TODAY in our modern world, specialized field na ang "enhancing humanity's next generation". Kaya naman umalingawngaw ang isa sa mga cliched plots na akala ko sa mga kwento ko lang pwedeng mabasa. Today, right now, after turning 20...I was one of the candidate to receive a letter announcing my chosen fiànce, soon-to-be husband.
And I don't like it.
I wanted to experience love. Falling for a person, suffering from him, falling out of love and meeting new ones. Gusto kong magpakasal sa taong mahal ko at mahal ako. But I just turned 20 and this was the government's current project. There was nothing I can do.
In-explain na din naman nila ang basehan ng mga match na gagawin. They based it on our social status, appearance, behavior, intelligence, and many more. Kahit na confident akong hindi gago ang makaka-pareha ko, hindi parin ako sang-ayon sa ganitong patakaran nila. It was unfair. Unjustified. And just so childish. They're preventing us in emotional attachment to others.
Dahil din sa proyektong ito ng government, umulan ng mga broken. Kaliwa't kanan may mga naaabutan akong nasa kalagitnaan ng away nila regarding this kind of marriage and later on...breaking up. As I have been single throughout my life, ako ang pinagbabagsakan ng luha nila.
"I can't believe this. He left me, Rei. Just because of this childish and stupid project. Hindi man lang niya ako ipinaglaban. Hindi man lang..." At may kaibigan akong nagda-drama ngayon sa tabi ko.
Just like me, she just turned 20 last month and was about to receive her letter. And last week, her boyfriend broke up with her for the same reason.
Walang gana akong lumingon sa kanya. "Sige, hanggang dito sa coffee shop ngumawa ka. You're not the only one going through break-up right now. It would be good for you and for others to suck it up para wala nang madamay sa kadramahan mo, okay?" Suminghot siya at nag-takip ng mukha gamit ang panyo niya. All I could do was shake my head disapprovingly. Kahit naman gano kadaming luha ang ipatak mo, wala kang magagawa. Of course, unless a person with a high social standard starts a resistance against this project.
But that is highly unlikely.
"I'm sorry. Mahirap kasi tanggapin. We've been together for at least 9 months." I scoffed and gave her a sharp gaze.
"He isn't even worth your tears. Para kang tanga, ilang beses mo na nga siyang nahuli na may kahalikang babae pero ganyan ka parin ngumawa? You're being stupid, Jin. Get a grip." Walang hesitation kong sabi sa kanya. Because it was the truth and I want that to engrave in her head. Na nagmumukha siyang tanga doon sa lalaking 'yon.
"Kasakit mo naman mag-salita." Napa-buntong hininga nalang ako bago ko siya binigyan ng isang blankong tingin.
"I was not being mean. And you know that." Hindi siya umimik. Saglit lang siyang humikbi bago sinimulang sipsipin ang in-order niyang kape. Tahimik nalang din akong sumimsim sa kape ko nang muntik nakong mabilaukan dahil sa tanong niya.
"So...have you got your letter yet?" I cleared my throat signaling I didn't want to talk about it.
Alam ni Rei na idealist ako. At Alam din niyang excited akong ma-inlove lalo na't kakatapos ko lang ng college last last month. Ang batch naming hindi naabutan ng K-12. It was my original plan to start my lovelife after graduating. Pero ganito nga ang nangyari. Everyone hesitated to fall.
"I got mine yesterday." Mabilis akong napa-lingon sa kanya dala ng gulat. Doon ko lang na-realize kung bakit ngumangawa siya ngayon at nage-emote. Kaya naman dahan-dahan ko nalang na hinimas-himas ang likod niya. Pakiramdam ko tuloy, handa na rin akong umiyak at maki-emote sa kanya.
I thought I'll be free to love. To experience everything. Pero hindi. The government took it away from me.
"It's okay. Malay mo, mas mahalin ka ng taong mapapakasalan mo?" Mabilis niya akong binigyan ng masamang tingin.
"Yang corrupt nating government magbibigay ng 'isang magandang tadhana'? Forged by people's hands and ideas? You think it's a good thing?" Binigyan ko nalang siya ng isang biting ngiti. Kahit ako, hindi sigurado sa sariling perspective.
