My Demon [Ch. 26]
Nang uwian na, sa back gate ng school ang diretso ko. Alam nyo na, baka magwala na naman si Demon. Ewan ko ba sa kumag na yun kung bakit mas gusto nyang mag-ride sa motorbike kaysa sa kotse. Kung ako kasi ang papipiliin, mas gusto ko sa kotse para cool and fresh lalo na kapag traffic; kapag naka-motor kasi, malalanghap mo lahat ng usok mula sa tambutso ng iba't-ibang sasakyan. At isa pang hindi ko maintidihan sa lalaking yun bakit gusto nya na sabay kaming uuwi sa mansion nila. Samantalang noong una halos sapakin na nya ko sa sobrang pagkairita tuwing nakikita ako lalo na kapag nag-aaral kami. Pero ngayon... hay! Hindi ko talaga alam kung paano mag-function ang utak ng taong yun.
Nasa may kalayuan palang natatanaw ko na sya, ganun din sya. I mean, nakatingin din sya saakin tapos tumingin saglit sa wrist watch nya. Nakaupo sya sa motor nya na nakaparada malapit sa puno ng mahogany na across sa guard house. Walang ibang estudyante dahil binubuksan lang ang gate na 'yon tuwing pasukan at hindi uwian. Unless utusan sila ng magaling nilang amo- si Demon.
Hinawakan ko ang magkabilang strap ng backpack ko habang naglalakad papunta sa direksyon ni Demon. Gaya nang una, cool ang pagkakaupo nya sa motor nya. Kung hindi nga lang sya nakatingin din saakin, malamang nakuhaan ko na naman sya ng stolen shot. Hihi! Ang sarap kasing picturan eh.
As I finally came near him, he glanced at his wrist watch. He was also wearing his arrogant gaze like the usual.
"I've been waiting here for about ten minutes!" he glowered as if he had waited for about an hour. "Not to mention your five minutes walk. Darn! Don't you know how to run?!"
Kaya pala sya tumingin sa wristwatch nya dahil inoorasan nya ko.
"Sino ba kasing nagsabi na antayin mo ko?"
Nag-soften ang mukha nya at umiwas ng tingin.
"Tara na," ang tanging sinabi nya bago sa'kin pinasuot ang isang helmet na ginamit ko kahapon.
Matapos kong isuot, nalaman ko nalang na na-set na nya ang motor at dapat na kong sumakay para makaalis na. At para na rin mawala ang panlilisik ng mga mata nya dahil daw sa bagal kong kumilos.
Nakamasid pala kanina pa kay Demon yung mga guards kaya naman nung pinaandar na nya ang motorbike, automatic na bumukas ang gate. At pagkalabas na pagkalabas namin sa school ground, pinaharurot nya ang motorbike kaya halos makurot ko na ang tagiliran nya.
Nakalimutan ko na namang itali ang buhok ko. For sure, sabit sabit na naman ito mamaya.
"Demon, bagalan mo nga!" utos ko sakanya. Masyado kasing maingay ang motorbike nya gawa na rin siguro ng mabilis nyang pagpapaandar.Idagdag mo pa na naka-helmet kami pareho.
"This is so fun!" pasigaw rin na sagot nya. "Your life seems quite bored. You need some adventorous stuffs sometimes."
"Adventorous? Baka suicidal---aaaaaah!" Napasigaw ako dahil akala ko bubunggo kami sa ten-wheeler truck na nasa unahan namin. Ayun pala, bago pa man kami bubunggo doon, ililiko na ni Demon ang motorbike na minamaneho at sa gilid kami ng road dumaan.
Ramdam kong sinadya ni Demon ang ganung stunt para takutin at pa-nerbyusin ako. Nasabi ko yan kasi tinatawanan nya ang reaksyon ko habang sya ay nagmamaneho. Kung hindi ko lang talaga mahal ang buhay ko babatukan ko sya ng malakas. Hindi ako natatakot mamatay sa aksidente kasi alam kong expert sya sa pagmamaneho at alam kong maiiwasan nyang maaksidente kami kahit batukan ko sya ng malakas. Ang ikinatatakot ko-- ay kung kung ano ang gagawin nya sa'kin matapos ko syang batukan ng malakas na pwede kong ikamatay.
