Chapter 16 She's Home

Araw na ng ceremonya ng kasal at proclamation ni Wei. Masigla at busy ang lahat para dito, di din mawawala sa eksena ang dalawang kaibigan ni Orion na sina King Lokileon at King Zeriel dahil sila ang magpiprisinta kay Wei bilang pamilya nito. Naging malapit sa kanila ang dalaga sapagkat hindi ito mapagkunwari at minsan ay kasama pa ito sa kalokohan nila na hindi alam ni Orion. Hindi sa lahat ng oras ay pwedeng bantayan ni Orion si Wei at maliban kay Sinco wala na siyang pinagkakatiwalaan kaya sa mga kaibigan niya ito pinapasama kung minsan.

Sa labas ng silid ni Orion ay may kaguluhan. "Masamang balita!!!"

"Alam mo naman na may importanteng okasyon na magaganap ngayon kaya wala munang makapag disturbo sa ating Emperor." pagpigil ng isang guardya.

"Papasukin niyo ako may kailangan malaman si Emperor Shi!!! Pakiusap!!!"

"Ano ba ang ingay dito?" dahil sa ingay ay napilitan si Orion lumabas at isa pa ay medyo may masama siyang kutob.

"Emperor Shi, patawarin niyo po itong mababa niyong tagasunod. Masamang balita po!" hindi matuloy nito ang sasabihin dahil lumamig ang buong paligid sa sama ng tingin sa kanya ni Orion.

"I'm waiting." walang expression na pagkasabi nito.

"Nawawala po si Lady Wei!!!" mabilis na sagot nito at mabilis din ang pagtapon ng katawan nito sa labas ng palasyo. Nagulat at napatigil naman sa mga ginagawa nila ang mga tao sa labas ng may katawang nahulog mula sa veranda ng palasyo.

Mabilis na nagtungo si Orion sa kwarto ni Wei at wala man lang bakas ng kung ano man ang nangyari. 'Hindi naman pwede na mga assassin ang may gawa nito dahil lahat ng assassin ay nasa ilalim ng pamumuno ko. Sino ang may lakas ng loob para kalabanin ako?!' madilim at nakakatakot ang aura ni Orion. Kahit ang dalawang kaibigan ay takot at di magawang lapitan ito. Sila ang unang nakaalam na nawawala si Wei kaya nagpadala sila ng tao na magpaalam ng nangyari habang sila ay nagsimula na agad sa paghanap sa dalaga ngunit ni bakas ay wala silang makita.

"Dude mas mabuti pa ikaw muna bahala kay Orion, ako at mga tauhan ko nalang bahala sa mga tao at mga bisita." Si King Zeriel habang mabilis na umalis at iniwan si King Lokileon sa nakakatakot na kaibigan.

"Ano pa nga ba. Tumakbo kana palayo eh."

"King Lokileon iiwan ko po muna sa inyo ang aking Master" si Sinco na nagmadali ding umalis. 'madami pa ako kailangan asikasuhin, hindi ko kaya ang aking Master baka kahit sa kabilang buhay ay sundan niya ako at hindi titigilan sa pagparusa.

Pati mga tauhan ni Lokileon ay lumayo din pero hindi sobrang layo just enough to shield and give their life for Lokileon if things got worst.

"Anong kaguluhan ang nangyayari King Lokileon? Kanina pa naiinip ang mga bisita kaya nagprisinta na lang ako na alamin ang problema." arrogante at walang respeto na sabi ng babae. Nakatudo bihis ito at nakasuot ng tiara na dapat ay ang bride lang ang pwede magsuot nagtaka naman si Lokileon. Kahit kailan ay hindi nila gusto itong kapatid ni Orion.

"It's not good for you to be here, First Princess Dawn Gracie." pagkatapos sabihin ito ay iniwan niya na ang babae.

Naoffend naman si Gracie sa inasta ni Lokileon kaya hahablutin niya na sana ang kamay ni Lokileon ng may maraming espada ang nakatutok sa kanyang leeg. Konting galaw niya lang ay matutusok na siya ng mga dulo nito.

"Don't forget your status woman! You're just a princess and the one you are talking to is our King!" Sabi ng isa sa mga alagad ni Lokileon. Matindi ang respeto at paghanga ng mga ito kay Lokileon kaya sino man ang walang galang sa harap ng kanilang Hari ay kaya nilang patayin.

Hindi man lang pinigilan ni Lokileon ang mga alagad at lumapit ng konti kay Orion. 'You may not be lucky next time.' Alam ng mga tauhan ni Lokileon na hindi pa nila pwedeng patayin ang babae dahil kapatid parin ito ng kaibigan ng kanilang Hari. 'Maghintay lang kayo!!! sa oras na maging Emperatris ako ay ipapapugot ko lahat ng ulo niyo pagkatapos kayong paglaruan sa mga brothel!!!' madilim at galit ang tanging nararamdaman ng babae para sa lahat ng hindi rumerespeto sa kanya. Sa ugali at pag aasta niya sino ang magkakagusto at magbibigay ng respeto sa kanya.

Matapos kumain ng silvanas ay naisipan ni Wei na maglakad sa dalampasigan. Alam niya na delikado ang dagat pero hindi niya mapigilan ang sarili na maglakad papunta dito. Ilang saglit lang ay nasa malalim na bahagi na siya ng tubig at hindi niya na kaya pa huminga dito, nawalan siya ng malay. Pagkagising niya ay nasa bahay siya ng mag asawang mangingisda. Nakita daw nila ito na nakahandusay sa dalampasigan at walang malay. Akala nga nila patay na siya dahil sobrang lamig na ng katawan niya at sobrang putla pa niya na parang walang dugo sa katawan.

Ang huli niyang naalala ay ang malakas na ulan at ang pagkasira ng maliit na bangkang binili. Napagpasyahan niya na lang umuwi sa bahay nila dahil wala na siyang pera at hindi na siya galit sa mga pinsan. 'Dapat di nila ako makita sa pag uwi. Kailangan ko silang e-surprise!!! hehehe'

Ng umuwi siya ay wala talagang tao ni isa sa bahay nila kaya pumunta agad siya sa banyo at naglinis ng katawan pagkatapos magbihis ay natulog siya ng mahimbing. "Ah!!! Ang sarap talaga mahiga sa sarili kong kama. Na miss mo ba ako malambot na kama?" matamis ang ngiti nito habang natutulog.

Pagkatapos malaman ng pamilya ni Wei na pumalaot ito ay iyon na ang huling balita nila sa kanya. Para hindi maalala ang sakit ng nawalang pamilya ay napagpasyahan nila na lisanin ang mansion. Isang taon ang nakalipas ng may isang tauhan nila ang nakakita sa dalaga na pumasok ito sa mansion, agad niyang ipinaalam iyon sa kanyang amo, at nagmadali naman ang buong pamilya ni Wei pumunta doon. Iyon ang araw na umuwi si Wei. Tumigil man sila sa paghahanap ay di naman sila nawalan ng pag-asa na isang araw ay makakauwi din ang dalaga.

"She's Home!" masayang balita ni Johnny matapos marinig ang confirmation sa katulong na inutusan niyang panatilihing malinis ang mansion, ang katulong na nakakita kay Wei. 'Buti at naisipan ko na panatilihin maayos ang mansion.' pagpapasalamat nito sa sarili.