Chapter 13

My Demon [Ch. 13]

Right after dismissal, agad akong umalis ng room. Sumigaw lang ako ng "Bye, Angel!" bilang pamamaalam sa kaibigan ko habang nagmamadaling maglakad. Baka kasi hindi ko maabutan si Demon. Alam nyo naman yun, siguradong iiwan nya ako kahit na alam nyang dapat kaming magkita kapag uwian na at sabay na pupunta sa bahay nila para sa tutorial. Ayun kasi ang bilin ng daddy nya.

Ilang minuto na kong nakaabang malapit sa school gate exit pero hindi ko pa rin sya makita. Imposible naman na nakauwi na yun kasi nakikita ko pa ang kotse nila sa labas ng gate. Imposible din na sa back gate sya dumaan kasi binubuksan lang yun tuwing pasukan atsaka may guards na nagbabantay doon. Bawal dun dumaan kapag uwian. Ay, hindi pala imposible. Basta kay Demon, lahat posible.

Pwede syang umakyat sa bakod o kaya naman takutin ang mga guards tutal pamilya naman nya ang may-ari ng paaralang ito. Hay, madami syang pwedeng gawin makatakas lang at makaiwas sa tutorial session namin ngayon.

Paano na 'to? Nakakainis naman yun!

"Soyu." Biglang sumulpot si Johan sa harapan ko. Palabas na sya ng school.

"Hmm?"

"Wala. Ingat!" sabi nya nang nakangiti.Pati ako nadadala ng ngiti nya.

"Ano... ingat ka din. Wag papalipas ng gutom."

"Bye!" Nag-wave muna sya ng kamay bago tuluyang umalis.

OMG! Napakapit nalang ako ng mahigpit sa strap ng shoulder bag ko at kinilig kilig.

"Hoy, Sistar!" sigaw ni kilala-nyo-na habang tumatakbo papunta sa pwesto ko. Wala nga syang pakialam kahit may mga babaeng umaarte dahil nabubunggo nya. Kahit kelan, napakapanira talaga ng moment itong si Angel.

Naglakad ako ng mabagal at sinalubong sya. "Bakit na naman? Inggit ka na naman, noh?" pang-aasar ko sakanya. For sure, nakita nyang nag-bid ng goodbye sa'kin si Johan my loves. Hihi!

"Para mainggit. Ang chaka mo kaya kiligin!" Nag-cross arms sya at inirapan ako. Inirapan ko rin sya. "Akala ko ba may tutorial session pa kayo ng bebe ko?"

"Ay shocks! Oo nga pala." Natampal ko ang noo ko. Nasaan na ba kasi yung tuturuan ko?

Nagpaalam na ko kay Angel na hahanapin si Demon.

"Sureness! Ingatan mo bebe ko, ah? Babush!" ang huli nyang sinabi bago ako tinalikuran at pakembot-kembot na umalis.

Gravity! Mas inalala pa nya si Demon kaysa sa'kin na kaibigan nya. Ingatan? Baka ako ang dapat na mag-ingat. Psh! Mahanap na nga ang demonyo sa lupa.

Sinimulan ko ng libutin ang buong school. Sa laki ng Fuentalez High, baka lawit na dila ko hindi ko pa rin sya mahanap.

Sa ilang oras na paghahanap, hiningal, napagod at nagutom ako. Pinunasan ko ang noo kong may namumuong pawis at pumunta sa may pinakamalapit na bench. Binati ko muna ang gurong nakaupo din doon habang nagbabasa ng aklat bago umupo sa tabi nya.

"Ang init," sabi ko habang pinangpapaypay ang kamay ko.

Nasaan naman kaya yung Demon na yun?

Binaling ko ang ulo ko sa kanan kung saan nakaupo ang gurong katabi ko. Magalang akong nagtanong, "Pwede po magtanong?"

Binaba nya ang librong hawak nya at tumingin sa'kin tsaka tumango.

Umayos ako ng upo bago nagsalita. "May hell po ba dito sa loob ng school?"

Nanlaki ang mga mata nya sa tanong ko. "H-ha?" Parang natataranta sya kung magsalita. Bakit ba. May mali ba sa tanong ko? Wala naman ah.

"Hindi ko kasi mahanap si Demon eh," nanlulumong sagot ko at napabuntong hininga nalang.

"Demon. Evils," rinig kong bulong nya. Agad nyang kinuha ang mga gamit nya at mabilis na umalis. Baka may meeting sila.

"Asan ka na ba, Demon? Sumbong kita sa daddy mo eh." Nagsasalita na ko mag-isa. Nagugutom pa ko. Ano ba yan.

Teka . . . bigla akong nakaisip ng idea. Hmpk! Tignan lang natin kung hindi ka magpakita, Demon. Mwahahaha!

***

"Oh, mauna ka na." Pinagbuksan ako ni Demon ng pinto ng kotse. Kunyare gentleman sya. Haha!

"Salamat," todo ngiting sabi ko sakanya. Natatawa kasi ako sa itsura nya. Pumasok ako sa loob ng kotse nila nang nakangiting tagumpay.