Habang nagmamaneho ng mabilis, naramdaman kong gumalaw ang isa nyang kamay at kinuha ang braso ko- iniyakap nya yun sa bewang nya. At first, hesitant pa ako. Pabebe kasi ako eh. Haha! Pero dahil nga sa wala akong laban sakanya, hinayaan ko nalang na nakayakap ang isa kong braso sa bewang nya. Hindi pa sya nakuntento, kinuha pa nya ang isa kong braso at iniyakap din sa bewang nya.
Tumingin ako sa side mirror kasi gusto kong makita kung anong expression nya para magka-hint ako kahit konte kung bakit nya yun ginawa, kaso nakababa ang salamin ng helmet nya. Heavy tinted pa naman iyon kaya hindi ko makita kahit na labi manlang. Ngumingiti kaya sya?
Kasi ako- based sa reflection ko sa salamin ng helmet nya na nakikita ko through side mirror- nakangiti ako.
So far na-enjoy ko naman ang pagkakayakap sakanya-- este sa pagmamaneho nya ng mabilis kahit na medyo nalulula ako lalo na kapag sumisingit kami sa naglalakihang truck. Feeling ko nga nasa car racing battle kami. Good thing hindi nabigyan si Demon ng reckless driving ticket. Lagot sya sa daddy nya kapag nangyari yun!
Pagpasok namin sa malaking gate nila, pinaikot pa ni Demon ang motorbike nya palibot sa fountain na nasa center ng driveway. Rinig na rinig ko pa ang pagtawa nya habang ilang beses na umiikot. Talagang hinihilo nya ko, huh?
Hinampas ko sya sa braso sabay sabing, "Tama na! Hilong-hilo na ko!"
Lumakas ang tawa nya pero tumigil naman.
At... sige na nga! Bago kami tuluyang bumaba ng motor, aaminin ko, nag-enjoy ako kanina- sa pagkakayakap ko sa kanya. Blush. Ang bango-bango nya kasi... tapos... ewan! I found it very soothing. Ang sarap nyang yakapin! Hihi!
***
Matapos namin kumain, niyaya ako ni Demon sa living room para manood habang nagpapahinga.
"Dun nalang tayo sa entertainment room. Ang liit ng TV dito."
"Ang arte naman nito. Maliit pa ba yan?"
Nilakihan ko sya ng mata bago ulit tumingin sa flatscreen TV nila at nanood. Kung maliit nga talaga iyang manipis nilang TV na nakadikit sa wall, ano pa kaya yung sa amin, diba? Palibhasa may home theater sila sa entertainment room.
"Di ako makapag-enjoy."
Tinitigan ko sya ng ilang sandali. Seryoso syang nakatingin sa flatscreen TV pero bakas sa mukha nya ang salitang boredom.
Sumandal ako sa inuupuan naming charcoal-gray velvet couch at humalukipkip. "Wala sa ganda ng TV ang makakapagpa-enjoy sa'yo. Nasa palabas yun na pinanonood mo."
Nanood na ulit ako.
It took a few seconds bago sya sumagot. "Tama ka. Wala nga sa ganda ng TV ang makakapagpa-enjoy sa'kin. Wala rin sa palabas..."
Halos tumaas ang isa kong kilay sa sinabi nya ngunit hindi ako tumingin sa kanya kahit na gusto kong salubungin ang mga tingin nya... those precious eyes.
"... kundi nasa kung sino ang kasama kong manood." Natigilan ako sa sinabi nya. Nakaharap ang mga mata ko sa TV, pero ang buong sistema ko ay nakapokus lamang sa lalaking katabi ko ngayon.
Hindi ko na alam kung ano na ba ang nangyayari sa pinapanood ko. Basta ang alam ko, umakbay si Demon sa headrest ng couch kung saan ako nakasandal. Para kaming mag-syota!
"Shoot! Namumula ka. May gusto ka sa'kin, 'no? Aminin mo na. Hindi ko ipagkakalat, promise!"
Thank you for being so cocky! Dahil sa personality nyang iyon, na-distract ako.
