Chapter 49 | The Traitor
Someone's POV
"Where do you think you're going?"
Napatigil ako sa paglalakad at halos mabingi ako nang dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya sa 'kin.
"M-Magpapahangin lang po ako," pagsisinungaling ko.
Pinaningkitan naman niya ko ng mga mata. "Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako? Huwag mo ng tangkain na tumakas pa dahil kapag nagpumilit ka pa ay mapipilitan na kong patayin ka." Bakas ang pagbabanta sa kanyang boses.
Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi 'yon maaari. Kung mamamatay man ako ay kailangan ko munang masabi sa kanila ang totoo.
Dahan-dahan akong napatungo dahil ayokong salubungin ang mapanuri niyang tingin sa 'kin.
"Wag po kayong mag-alala. Wala naman po akong balak na tumakas. Saka ano naman po ang laban ko sa inyo, 'di ba?" Kailangan ko siyang paniwalain na kakampi ako. 'Yon lang ang tanging paraan para makaligtas ako sa ngayon.
"Sabagay. Bumalik ka na sa kwarto mo. Hindi ka pwedeng lumabas hanggang sa matapos ang nakatakdang digmaan bukas. Alam mo na ang mangyayari sa 'yo sa oras na sumuway ka."
Magpoprotesta pa sana ko pero mas kailangan kong pairalin ang isip ko ngayon.
Without looking up, I nodded and walked back to my room. Kailangan kong makaisip ng paraan sa kung paano ako makakatakas dito.
Nanghihinang napaupo ako sa sahig. I should have listened to him. If I only have.
"Don't worry. I'll do everything to correct the mistakes I made as long as I still have the chance," I said as if he can still hear me.
Malalim akong napabuntong hininga. Pero natigilan ako nang may bigla kong maalala.
Dali-dali kong tinungo ang baul na nasa ilalim ng kama ko. Binuksan ko 'to at kinuha mula ro'n ang isang bagay na makakatulong sa 'kin.
Bakit nga ba ngayon ko lang 'to naisip?
Tila muli kong narinig ang mga salitang binitiwan niya no'ng araw na ibinigay niya sa 'kin ang bagay na 'to.
"Here. Keep this. Makakatulong 'to sa 'yo ng malaki para maprotektahan mo ang sarili mo. I am not around all the time to look after you, that's why. But..." he sighed and stared blankly at me. "It will only work if you use it in a good way. Wag mong aasahan na gumana 'yan kung sa masama mo lang naman gagamitin."
Nagdalawang isip pa kong kunin ang bagay na inaabot niya. Pero sa huli ay naisip kong baka nga kailanganin ko rin 'to balang araw.
"What's with this?" I asked out while looking at the bracelet he gave me.
He smirked. "It's a special weapon of mine. At hindi niya alam ang tungkol diyan."
That made my brow raised. "Weapon? Paano naman 'to naging weapon?"
Seriously, what can a single bracelet will do?
Napailing naman siya, bago pinitik ang noo ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Once you wear it, you'll become invisible."
I smiled bitterly. Sabagay, kung dati ko pa 'to naisipang gamitin ay baka nga hindi rin 'to gumana.
But now I have decided already. Gagawin ko ang lahat para hindi mabalewala ang tiwalang ibinigay at sakripisyong ginawa mo...
Kuya Dave.
-----
Nicole Jane's POV
Nandito ako ngayon sa gitna ng kagubatan. Nagpalinga-linga ko sa paligid pero tanging ang mga naglalakihang puno lang ang nakikita ko.
"Kyle?" I called out, but no one answered.
"Is everyone there?" I called again. But this time, only the cold breeze of wind answers me.
Nagsimula kong maglakad-lakad pero isang oras na kong naglalakad ay ro'n ko lang napansin na bumabalik lang ako ng paulit-ulit sa lugar kung saan ako nakatayo kanina.
"Nicole."
That voice made me stunned and gasped.
Hindi ako maaaring magkamali. I knew its him. I will never forget that cold voice of him that made me shiver always!
Napalingon ako sa bandang kanan ko. Then there I saw him. Bigla kong naramdaman na sobra ko na rin pala siyang nami-miss.
"Dave." I was about to walk near him. But it seems that my foot was rooted on the ground.
