Chapter 127

Samantala sa loob ng opisina ni Tanaga, si Ashley naman ay busy sa pag-awat  sa ginagawa sa kanya.  "Tanaga, tigil at baka me dumating na empleyado mo?  Ano... ba!"  Aniya ni Ashley habang itinutulak niya ang asawa papalayo sa kanya.  

"Hmph! Walang mag-tatangka na pumasok dito hangat naka-kandado ang pintuan ng opisina ko.  Kaya kahit mag tumbling-tumbling pa tayo dito, walang pwedeng umistorbo sa atin."  Sagot ni Tanaga habang nakasandal ito sa sofa at nakasimangot dahil hindi nag work kay Ashley ang paglalambing niya.