Humarap ako sa kanya. Nilalapit-lapit nya ang mukha nya sa'kin habang sinasabi ang mapanuksong katagang, "Crush mo ko, diba?".
Dinikit ko ang palad ko sa mukha nya at tinulak ito palayo. "Feeling mo!"
Natigilan kami sa harutan nang dumating ang isa sa mga katulong nila.
"Sir Keyr, dumating na po ang pure chocolate marble ice cream na pina-deliver nyo," she informed after she excused herself.
I stared at Demon with query look.
"Ah..." Tumingin-tingin sya sa paligid na parang naghahanap ng kasagutan. "You like chocolates, right? Baka kasi hindi mo magustuhan ang mga chocolate flavors ng ice cream na naka-stock dito sa'min. Kaya nagpa-deliver ako ng chocolate flavor which I thought is the best of all," paliwanag nya na parang nahihiya pa. Hindi makatingin sa'kin ng diretso.
Bakit naman sya nahihiya? At bakit kailangan pa nya kong bigyan ng ice cream? Talagang yung special pa. Another thing, ano'ng tingin nya sa'kin? Maarte?! Baka daw hindi ko magustuhan ang chocolate flavors nila na naka-stock kaya nagpa-deliver pa sya ng special. Hmp! Ginaya naman nya ko sa kanya. Dirty ice cream nga bet na bet kong lantakan eh.
Teka! Ang daming tanong na gusto kong masagot lalo na yung una: Bakit naman sya nahihiya? At isa pang teka. Sya? Si Keyr Demoneir Fuentalez, isang napaka-gwapo at napakabangong lalaki na nagmula sa elite clan, mayabang, matapang, magaling makipaglaban, mapang-asar, matigas ang ulo at pasaway... nahihiya?! WHAT THE HELL WAS HAPPENING?!
Bago pa ko makahingi ng another explanation, nalaman ko nalang na naglalakad na sya palayo.
'Kalma lang, Soyu. Walang dapat ika-panic. Cute ka. Ice cream lang iyon. No big deal.'
'Hindi ice cream ang big deal. The big deal is: why on earth Demon is suddenly giving you a special treatment?' sabi naman ng assuming kong konsensya.
'Bibigyan lang ng ice cream, special treatment na agad? Come, on!' katwiran naman ng ayaw-umasa kong konsensya.
I mentally nodded, agreeing on her statement.
'Sa kaso ni Demon, napaka-unusual na gumawa sya ng ganun. Hindi lang naman sa ice cream. Sa pag-antay nya sa'yo kanina. Do you think mapag-aantay mo si Demon ng ten minutes kung wala ka lang sakanya? And one more thing, didn't you notice he oftenly blurted out some punch lines with you out of nowhere? It's not the Demon you actually used to know. This one's different. He became different because of you. You've changed him. He likes you and you like him. Make some love!'
Hindi lang pala assuming ang isa kong konsensya. Malandi rin! Umi-english pa ang lola nyo.
He became different because of me.
I've changed him.
He likes me and I like him.
Make some love!
Waaah! I shook my head exaggerately. Kung anu-anong pinagsasasabi ng assuming yet malandi kong konsensya. Nisasapian lang yun kaya sya ganun!
Ayokong mag-assume. Ayoko, ayoko, ayokoooo!!
"Baliw ka na?" Nabalik ako sa katinuan nang marinig ang boses ni Khaisler, ang bunsong kapatid ni Demon.
Nakatayo sya sa harap ko at mukhang kanina pa nya ko pinapanood. Medyo... nakakahiya.
"Hindi, ah! Ba't naman ako mababaliw? In-exercise ko lang yung ulo ko. Try mo rin." Iniling-iling ko ang ulo ko habang nakatingin sakanya.
He just scorn at me. Napansin kong may hawak syang notebook at ballpen.
"Magpapaturo ka?" tanong ko at itinigil ang kunyaring head exercise na ginagawa ko.
Tumango sya at umupo sa tabi ko. Pinakita nya sa'kin ang assignment nya.
"Hindi pa kasi yan natuturo ng teacher namin. Nagbigay agad ng homework about sa topic na yan tapos bukas na daw nya idi-discuss. Weird nya."