He smiled at me. Pero halata pa rin sa mukha niya ang lungkot. "Help her, please," he pleaded.
Napakunot noo naman ako nang dahil sa sinabi niya. "Help who?"
Pero paulit-ulit lang ang sinasabi niya sa 'kin. At hindi ko talaga maintindihan kung sino ba ang tinutukoy niya.
"Help her. She's not the enemy. At least not the real one. Kilalanin mo maigi kung sino ang nasa paligid mo, Nicole. Nasa tabi lang siya. Nagmamasid habang pinanonood kayong mahulog sa patibong niya."
Naguguluhan na talaga ko sa sinasabi niya. "Help who, Dave? Please enlighten me! At sino ba ang tinutukoy mo na totoong kalaban?"
Ngumiti ulit siya. "Malaki ang tiwala ko sa 'yo. Alam kong magagawa mo ring makuha ang mga sagot sa sarili mong paraan."
"But Dave-"
"One more thing. Once everything has been cleared with you and the war has ended, please be happy. That way, I'll be finally happy too."
Magsasalita pa sana ko pero sa isang iglap ay wala na siya sa harap ko.
"Nicole! Nicole! Wake up!"
Nagising ako sa pakiramdam na mayroong yumuyugyog sa balikat ko. Hinihingal naman akong napabangon sa kinahihigaan ko.
"Here. Drink this."
Nanginginig na inabot ko ang baso na may lamang tubig na iniabot ni Kyle.
"T-Thanks."
He sat on the edge of my bed and looked at me worriedly. "You okay? Tell me. Anong napanaginipan mo? I was outside your room and about to knock on the door when I heard you scream."
Bigla ko na namang naalala ang panaginip ko at si Dave. Alam kong may gustong sabihin at ipahiwatig sa 'kin si Dave. He's giving me a warning. Pero naguguluhan pa rin ako sa kung ano ba ang ibig niyang sabihin.
I looked at Kyle and forced a smile. "Hindi ko na maalala, eh. Maybe it's just a bad dream. Masyado rin kasing malabo," I lied.
I am sorry, Kyle. But I think I need to find the answers about my dream on my own.
He nodded. "Okay. Anyway, I came here to ask you to go to the beach. The sun is good and I think it will be a great time to have some laps."
Napatango ako at tila nagningning naman ang mga mata ko nang dahil sa narinih.
"I love that! Just wait for me downstairs."
Mabilis akong kumilos pagkalabas niya ng kwarto ko. Nang matapos at makapamili na ko ng susuotin ay sinuot ko na ang bathrobe ko, habang nakapatong sa kanang balikat ko ang tuwalya na gagamitin at bumaba na.
"Hi, Mom! Dad!" I gave my parents a peck on their cheeks when I saw them sipping their coffees at the dining area.
"Hi there, sweetie! You may now go ahead. Kanina ka pa nila hinihintay. Mukhang napasarap ata ang tulog mo, ah," Mom said.
Ngumiti na lang ako. "Where's Kuya?" I asked when I notice that he's nowhere in sight.
"He's with Athena. You know, maybe just wandering around," makahulugang sabi ni Dad kaya kinurot siya sa tagiliran ni Mom.
"Ikaw talaga ang isip mo!"
Natawa rin sina Uncle Zach at Auntie Cass na kasalukuyan namang sumisipsip ng kulay pulang likido.
I just shook my head and made my way outside. I started to walk towards Kyle's direction the moment my eyes met his. Nang makalapit ay walang inhibisyon na inalis ko ang suot na bathrobe. Tanging ang kulay pula na two-piece suit na lang ang suot ko.
Napansin ko ang biglaang paglingon sa direksyon ko ng mga kaibigan namin at ng mga nakakalat na bantay sa paligid. Oh, well. Wala na lang naman sa 'kin ang gano'ng atensyon.
Pero nagulat ako sa naging reaksyon ni Kyle. Nakakunot ang noo niya at tila iritable ang mukha.
"Ano 'yang suot mo?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Two-piece?" I answered as a matter of fact.
Pero napalunok na lang ako nang biglang magdilim ang aura niya. "Magpalit ka. Magsuot ka ng short at t-shirt."
