SIMULA

Napabangon ako sa aking naramdaman kong malamig ng tubig sa aking mukha, inimulat ko ang aking mga mata at ang unang nakita ko ay si itay na umuusok and ilong dahil sa galit habang hawak ang tabo.

"Tay ano pong problema? Bakit niyo ho ako binuhusan nang tubig?" nagtataka kong tanong sakanya. kahit kailan hindi ko magawang magalit kay tatay dahil kahit trinato akong ganito pinapakain parin niya ako siguro simula ng mawala si inay at ako na sinisisi niya sa pagkawala ni inay kaya ganito ang pagtrato niya sa akin. Di ko alam bakit ako sinisisi niya sa pagkawala ni inay dahil simula nung inampon ako ni inay galit na galit na siya sakin.

"WALANG HIYA KANG BATA!, NINAKAW MO PERA KO! PABIGAT KANA NGA DITO, MAY GANA KA PANG MAGNAKAW!"

Kinaladkad niya ako palabas ng bahay at hinagis yung mga damit ko.

Tiningnan ko si itay, bumaling ang atensyon ko sa likod ni itay

Angela..

Nakangiting aso na nakatingin sakin animo'y natutuwa dahil napalayas ako.

Siya nanaman ang gumawa nito, hindi talaga sila titigil hanggang di ako mapalayas ng aking ama.

"HUWAG NA HUWAG KANG BABALIK DITO!"

"T-tay! Hindi po ako k-kumuha sa pera n-niyo!"

"WAG NA WAG MO AKONG MA-ITAY NA ITAY HA! DI KITA ANAK! AMPON KA LANG ALAM MO YUN!"

Di ko maiwasang umiyak dahil sa mga salita niya, lagi nalang ganito galit siya sakin araw araw...

Sumulyap ako kay Angela di pa rin nawawala yung ngiti niya.

"Tay pabayaan niyo na yan, wala namang kwenta yan dito, pabigat lang yan" mataray na sabi ni Angela

Di pa rin nawawala ang ngiti ni Angela, tiningnan ko uli si itay masamang parin ang tingin niya sakin.

Bat ba ako napunta sa mundong ito na di ko naman gusto...

"LAYAS NA!"

Sinunod ko nalang sinabi niya baka ano pang masasamang salita ibato sakin, mad

Umalis na sa lugar na iyon di na lumingon pa, sana naman matauhan siya. Buti naman sinali pagtapon sakin yung bag ko, kung hindi walang malalagyan yung mga damit ko.

Andito ako ngayon sa bus terminal doon nalang kasi ako ng Maynila, doon na din ako maghahanap ng trabaho.

Mga ilang minuto din ako naghintay hanggang sa may sumigaw ng 'Maynila' so ibig sabihin nun papuntang Maynila yun kaya sumakay na ako sa dub bus at naghahanap ng mauupuan.

May nahagip akong upuan bakante pa iyon wala pang umuupo doon, kaya doon ako umupo mga ilang minuto may tumabi sakin, kaya di ko na pinansin nakatoun lang atensyon ko sa labas.

Nagsimula na ding umandar ang bus na sinasakyan ko ngayon, ilang minuto rin akong nakatulala doon sa labas dahil naalala ko yung mga galit ni itay sakin noon.

"Miss"

Di ko namalayang tumulo na ang luha ko. Natauhan ako nung may kumalabit sakin, bago akong lumingon sakanya pinunasan ko ang luha ko.

"Bakit ho?" Tanong ko umangat naman tingin ko sa nakatayo sa harap namin may hawak siyang papel at ballpen at sa bawat daliri niya ay mga pera. Siguro magbabayad ako, akala ko pa naman libre nakalinutan kong dalhin ang pera.

"K-kuya wala po akong pera eh" ani ko tumaas naman kilay niya "sumakay ka lang ng walang pera? Mahirap tayo ngayon bata, kung wala lang pera bumaba kana" ani ni kuya.

Wala na atang awa ang mga tao ngayon, uutang nalang siguro ako, pwede ko pa naman ipalista sakanila eh.

"K-kuya pwede pautang nalang wala akong pera eh, pinalayas na nga ako kuya"

"Wag mo kong idaan sa pagdradrama mo jan bata, bumaba kana."

"Wala po talaga akong pera kuya"

"Ito po, samin dalawa"

Napatingin ako sa katabi ko na nag abot ng pera. Siguro naman ako tinutukoy niya?

