Chapter 46 | Captured
Nicole Jane's POV
"Take my hand," may riin niyang utos.
Hindi ko maaninag ang mukha niya kaya naman ay nag-aalangan pa kong abutin ang kamay niya no'ng umpisa. Pero nang marinig ko ang pamilyar na boses na nag-uudyok mula sa likod ko ay mabilis kong hinawakan ang kamay niyang nakalahad sa 'kin.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko lang ay nasa tabing dagat kami at napapaligiran ng kaliwa't kanan na labanan.
"We shouldn't run. We have to face them," I shout at him.
Napailing naman siya. "No! I won't let them take you away from me again. Don't worry, I'll just make sure that you are safe before I face them," mariin niyang sabi at mahihimigan ang pagbabanta sa bawat salitang binigkas niya kaya hindi na ko umimik pa.
Isa pa ay wala na rin naman akong lakas para tumutol pa.
Pero napatigil ako nang biglang manghina ang tuhod ko. I just can't run any longer.
"Nicole! Shit!" Mabilis niya kong dinaluhan at binuhat.
Gusto kong magsalita pero nanghihina na talaga ko. Pati ang paningin ko ay nanlalabo na at patuloy rin ang pag-agos ng dugo mula sa tagiliran ko.
What the hell is happening to me? Ganito ba ang epekto ng kutsilyong 'yon sa 'kin? What's with that knife? Ramdam ko na may kung anong kumakalat sa katawan ko magmula ng masasaksak ako kanina.
"Hanggang diyan na lang kayo."
Ramdam ko ang pagbigat ng hininga ng bumubuhat sa 'kin nang may biglang sumulpot sa harap namin.
Pilit kong inaaninag ang mukha niya. Pero tanging ang ngisi lang sa mga labi niya ang nakikita ko.
Napamulat ako nang maramdamang nahihirapan akong huminga.
It was that dream again. Ilang araw na rin magmula ng mapanaginipan ko ang eksenang 'yon. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba ang ipinahihiwatig nito.
Iginala ko ang paningin ko. I smiled the moment I realized where I am. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Napatingin ako sa katabi kong kama kung saan ay mahimbing na natutulog pa rin si Althea. Kaming dalawa na lang ang nandito at mukhang maaga nagising ang iba.
I glanced at the wall clock. My eyes widened in shock when I saw that it's already 12pm.
Sabagay ay nag-movie marathon na rin kasi kami kagabi at sa pagkakaalala ko ay 4am na kami natapos.
Ano namang laban namin sa mga bampira pagdating sa puyatan?
Tumayo na ko para mag-asikaso. May sariling banyo rin naman dito. Mayroon din 'tong anim na king size bed at entertainment room. May mini-kitchen din at ng marinig ko ang biglaang pagkalam ng sikmura ko ay pinagtiyagaan ko ng kainin ang cake at sliced bread na nakita ko sa refrigerator.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong nag-ayos at kinuha ko ang nakapatong na DSLR sa side table. Napangiti ako nang maalalang graduation gift ni Kyle 'to sa 'kin. Samantalang ako ay wala man lang naibigay sa kanya. Nawala na rin kasi sa isip ko.
Dahan-dahan akong lumabas at tinahak ang daan paakyat sa mansyon. Pagkarating ko ng living room ay mayroon akong mabangong naamoy na nagmumula sa kusina. I started to walk towards its direction, expecting to see all of them there.
Ngunit tanging si Kuya at Athena lang ang naabutan ko ro'n. Kuya Gino is the one who is cooking, while Athena is sipping a cup of coffee. Mukhang halos kagigising lang din nila.
At sa mga oras na 'to na nakatitig ako sa kanila ay hindi ko maiwasang mapansin na bagay sila. Kung sakali man ay wala naman akong maitututol kay Athena.
She's a nice and smart girl. I know that they'll surely fit into each other.
Hinanda ko ang camera na dala ko. It seems that I'm going to capture a lot of moments today.
-----
Third Person's POV
KASALUKUYANG nagluluto ng pananghalian si Gino, habang umiinom naman ng kape si Athena. Tanghali na rin kasi ang mga 'to nagising, dahil madaling araw na rin sila natulog.
Kanina pa 'to nakatalikod sa dalaga at gustuhin man niyang magbukas ng usapan ay hindi naman niya magawa.
He didn't know what is actually happening to him. Sa tuwing malapit kasi si Athena sa kanya ay wala siyang mahanap na salita at palagi na lang niyang naititikom ang kanyang bibig.