My eyes widened in disbelief. "What? Short and t-shirt? What the hell? I'm not a kid anymore!"
Seryoso ba siya? Hello! Lalangoy kaya kami. Ano namang masama sa pagsusuot ng two-piece?
Napatiim bagang naman siya. "Ayokong may ibang nakakakita sa katawan mo. Alam mo namang ang daming nagkalat na protectors, hunters at guards dito! Now, you change your clothes or do you want me to be one to change it for you?" Mapanganib ang tono ng boses niya kaya hindi na ko nakipagtalo pa.
"Fine!" I rolled my eyes as I marched back to the vacation house. He's unfair. Samantalang siya ay nakasuot lang ng short at topless na. Dapat mag t-shirt din siya!
"So possessive," rinig kong sabi ni Hiro sa isang tabi.
"Shut up!" Kyle shout at him.
Naiinis ako. Pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin naiwasan ang kiligin. Gusto niya pa lang siya lang ang makakita sa katawan ko dapat ay sinabi niya agad. Naiiling na napangiti na lang ako.
Pagkatapos kong magpalit ay agad akong bumalik sa kanila. Sa hindi kalayuan ay natanaw kong nakasakay na sina Hiro, Rei, Vince at Steph sa isang bangka. Maglilibot siguro sa karagatan ang mga 'to. Sina Miley at Kira naman ay nasa tabing dagat at patuloy pa rin sa paggawa ng sand castle na hindi pa rin maperpekto ni Miley.
Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang tungkol sa sinabi ni Dave sa panaginip ko. Kilalanin ko raw maigi ang mga nasa paligid ko.
Isa-isa ko silang tiningnan. At kampante ako na hindi ako nagkamali sa pagtitiwala sa kanila.
"Lets go?" Inilahad ni Kyle ang kamay niya sa 'kin.
"Sure." Pagkaabot ko nito ay sabay na kaming sumulong ni Kyle sa tubig. From the moment that the cold water touched my body, I suddenly felt good.
Ang refreshing lang sa pakiramdam!
Nang mapagod na kami sa paglangoy ay naghabulan na lang kami sa tabing dagat habang nagsasabuyan ng tubig.
"Ah! Kyle, tama na! Ang daya mo naman, eh!" napatili na lang ako nang maabutan niya ko dahil walang tigil niya kong kiniliti.
"Kyle, stop it!" awat ko sa kanya. Pero hindi naman siya nakikinig.
Gaganti sana ko ng pagkiliti sa kanya nang mahuli niya ang dalawa kong kamay. I almost held my breath the moment he pulled me closer.
Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko. We're both soaking wet. Alam ko na bumabakat na sa katawan ko ang basa kong damit. Plus the vampire here in front of me is freaking shirtless. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso namin dahil sa sobrang pagkakalapit naming dalawa.
"K-Kyle..." I tried to push him away to create a small distance, but he didn't even make a single move.
Napapikit na lang ako nang marahan niyang haplusin ang leeg ko. Partikular kung saan naroon ang pulang marka na sumisimbolo sa 'ming dalawa.
With that, my hand automatically traces the red mark on his bare chest too.
"I love you, babe," he whispered, then rested his forehead on mine.
"I love you too, babe."
-----
Athena's POV
Kasalukuyan naming tinatahak ni Gino ang daan patungo sa kweba na nasa bandang dulo ng kagubatan. Kanina ko lang nalaman na mahilig din pala siya sa adventure.
Hawak-hawak niya ang mapa na hiniram mula sa mga Clarkson. Ang lawak ng lupain nila rito at marami ka talagang pwedeng mapasyalan.
Ngunit kahit gano'n ay hindi naman ako maliligaw sa lugar na 'to. Kahit walang mapa ay kaya ko namang mapuntahan ang kweba na 'yon.
Pero hinayaan ko na lang si Gino sa gusto niya.
"There it is!" I exclaimed as soon as we finally reached it.
Papasok na sana ko pero bigla kong napahinto sa paglalakad nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.
"G-Gino!"
I looked up at him and he's smiling at me like an idiot. Para siyang kinikilig na hindi ko maintindihan. "About last night..." napakamot pa siya sa batok niya at parang nahihiya na ewan.