Paano ko sya nahanap? Simple lang. Ginawa ko ang dapat gawin. Tinouch ko ng madiin ang number 1 sa screen ng cellphone na binigay sa'kin ni tito Romeo at nag-report na hindi ko mahagilap ang napakabuti nyang anak. Nagsabi lang si tito Romeo ng, "Sige. Ako bahala na bahala sa napakatino kong anak." at maya-maya lang, si Demon na ang mismong naghanap sa'kin.

See? Dapat pala kanina ko pa yun ginawa. Edi sana hindi ako napagod at nagutom sa kakahanap sa kanya.

Natawa talaga ako kanina nang pinuntahan ako ni Demon nang nakasimagot. As in ang bad ng aura nya. Salubong na salubong ang kilay at parang any moment eh mag-aapoy na ang mga mata nya sa galit. But then, hindi ako natakot. Natakot pala pero hindi masyado kasi may alas ako sakanya. Ang cellphone.

Ang saya lang kasi may kinatatakutan din pala sya kahit papa'no.

"Ayan! Sabihin mo din kay daddy na pinagbuksan kita ng pinto, ha? Sarap mong sapakin!" aniya pagkaupo sa tabi ko at padabog na sinara ang pintong katabi nya.

Umusog ako hanggang sa nakadikit na ko sa pinto ng kotse sa side ko at tumingin nalang sa bintana na nasa tabi ko at maya-maya lang, umandar na ang kotse.

Brr! What the! Tumingin ako kay Demon. Naka-cross arms sya at nakapikit. Very good. Hindi nya narinig ang pagwawala ng tiyan ko, kasi kung narinig nya yun, didilat sya at aasarin ako.

Brr! Ayt, eto na naman. Nagugutom na talaga ako. Palakad lakad kasi ako kanina nung hinahanap ko si Demon kaya na-burn lahat ng kinain ko.

"Demon, may pagkain ka?"

No response. Lumapit pa ko sakanya at tinignan sya. Naka-headset pala kaya di ako narinig.

Hinawakan ko sya sa braso at tinulak-hila tulak-hila. "Demon, Demon, Demon."

Boink! Biglang nagpreno yung driver. Nakahawak pa naman ako sa braso ni Demon kaya ang labas, parang natulak ko sya dahilan para maumpog sya sa tinted window ng kotse.

Pagalit nyang tinanggal ang headset nya at binalingan ako ng nakakatakot na tingin. "ANO NA NAMAN BANG PROBLEMA MO?"

Napaatras ako ng upo dahil sa sigaw nya. Nakakatakot talaga sya. "K-kasi nagugutom na ko. Pengeng pagkain."

"Bahala ka sa buhay mo. Mamatay ka sa gutom dyan." Sinuot nya ulit ang headset nya at pumikit.

Anong sinabi nya? Mamatay ako sa gutom?

"Araaay!" malakas na reklamo nya. Sinasabunutan ko kasi sya. Hindi naman kami sinasaway nung driver. Takot sigurong masigawn ni Demon.

How dare he na pagsabihan ako ng ganun?

"Not my hair, you freak!" Tinanggal nya ang kamay ko sa buhok nya, pero hindi ako nagpatalo. Sinabunutan ko ulit sya ng madiin. Wala na kong pakialam kahit nalalaglag na ang headset nya na alam kong mamahalin.

"Ano ba!" saway nya sa'kin. Natanggal na nya ang kamay ko sa buhok nya. Hawak nya pa ang pareho kong wrist ng madiin para hindi ko na sya masabunutan ulit.

Tinititigan nya ko ng masama, tinititigan ko din sya ng masama. Nagsusukatan kami ng tingin. Halos wala ng kumukurap sa'min. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin, kanina pa kami nakabulagta dito.

"Bilang ko hibla ng buhok ko at kapag may nagkulang, humanda ka talaga sa'kin!" pagbabanta nya.

"Paki ko sa buhok mong baduy?"

"Anong sinabi mo?" Lalo nyang diniinan ang hawak nya sa wrist ko. Kahit hindi ako tumingin, alam kong namumutla na ito.

"Hindi nga ako ginugutom ng magulang ko tapos sasabihan mo ko ng ganun? Ang sama sama mo talaga, Demon!"

Pabagsak nyang binitiwan ang wrists ko. He leaned forward at halata sa expression nya na gustong-gusto na nya kong saktan pero may pumipigil sakanya. Palihim akong napangiti dahil dun.

"Will you stop calling me Demon? Keyr Demoneir is my name, didn't you know that?"

"I did know that," parang grade school student na sagot ko sakanya. "Keyr Demoneir is your name, Demon for short." Nginitian ko pa sya ng pagkatamis-tamis. Noon, natatakot ako na inisin sya. Pero ngayon, tuwang-tuwa akong nakikita syang badtrip na badtrip.

"Haven't you heard me? I said, stop calling me that! Demon, Demon! Oh, damn it!" Ang sweary naman nito.

"Bakit ba ayaw mo? Bagay naman sa'yo pangalang Demon, ah? Alangan namang tawagin kitang Angel. Nakakasuka kaya."

Ayan na... alam ko na ang susunod.

"WHAT DID YOU JUST SAY?"