It all started when he first met her, here at the mansion. 'Yong araw na isiniwalat ng mga 'to ang kanilang mga nalalaman.
Huminga muna 'to ng malalim. Kanina pa kasi siya tila nabibingi sa katahimikan nilang dalawa. He turned his back and was about to start a conversation when they accidentally bumped into each other. Sakto kasing tumayo naman ito at papunta sa direksyon niya.
And because of the impact that it causes, Athena lost her balance. Good thing Gino's reflexes are too fast that he manages to grab and support her waist from falling.
The moment his eyes met hers, he feels like time has suddenly stopped.
Habang si Athena naman ay halos mahigit ang hininga nang maamoy ang natural na amoy ng binata. Hindi niya alam kung bakit pero...
Ang puso niya ay biglang tumibok nang mabilis.
SA HINDI kalayuan ay mataman lang na nakatingin sa kanila si Nicole na saktong nakuhanan ang eksena nilang 'yon. Nakangisi pa 'to at halatang masaya sa nasaksihan.
Hindi nagtagal ay naiiling na tumalikod at naglakad na 'to paalis. She doesn't want to ruin the moment. Kaya naman ay napagpasyahan niyang
hanapin na lang din muna ang iba.
Tinahak na niya ang daan papunta sa academy. Una niyang pinuntahan ay ang malawak na field. She looked up at the sky. The weather is just fine. She embraced herself when the wind blows and touches her skin.
She then took her camera to capture the beauty in front of her. Pero bahagya siyang natigilan nang may mahagip ang camera niya na mas magandang view.
"WHAT do you mean?" Steph asked the guy beside her while looking from afar.
Nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Vince. And it feels so good. Matagal din niyang hinintay ang pagkakataong 'to.
Vince lets out a deep sighed. "Nagpaalam na ko kina Uncle Zach. Sila na lang din daw ang bahalang magsabi sa mga magulang ko. Pagkatapos ng graduation ay aalis na muna ko. I want some time alone. I want to be at peace in a place where no one knows me and my existence. But no worries, because I will still come on the planned vacation." He chuckled.
Parang may kung anong kumirot sa puso ni Steph nang marinig ang tungkol sa bagay na 'yon. After the kiss they shared, Vince started to talk to her again. Kahit na malabo pa sa kanya kung ano na ba sila ay kuntento na muna siya sa ngayon na nakakasama at nakakausap na niya 'to.
That's the main reason why she's not with Nicole these past few weeks. Because she's with Vince and that he doesn't want their friends to see them together for now.
"Kailan ka babalik?" she asked with a hint of sadness in her voice. Hindi pa man dumarating ang araw na 'yon ay namimiss na niya 'to.
Sabagay ay ilang taon ngang hindi ko siya nakita at kinaya ko naman. Siguro naman ay mas kakayanin ko ngayon. She thought.
He didn't answer. So she looked up just to see him staring intently with her.
He caresses her cheeks and she can't help but to close her eyes. "I will come back as soon as I am ready and good enough for you. Aayusin ko lang muna ang sarili ko. And as soon as we see each other again, I will be that kind of man with no hatred, sadness and doubts anymore. A kind of man that you deserves."
Sa kabilang dako ay napangiti naman si Nicole habang tinitingnan ang kuha niya. It's such a sweet scene and she knew too well that Steph and Vince doesn't need to speak it all.
Because their actions already do.
SUNOD na pinuntahan ni Nicole ang music room. At isa ang lugar na 'to sa paborito niyang puntahan kapag mag-isa siya, bukod sa kagubatan.
Ngunit napakunot noo siya nang makitang bahagyang nakabukas ang pinto nito. She was about to step in when a familiar sound coming from the piano reached her ears.
Dahan-dahan siyang sumilip sa siwang ng pinto. And she didn't really expect who she saw.
She's not aware that Kira and Miley were both good at playing piano. Tanging ang tunog na nagmumula lang sa keyboard na kanilang tinitipa ang maririnig sa apat na sulok ng music room. Habang silang dalawa naman ay matiim na nakatitig lang sa isa't isa at mahinang nag-uusap.
"Magtatapos na kayo bukas. Maiiwan na kami ni Rei rito." Miley pouted.
Bahagya naman 'tong nilingon ni Kira. "Wag ka ng malungkot. Dadalawin pa rin naman namin kayo rito. Madalas din kitang pupuntahan. Gusto mo araw-araw pa, eh." Kira chuckled.
