My Demon [Ch. 46]
"Pa'no kung sabihin kong oo?"
Inaantayan kong durugtungan niya ng, "Hahaha! Syempre joke lang yun. Asa ka naman na magugustuhan kitang kulot ka" pero wala ni isang salitang mapang-insulto o kahit na simpleng "joke" ang lumabas mula sa bibig niya.
Seryoso talaga.
Hindi ako nakakibo. Ang tanging ginawa ko lang ay ang mag-iwas ng tingin. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi seryoso si Demon sa sinabi niya, na pain niya lang yun at kapag bumigay ako, aasarin at pagtitripan na naman ako. Though 99% of me ay umaasang totoo at seryoso siya sa sinabi niya. Ang sarap sa feeling na marinig ko ang mga salitang yun mula sa kanya ngunit ginigising ako ng 1% na natitira sa katotohanan. Si Keyr Demoneir yan. Never kang magugustuhan. At isa pa, hindi ako bagay sa kanya.
Ilang minuto na atang walang umiimik sa'min. Nakatingin lang ako sa kawalan habang siya ramdam kong saakin nakatingin.
"So wala ka pa ring first kiss?" Sa wakas at nagsalita na ulit siya.
"Boyfriend nga wala pa eh. First kiss pa kaya?"
Paglingon ko sa kanya, nagyari ang bagay na hindi ko inaasahan. Yung mga bagay na nababasa ko lang sa romance novels like, butterfly on tummy, jelly-o knees, lahat. Including the imaginary sparks na pumapalibot sa inyo.
Nangyari ang masaya at nakakilig na bagay na yan sa isang iglap lang nang halikan niya ko, sa lips. Napakabilis na pangyayari pero talagang nagpabagal ng mundo ko.
"Ayan, may first kiss ka na."
Nang bumalik sa normal rotation ang mundo ko, nalaman ko nalang na tumatakbo na siya sa malayo. Bigla akong natauhan. Nakakilig man isipin, NINAKAW NIYA PA RIN ANG FIRST KISS KO!
"ARGH! DEMON, BUMALIK KA NGA DITO! BAKIT MO GINAWA YUN?!" sigaw ko at nagpapadyak.
Nasa may kalayuan man, tanaw ko pa rin siya. Tanaw na tanaw ko ang pagtawa niya. Grr! Tuwang-tuwa pa talaga siya sa ginawa niya, huh?
"BAKA MAUNAHAN PA KO NG IBA EH!" pasigaw na sagot niya upang marinig ko.
Tumakbo pa siya ng tumakbo hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Lokong yun ah! Matapos nakawin first ko tatakbuhan lang ako?
But infairness, natuwa ako. Hindi dahil sa kiss ah! Kundi dahil sa inasta niya. Kung tumakbo siya parang bumaligtad ang mundo ngayon. Parang sa'kin na siya natatakot. Mwehehehe~ Naging matapang din kahit ngayong gabi lang.
Tumayo ako at naglakad ng may ngiti sa labi. Dati kasama ako ni Angelo sa nandidiri sa mga nakikita naming nagki-kiss (sa personal). Yung PDA. Palibhasa kasi hindi pa namin na-e-experience ang kiss. Pero ngayong na-experience ko na, ganito pala yung feeling?
Sobrang saya. Yung tipong wala ka ng pakialam sa sasabihin ng iba kung sakaling makita man nila dahil sa nag-uumapaw na saya. Ang soft ng lips ni Demon kahit hard words ang lumalabas sa bibig niya.
Dati nauumay ako kapag may nakikita akong nagki-kiss. Pero iba pala talaga kapag ikaw na ang nasa sitwasyon.
Bumili ako ng ice cream sa Ice Cream Parlor na nadaanan ko. Habang naglalakad pabalik sa pwesto namin ni Demon, nagulat nalang ako dahil biglang may yumakap sa'kin mula sa likuran. Nalaglag pa yung ice cream ko.