"Everything happens for a reason?" Patanong ko nalang na sagot sa kanya. She scoffed and looked away. Ako? Isinandal ko nalang ang sarili ko sa upuan at pinagmasdan siyang lumuha nang lumuha.
"In this kind of situation, you're supposed to look at the bright side. Hindi naman siguro mangyayari 'to kung walang dahilan, diba? I know you'll be fine, Jin. Diba nga sabi nila, kung kayo. Kayo talaga." Muli siyang suminghot at nag-angat ng tingin sa akin. Her eyes were read and pleading. Naghahanap ng kasiguraduhan sa mga pwedeng mangyari.
I hate this...
"You really think everything is going to be fine?" Pinilit kong ngumiti para sa kanya.
"Yeah..." I lied. Hindi naman kasi sa lahat ng oras, nasa kamay ng tao ang lahat ng pwedeng mangyari.
Not only did the government took away the experience of many people but they also caused heartbreaks for people. Akala nila, ikabubuti ng susunod na henerasyon ang lahat ng ito. Akala nila, mas magiging maayos ang civilization. I disagree. Marriage and love yan. Hindi pinaghihiwalay. You shouldn't just marry anyone. Hindi ko maipaliwanag nang maayos but I know this is not to be tolerated.
Nagbaba ako ng tingin sa kape ko kasabay ng malalim na pag-buntong hininga.
If only I could stop this.
KARARATING ko lang sa loob ng bahay pero ganoon nalang ang pagka-taranta ko habang naka-tingin sa hawak na red envelope. Ayokong mag-isip nang masama pero malakas ang kutob ko na ito na ang pinaka-hihintay kong masamang panaginip na maaaring magkatotoo.
Sana hindi ito yung letter ng match ko. Ayoko pa. Maaga pang masyado. I just graduated college and I just hardly turned 20. I need to experience love first.
"You will not mess with my life." Nanggagalaiti kong bulong habang nakatingin sa envelope. Itinapon ko ito sa lamesa at umakyat na para makapag-bihis. And when I was all done, mabilis akong lumabas, dala-dala ang red envelope.
I stood by a large garbage can. At doon, pinunit-punit ko ang envelope. I could feel my hands shaking. I'm scared. I'm scared of what it is to come. Hindi ko kilala ang makakasama ko. And what? They based it on our behavior? How? Kinilala ba nila ang lahat ng tao?
"This is just plain bullshit people!" Malakas kong sigaw bago full-force kong sinipa ang basurahan. Dahilan para tumilapon ito sa gate ng bahay ko kung saan may naabutan akong lalaking naka-tayo. Napa-kunot ako ng noo bago tahimik na lumapit sa pwesto niya.
"Uhmm...can I help you?" Sarado ang gate ng bahay ko pero kahit na madilim ay alam kong sa labas siya ng bahay ko naka-tayo. He stood there as if he was waiting for someone.
Pero wala akong narinig ni katiting na tunog. Aalis na sana ako kaso mabilis akong napahinto nang makarinig ako ng isang malutong na mura mula sa taong 'yon. Halatang inis na inis.
"Tanginang 'yan!" And depending on the voice, it is a young man. Agad akong nag-tago sa isang gilid, kinakabahan.
Baka mamaya magnanakaw, mamamatay tao, o kaya rapist? Hala! Lumabas pa man din akong naka-shorts!
"S-Sinong andyan?" Kinakabahan kong tanong.
"It's me, stupid." Mabilis akong nalaglag sa sahig dala ng...gulat siguro? 'Cause I swear, if anyone who can recognize this guy with just a few cuss, ako lang 'yon.
Padabog akong tumayo, pinagpag ang sarili at nag-marcha papasok ng bahay. Wala akong pake sa pakay niya sa bahay ko. Wala akong pake sa mayabang na katulad niya. Kala mo kung sino maka-akto. I will never, ever, let him make fun of me again.
"Hey! Rei! Open the damn gate, we need to talk!" Binuksan ko yung isang bintana at nag-taas ng middle finger.
"Fuck off, asshole!"