Hindi maiwasan ni Miley ang malungkot. Alam naman niya 'yon. But she doesn't want him to oblige. Alam niyang sa paglabas ng mga 'to sa academy ay may mga panibagong responsibilidad na ang ibang royalties na kailangang gawin.
Pero hindi 'yon ang inaalala ni Miley. Dahil sa pagtahak ng mga 'to sa panibagong landas ay mas marami ng makikilala ang mga 'to. Mas lalawak na ang mundo ng mga 'to kasama ang mga tao.
And that fact scares her. Paano kung may makilala 'tong iba? Tipong mas sexy at mas maganda sa kanya? Hindi na rin naman niya mababantayan pa ang bawat kilos nito.
"You're overthinking again. Wala ka bang tiwala sa 'kin?"
That statement made her stop. Gano'n din 'to. Nakabibinging katahimikan ang lumukob sa kanilang dalawa.
She bit her lower lip and bowed down her head. "It's not that. I trust you. Really. I-I'm just scared."
Halos mapatalon si Miley sa gulat nang pihitin siya ni Kira paharap at yakapin.
"If you trust me, you will not be scared. Don't worry, because you are the only beautiful and sexy girl in these eyes of mine." Kira let out a small laugh and Miley playfully hit his arm.
"Kailan pala natin sasabihin sa kanila?" Miley asked after a minute of silence.
Napangiti si Kira. "After graduation."
That made Miley sighed in relief. Tama nga ang binata. Masyado siyang maraming iniisip. Hindi niya dapat 'to at pinagdududahan ng kung ano pa man.
Oo at ang itinuturing niyang Ate ang unang nagustuhan ng lalaking mahal niya. Alam na niya ang tungkol sa bagay na 'yon dahil inamin din naman 'to ni Kira mismo sa kanya.
Pero naniniwala siya na siya lang ang mahal at minahal nito. Alam niya na natakot lang 'to no'ng una dahil matalik nitong kaibigan ang Kuya niya.
They remained still in that position, cherishing the moment.
And Miley knew deep inside her heart, that she is giving all her trust to his man.
NICOLE can't help but to smile at the sight. She can say that music is one of her favorite subjects.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ulit siyang maglakad. Tatlong "bampira" na lang ang hindi pa niya nakikita. Now she wonders where they are.
Malaya siyang naglibot sa library, sa classroom nila, sa dining hall at sa kung saan-saan pang bahagi ng academy. She took a shot at every location, filling her camera with sweet, meaningful memories in this school.
Pero ng mapadako ang camera niya sa swimming pool ay gano'n na lang ang gulat niya nang makarinig ng sigawan. Hindi siya maaaring nagkakamali. It was Rei and Hiro's voices.
She peaked over and saw the two of them arguing over something.
"ARE you still that affected?" tanong ni Rei kay Hiro.
Halata ang pagkagulat sa mukha ni Hiro. Hindi na niya kailangan pang magtanong sa kung ano ang tinutukoy nito dahil alam na alam na niya ang bagay na 'yon. Kaya naman ay hindi kaagad siya nakaimik.
Rei smiled bitterly. "Sabagay, Mikan is your first love, right?" Her voice almost cracked upon mentioning Mikan's name.
Natutop naman ni Nicole ang bibig at halos mahulog niya ang hawak na camera. She doesn't see it coming. At alam nitong kahit ang iba ay walang ideya tungkol sa bagay na 'yon.
Ngayon niya lang napagtagni-tagni ang mga nangyari. Kung bakit gano'n na lang ang naging pakikitungo bigla ng dalawang prinsesa kay Mikan.
Hiro looked away. "Actually, I thought the same, too. But..." he looked up and met Reiri's eyes. "I guess I was wrong. All this time, I was making myself believe that it was her. To divert my feelings and attention. When in fact, it's actually you," halos pabulong nitong sabi pero sapat lang para marinig ng dalaga.
Si Rei naman ang nagulat sa pagkakataong 'to. "W-What? Y-You've gotta kidding me!" she yelled in frustration.
Hiro smiled bitterly. "I hope I am. But hell, I'm not! Gusto na kita... Dati pa. Pero..." napailing 'to. "Pero kinausap ako ni Vince. Kaya hindi ko itinuloy ang kung anumang nararamdaman ko para sa 'yo. Right at that moment, I immediately killed the unfamiliar feeling that is starting to grow here." He pointed the part where his heart is located.
Rei is still in the state of shock. Hindi siya makapaniwala na may kinalaman ang Kuya niya sa mga nalaman.