Nanlaki naman bigla ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kagabi.
"Oh. About that! I-I'm sorry... I didn't mean-" hindi ko na nagawang tapusin pa ang sasabihin ko nang bigla niyang iniharang ang daliri niya sa tapat ng mga labi ko.
"Ssshhh. There's no need for you to say sorry. Last night was perfect and too good to be true. So I guess, we're now official?" he hopefully asked.
Naguguluhan akong napatitig sa kanya. I was about to speak when he leaned closer to me and before I knew it, his lips already touched mine.
Everything happened so fast. Basta namalayan ko na lang na nandito na pala kami sa loob ng kweba. My naked body is lying on the cold rocks and we are touching and kissing each other hungrily.
Then it happened. At wala akong makapang pagsisisi sa puso ko.
Pero dali-dali kaming napalayo sa isa't isa at mabilis na nagbihis nang bigla naming marinig ang malakas na pagtawag ni Althea.
Pagkalabas namin ay saktong palapit pa lang siya sa kinaroroonan namin. Teka, paano ba nalaman ng babaeng 'to na nandito kami?
She rolled her eyes upon seeing us. "And what are the two of you did there? Kayo hah, nagsosolo kayo." She smirked.
Pakiramdam ko ay pulang-pula na ko ngayon. We almost got caught. Ano ba kasi ang ginagawa ng isang 'to rito?
"Why are you here anyway?" I asked, changing the topic.
Bigla namang sumeryoso ang mukha niya. "Nothing. It's just that, I felt something will happen."
I looked around. Napayakap ako sa sarili ko nang bigla kong maramdaman ang malamig at malakas na hangin na tumama sa 'king balat.
Dahil do'n ay bahagya kong natigilan.
"Wait. It's coming," I concluded.
Napatango naman siya. "Yeah."
"But why? Hindi naman nila ipapadala rito 'yon kung-"
"Kung walang masamang nangyari," Althea finished, confirming my thoughts.
"I think the whole area should be warded," I suggested.
Napailing naman siya. "We can't. The area is too big. Kakailanganin natin ang tulong ng iba pang witches."
Oh, right. Stupid me.
"Wait. Ano bang pinag-uusapan n'yo?" Gino interrupted. Halata sa gwapong mukha niya ang kalituhan.
Sa sobrang pag-iisip ko ay nakalimutan kong nandito nga pala si Gino.
"You'll know later," I answered and looked up at the sky.
-----
Reiri's POV
"Let's go back already. Masyado na ata tayong napalayo." I looked at them, but they just all shrugged.
"Why? Are you now afraid, princess?" Hiro teased and I just rolled my eyes.
"Whatever."
Natawa naman si Ate Steph. "Kayong dalawa talaga. Feeling ko kahit mag-asawa na kayo ay palagi pa rin kayong nagbabangayan." Napailing pa siya.
"Well, that's if they end up with each other."
Napalingon naman ako kay Kuya at napanguso. Bakit ba siya ganyan? Baka nakakalimutan niya na may kasalanan pa siya sa 'kin?
Napakamot naman sa batok si Hiro. "Ikaw talaga best friend, masyado kang mapagbiro. Siya nga pala, pagkabalik natin mula rito ay aalis ka na, 'di ba?"
Naging seryoso naman kaming lahat nang dahil sa sinabi ni Hiro.
Kita ko ang biglang paglungkot ng mga mata ni Ate Steph. Kung bakit naman kasi kailangan pang umalis ni Kuya. Hahanapin ang sarili lang ang drama.
"Yeah. Don't worry, it will not take any longer though. I will also pay our parents a visit," he said that while looking at Ate. Napaiwas naman 'to ng tingin at napatitig na lang sa mahinang alon ng dagat.
"Okay. Kaya dapat lang na sulitin natin ang bakasyon na 'to! We should all be happy and enjoy the moment." Hiro grinned and before we could even react, the sound of a loud splash suddenly filled our ears and we just found ourselves under water.
He freaking flipped the boat!
Basang-basa tuloy kaming lahat ngayon. Bukod ro'n ay nasa pinakamalalim na parte pa naman na kami!
"Hiro Collins! You'll surely pay for this!" Kuya and I screamed in unison and he just laughed.