"Okay ka lang ba? Wala bang nang-away sa'yo?" Ang lambing ng boses niya.
"Demon..."
"Nung binalikan kita wala ka na. Akala ko kung napano ka na. Pinag-alala mo ko, alam mo ba yun?" Pinatong niya yung baba niya sa ibabaw ng balikat ko at mas hinigpitan ang yakap sa'kin.
"Demon..."
"Di ka naman galit sa ginawa ko, diba? Gusto mo rin naman yun, diba?"
Di na ko nakatiis. Tinaanggal ko ang mga braso niyang nakapulupot sa'kin at umikot paharap sa kanya.
"Ikaw, huh!" Tinuro ko siya gamit ang daliri ko. "Di ka pa nakuntento sa pagnakaw ng first kiss ko. Minamanyakan mo pa ko."
Tiningnan niya ko na parang suspect na tinatanggi ang ginawa tapos tinaas ang dalawang kamay.
Maya-maya, may lalaking lumapit sa'min na may dalang boquet of white and pink roses at malaking pink teddy bear.
"Ang bilis mong tumakbo, Boss," hinihingal na sabi niya habang nakatingin kay Demon. "Sorry kung na-late ako." Tumingin ito saglit sa'kin.
"Pasalamat ka you just came in time."
Nilabas ni Demon ang wallet niya at inabutan ito ng pera pagkatapos kinuha niya dito yung bear at flowers. Nagpasalamat ito sa kanya at tumingin sa'kin bago umalis.
Inabot sa'kin ni Demon yung dala nung lalaki kanina.
"Ano yan suhol?"
"Tanggapin mo na nga lang." He grabbed my hands and handed me the staffs.
"Kita mo 'to, kanina ang sweet tapos ngayon ang sungit na naman," bulong ko.
Nagpalitan kami ng masamang tingin. Siya ang unang nagsalita.
"Teka nga," Nilabas niya yung phone niya. "hindi ko alam kung paano ka co-contact-in kapag nawawala ka. Ibigay mo nga sa'kin number mo."
"OK. Pahawak." Inabot ko sa kanya yung mga suhol niya sa pagnakaw ng first kiss plus the pangmamanyak sa'kin.
Pero alam niyo kung ano ang sinagot niya?
"No way."
Oha! Anong klaseng lalaki yan?! Siya na talaga ang gentleman!
Kaya naman ayun, nahirapan akong ilagay yung number ko sa phone niya.
"Ito na po, Boss," sabi ko sakanya habang inaabot sa kanya yung phone.
"Gimme yours," he uttered while working something on his phone.
I rolled my eyes. Bossy as ever.
Sinunod ko ang utos niya. Nakatingin lang ako sa mukha niya habang nilalagay niya ang number niya sa phone ko. Nawirduhan pa ako nung tumaas ang sulok ng labi niya.
Pagbalik niya sa'kin nun, nagulat ako sa nilagay niyang pangalan sa phonebook ko.
My Demon
0935*******
"Ano 'tong My Demon?" tanong ko sabay tingin sa kanya. Kaya naman pala ganun ang ngiti niya kanina.
Ngumiti lang siya tapos pinakita sa'kin yung name ko sa phonebook niya.
My Soyu
0936*******
"B-bakit ganyan?" I stammered.
Siningkitan niya lang ako ng mata. Nilapitan niya ako tapos inakbayan. "Gusto ko eh," aniya at giniya akong maglakad.
Halong kilig at pagtataka ang nararamdaman ko ngayon. Kilig dahil nakaakbay siya sa'kin, at lalo na dun sa "My Soyu" niya (Hihi!). Pagtataka sa maraming dahilan. At nangununa na doon ang: Feel na feel na niya ang nemesis ko sa kanyang "Demon" ngayon. Samantalang dati para siyang leon kung magwala kapag tinatawag ko siyang ganun. Why is that?