mukha. Ang tipo ng babaeng hindi mo kayang pagdudahan.
He narrowed his brows while looking at the photo. He want to believe this is her, pero ang matinding pumipigil sa kanya ay ang katotohanang ito ang taong pumatay sa kapatid niya. Tumitindi ang kabog ng dibdib niya habang lalong tinititigan ang mukha ng babae. Naglalaban ang damdamin niya kung galit ba ang nararamdaman niya o... Ikaw nga ba talaga to?
Kaagad niyang naitago ang cellphone na hawak ng biglang bumukas ang pinto. Umayos siya ng upo ng pumasok ang nakakunot noong mukha ni John.
"Hey, buddy!" Bati nito at naki pag forearm shake sa kanya bago siya muling kinausap. "Don't file a leave. I'll give you another action. I'm sure, you don't want to miss this!" Inilapag nito sa mesa ang hawak na folder kung saan ang files ng bagong misyong hahawakan.
Seryoso ang mukhang humarap siya rito.
"Uncle John..." Aniya.
Bumuga ito ng hangin at naglakad bago umupo sa sofang naroon saka inihilamos ang palad sa mukha at nagsalita. "I'm sorry about your loss. I heard from your mother. I'm sorry I failed to protect them! I should have known better, that RDS is still hunting you. This is all my fault. Kung hindi ko lang sana pinabalik si Hindler dito, hindi sana mangyayari 'to!" Malungkot na wika nito. At ng tumingin ito sa kanya ay puno ng pagsisisi ang mga mata nito.
Mapait siyang ngumiti bago ito sinagot.
"No. It's not your fault, Uncle John. Ang babaeng 'yun ang may kasalanan. At pagbabayarin ko siya dahil sa ginawa niya kay Hindler." He said firmly. His eyes held lividness.
Tumayo si Uncle John at lumapit sa table niya saka binuksan ang folder na inilapag kanina upang ipakita sa kanya ang profile na naroon.
Kunot-noong siyang yumuko at pinasadahan ng tingin ang file na inilahad nito.
"Who is this?" He asked, eyes glued on the file.
"Well, he's one of RDS Agents. A gunner and drug dealer. And as we speak, Im running some investigation about him. I heard his last coordinates was in Casah Merah!" Seryosong wika nito at tumitig sa kanya.
Napaawang ang labi niya at biglang umusbong ang galit.
"Connor O'Neal! Ibig mo bang sabihin, may kinalaman siya sa pagkamatay ni Hindler?" Tanong niya habang pinasadahan ng tingin ang file na ibinigay nito.
Tumango ito bilang sagot at naglakad-lakad bago nagsalita.
"Find him, Larsen. Kasama ang kasabwat niya. Dahil sa oras na malaman kong sila ang pumatay kay Hindler, pati buto nila ay wasak. No one gets away with me, when they messed with my family." Tiim ang bagang na wika nito.
Uncle John was a family he considered mula ng mamatay ang papa niya. Hindi na ito nag asawa dahil busy sa pagprotekta sa kanila laban sa RDS. Kahit siya ay pigil din ang galit habang pinagmamasdan ang dalawang file ng posibleng pumatay kay Hindler.
"Don't worry, Uncle John. I'll make them pay!" Nangangalit ang bagang na wika niya.
Tango lang ang isinagot nito bago tumalikod at iniwan siya sa opisina. Kung masakit sa kanya ang pagkamatay ng kapatid, ganun rin sa Uncle John niya. Itinuring na nitong anak si Hindler, kaya masakit para rito ang nangyari sa kapatid. At siya, gagawin niya ang lahat mahuli lang ang taong pumatay sa kapatid niya.
Tumayo siya at lumabas ng opisina. Nilampasan lang niyang muli si Rick na nagtatanong ang matang humahabol sa kanya. Dumiretso siya sa resort upang magpaalam kay Velvet na luluwas muna siya ng Maynila at mawawala siya ng ilang buwan.
Pero wala roon ang babae sabi ng assistant nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Ilang araw na ring di nagpapakita sa kaniya ang babae. Ang nakakapagtaka lang ay di man lang siya nakaramdam ng pananabik para rito. Nagkibit balikat na lamang siya at muling bumalik sa Hervey's Tower at tinungo ang rooftop kung saan naghihintay si Austin, ang jet fighter pilot niyang teammate, na siyang magmamaneho ng chopper niya papuntang Maynila. Si Uncle John na ang bahalang magbyahe ng sasakyan niya papuntang Maynila.
"Where to? Siguraduhin mo lang may lalapagan 'tong chopper mo, kung hindi, rappel ka na naman pababa!" Nakangising wika nito sa suot habang nakalingon sa kanya mula sa cockpit.
Napailing siya. Last time he remembered pinarapel siya nito pababa sa masukal na kakahuyan ng walang malapagan ang chopper niya, sa isang misyon niya sa Visayas.
"Dylan's condo. May hellipad ang condo ng lovesick na 'yun! And remind me please, bakit ba ikaw ang nagmamaneho? Akala ko ba sa Afghanistan ka? Bakit imbes na fighter jet ang minamaneho mo, bakit itong chopper ko?" Taas ang kilay na tanong niya.
Napangisi itong tumingin sa kanya habang minamaneobra ang chopper pataas ng hellipad.
"Larsen, may I remind you. I'm the best pilot remember? And namiss kita kaya ihahatid kita!" Pagbibiro pa nito.
"Oh! Fuck up and drive, Austin!" he grunt.
Austin chuckles.
"Yeah, yeah! I love to fuck!" nakangising lingon nito sa kanya.
He chuckled and closed his eyes. Umaandar na naman ang pagka sintu-sinto ng ka-teammate.
Habang paunti unting tumaas ang sinasakyang chopper ay umuusbong ang galit at pananabik niya na makita ang taong pumatay sa kapatid niya.
"Wait me Hindler. At sisiguraduhin ko sayo'ng makikita ko ang taong may sala sayo."
***
Feel free to comments... Lovelots..