-----
Miley's POV
"Ikaw kasi, eh. Ayaw mo magpatulong."
Hindi ko pinansin si Kira, habang pilit pa rin na itinatayo ang kastilyong buhangin ko.
I know that I can build this without any of his help.
Pero halos mapasigaw ako nang bigla na lang akong hinila patayo ni Kira.
"Hey! What are you doing?"
Hindi niya ko sinagot at hinayaan ko na lang na kaladkarin niya ko sa kung saan. Hanggang sa makarating na kami sa bandang kagubatan.
"What are we doing here?" kunot noo kong tanong sa kanya.
Sa totoo lang ay bihira kami mapapunta sa vacation house namin dito kaya hindi ko pa rin gaanong kabisado ang lugar na 'to. Ang lawak pa naman ng sakop ng lupain namin dito.
"Just wait. I'm sure that you will love it there." He smiled at me.
Hindi na lang ko umimik at nagpatuloy lang kami sa pagtalon-talon sa mga sanga ng bawat punong madaraanan namin, habang magkahawak ang aming mga kamay.
Hanggang sa unti-unti akong may naririnig na paglagaslas ng tubig. At hindi nagtagal ay may bumungad na isang mataas na falls sa 'min.
"Wow," I said while admiring the beautiful view in front if me.
"You like it? I remember one time when me and Kyle escape from the palace. Dito namin napagpasyahang pumunta no'n. Kahit na alam naman namin na pwede kaming matunton dito. Sa paghahanap namin ng lugar na pwedeng mapagtaguan ay nakita namin ang lugar na 'to." He said while still smiling.
Nakatingin siya sa falls na nasa harap namin na para bang may inaalalang isang masayang pangyayari.
May falls din naman sa academy. Pero paano naman akong hindi mamangha sa nakikita ko ngayon...
Eh, first time ko lang makakita ng kulay violet na falls at tila kumikislap pa ang tubig nito. Para bang mayroon 'tong dala-dalang diyamante sa pag-agos nito.
"The witches turned the falls into that one. You know, spell and magic. Mahilig kasi sa kakaiba si Tita Cass. Magugulat ka na nga lang ay mayroon ding mga puno rito na iba't iba ang kulay." He chuckled.
Oh. Kaya pala. Ang witches pala ang may gawa nito.
Truthfully, Mom really loves something different. Ayaw niya ng common lang.
"Thank you," I mumbled at him.
"You're welcome." He smiled and squeezed my hand. "Want to see the pearls beneath that running water?"
Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya.
"I would love that!"
-----
Nicole Jane's POV
Papalubog na naman ang araw. At kanina ko pa hindi nakikita sina Kuya, Athena at Althea. Saan naman kaya napadpad ang tatlong 'yon?
"This is all your fault! You know that I hate deep areas of water." Rei glared at Hiro.
Natawa na lang kami ni Kyle, habang si Vince ay masama rin ang tingin sa best friend niya.
Sa kabilang banda naman ay masayang nagkukuwento si Miley kina Auntie Cass tungkol sa falls na nadiskubre niya kanina. At base sa kwento niya ay parang gusto ko rin tuloy 'tong mapuntahan.
"Where's the Stanford sisters and Gino?" Natahimik naman ang lahat sa tanong na 'yon ni Uncle Zach.
Bago pa man makaimik ang isa sa 'min ay natanaw na namin silang tumatakbo papunta sa direksyon namin. May kasama silang...
Teka, hindi ko maipaliwanag, eh. Hangin ba 'yon? Pero bakit parang may mukha ata?
Bigla namang napatayo ang hari at reyna.
"Why are you with Wade? Is something bad happened?"
Inilibot ni Athena ang tingin sa 'min. "May kailangan kaming sabihin sa inyo."
"Sure. Lets go then."
Sumunod kami kay Uncle Zach at napakunot noo na lang ako nang sa pagpasok namin sa sala ay bigla niyang inalis ang isa sa mga painting na nandoon at may kung anong pinindot sa pader, dahilan para bumukas ang sahig dito.
"We are going to the underground room," Kyle whispered and I just nodded. May hidden room din pala rito na katulad ng sa mansyon nila sa academy. Tahimik naman kaming nakasunod sa kanila hanggang sa marating namin ang isang pinto.