Hiro came near her and hugged her. Parang napako naman sa kinatatayuan si Rei sa ginawa nito. "I know what you're thinking. Your brother is just concerned for you. Natakot lang 'yon na baka masaktan kita. You know, knowing my record." He chuckled. Trying to lighten the mood and ease the tension.
Hindi pa rin magawang umimik ni Rei. Ang daming tumatakbong tanong sa isip niya ngayon.
Na tanging ang Kuya niya lang ang gusto niyang magbigay ng sagot.
HINDI na gusto pang makinig ni Nicole. Sobra-sobra na ang mga nalaman niya at gusto niyang bigyan ng pribadong pagkakataon ang dalawa.
After taking a shot, she started to walk away. Sa lahat ng nakita niya, tila ang huling eksena ang tumagos sa puso niya. Ito ang bukod tanging nakuhaan niya na ang bigat ng emosyon.
She heaved a deep sigh. Now she wonders, where's Kyle?
-----
Nicole Jane's POV
Naalimpungatan ako sa pakiramdam ng malamig na simoy ng hangin na dumampi sa mukha ko.
Agad na bumungad sa 'kin ang madilim na kalangitan.
Teka... madilim? Napakurap-kurap ako. Hindi ko namalayan na napahaba pala ang tulog ko.
Marahas akong lumingon sa tabi ko nang may narinig akong biglang nagsalita.
"Good morning and good evening, babe."
Pilit kong inalala ang mga nangyari. Ang alam ko lang ay halos nilibot ko ang buong Clarkson Academy kanina kakahanap sa mokong na 'to. Hanggang sa maisipan kong magpahinga sa gymnasium at nakatulugan ko na ang pagtitingin-tingin ng mga larawan na nakuhanan ko.
"Paano ko napunta rito?" takang tanong ko sa kanya. Nandito kasi kami ngayon sa Terrace at nakahiga ako sa isa sa mga duyan dito.
"Binuhat kita. Ang himbing kasi ng tulog mo, eh. Inikot ko ang buong academy kanina ng hindi kita maabutan dito. Pati ang Kuya mo hindi alam kung nasaan ka. Akala ko kung saan ka na nagpunta, eh." He pouted.
I rolled my eyes. "Coming from you. Eh, ako nga 'tong halos baliktarin na ang buong academy para lang makita ka. Saan ka ba nagpunta?"
He stood up and walked towards me. Umayos ako ng posisyon paupo, para makatabi siya sa 'kin. "Sorry na. Pinuntahan ko kasi ang lugar na pagbabakasyunan natin. Biglaan kasi akong pinadala ni Dad. Ayoko naman ng istorbohin ang pagtulog mo."
Nanlaki ang mga mata ko. "Sana ginising at sinama mo na lang ako. Ang daya mo naman, eh!"
Halos mapatalon naman sa gulat si Kyle ng maglabas ako ng lason mula sa katawan ko at pumorma 'to ng tila isang bola mula sa ibabaw ng palad ko.
"Woah! Easy. Baka nakakalimutan mo, kaya kong tapatan ng bolang apoy 'yan."
Napataas naman ako ng kilay. "Baka nakakalimutin mo rin na kaya kong patigilin ang oras," I said proudly.
Magsasalita pa sana siya ng bigla naming narinig ang pasigaw na tawag ni Kuya. "Bumaba na kayong dalawa riyan! Dinner is ready!"
Natawa naman kami at mabilis ng bumaba. Naabutan namin silang nagkakagulo sa mesa at naiiling na lang si Kuya. Parang siya ang magulang namin ngayon.
Oh, wait. Kailan ko lang din nalaman na may talent pala sa pagluluto si Kuya Gino. At dahil wala kong kamalay-malay sa bagay na 'yon ay sa kanya ako magpapaturo.
"Wait! Before we start to eat, let's have a picture first. Doon tayo sa living room!" I suggested. Bihira lang din kasi ang ganitong pagkakataon na nagkakasama kaming lahat, eh.
"Sure! We love that!" Althea said excitedly.
"Ano ba namam 'yan. Ang corny." Vince shook his head.
Natawa naman ako dahil sumunod pa rin naman siya. Ang akala ko ay kailangan ko pang ipakita ang picture nila para mapasunod siya, eh.
Dali-dali ko namang sinet-up ang camera ko at sinenyasan sila na umayos na. Nang ma-set ko na ang timer ay nakisali na rin ako sa kanila.
"Okay! 1! 2! 3! Smile!"
I can't help but to smile as wide as I can. Because this day was filled with unforgettable captured moments.
Not just by the camera itself, but by our hearts and minds.