"Weird agad?" Ginulo ko ang buhok nya kaya sinamaan nya ko ng tingin. Manang-mana sa kuya nya! "Ganun talaga. Gusto kasi ng teacher mo na matuto kayong mag-advanced lesson."
"Di ko na kailangan yun. Ituro lang nya ma-ge-gets ko naman agad. Di naman ako katulad ni Kuya Keyr na slow."
Natawa ako sa huling sinabi nya. "Lagot ka sa kuya mo kapag narinig ka nya." Tiningnan ko uli ang notebook nya. "Rational Expression. Madali lang 'to. Magpaturo ka sa kuya mo, alam nya 'yan." Binalik ko sakanya ang notebook nya para kay Demon na sya magpaturo. Hindi naman sa ayaw ko syang turuan. Gusto ko lang makita kung tuturuan nga sya ni Demon at kung paano.
"Ayoko nga. Mataas pa IQ ko dun eh," nakasimangot na wika nya at isinara ang notebook nya.
"Anong sinabi mo?!"
Sabay kaming napalingon ni Khaisler kay Demon. Naglalakad sya at may hawak syang bowl ng pure chocolate marble ice cream (base sa sinabi ng katulong kanina) na may dalang nakamamatay na tingin para kay Khaisler.
Huminto sya sa paglalakad nang nasa dulo na sya ng couch. "Lumapit ka nga rito! Sasapakin kita!"
Hindi ko magawang hindi matawa. Lahat talaga pantay para kay Demon. Walang bata, walang matanda, lahat inaaway.
Nilapag muna ni Khaisler ang mga gamit nya sa gilid ko bago tumayo. Buong tapang syang lumapit kay Demon at . . .
"Aaaah!"
Napatakip ako ng bibig nang makita kung paano sinipa ni Khaisler ang "ano" ng kuya nya. Si Demon hindi malaman kung ano'ng gagawin. Mukhang gusto nyang hawakan yung "ano" nya kaso hindi nya magawa kasi may hawak syang malaking bowl at nakatingin pa ko sakanya.
Parang nag-akyatan lahat ng dugo ko sa mukha. Sa pag-iwas ko ng tingin, saka ko lang nalaman na nasa tabi ko na pala si Khaisler na nagmamadaling kinukuha ang mga gamit nya. Bumagsak pa ang notebook nya sa sahig kaya natagalan pa sya.
Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Ang lakas ng loob labanan ang kuya nya but it the end, ayan sya at natatarantang makaalis.
Nagulat ako sa biglang paghablot ni Demon sa dalawa kong kamay at inilagay doon ang bowl ng ice cream.
Sandali akong naging oblivious nang sandukin ko ang ice cream gamit ang spoon. Sobrang thick ng ice cream, purong chocolate talaga. Waah! I so love chocolates at sa tanang buhay ko, ngayon lang ako makakatikim ng ganitong klaseng chocolate. OA ba? Sareh, first time eh.
"Salamat, Demon!" sabi ko sa kanya at sinimulan ng lantakan ang ice cream.
Hindi sya nakasagot dahil busy sya sa pakikipagrambulan kay Khaisler sa carpeted floor.
May mas expensive at mas special man sa ice cream na 'to, ito pa rin ang the best kahit ang gulo ng pagkaka-design ni Demon sa toppings (Alam kong sya ang nagbudbod ng toppings kasi chaos gaya nya).
Katulad ng sinabi ko kanina, wala sa ganda ng TV o kung ano pa yan ang makapaglilibang sa'yo, nasa palabas na pinapanood mo. At itong nilalantakan ko, wala sa mahal ng presyo para masabing ito ay special kundi nasa taong nagbigay nito at nag-effort. Oo na, inaamin ko, habang tumatagal nagiging special na sa'kin si Demon. May maliit na bagay lang syang gawin, na-a-appreciate ko na agad ng lubos.
Nasa routine ko na ang pag-aaway namin to the point na hindi makokompleto ang araw ko kapag wala iyon.
Napangiti ako habang pinapanood siyang gumugulong sa sahig together with Khaisler.
He maybe a nuisance but he's indeed a good man behind that tough exterior. And I am so lucky dahil isa ako sa mangilan-ngilan na nakakakita ng side nyang iyon.