"What is it? Anong problema?" takang tanong ni Uncle Zach nang makapasok at makaupo na kaming lahat sa loob.
Althea sighed and explained everything.
Halos nakanganga kaming lahat, habang nakatingin sa kanya nang matapos siya.
"Sino naman kaya ang gagawa no'n? At ano ang motibo niya?" I asked curiously.
"The mere fact that her power has been taken away from her, I think that explains everything," Athena answered and we all nodded.
Bale ang tila hangin na kasunod pala nila na mayroon pang mukha ay si Wade. Ang messenger nila. At ipinapadala lamang 'to kung mayroon mang hindi magandang balita mula sa kinaroroonan ng mga witches.
And the news it brought is really unbelievable. Sapphire Almed just freaking died. The black witch who used to help Marcus Croven.
"But why? Does the enemy want to see the past? For what reason?" Miley asked.
Napailing naman si Althea. "Hindi basta-basta lang na nakikita ni Sapphire ang nakaraan. Dahil may kakayahan siyang bumalik dito mismo."
"Hindi lang 'yon. Kaya niya ring manggaya ng anyo ng iba. 'Yon din ang isa sa mga kakayahang ipinagkaloob niya kay Marcus no'n. And believe me, it's not good. Dahil may posibilidad na nasa paligid lang natin ang kalaban at nagpapanggap sa ibang katauhan. Baka nakakasalamuha na natin siya pero hindi pa natin alam."
My Mom was about to speak when we suddenly heard Rei screamed.
"Aaahhh!"
Halos mapaatras naman ako nang sa pag-angat ng ulo ni Rei ay namumuti na ang kanyang mga mata.
"Rei! Tell us what do you see?" Nakahawak sa magkabilang balikat niya si Vince.
Diretso lang ang tingin niya habang nagsasalita. "We should not trust anyone. We should not trust each other. I can't see who he/she is, but the real traitor is not Mikan. Because the real traitor is one of us."
Pagkatapos niyang magsalita ay bigla na lang siyang bumagsak at nawalan ng malay. Mabilis naman siyang nadaluhan ng Kuya niya.
Nabalot naman kaming lahat ng katahimikan matapos marinig ang sinabi ni Rei.
I knew it. I knew that there's still a goodness that lies inside Mikan's heart.
"If it's not Mikan, then who?" halos pabulong na tanong ni Miley.
We all stared at each other. Bakas sa mukha ng bawat isa sa 'min ang pagdududa.
Ito ba ang ibig sabihin ni Dave sa 'kin sa panaginip ko?
Sino sa kanila ang hindi dapat pagkatiwalaan?
With that, I have made up my mind. Dapat naming maunahan kung sino man siya.
Lumapit ako kay Kyle. Lahat naman sila ay napatingin sa 'kin. "Bite me. Make me one of you again. Now."
Rinig ko ang malakas na pagsinghap sa paligid.
"Anak! What are you talking about?" Mom asked hysterically.
"Nicole, you don't have to do this." My heart almost melts upon seeing Kyle's worried face.
Alam ko na may kapangyarihan at malakas na ko. But I'll be stronger if I became a vampire again. Iba pa rin kapag ganitong tao lang ako.
Napailing ako. "We all know that we can easily defeat the enemy if I became a pureblood princess again." I looked at him with pleading eyes. "Please. I want to become one of you again. We don't have time. Kailangan nating maunahan kung sino man siya."
Halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Nilingon niya sila Mommy na ngayon ay umiiyak na habang yakap-yakap ni Daddy. Si Kuya naman ay tahimik lang. Ang iba naman ay napailing at para bang hindi sang-ayon sa desisyon ko.
Tiningnan ko sila isa-isa. Hindi ko mahuli kung sino ba sa kanila ang traydor. And the thought of it made my heart break already.
"Please. If you don't want to happen the same thing again from the past. Bite me. Make me a vampire again," I said with determination.
Malalim siyang napabuntong hininga at napapikit. Pero sa muling pagmulat niya ng kanyang mga mata ay namumula na 'to.
"If that's what you want."
Before I could even utter a word, I already felt his long and sharp fangs in my neck.