Pagkatapos umalis yung mamang iyon, bumaling ako sa katabi ko "uhmm salamat ho" pagsasalamat ko sakanya pero di niya ako pinansin hmp.

Ilang minuto na din ako sa biyahe siguro malayo pa. Hanggang sa nakatulog ako.

"Anak gusto mo laruan?"

"Opo nay! Gusto ko po barbie"

"Sige, pagbalik ko anak ha"

"Rommel! Bantayan mo tong bata to"

"Rommel! Rommel! Si Maricel nasagasaan!"

"Mayumi! Maglinis ka dito! Ang kupad kupad mo talaga!"

"Ikaw tamad kana nga! pabigat ka pa"

"kung hindi dahil sayo hindi masasagasaan asawa ko!"

"Lumayas ka! Magnanakaw lang bata ka"

Nagising ako dahil may tumatapik sa balikat ko, napatingin ako sa katabi ko

"Miss, ayos ka lang?"

Di ko namalayan umiyak na pala ako, agad ko din pinunasan iyon at tumango sakanya

"MAYNILA NA!" sigaw ng konduktor, kinuha ko ang gamit ko at nagpasalamat uli doon sa katabi ko.

Pagkababa ko sa bus napatingin ako sa paligid, merong mga making building at mausok dito di tulad doon sa probinsiya, sabi kasi ni Kyla na may mga malalaking building daw dito at totoo nga sinabi niya.

Paano ba to saan ako pupunta ngayo? Nag simula akong naglakad mga ilang minuto na ako naglalakad dito hanggang tumunog tiyan ko, di pa pala ako kumain simula nung umaga.

Umupo muna ako sa gilid ng kalsada dahil sa pagod sa paglalakad. Hanggang ginabi ako dito, tumunog nanaman uli yung tiyan ko di pa parin ako kumain hanggang ngayon.

May nakita akong mga bata natutulog sa tabi, naawa ako sa sitwasyon nila napatingin din ako sa isang bata na naghahanap sa basurahan.

Kinuha ko yung dalawang karton sa tabi yung batang natutulog di kasi ginamit manghihiram lang ibabalik ko lang naman, inaantok na ako gusto ko matulog.

Nilapag ko yung karton at nilagay sa gilid yung bag ko. Tumunog nanaman uli yung tiyan ko gutom na talaga ako gusto ko na kumain. Ipinikit ko nalang mata ko hanggang dinalaw ako antok.

3rd person's POV

"stop the car" ani ng lalaki habang nakatingin sa labas ng bintana sa loob ng kotse.

Dahil may natanaw siyang dalaga natutulog sa tabi ng kalsada, nakuha ng dalaga ang atensyon ng lalaki, nakatitig lang ang lalaki sa dalaga animo'y natutulog na anghel.

"bring the woman here" walang alinlangan sinunod agad ng driver ang utos ng lalaki, lumabas ang driver at pumunta siya sa dalaga na natutulog at binuhat niya yun papunta sa kotse, binuksan ng lalaki ang backseat at kinuha niya ang dalaga sa pasan ng driver.

Inilagay niya ang ulo ng dalaga sa hita niya at di parin maalis ang tingin niya sa mukha ng dalaga.

Mga ilang minuto din nakarating sila sa mansyon ng lalaki. Hininto ng driver ang sasakyan, binuksan ng lalaki ang pintuan sa kotse at binuhat niya yung dalaga.

Pagdating nila sa loob ng bahay, andun ang mga magulang ng lalaki naghihintay sa kanya.

"son, who is she?" tanong ng kanyang ina, nilingon naman niya ang kanyang ina "I don't know who she is, but she caught my attention, she was sleeping next to the lane. but I have a strange feeling to her" sabi niya sa kanyang in habang nakatingin sa mukha ng dalaga, nagkatinginan naman ang magulang niya "Let's eat first" saad ng kanyang ama tumango lang yung lalaki.

'she was like an angel'

Sa isip ng binata di niya namalayan nakangiti na siya, napabuntong hininga nalang kanyang ina "mauna muna kaming kumain, sumunod kalang sa dinning room" tumango uli yung lalaki sa kanyang ina.

Pagka alis ng kanyang magulang, tinawag niya ang kasambahay nila para dalhin sa guest room ang dalaga at bihisan ito.